TWO: DETERMINED

1790 Words
Nanibugho ako pagkatapos kong marinig mula kay Gab ang kanyang ibinalita. “Bakit ka magtatagal dun? You mean, ilang buwan din tayong hindi magkikita? Bakit naman ganun?” Nanginig ang boses ko. He sighed at tumabi sa akin. He hugged me so tight and I let myself cry on his shoulders. “Julz, magkikita pa naman tayo. High tech na ngayon. We can talk every day via Skype, Facetime. Magte-text pa rin naman tayo at magtatawagan. I am always willing to listen about your daily struggles in life. I will find time para makapag-usap tayo ng matagal. Please don't cry, Julz.” Suminghap ako. “I'm sorry, Gab. Hindi ako sanay na wala ka. Pakiramdam ko’y hindi ko kaya. My day won't be complete without you. Maintindihan ko pa kung sa ibang parte ka ng Pilipinas pupunta, pero doon sa America? Tapos ilang buwan bago ulit tayo magkita? Ang hirap nun, Gab. I can't.” “Julz, don't make this hard for me. This is for our future. Yun na lang ang isipin mo. Nahihirapan din naman ako pero wala akong choice kundi ang pumunta doon at mag-stay ng ilang buwan. Pangako, pagbalik ko, hindi na ako aalis pa sa tabi mo. Just trust me on this.” Puno ng pagsusumamo ang kanyang tinig. Mula nang maging magkasintahan kami ni Gabriel, nasanay na ako lagi sa presensiya niya. Nasanay ako sa paglalambing niya at pag-aalaga sa akin. My parents died when I was young at kahit may kamag-anak na kumupkop sa akin, kay Gabriel ko pa lang naramdaman kung paano maalagan mula sa ibang tao. Masarap sa pakiramdam na may isang tao na laging na-aalala sa’yo, taong handang tumulong sa mga problema mo, taong handang gawin ang lahat mapasaya ka lang. At lahat ng iyon ay binigay sa akin ni Gabriel. Kaya lahat din ng gusto at plano nito ay sinusunod ko dahil alam kong para din iyon sa ikakabuti ko—naming dalawa. Labag man sa aking loob ay tumango ako. “Okay. Kung yan ang gusto mo.” “Julz, hindi dahil sa gusto ko kaya ako aalis. I chose this to be with you for the rest of our life. Our future lies on this trip. Pagbalik ko, I'm gonna marry you. And that's a promise.” Hinaplos nito ang aking pisngi at nagtama ang aming mata. Bumaba ang kanyang mukha sa akin at sinalubong ko iyon. Gabriel kissed me softly. Sa umpisa ay banayad lamang iyon ngunit sa katagalan ay naging mas mapang-angkin, mas mapusok. Suminghap ako nang dumantay ang kanyang palad sa aking kaliwang dibdib. Alam kong mahal ko si Gabriel pero pag ganitong medyo nawawalan siya ng control sa mga intimate moment naming ay medyo naasiwa na ako. I stopped from kissing him and pulled my face. Umiling ako at ngumiti sa kanya. Ngumiti din itong pabalik sa akin at sinandal ang kanyang noo sa akin. “There’s always a right time for this.” Aniya. Tumango ako. “And today is not the right time yet. I want us to get married first before I surrender myself to you. Alam mo yun di ba?” “Of course, honey. At yun din ang gusto kong mangyari. I am sorry if I sometimes lose control. I just can’t help it. You are irresistible.” He chuckled. “By the way, ang isa pa pala sa rason ng pagdalaw ko dito ay gusto ko sanang mag-resign ka sa iyong trabaho. I have a job for you in Davao. Wala akong ibang mapagkakatiwalaan na ibang tao sa negosyo ko doon kundi ikaw lamang, Julianne. Sana ay pumayag ka sa inaalok kong ito.” Medyo nag-loading ng ilang Segundo sa utak ko ang winika ni Gabriel. Trabaho sa Davao? Tama ba ako ng rinig? “Huh? Davao? Bakit ako? Tsaka hindi ako pamilyar sa Davao. I’ve never been there, Gab. Hindi