CHAPTER 10 “Anong parusa sa ganitong kaso, Attorney. Kung sakaling matalo tayo, ano ang ipapataw sa akin na parusa.” “Sa ngayon wala na tayong death penalty. Reclussion Perpetua ang pinakamabigat o habambuhay na pagkakabilanggo.” “Ano?” “Oo. Kailangan nating magdasal. Kailangan nating gawin ang lahat ng paraan para mapawalang-sala ka. Gusto kong maging honest sa’yo. Napakaliit ng chance na makakalaya ka pa. Inuulit ko, isa lang ang tangi nating pag-asa, ang testimonya ng biktima.” Nanlambot ako. Nanginginig sa takot. Parang naninikip ang dibdib ko. Kailangan kong makausap si Eldrin. Kailangan niyang sabihin ang totoo. “Huwag kang mawalan ng pag-asa anak ha? Gagawin natin ang lahat para lumabas ang katotohanan.” Pang-uulit ni Mama sa akin nang magpaalam na sila. Ngunit alam ko, ramdam