ONE: CRYSTAL

2194 Words
Ngiting-ngiti ako habang nagliligpit ng aking mga gamit sa mesa. Hustong alas singko na ng hapon. Ibig sabihin ay tapos na ang office hours at uwian na. “Naks, hindi makapghintay ha.” Rinig kong salita mula sa aking kaibigan na nasa katabi kong cubicle. “Tantanan mo ako, Perla ha.” Saway ko ngunit nakangisi. “Sus. Ang sabihin mo, hindi ka lang talaga makapaghintay na makalabas ng building dahil nakaabang na tiyak ang prince charming mo. Pero infairness, ang gwapo nung guy ha. Bagay kayo.” Ngumuso ako kahit ang totoo ay kinikilig ako. Oo naman, sasagutin ko ba si Gabriel kung hindi ito gwapo? Mas gwapo pa nga ang lalake kesa kay Daniel Matsunaga na isang celebrity. May dimple din kasi si Gab, ang kaibahan nga lang ay maputi ito. Unlike Daniel Matsunaga na moreno. Pero ang pinakadahilan kung bakit ko siya sinagot ay dahil likas na mabait ito. Simpleng tao na may simpleng pangarap sa buhay. At diyan kami nagkasundo. At isa pa, siya lang ang lalakeng pinagtiyagaan akong ligawan. Hindi biro ang halos kalahating taon na panliligaw niya sa akin. Mag sya-siyam na buwan na kami ni Gab. Nagkakilala kami sa dati kong pinapasukan na publishing company. Secretary ako doon at ang may-ari ng kompanya at si Gab ay magkakilala. Dumalaw minsan si Gab sa office at doon kami nagkita. Napag-alaman kong isa pala siya sa may-ari ng kompanyang iyon ngunit bihira lamang itong pumunta sa publishing dahil sa may trabaho din ito sa iba't ibang sulok ng Pinas. At dahil nga sa inumpisahan niya akong ligawan ay nagkaroon ako nang hindi pagkakaunawaan sa mga ka-opisina ko doon. Kaya kahit labag sa kalooban ko ay nag-resign na lamang ako at nag-apply na lamang bilang accountant sa isang kilalang kompanya dito sa Makati. “Mauuna na ako sa'yo ha. Pasundo ka rin kasi sa jowa mo.” Halakhak ko. Umirap ito sa akin kaya lalo akong tumawa. She's single kahit na ba malapit na itong mag trenta. “Mang-inggit ka pa, sige. Baka gusto mo makatikim ng wagas na sabunot. May gunting ako dito. Baka gusto mong gupitan kita ng buhok. Nakasayad na kasi sa lupa. Tsk tsk.” “Nah, I prefer my hair to be this long.” Sakay ko sa kanyang panunukso. “Oo na. Edi wow.” Ngumuso ito. “Bye! See you tomorrow! Dadalhan kita ng carbonara, you like?” “Kailangan mo pa ba akong tanungin niyan? Syempre naman oo!” Umiiling-iling lamang ako habang kumakaway sa kanya. Hustong bumukas ang elevator pababa at sumakay na agad ako doon kahit pa medyo puno na. “Hi Julianne.” Halos bati ng mga lalake. I got anxious. Taga ibang department sila ngunit kilala nila ako, samantalang kahit isa sa kanila ay wala akong kilala. Bilang ko lang sa daliri ang mga taong natatandaan ko dito at kadalasan ay mga kalapit cubicle ko lang. Umismid ang ibang mga babae at ang iba ay umirap. Damn. Ngumiti lamang ako sa kanila at yumuko. Inaaliw ko na lamang ang aking sarili na pagmasdan ang aking black shoes. Hindi ko maintindihan kung bakit may mga taong hindi ka pa nga kinikilalang mabuti ay pinipintasan ka na agad nang palihim? Hindi ko matukoy kung saan sila humuhugot ng ganung klaseng pag-uugali. Hindi naman kasi ako tanga para hindi makaramdam na halos lahat ng mga kababaihan dito ay ayaw sa akin. Limang buwan na rin akong namamasukan sa kompanya ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maramdaman na welcome ako dito. Why are they acting like this towards me? Are they insecure of me? I don't think so. Marami din naman akong nakikita na mas maganda pa nga kesa sa akin. Okay, masasabi ko sa sarili ko na may itsura ako. Hindi naman kasi ako puro. I am half Brazilian, half Filipino. Obvious naman din kasi sa balat ko. I lost both of my parents by the time I was in high school. Kinupkop ako ng kaisa-isang kapatid ng nanay ko na si Tita Lilia. Sila na ang tinuring kong pamilya mula noon. Ngunit naghiwa-hiwalay kami noong napitesyunan sila tita ng kanilang panganay na anak at ngayon ay nasa Australia na sila ngayon namumuhay. Ang bunso nilang anak na si Brenda, kasing tanda ko at siyang pinakamalapit kong pinsan ay nalipat sa Davao. So practically, I'm leaving by myself dito sa Makati. Nagpapasalamat pa rin naman ako at pinagkatiwala sa akin ni tita ang bahay nila at nangako akong hindi ko pababayaan iyon. Tumunog ang elevator hudyat