ata ako papayag.” “Hon, hindi mo pa nga nasusubukan, umaayaw ka na? Promise, you will love Davao. It’s one of the best cities in the country.” “My concern is not about the city itself, Gab. You are giving me a big task! You want me to run a company that I am not familiar with? I don’t have a slightest grasp about running a damn company, Gab! I don’t even think I am qualified for that position. You think too high of me.” “Because I know your capability, Julz. At madali lang iyon i-manage. Agency lang iyon at wala pa sa sampu ang mga tao ko doon. At isa pa, nandun sa Davao si kuya. He can look after you.” Napasinghap ako. “What? What do you mean by that? Ano ako bata at kailangan may nakabantay at mag-aalaga? Mukha ba akong alagain, Gabriel?” Umiling ito at napasandal sa sofa. I could tell he’s frustrated at me but so am I. Hindi ko gusto ang kanyang plano. “You don’t get my point, Julianne.” “Ditto.” “C’mon, honey. Ang gusto ko ay habang nasa America ako ay mapanatag ang kalooban ko dahil alam kong okay ka. May mga tao kang malalapitan doon. Di ba at doon din nakatira ang pinsan mo? Hindi ba mas makakabuti sa’yo ang plano kong ito? Don’t refuse, Julianne. Para din sa’yo ito.” Malungkot na tinignan ko si Gabriel. Alam ko naman kung ano punto niya. Gusto lang niya ay mapabuti ako. Pero ang punto ko ang hindi nito makuha. Kahit dependent ako sa kanya sa halos lahat ng bagay, kaya ko pa rin naming tumayo sa sarili kong mga paa. Hindi ako naghihirap. May sapat na ipon ako na makakatulong sa pang araw-araw ko. May iniwan ding pera ang aking mga namayapang magulang. Pinapadalhan din ako ni tita. Ang totoo, kahit pa siguro hindi ako magtrabaho ay sasapat na ang pera ko sa bangko hanggang sa aking pagtanda dahil hindi rin naman ako maluhong tao. Masinop ako at matipid pagdating sa materyales na bagay. All I want Gabriel to understand is that even if I am dependent of him, I still have the right to complain about his plans for me. He’s acting more like a father than a boyfriend to me. Humugot ako ng malalim na hininga. Gabriel is determined about this. Kapag umayaw ako, baka ito ang kauna-unahang ayaw naming dalawa. At ayokong umalis ito ng bansa na masama ang loob sa akin. “Okay. I will try. Hindi ako nangangako pero susubukan ko.” I said in a low voice. Gabriel pulled me towards him. Ang higpit ng yakap nito sa akin. “You have no idea how much you have made me happy, Julz. Thank you for accepting my offer. I love you so much, honey.” Hinaplos ko ang kanyang likod at ngumiti ng pilit. “I love you too, Gab. You know I love you.” Ikinawit lamang nito ang takas kong buhok sa likod ng aking tainga. Pero ang ngiting nakasilay ay unti-unti nawawala at napalitan ng ngiwi. Tila ito may iniindang sakit. “Gab, are you alright?” “Yeah. Could you get me a glass of water, honey?” He said while clutching his chest. Nanghihinang sumandal ito sa sofa at mabilis itong naghahabol ng hininga. Ako naman ay halos takbuhin ang kusina para ikuha ito ng isang basong tubig. Nanginginig ang kamay ko at panay ang sulyap ko sa kanya. He was looking at me too at nagawa pa nitong ngumiti sa akin. “Don’t frown like that, Julz. I’m just out of breath. I’ve been hard to myself lately.” Anito. May kinuha itong kung ano sa bulsa ng kanyang pantalon. Maliit na kahon ito at may mga tableta sa loob. Kumuha ito ng isa at isinubo sa bibig kasabay ng pag-inom nito ng tubig na kakaabot ko lang sa kanya. “Sigurado kang dahil sa stress lang yan, Gab? You looked like you were about to have a heart attack!” Mariin kong hinawakan ang kanyang malamig na kamay at dinala sa aking pisngi. Unti-unting umaliwalas na ulit ang mukha ni Gabriel. “Okay lang ako, hon. Pero okay lang ba kung dito na lang ako magpalipas ng gabi?” Ngumuso ako. “Kung makapagpaalam ka parang first time mong dito matutulog, ah. Mainam pa nga na dito ka na matulog. Mamaya mahirapan ka na namang huminga habang nagmamaneho. I can’t afford to lose you, Gab. I just can’t.” “You we are not going to lose each other, Julz. That’s a promise.” Lumapit ito ng bahagya sa akin para kintalan ako ng banayad na halik aking noo. Kalmado na ako ngayon. Ang kaninang takot at pag-alala ay unti-unti nang nawawala. I mean what I say. Hindi ko kayang isipin na mawalay ng tuluyan sa akin ni Gabriel. He’s the love of my life. Hindi ko kayang isipin ang bukas na wala na ito sa buhay ko.   ***********                   Payapa na ang tulog ni Gabriel sa tabi ko. Hindi na bago sa akin ang ganitong sitwasyon. Maraming beses na itong dito nagpapalipas ng gabi sa bahay. Ang totoo nga ay may space na ng damitan niya sa cabinet ko.                 Pero kahit ilang beses na kaming matulog na magkatabi, we never cross the line. Kaya mas lalo kong minahal ang lalaking ito dahil bukod sa mabait, ginagalang niya ako.                 Hinaplos ko ang kanyang noo at hinawi ang buhok. Kay gwapo talaga ng boyfriend ko at higit sa lahat, super bait pa. Sira na siguro ang ulo ko kapag dumating ang araw na ako mismo ang kakalas sa kanya. Nagkibit-balikat ako. It will never happen, anyway.                 Umayos ako ng higa at pipikit na sana nang mag ring ang phone nito. Agad akong bumalikwas at inabot ang aparatong iyon para hindi makagawa ng ingay at makadistorbo sa payapa nitong tulog.                 Binasa ko ang pangalan ng caller. Kuya. Kuya? Kuya niya ang tumatawag?                 The phone didn’t stop ringing. I sighed. Mukhang importante siguro ang sadya ng kapatid. Sasabihin ko na lang na natutulog na si Gabriel at kung maaari ay bukas na lamang sila mag-usap dahil masama ang pakiramdam ng nakakabatang kapatid.                 I pressed the answer button. “He—”                 “Gabriel!”                 Nailayo ko ng bahagya ang cellphone dahil sa malakas na boses nito. Bakit parang galit?                 “Gabriel, ngayon ko lang nabasa ang mensahe mo. Tama ba ang basa ko? Ang girlfriend mo ang magma-manage ng agency mo dito sa Davao? At saan mo patitirahin? Sa condo? Are you out of your freaking mind? Sigurado ka bang mapagkakatiwalaan ang babaeng yan? Mamaya, gold digger pala at pera lang ng pamilya ang habol sa’yo?!”                 Napanting ang tainga ko at pakiwari ko’y pati bunbunan ko ay umuusok sa sobrang inis. Ang kapal ng mukha ng lalakeng ito na akusahan ako sa isang bagay na kahit sa panaginip ay hindi ko magagawa? Nanggigigil ako!                 “Gab, are you there? Gab? I can’t hear you. Medyo maingay dito sa bar ni James.”                 My nose flared at pinindot ng mariin ang end button. Mukha mo maingay! Kakasura ha! Panira ng gabi ang lalakeng yun! Kuya yun ni Gabriel? Bakit ang sama ng ugali?                 Gold digger pala, huh. Sumulyap ako kay Gabriel.                 “Buo na ang desisyon ko, Gab. Tinatanggap ko ang alok mo.” Bulong ko.                 Ipapakita ko sa matapobre mong kuya kung sino sa amin ang masama ang pagkatao!    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD