Chapter 9 : Tore De Las Ferrelas

2024 Words
LA FERELLAS, DUMAGUETE "NAKAUSAP MO NA BA SI MAMA?" tanong ni Chiara kay Vino. Naabutan siya nitong nagkakape sa may veranda ng bahay nila nang umagang iyon. "Sinubukan ko..." maiksi niyang tugon ditong hindi makatingin sa kapatid. "Tapos ano'ng nangyari? Pumayag ba siya?" "I told you don't expect that much, Chiara." Umupo ang kapatid niya paharap sa kaniya. "Sinubukan mo ba talaga? O, baka naman hindi mo pinilit." "Ha detto che papà si sarebbe arrabbiato, quella era la sua unica risposta." Sinulyapan ito ni Vino, hindi nakaligtas sa kaniya ang malungkot nitong mga mata. "Pero susubukan ko pa rin, Chiara. Susubukan ko pa rin nakita mo man kami ni Champagne o wala. I want you to be happy, Sorella." "Napakahirap intindin ni mama, Kuya. Buong buhay ko siya na lang palagi ang nasusunod. Hindi niya na ako binigyan ng kalayaan pa!" nagtatampong wika nito sa kaniya. Naiintindihan niya kung saan nanggagaling ang emosyong 'yon ni Chiara. Naranasan niya rin naman ito noon mula sa Mama Elena nila. "Lagi na lang si papa ang dinadahilan niya, kahit naman wala nang pakialam sa atin iyong tao." "Chiara!" Tumayo si Chiara, nandoon pa rin ang sama ng loob nito sa desisyon ng mama nila. "Kung ayaw niya akong payagan. Fine. Huwag lang siya magsisi isang araw kapag hindi ko na kaya pa ang kahigpitan niya." Iniwan siya nitong walang paalam. Tuloy-tuloy na naglakad hanggang sa mawala ito sa paningin niya papasok sa bahay nila. 'Poor Chiara! Pareho lang naman sila ni Champagne na nakakaranas ng lahat ng 'to. Hindi ko tuloy alam kung masasabi ko bang maswerte ako sa pamilyang 'to!' aniya sa sarili para sa kaparalan niya bilang Fontana El Tofolli. Inubos niya na ang kape niya at may kailangan siyang puntahan ngayon. Bibisitahin niya si Champagne sa eskwelahan nito at aalamin ang ilang impormasyon tungkol sa lakad ng mga kaibigan nitong planong samahan ni Chiara. Kapag naman masigurado niyang maayos, ligtas at mapagkakatiwalaan naman ang mga kasama at nasa mabuti ang lahat— kahit hindi niya na ipaalam si Chiara, siya na lang ang gumawa ng paraan para makaalis ito. Wala naman magagawa ang Mama Elena nila kapag nakaalis na si Chiara. Hindi na bali ang siya ang mapagalitan, huwag lang maging malungkot ang kapatid niya. Handa naman siyang isaalang-alang ang lahat para dito. Mahal niya si Chiara at iba ang pagmamahal na 'to na mayroon siya kay Champagne. 'I'll help you, Sorella. Take it easy.' == WALANG gana si Champagne makinig sa klase nila, hanggang sa matapos ang buong oras. Hanggang sa labas ng classroom nila wala siyang panahon makipag-usap kahit kanino. Hindi niya pa nakikita si Chiara mula kanina, nasa ibang departamento ito, pero madalas pumupunta naman ito sa kanila para puntahan ang tatlo niyang kaibigan na mas malapit dito. "Hindi ba pumasok si Chiara?" tanong niya kay Veronica. Ito ang nagsisilbing matalik na kaibigan ni Chiara. "Hindi ko nakita kanina pa e, baka may exam lang," sagot naman nito. Nasa cafeteria sila ng university. Abala ang tatlong kaibigan niya sa leksyon nila samantalang si Sharon ay abala naman makipagtelebabad sa nobyo nitong nasa ibang unibersidad. "Baka may problema," nasabi ni Champagne sa sarili. Kinuha niya ang cellphone niya para tawagan sana si Vino at magtanong ng tungkol kay Chiara dito nang may message pala ito sa kaniya. [ Hi! Nasa university ka ba ngayon? Nandito ako sa parking lot. May klase ka pa ba? ] - Vino. Napalunok si Champagne, nilingon niya ang tatlo ganoon din si Sharon na solo sa kabilang mesa. Napatingin sa kaniya si Veronica, ngumiti lang siya rito. Paano siya makakapuslit ngayon? At ano ang ginagawa ni Vino dito? Iyon ang tanong ni Champagne sa sarili niya. "Cr muna ako, guys. Maiwan ko muna kayo," paalam niya sa mga kaibigan. Pinapanalangin niya ngayon na sana walang may magtangkang sumama sa kaniya. "Sigi lang. Balik ka agad ha," ani sa kaniya ni Nica. Kumindat pa ito sa gawi niya, nagtataka tuloy siya kung may alam ba ito o what. "Sandali lang ako," aniya. Tumayo si Champagne at hindi na nagtangkang magpaalam pa kay Sharon, alam niyang sasama lang ito sa kanya. Kilala niya ang kaibigang niyang iyon, mabuti na nga lang at abala ito sa nobyo nito may pagkakataon siyang tumakas para puntahan si Vino. == WALANG reply na natanggap si Vino mula kay Champagne, hindi niya tuloy alam kung maghihintay ba siya roon o aalis na. Pero halos kararating niya pa lang naman, maghihintay na lang siya ng ilang oras dito. Kilala niya si Payne, gagawa ito ng paraan kung sakali para puntahan siya. Hindi naman siya matitiis ng dalagita. Pinili niya na lang magpatugtog, habang hinihintay si Champagne, malakas ang loob niyang oras mabasa ng dalagita ang mensahe niya rito pupuntahan din siya agad nito. Napili ni Vino ang 'It might be you.' mula sa sariling playlist niyang para kay Champagne. Mas sumilay ang masayang ngiti niya nang mapansin siya si Champagne, papunta ito sa gawi niya mabuti na lang at iilan lang ang sasakyan naroon. Kilalang-kilala din naman ni Champagne ang sasakyang niyang hindi nakaligtas sa paningin nito, binuksan niya ang bintana sa gawi ng passenger seat. "Cosa ci fai qui, fratello?" tanong nito sa kaniya. Nainis siyang tinawag siya nitong Fratello na ang ibig sabihin kuya. "Stai zitto! Salta, Amore mio," tugon ko naman sa kaniya. "Matatawag mo pa kaya akong, mi amore kung nasa harap natin ang magulang natin ha, Vino?" ani sa kaniya ni Champagne. Sumampa na ito sasakyan niya. "Anong ginagawa mo rito? Si Chiara ba? Hindi ko siya nakita kanina pa, tinanong ko rin kay Nica kung nakita niya ang kapatid mo pero hindi niya raw napansin. May problema ba?" sunod-sunod na tanong sa kaniya ni Champagne. "Maniniwala ka ba kung gusto lang kitang makita, Payne?" "Vino, pinapamahak mo lang ang sarili mo! Maaaring wala ang papa mo rito, pero hindi mo ba naisip na may mga mata pa rin siya na maaaring makapagbigay alam sa kaniya tungkol sa ginagawa mo?" "Then fine! Wala naman akong dapat ikatakot dahil wala naman tayong ginagawang masama!" aniya rito. Tama naman siya! Wala naman silang ginagawang masama ni Champagne. Siguro sa ngayon, kastigo naman ng sarili niya. Baka sa ngayon wala pa silang ginagawang masama. Pero paano kung sa paglipas ng panahon? Umiwas si Champagne nang magbaba siya ng tingin sa labi nito. "Non ti bacerò questa volta, Amore." NAPALUNOK si Champagne nang madinig niya ito kay Vino. Wala raw itong planong halikan siya. Dapat matuwa siya dahil isa iyon sa iniiwasan niya ngayon, pero nandoon din ang dismayadong pakiramdam dahil wala itong balak na hagkan ang labi niya. Ang buong akala niya pa naman kaya ito nandoon dahil nangungulila ito sa halik niya, nagkakamali lang pala siya. "Bakit ka malungkot?" untag nito sa kaniya. "Anong malungkot ang pinagsasabi mo diyan! I'm not! At bakit naman ako malulungkot?" "Napansin ko lang." "Pwes! Nagkakamali ka. Masaya ako." "Bakit ka naman masaya? Masaya ka ba dahil nandito ako?" tudyo sa kanya ni Vino. "May kailangan ka pa ba? May kailangan pa akong pag-aralan, Vino." "May klase ka pa?" tanong nito sa kaniya. "Halos katatapos lang ng mabasa ko message mo, pero ang mga kaibigan ko nandoon para mag-aral ng leksyon namin ngayon." "Then. Good. May pupuntahan tayo." "Anong pupuntahan?" Nagulat si Champagne nang biglang buhayin ni Vino ang makina nang sasakyan nito. Hindi siya nakaalma nang tuluyan silang nakalabas ng unibersidad. "Ynno, baka ipasundo ako ni Mama Gemma sa driver namin." "Ako ang bahala. Kilala ako ni Tita Gemma, pwedi kitang ihatid sa inyo." "Ynno! Ano ba? Hindi naman pwedi na kapag gusto mo, gusto mo. Mapapahamak lang tayong pareho." "Wala kang dapat ipag-alala sa akin, Payne. You're safe. Hindi ka mapapahamak sa akin tulad ng iniisip mo. Magtiwala ka lang." Napasinghap na lamang siya sa tugon sa kaniya ni Vino, hindi na siya nagsalita pa. Pamilyar sa kaniya ang daan kung saan ang tinutumbok nito. "Miss mo na ba ang Toro 'De La Ferellas?" tanong sa kaniya ni Vino. Isa iyong madalas puntahan ng mga turistang nagagawi sa Dumaguete, mayroong isang tore sa gitna ng palayan at kapag nandoon ka sa pinakataas kitang-kita mo halos ang malawak na karagatan at kapatagan ng lugar nila. Tama si Vino, kung alam lang din nito kung gaano siya nangungulila sa lugar na 'yon. "Gusto kitang dalhin d'on, Payne. Ligtas tayo d'on, walang pweding makakilala sa atin." Maaaring tama ang binata, halos dulo na ng lugar nila 'yon, palabas na papunta ng ibang probinsiya. Napalunok na lamang siya sa kabang nararamdaman at napatingin sa orasan ng telepono niya, halos mag-a-alas tres na ng hapon. "Ayaw kong gabihin. I-re-report lang ako ni Mama Gemma kay Mama Ysabella. Aalamin lang nila ang lahat ng tungkol sa akin dito, Ynno." "Magtiwala ka sa akin, Payne. Hindi kita ipapahamak. Pangako." Pumailanlang ang isang malamyos na tugtugin mula sa playlist ni Vino. Binaba niya rin ang tingin sa kamay niyang walang paalam na hinawakan nito, walang pasabing dinala ng binata ang likod ng palad nya sa labi nito at hinalikan iyon. Napangiti si Champagne habang ang mga mata nila'y nagkasalubong ng tingin sa isa't isa. "Nagtitiwala ka ba sa akin, Mi Amore?" "Oo, Mi Amor. Nagtitiwala ako sa 'yo, Ynno. Hindi magbabago at mawawala ang tiwalang 'yon. Pangako." NAKARATING si Vino at Champagne sa Toro 'De Las Ferellas. Pagkamangha ang nakikita ni Vino sa mga mata ni Champagne habang nasa loob pa rin sila ng sasakyan nito. "Nagustuhan mo ba, Payne?" tanong niya sa dalagita. Nakita niya ang namumuong luha sa mga mata nito, hindi niya alam kung para saan 'yon, pero nakaramdam siya ng pag-alala sa dalaga. "H-huling beses kong punta dito n'ong dalhin ka nila sa Italya, Inno." Napangiti si Vino, hindi pala ito nagawang kalimutan ni Champagne. "Unang beses kong punta 'yon iyong una kitang nahalikan, Payne. You're so innocent that time, pero labis kong naramdaman na mahal mo ako sa kabila ng sitwasyon nating dalawa!" Lumingon sa gawi niya si Champagne, nandoon pa rin ang lungkot sa mga mata nito. "Wala pa rin akong maisip kung bakit nangyayari ang lahat ng 'to, Ynno. Pero pilit kong iniintindi dahil alam kong may dahilan kung bakit kailangan..." Ginagap niya ang kamay ni Champagne at dinala ito muli sa labi niya para gawaran ng isang halik. "Pagsubok lang ang lahat ng 'to para sa atin, Champagne. Nagtitiwala ako, na matutupad ang lahat ng pangako sa Tore noon." "Paano kung hindi, Vino? Paano kung ganito na talaga ang kapalaran nating dalawa?" Umiling-iling siya't kinulong sa mga palad niya ang palad ni Champagne. Buo ang loob niyang ang lahat ng 'to may magandang kalalabasan. Hindi siya nawawalan ng pag-asang bumalik sa kanilang lahat ang normal na pamumuhay mula nang masaya pa ang kani-kaniyang pamilya. "Payne..." Lumingon itong muli sa gawi niya nang tawagin niya ang pangalan nito. "Bakit hindi nagbago ang nararamdaman mo sa akin? Bakit mahal mo pa rin ako?" Nagulat si Vino sa biglang pagsandal ni Payne ng ulo nito sa balikat niya habang ang mga kamay nila'y nanatili pa ring magkadaup-palad. "Nangako ako sa 'yo eh. At 'di ba kapag nangako ka, dapat tutuparin mo 'yon kahit na ano ang mangyari? Nangako ako sa 'yo, Ynno. At hindi ko sisirain ang pangakong 'yon kahit pinaglalaruan pa tayo ng tadhana ngayon! Kahit na sa lahat ng tao sa mundo tayo pa iyong nakakaranas nito!" puno ng lungkot na sagot sa kaniya ni Champagne. "Mahal din kita, Payne. At hindi kahit kailan hindi nawala ang pangako at nararamdaman kong 'yon para sa 'yo." Nagtaas muli ng tingin si Champagne sa kaniya, napangiti sila sa isa't isa. Hinalikan nya ang nuo nito at muling pinagmasdan ang Tore 'De Las Ferellas. Nagulat si Vino sa ginawa ni Champagne nang bigla nitong hawakan ang pisngi niya at damhin ng mga daliri nito ang labi niya. "Gusto kong maramdaman ulit ang halik mo, Vino! Gusto kong maramdaman ng paulit-ulit ang pagmamahal mo." Napalunok sila, sa mga sinabing iyon ni Champagne, hanggang sa sabay silang napapikit na dalawa nang maglapat ang labi nila sa isa't isa at muling pinagsaluhan ang matamis na halik sa lugar kung saan nangyari ang kanilang unang halik na sumimbolo sa kanilang wagas na pag-ibig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD