CHAPTER 8 “Bakit ho?” “Bakit? Bakit daw oh!” nagtawanan sila. “Tumayo ka gago ka!” dinagukan ako ng Mayor na siyang lalo kong ikinalito at ikinagulat. “Anong kasalanan ko?” Tulirong tanong ko. Lahat ng kalasingan ko ay parang biglang nawala. “Anong kasalanan mo? Hindi mo alam ang kasalanan mo, hayop kang bakla ka?” “Wala akong kasalanan sa inyo at wala akong ginagawa!” singhal ko. “Tarantado ka. Ginahasa mo ang anak ko.” “Ginahasa? Sinong ginahasa ko? Si Eldrin? Hindi ho! Nagkakamali kayo.” “Dinala mo ang anak ko sa motel. Sinaktan mo! Pinilit makipagtalik sa’yo tapos magmaang-maangan ka na walang ginawa?” “Hindi! Hindi ko ginawa ‘yon. Tanungin pa ninyo siya. Wala akong ginawa! Maniwala kayo sa akin. Wala akong ginawa!” malakas ang