na nasa ground floor na kami. Pagbukas palang ng pinto ay mukha na agad ni Gabriel ang nakita ko na nakasandal sa reception counter ng lobby. Nakahalukipkip ito. Agad na lumabas sa kanyang magkabilang gilid ng labi ang kanyang cute na dimples. I heard the gasps from the girls behind me. Pasikretong umangat ang gilid ng labi ko. You can hate me all you want, but you can never have a boyfriend as handsome as mine. Sinalubong niya ako at agad na niyakap. He kissed me on the cheek at kinuha ang shoulder bag ko. He snaked his arms around my waist at giniya na palabas ng building. “Hungry?” Umiling ako. “Ikaw ba?” Hinimas pa nito ang kanyang tiyan bago ngumiwi. “Kind of, hon.” Napaisip ako at ni-check ang time sa aking relong pambisig. “Grocery na lang tayo tapos ipagluluto na lang kita sa bahay.” “Which house, mine or yours?” “Hmmm... Yours perhaps. Hindi pa ako nakapaglinis ng bahay eh. Ihahatid mo naman ako pauwi di ba?” He pressed the tip of my nose with his fingers. “What a silly question coming from a stunning woman like you. Honey naman, kailan ba kita hindi hinatid pauwi?” “Well, there's always a first time, you know.” I chuckled as he led me the way to his car. Pinagbuksan niya muna ako ng pinto bago ito umikot sa driver's seat. Pinaandar niya agad ito at umalis na kami sa lugar na iyon. Tumigil muna kami sa isang grocery store na malapit sa kanyang studio-stype apartment. Hawak-hawak niya ang kanyang basket at ako naman ang namimili ng sangkap para sa lulutuin kong chicken adobo at pork steak. Pumunta rin kami sa vegetable section para bumili ng lulutuin kong chapseuy. Hindi nakaligtas sa akin ang panakaw na tingin ng mga babae sa aking kasama. Well, he's a head turner, totally. Dagdag pa na matangkad itong lalake at matipuno rin ang pangangatawan. Pero hindi ko naman ikinabahala ang atensyong pinapakita ng ilang kadalagahan. Kasi tuwing nililngon ko si Gab, nakatitig lamang ito sa akin na para bang ako lang ang tao sa store na ito. And I like it. I like the way he looks at me. “Counter na tayo.” Aya ko sa kanya at tumango lamang ito. Agad na umakbay ito sa akin habang patungo kami sa counter para magbayad ng aming pinamili. Hindi naman nagtagal ay nakarating agad kami sa kanyang apartment. Alam kong may-kaya na tao si Gabriel ngunit wala akong masyadong alam sa buhay niya. Pansin ko kasing hindi ito palakwento tungkol sa kanyang pamilya. “Ako na muna ang maghuhugas ng mga ito. Magpahinga ka muna sandali.” He said. Tumango ako sa kanya. He kissed my forehead bago niya ako iniwan sa maliit niyang sala. Ilang beses na rin akong nakagala sa kanyang apartment at kabisado ko na halos ang bawat sulok nito. Isang palapag lang ito at kita mula sa kinatatayuan ko ang kanyang likod na busy sa paghuhugas ng mga pinamili namin. I sighed. Kung may isang bagay man akong napansin sa kanya, iyon ay ang bihira niyang pagbigkas tungkol sa kanyang pamilya. Naglakad ako at nagtungo sa mga pictures na nakadisplay sa isang gilid. Hinaplos ko ang frame niyang nakatoga. Katabi niyon ang kanyang mga magulang na pareho nang pumanaw bago pa man siya makatuntong ng kolehiyo. Kinuha ko ang isa pang litrato. Tinitigan ko ang dalawang batang lalake na magkaakbay. Gabriel was only ten years old in the picture. And his big brother was fifteen. Ang kuya niya ay sa ibang direksyon nakatingin kaya side view lang halos ang makikita. Ngunit gayunpaman, hindi maitatwa na gwapo ang kuya niya kahit hindi pa ito ganap na binata. Nagulat ako sa bigla niyang pagyakap sa akin mula sa likod. He rested his chin on the blade of my shoulder. “Whenever you are here, you never fail to check that particular picture. What's with that picture that got you curious? Nakyu-kyutan ka ba sa akin d’yan?" Mababaw niyang tawa malapit sa aking tainga. Tumawa din ako at tinampal nang bahagya ang kanyang braso. “Bakit ito lang ang picture na mayroon ka? I mean, picture nyong magkapatid. And god, this is very old! Ni hindi kita makilala. Masyado ka pang totoy dito.” “Honey, yan lang din kasi ang nadala ko. And besides, that's my favourite picture of ours.” He smiled but his eyes tell me otherwise. Binaba ko ang frame at humarap sa kanya. Inangat ko ang aking mga braso patungo sa kanyang leeg. I rubbed my nose against his. “Mayroon kang mga bagay na tinatago sa akin Gab, ngunit nirerespeto ko ang mga yun. But as your girlfriend, I can't help but to feel bothered. Ang kwento mo ay tatlong taon ka na dito at ganun na rin katagal na hindi kayo nagkikita ng kuya mo. Nagkagalit ba kayo? I mean, kayong dalawa na lang ang natitira sa pamilya nyo pero magkahiwalay pa kayo? I don't think it's because of the job. Manila and Davao are like Makati to Cubao lang sa inyong mayayaman. You can afford to go back and forth from the city. Pero bakit natitiis nyong mawalay sa isa't isa?" Bumagsak ang tingin niya sa akin. He sighed deeply. "We had a misunderstanding, alright? But that doesn't mean that we lost our communication. We talk. We even met once sa Manila. He took full responsibility of me since our parents died at gusto kong patunayan sa kanya na kaya kong tumayo sa sarili kong sikap. I'm not even after the will of our parents. I gave him all the right. Kinuha ko lang ang parte ko and that's it. I just want to be alone. I want to be free. Gusto kong may mapatunayan sa sarili ko. I want to be away from Davao, away from his shadow. I hope you get my point." Tumango ako. Pero sa kaloob-looban ko ay hindi. Hindi ako sang-ayon sa pinupunto niya. Kasi kung ako sa kalagayan niya, hindi ako aalis sa isang lugar na hindi kasama ko ang kapatid ko. Siblings should stick together through thick and thin. O baka naman sinasakal siya masyado ng kuya niya? O baka pinipilit siyang pamahalaan ang iba pang naiwan na negosyo nila? Oh, I should mind my own business. Stop sticking your nose to where it doesn't belong, Julz. Since alam kong pagod si Gabriel mula sa work niya ay tinaboy ko siya sa kusina. Mas gusto kong magluto na ako lang at walang nangingialam. Mas mapapadali pa ang trabaho ko. Pumalakpak ako ng matapos ko ang pag-aayos sa mesa. Kahit napagod ako ay masaya pa rin dahil alam kong para sa minamahal ko ang aking ginagawa. Tinanggal ko ang apron pagkatapos kong maghugas ng kamay. Sinabit ko iyon sa may gilid at tinungo ko ang kwarto ni Gab. Baka natutulog na ito. Hindi na ako nag-abala pang kumatok since malakas ang kutob kong natutulog nga ito. Ngunit nasurpresa ako nang sa pagbukas ko ng pinto ay nasumpungan ko siyang nakasandal sa pader. May sinubo itong ano sa kanyang bibig at uminom ng tubig. Kalmante lamang ito habang nakatingin sa akin. “I forgot to take my vitamins. Nagiging anemic na daw ako sabi ng doctor ko.” He shook his head while grinning. Nakapagpalit na ito ng damit. Kung kanina ay nakabusiness suit ito, ngayon ay naka indoor shorts lang at walang suot pang itaas. In other words, nakabalandra sa akin ang kanyang matipunong dibdib. “Okay. Kain na tayo.” Pinamulahan ako ng pisngi. First time ko kasi siyang makita sa ganitong ayos. And damn it, he's so gorgeous! Humalakhak ito at lumitaw ang magkabilang biloy nito. “My Julianne is blushing.” Umirap lamang ako para maitago ko ang nahihiya kong nararamdaman. Pero nagulat ako nang hinila niya ako at agad na pinaloob sa kanyang mainit na mga braso. “I love you Julz. Ikaw lang ang mamahalin ko at walang ng iba pa.” I closed my eyes as I buried my face on his chest. “I love you too. At ikaw lang din ang lalakeng mamahalin ko habang buhay, Gab.” Humiwalay si Gab sa akin. “Don't say that, Julz. Hindi natin alam ang mangyayari sa hinaharap. Pero ang mahalaga ay ang kasalukuyan. Kontento na akong may isang tulad mo ang nagmamahal sa akin. Pakiramdam ko'y ang lakas-lakas ko at kaya kong labanan ang lahat dahil alam kong nandyan ka lang. Lalaban ako para sa'yo.” Kumunot ang noo ko. Pakiramdam ko'y ang lalim masyado ng mga salitang kanyang binitawan. “You own me, Gab. Hindi ako mawawala sa'yo.” He smiled as he pulled my nape to be close to his. He captured my lips, and I answered his kisses tenderly. Hindi pa kailanman pinaramdam sa akin ni Gab ang masaktan ng kahit konti. Yung kahit sa kanyang mga kilos ay ingat na ingat ito. Kahit ang pagyakap niya ay sinisigurado niyang hindi ako masisikipan. Kahit sa mga halik niya ay puno iyon ng banayad at pag-iingat. He always thinks I'm fragile. He always treats me like I'm his precious crystal. And I always treat him like he's my master. The master of my heart.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD