CHAPTER ONE

951 Words
NOI TUTTI ENSIEME (Basta't kasama kita) Si Champagne at Vino, dalawang taong nahahati sa naging kapalaran ng mga magulang mula nang hindi naging maayos ang pagsasama ng mga ito sa isa’t isa. Iniwan si Vino ng papa niya para sumama sa ina ni Champagne at mas tinuring na anak ang dalaga. Sa mata ng lahat at sa gusto ng pamilya. Ituturing nila ang isa’t isa bilang tunay na magkapatid. Pero paano kung puso mismo ang humahadlang dahil bata pa lang si Vino at Champagne may pag-ibig ng nararamdaman, na gustong ipaglaban. May pang habambuhay bang pag-ibig sa dalawang pinaglalaruan ng tadhana ng mga magulang? Ipaglalaban ba nila ang pag-ibig sa isa’t isa o mananatili nalang sunud-sunuran? KABANATA 1 Sa mayamang bayan ng Las Felleras sa siyudad ng Dumaguete, may mayayamang angkan ang siyang nakatira sa nasabing siyudad. Ang pamilya ni Doña Elena kasama ang naiwang anak na si Vino Fontana. Tinalikuran sila ng asawa niyang si Vincenzo Tofolli, pagkatapos nitong sumama sa dating matalik na kaibigang si Doña Isabella. Napatikhim si Doña Elena sa mga naalala. Ilang sandali, narinig niya ang pinong katok sa pinto. "Mama." Si Vino nang pagbuksan niya ito, kagalang-galang sa suot nitong tuxedo. "Handa na ang pagtitipon? Ilang sandali na lang gaganapin na ang selebrasyon," anito. Muli siyang tumikhim. "Dumating na ba ang magaling mong papa?" aniya hindi makatingin ng direkta sa binatang anak niya. "H'wag ka ng umasang dumating pa si Vincenzo. Masasaktan ka lang, mama." "Tumigil ka, Vino. Mahalaga tayo sa buhay niya alam ko babalik siya sa'tin! Babalikan ka niya!" mariin niyang tugon sa asal nito. Bahagyang tumawa ang binata. "Ang isang taong umalis na sa buhay mo, nararapat na h'wag mo ng asahan pang bumalik, mama! Dahil una hindi ka iiwan nito kung mahalaga ka sa kaniya at pangalawa hindi ka babalikan nito kung wala ka ng halaga pa!" bulyaw ng anak. Winagayway niya ang mamahaling abaniko. "Umalis ka na! Lumabas ka na!" may diin ang mga salitang pinagkaloob niya rito. "Hindi ka na mahal ni papa! H'wag kang hibang,mama!" anito, bago tumalikod. "Nag-away na naman ba kayo ni mama?" salubong ni Chiara, ang bunsong kapatid ni Vino. "She don't change!" maiksi niyang sagot dito. "Pero, Kuya. Intindihin mo nalang si mama. Hindi biro ang pinagdadaanan niya lalo na ang pag-iwan sa'tin ni papa." Natigilan siya sa akmang pagbaba. "Mama is mama, dumaan man o magdaan ang panahon si mama ay mananatiling si mama, Chiara," makabuluhang sagot niya rito. Tuloy-tuloy na bumaba sa bulwagan ng malawak nilang sala sa mansyon. Kung saan ginaganap ang selebrasyon ng pagbabalik ng pamilya ni Doña Elena sa bansa galing sa Italya. > "PABABA na siya," bulong ni Valentina sa kaibigang si Champagne. Nang makita nila ang bulto ng binata pababa mula sa magarang hagdan ng mga Tofolli, walang iba kundi si Vino Fontana El Tofolli. "Aalalayan ba kita, Champagne?' narinig niyang tukso ng kaibigan. Kung saan pareho silang nagpapanggap bilang waiter sa engrandeng selebrasyon para sa ina ng kababata na si Doña Elena ang matalik na kaibigan ng Mama Ysabella niya. "H'wag kang pahahalata. Hindi pweding makilala niya tayo." Nag-iwas ng tingin ang dalaga ng bumaling ang tingin nito sa gawi nilang dalawa ni Valentina. "PABABA na si mama!" aniya ni Vino sa mga papanauhin. May maluwag na ngiting sumilay sa labi nito na nagbigay saya sa puso ni Champagne. Matagal niya ng pinangarap masilayan ulit ang ngiting 'yon. Pangarap na pinilit nitong tuparin kahit pa pinagbabawal ng mama nito ang dumalo sa pagtitipon sa mahigpit nitong kalaban sa negosyo ng kanilang pamilya. Nagtaas lahat ng tingin ang mga panauhin sa magandang ginang na pababa kasama ang bunso nitong anak na si Chiara. ISANG malakas na palakpakan ang narinig sa bulwagan sa pagbaba ni Doña Elena, ang ina ng binatang lihim niyang tinitingnan. Ang ginang na dating matalik na kaibigan ng mama niya, ang ginang na dating asawa na tinuturing niyang papa, si Senyor Vincenzo Tofolli ang papa ng lalaking noon pa man lihim niyang hinahanggaan si Vino Fontana El Tofolli. Mula sa malayo lihim na pinagmamasdan ni Champagne ang binatang abala sa pakikipag-usap sa mga bisitang pandangal nito. Napangiti siya sa sarili sa nakikitang tindig ng binata maging ang pagdadala nito ng sarili. "Malaki na ang iyong pagbabago senyorito. Maaaring ang damdamin mo ay nagbago na rin," wika ni Champagne sa kanyang sarili. Maingat siyang nagsalin ng alak sa wine glass na kinuha niya mula sa waiter na nagdaan sa harap niya. Binasa niya ang brand ng alak na nasa gawi niya sinunod ito sa pangalan ni Vino. "Nasaan na siya?" Hinahanap ng mga mata niya sa paligid ang binata ng makitang wala na ito kong saan lang nakatayo kanina. "Mukhang nakakarami ka na, Champagne," narinig niyang bulong sa pinong teynga niya walang iba kundi si Vino. Napalunok ang dalaga. "Surprise!" anitong nakangiti. Pinagmasdan siya mula ulo hanggang paa, paa hanggang ulo. Walang bahid ng pagtataka sa suot niyang may pagpapanggap. "Kilalang kilala kita, Champagne. Magbalat kayo ka man," anito. Muli s'yang napalunok. Hindi makatingin ng direkta sa binatang kanina lang mula sa malayo kan'yang pinagmamasdan. "U-uhm, a-aalis n-na a-ako," nauutal niyang tugon dito. Ngumiti si Vino. Tinanggal sa kamay niya ang alak na kanina lang marahan niyang tinitikman. "Yan ba ang salubong ng inaakong anak ngayon ni papa?" Hinawakan nito ang baba niya nang magtama ang mga mata nilang dalawa. "A-aalis na ako, senyorito." Tinanggal niya ang kamay nitong nakahawak sa baba niya. Walang paalam siyang hinawakan ni Vino sa braso niya giniya sa isang sulok kong saan ala gaanong panauhin. Hinawakan siya nito sa magkabilang braso. Nagpalipat-lipat ng tingin sa mga mata niya. "Mi manche my damn, Little sister," may diing saad nito bago siya mapusok na siniil ng halik sa labi niya. -----
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD