CHAPTER 3
“Nakakatawa lang po kasi sir, pagkatapos ng klase, nagtatanong kayo sa amin kung may tanong kami. Kung magtatanong ako na hindi alam ng aking teacher ang sagot, kasalanan ko. Bakit sir, mali ba ako na hindi sila handa sa kanilang itinuturo? Sir, reponsibilidad nila bilang guro na mas marami pa sana silang alam kaysa sa amin.”
Bumuntong-hininga ako. Alam ko, wala siyang kasalanan sa pagiging matanong. Aminado ako na tama lang naman na magtanong ang mag-aaral sa kanyang guro at hindi dapat masamain iyon. Pero kailangan kong sabihin sa kanya kung anong mali.
“Ang mali lang kasi anak, hindi ka nagtatanong dahil hindi mo naintindihan yung aralin, o hindi may hindi ka nagustuhan o hindi mo naintindihan ang paliwanag o mga halimbawang ibinigay. Nagtatanong ka para ipamukha sa teacher at sa mga kaklase mo na mas mahusay ka kaysa kanila.”
“Hindi sir.”
“Anong hindi? Ako mismo, na-experience ko ‘yan sa’yo. Alam mo kung bakit kami, bilang guro ninyo, nagtatanong kami kung alin sa mga naituro namin sa araw na iyon ang naintindihan ninyo, ibig sabihin tungkol lang dapat ito sa araling tinalakay. Oo tama ka, hindi mo kasalanan na hindi kami handa, pero kaming mga guro ninyo, mga tao rin kagaya ninyo. Hindi namin minsan napaghahandaan ang bawat tanong na masigasig na ni-research muna ninyo sa internet bago magsimula ang klase. Ang pinaghahandaan lang kasi namin at inaaral ay yung nasa libro na sanggunian namin at lesson sa araw na iyon at hindi yung mga bagong innovations o bagong lathala na nasa internet. Dapat alam naming lahat iyon dahil bilang guro, dapat updated kami pero hindi lahat may access. Hindi lahat may sapat na oras. Hanga ako na kahit paano ay may alam ka na hindi pa namin alam pero anak, hindi lahat kami ay well-informed sa mga bagong tuklas. Marami kaming ginagawa kaya hindi pa namin nababasa lahat ng bago.”
“Pwede ba sir, huwag mo akong tawaging anak. Ilan lang ba ang agwat ng edad nantin, lima? Apat?”
“Adviser mo ako. Ako ang pangalawang magulang mo mali bang tawagin kitang anak?”
“Adviser kita, oo pero hindi kita tatay. Huwag mo akong tawaging anak. Nasa paaralan tayo pero wala na tayo sa ating classroom. Pwede na nga kitang tawaging Kuya Neil o Neil kung gusto ko e.”
“Attitude.” Bumuntong hininga ako. Nagpigil pa rin ako kahit medyo namumula na ang aking mga tainga sa galit. “Ngayon, kung ayaw mong makinig at lagi kang may rason, wala na tayong pag-uusapan pero Eldrin, hindi mo ako mahihintay na mag-bow sa’yo. Punum-puno ang utak mo ng mga dahilan kaya hindi na ‘yan nakatatanggap ng mga pangaral. Magbawas ka baka may papasok pang bago. Baka ma-appreciate mo na ang sinasabi ko ay pagpapatunay lang na nagke-care ako sa’yo.
“You do?” nakangiting tanong niya.
“Yes I am.”
“Talaga ba?”
“As your teacher-adviser, I do care for you.”
“Akala ko naman…”
“Akala mo ano?”
“Akala ko kagaya ng pagke-care ko sa’yo. Akala ko personal care and not as your student.”
Huminga ako nang malalim. Umiling. “Kung nagke-care ka sa akin bilang guro mo, dapat marunong ka ring makinig at hindi lang sarili mo ang pinakikinggan mo.”
“Sir nabasa mo ba yung sulat ko?” pagbabago niya ng usapan.
“Oo, bakit?”
“Tungkol sana sa bagay na gusto kong ipagtapat sa’yo.”
“May problema ka ba? May gumugulo ba sa isip mo?”
“Sa puso at isipan ho,” nakatitig siya sa akin. “Di ba ho, adviser ko kayo? Ibig sabihin lahat pwede kong ipagtapat at sabihin sa inyo at kayo ang papayo po sa akin sa dapat kong gawin?”
“Oo, tama ka. Responsibilidad ko iyon. Bakit? Anong gusto mong sabihin?”
“Okey. Paano mo malalaman na gusto o mahal mo ang isang tao?”
Kumunot ang noo ko, “Personal ‘to ah. Pero sige. Ano uli iyon?”
“Paano mo malalaman na mahal mo ang isang tao, ‘kako.”
“Bakit, may nararamdaman ka bang kakaiba sa isang tao?”
“Pwede ho ba sir, ako muna ang sagutin ninyo? Saka na lang ho kayo magtatanong kapag tapos na ako?”
“Okey, siguro sa akin ha, masasabi kong gusto o mahal ko ang isang tao kapag lagi ko siyang iniisip, lagi ko siyang gustong makausap at makasama, pinapangarap ko na maging kami habangbuhay. Gusto kong makita siyang masaya. Ginagawa ko ang lahat ng gusto niya at sinusunod ko lahat ng kahilingan niya. Yung hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi ko siya nakakausap o nakikita.”
“Ibig sabihin pagmamahal na nga ito. Medyo may ilang bagay pa akong hindi nagagawa sa sinabi ninyo.”
“Anong sinabi ko na hindi mo pa nagagawa?”
“Yung tungkol sa sinabi mo sir na mahal mo ang isang tao kung ginagawa mo ang lahat ng gusto niya at sinusunod mo lahat ng kahilingan niya.”
“Bakit, may mga hiling ba siya na hindi mo ginagawa o sinusunod?”
“Meron na, at simula bukas, gagawin ko ang hiling niya.”
“Then that’s good lalo na kung ikabubuti mo naman ang hiling niya at hindi naman masama ang mga gusto niya.”
“Hindi naman, Sir. Lahat ay para naman sa kabutihan ko.”
Napalunok ako. Bakit ganito magsalita ito? Saka bakit ang lagkit ng tingin niya sa akin? Sinusubukan ba niya ako?
“Sir, bawal po ba talaga na makipagrelasyon ang istudyante sa kanyang guro?”
“Oo naman.”
“Di ba mga tao rin kayong mga guro? Iyon ang sabi ninyo kanina. Tao rin ho kaming mga istudiyante. Paano ngayon naging bawal magmahalan ang dalawang tao lalo na kung wala naman sa kanila ang kasal pa?”
“May umiiral tayong batas tungkol diyan Eldrin. Hindi basta lang sinabi na bawal.”
“Anong batas iyon sir? Batas na gawa ng tao? Gusto kong malaman.”
“Kapag relasyong guro at estudyante na ang pag uusapan, maraming konserbatibong kilay ang nagtataasan at mayroon din namang mga pusong pilit na maghahanap ng pamamaraan para ito ay mabigyang katarungan na maaari naman talaga sa ilan ngunit sa akin, hindi ko kaya. Hindi ko gusto at hindi pwede.”
“Ano bang eksaktong batas ang tinutukoy ninyo?”
“Di ba sinabi ko sa’yo? Kaming mga guro ay tumatayong loco parentis ng mga kagaya ninyong menor de edad. Ang mga batang nasa paaralan ay protektado rin ng batas,” huminga ako ng malalim. Pilit kong inaalala kong anong batas iyon. “Kung hindi ako nagkakamali, ito ay sa ilalim ng RA 7610 o tinatawag na Child Abuse Law at RA 7877 na nakapaloob naman sa Anti- s****l Harrasment Act.”
“Alam na alam mo ang batas sir ah.”
“Oo naman kasi ayaw kong magkamali.”
“Magkamali? Magkamali saan, Sir?”
“Magkamali at makulong dahil sa hindi ko alam ang mga batas na dapat sundin.”
“E, 16 naman na ako e. Bata pa ba ang 16?”
“15 ka pa lang. Alam ko dahil hawak ko ang records mo. Next year ka pa lang mag-16. Well. Kahit naman 16 ka na, minor ka pa rin lang naman. Makinig ka ha, kaming mga guro ay may direktang impluwensya at “moral ascendency” sa inyong mga mag-aaral kahit pa kayo ay boluntaryong pumasok sa love affair sa aming mga guro. Ang ganitong “sweetheart theory” ay hindi kailanman tumatalab sa korte lalo pa at menor de edad ka pa.”
“Sixteen na nga ako sir.”
“Fifteen ka pa lang nga. Bakit ba ang kulit mo.”
“Round off mo kaya. Ilang buwan na lang 16 na ako e.”
“E kahit pa nga, di menor de edad ka pa nga rin. Sa RA 7610, para maiturung na menor de edad, ang bata o mag aaral ay dapat na mababa sa 18 taong gulang, o e 15 ka pa lang kahit ipilit mo pang 16 ka na, hindi ka pa rin legal age. Sa panahon ngayon na halos magkakaedad na ang teacher at ang mga estudyante lalo na sa mga Senior High Schools, hindi maiwasan na may mamagitan na love affair sa pagitan nila pero tulad ng sinabi, hindi ako.”
“Marami akong kilala sir, nagkarelasyon. Dito mismo sa campus natin. Bakit sa’yo, hindi pwede? O pwede na siguro kapag 18 na ako ‘no?”
“Then wait until your 18 at hindi na kita student pa rito.”
“Talaga?”
“Nagbabago ang damdamin. Ang gusto mo ngayon, maaring hindi na pagdaan ng panahon lalo na sa’yong bata pa.”
“Krimen pa rin ba iyon kapag 18 na ako at kami na ng teacher ko?”
Hindi ko na alam kung bakit parang iba na ang takbo ng usapan. Parang siya at ako na ang tinutumbok niya pero kailangan ko siyang sagutin para malinawan siya.
“Sakaling sobra na sa 18 ang edad ng estudyante, hindi na ba ito isang krimen? Yung yung tanong mo hindi ba?”
“Alalahanin natin na mayroon pa rin tayong Child Protection Policy iyon yung DepEd Order 40, na kung saan, kasama sa mga itinuturing na bata ang mga may edad na 18 pataas basta sila ay mag aaral sa paaralan na kinabibilangan.”
“Graduate na ako no’n dito. Pwede na kasi hindi na ako dito mag-aaral ng Senior High para malaya na ako na mahalin yung mahal ko.”
“Okey. Desisyon mo ‘yan pero sana huwag doon sa lilipatan mong school ninyo ikaw magkakagusto uli sa teacher mo. Marami nang guro sa ating bansa ang nakasuhan ng s****l harassment, qualified seduction, child abuse, o r**e na nagsimula lamang sa tinatawag na pag-iibigan. Hindi lang pagkakulong ang kaparusahan kundi pati na rin ang perpetual disqualification from the public service. Ayon din sa Code of Ethics for Professional Teachers of the Philippines, “Where mutual attraction and subsequent love develop between teacher and learner, the teacher shall exercise utmost professional discretion to avoid scandal, gossip and preferential treatment of the learner.” Parang gano’n ang nakalagay do’n?” Pilit kong inalala kung tama ang pagkakatanda ko. “Basta gano’n ‘yon. Kami bilang mga guro ay may kalayaang umaksyon at sumunod sa moral na pamantayan tungkol sa aming responsibilidad bilang guro ng mga mag aaral na ipinagkatiwala sa amin ng inyong mga magulang at ng buong lipunan. Kug ako ang tatanungin mo kung pwede ba akong pumasok sa ganitong relasyon?” Umiling ako, “Hindi ngayon, hindi pa rin kahit kailan.”
“Kahit po ba ako ang manliligaw sa inyo, sir? Kahit po aamin ako sa inyo na mahal ko na ho kayo?” hinawakan niya ang kamay ko.
Hindi ko agad nahila iyon sa pagkagulat. Dumagdag pa ang biglag pagbukas ng pintuan. Hawak ni Eldrin ang palad ko at kahit hinila ko pa iyon, nakita na ni Miss Reyes, ang kilalang chismosa sa aming campus na para kaming naghahawakan ng kamay ni Eldrin. Kinabahan ako.