THREE: MEET

2661 Words
(Present time)   And Aubrey was her name A not so very ordinary girl or name, but who's to blame For a love, that wouldn't bloom For the hearts that never played in tune Like a lovely melody That everyone can sing Take away the words that ryhme, it doesn't mean a thing   And Aubrey was her name, we tripped the light And dance together to the moon, but where was June No it never came around, if it did it never made a sound Maybe I was absent or was listening too fast Catching all the words but then the meaning going past   But God I missed the girl and I'd go a thousand times around the world just to be closer to her than to me.......   Hindi ko pinansin ang pagbukas ng pinto at pagpasok ni Brenda. Pinasadahan ko lamang ang kanyang ekspresyon na nakanganga sa akin. Nakatihaya lamang ako sa kama at binalik ang paningin sa kisame. Pinanuyuan ako ng balahibo sa boses ng DJ. Humahagod ito sa aking kabuuan. Pakiramdam ko'y ang lapit niya at bumubulong ito sa aking tainga. “What the hell—” Bigkas ni Brenda at agad ko siyang sinaway. Hinila ko ang kanyang kamay at magkatabi kaming nakatihaya ngayon sa kama. Kinuha ko ang isang unan at niyakap ko iyon sa aking dibdib. Bakit nanginginig ang kalamnan ko? Wala naman akong lagnat para lamigin ng ganito? Ngunit ang dibdib ko, parang may kung anong init ang humahaplos doon. Kakaiba. I never felt this way before. I closed my eyes as I let his soothing voice drift my soul away.   And Aubrey was her name I never knew her, but I loved her just the same I loved her name, wish that I had find a way And the reasons that would make her stay I have learned to lead a life apart from all the rest, If I can't have the one, I want, I'll do without the best   But how I missed the girl, and I'd go a million times around the world just to say, she had been mine for a day.....   Siniko ako ni Brenda nang magtapos na ang pagkanta ng DJ. Paano kasi ay nakatanga pa rin ako sa kawalan at nababato balani pa rin. “Kinantahan ka ng DJ? Para sa'yo yun?” I just looked at her and nodded. Laking gulat ko nang tumayo ito sa kama at nagtatalon na parang bata. “Omg! Omg! Bruha ka ang swerte mo!” Inabot niya ang buhok ko at sinabunutan ng wagas. “Gaga, ikaw na talaga! Grabe!” “Aray ko naman!” Angal ko. Ang sakit kaya ng sabunot niya. “Kanina sa kotse panay ang paninira mo kay Midnight Blue. Yun pala gusto mo rin siya. Tumawag ka pa talaga ha. Grabe ka! Nagwawala na tiyak ang mga listeners nito ngayon.” “Naengganyo lang naman ako, okay? Sinubukan ko lang namang tumawag. Malay ko bang masasagot niya iyon at siya mismo ang kakanta. Hindi ko naman sinabing kantahan niya ako ah. Duh.” Depensa ko at nag Indian sit sa ibabaw ng kama. Ang totoo, kahit nagsasalita lamang ang DJ na iyon kanina ay parang nahihipnotismo ako sa boses niya. His voice deep.... husky.... manly.... sexy.... “Kahit na. Ang swerte mo pa rin couz! At AUBREY pa talaga ang kinanta niya, ha? Damn it, how lucky can you get? That's Midnight Blue! Ugh! I kennot!” Nagpagulong gulong ito sa kama na parang bola. “Aminin mo, kinikilig ka noh?” Tanong ulit nito. Kinikilig? Hindi naman siguro. Pasimple kong hinaplos ang aking braso. Kanina ay pinanindigan ako ng balahibo at sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Pakiramdam ko pa nga ay henihele ako ng anghel. Para akong nakalutang sa mga ulap. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Hindi ko pa ito naranasan buong buhay ko. Kahit ang unang halik ni Gab ay hindi ganito ang epekto sa sistema ko. Anong tawag sa ganitong pakiramdam? s**t, I think I'm done for tonight. Kung ano-ano ang naiisip ko. Kumanta lang naman yung DJ, there's no big deal! I blinked when Brenda snapped her fingers near my face. “Ano na? Natulala ka na naman? Susme, ang simple ng tanong ko hindi mo masagot?” “Teka lang naman, hindi pwedeng mag-isip, huh? Okay, masama ang kiligin. Magkakasala ako kay Gab. Hindi ako kinilig, alright. Gutom na ako.” She raised her eyebrows at me at nakaawang ang kanyang labi. She's a bit surprised. “Ang gaga mo talaga! Pag kinilig sa ibang tao, nagkakasala na ba agad sa jowa? Hindi ba pwedeng natutuwa ka lang kaya ka kinilig? Oh dear, don't tell me you are not impressed at all! With that voice? And that's freaking live! Jeez! Aubrey Julianne!” Winasiwas nito ang kanyang mga kamay sa ere na para bang dismayado siya sa sinabi ko. “Eh kasi naman—” “Hep! Hold your breath there!” Pigil nito sa sasabihin ko. “Did you even realize that you were blushing the entire time? Your eyes sparked with so much joy and delight, AJ! You didn’t have to deny it because I saw it. Kinikilig ka!” I rolled my eyes. My cousin is silly, sometimes. Oh, scratch that, always! Alam niya pala, bakit pa siya nagtanong? Tsk. “Okay fine! Okay! Kinilig na ako! End of discussion! Now let's eat, I'm so famished!” “Great! But here's the bad news, we don't have anything to eat.” Lumukot ang mukha nito sabay ngiwi. “What? Ano ba naman yan. Pizza na lang tayo kasi. Gutom na talaga ako.” Kumukulo na ang tiyan ko. Ngumuso ito at sumulyap sa stereo. Ibang DJ na ang nag nagsasalita ngayon. “Where did my Midnight Blue go? Hanggang madaling-araw pa dapat yun ah.” She said sabay tingin sa wristwatch nito. “Nakakapagtaka naman. Di bale, kota na tayo sa pagkanta pa lang niya.” She grinned. Humalukipkip ako. “Pwede bang atupagin muna natin ang pagkain bago natin problemahin kung bakit nawala si Midnight Blue? Nagwawala na talaga mga bulate ko sa tiyan." “Hmm.” Wari nito na tila nag-iisip. “Sa labas na lang tayo kumain. Total alas diyes na, paniguradong wala ng traffic. May alam akong restaurant na superbly delicious ang mga food. And, malapit lang sa FM station. Tara!” “Teka, ang dumi ko na kaya. Maglilinis muna ako ng katawan.” “Okay fine! Pakibilisan lang po. Hintayin kita sa sala.” Mabilis pa sa alas kwarto na kinuha ko ang aking damit at toiletries. Isang white hanging blouse at maong shorts ang nahablot ko. Balak ko sanang magdress pero keri na ito. Nag-shower lang ako at hindi na binasa ang aking buhok. Makapal kasi at alon-alon ang aking buhok kaya hirap at matagal patuyuin. I brushed my hair up and ponytailed it gamit ang kulay itim na laso. “I'm all up.” Sabi ko pagdating sa sala. Hawak-hawak ko na rin ang aking shoulder bag. Naka-dekwatro si Brenda sa sofa habang nagdudutdot ng kanyang cellphone. “Good. Nagpa-reserve na ako ng table natin. Taralets.” She said at tumayo na rin. Kinuha ko ang cardkey sa mesa at sumunod na kay Brenda palabas ng condo. “Hindi ko pala mabuksan ang kabilang room. Naka-lock eh. May susi ka dun?” Tanong ni Brenda nang makapasok na kami sa elevator. “I don't know. Baka nasa mga drawers lang. Hahanapin ko bukas. Dito ka ba matutulog? Share na tayo ng bed.” “Nope. Matt will join us sa resto at sa condo niya kami tutuloy. Ihahatid ka lang namin pauwi.” She answered. I rolled my eyes deliberately. I've met his boyfriend twice, at mabait naman ito. Kaso ang ayoko lang ay masyadong agresibo ang magnobyo na ito. They slept together. They lived together. Hindi naman sa naririndihan ako sa ganun. Ang akin lang, hangga't hindi pa kasal ay matutong magpigil sa sarili. Napangiti ako nang maalala ko si Gabriel. My man really knows how to respect a woman like me. We never crossed the line. We only do cuddles and kisses. And I loved him even more because of that.   **********   Impressive. Yan ang unang pumasok na adjective sa utak ko nang huminto na kami sa tapat ng restaurant. This is a first-class restaurant. The facade itself makes the whole place classy and fabulous. “Damn it.” Pnukpok ni Brenda ang kanyang kamay sa manibela. “What's wrong?” Nagtaka naman ako. “I forgot. May dress code nga pala sa restaurant na ito. Tsk.” Pinasadahan niya ako. “Mine is fine, since naka-minidress ako, but you are wearing a... uhm... I don't think they will let you through.” Ngumiwi ako. “Sira ka. Bakit hindi mo sinabi agad.” “Sorry naman. At hindi na tayo pwedeng lumipat ng iba. Nasa loob na si Matt.” Shit. Nagririgodon na talaga ang sikmura ko. “Papasok ako. Try kong kausapin ang Manager kung ubra bang e-excuse ka. Ikaw magpark ng car natin.” Agad itong bumaba at lumipat na rin ako sa driver's seat. Mabilis ang lakad ni Brenda at natanawan ko siyang nakapasok sa resto. Tinignan ko pa ang mga bagong dating ng guests at yes, naka semi-formal attire sila. Kapag palarin na makapasok ako, magmumukha lang akong nag-stroll sa park. I’ll be outcast. Outclass. Naka white blouse, shorts at chuck Taylor shoes lang kasi ako. “Oh, what an awful night.” I groaned. Pinaandar ko na lamang ang kotse at dumiretso sa katamtamang lawak ng carpark ng restaurant. Maayos ko namang naipark iyon at kahit paano ay nagpasalamat pa rin ako. I'm suck in driving kasi. Ni-lock ko ang kotse at naglakad na para hintayin sa may entrance si Brenda. Kinuha ko ang aking phone sa aking bag nang biglang napatalon ako sa lakas ng busina ng sasakyang paparating. Sunod-sunod ang pagbusina niyon at halos sumabog ang tainga ko sa ingay. “Hell!” Nasilaw pa ako sa pagtaas ng headlights ng sasakyan at agad na nagtakip ako ng mukha. Tinignan ko ang pagdaan ng itim na sports car sa aking tagiliran. Muntik pa akong mahagip! Ang init sa ulo ko na kanina ko pa pinipigilan ay tuluyan ng kumawala. Ang bastos ng driver na ito! Tumigil ito pagkatapos makapagpark. Nanliit ang mata kong nagmartsa papunta doon sa kotse. Makikita ng kung sinumang driver na ito ang hinahanap niya. Ang siyeste, nakalapit na lang ako ay hindi pa lumalabas ang driver mula sa loob. Pinukpok ko ng shoulder bag ang pintuan ng sports car na iyon. Tinted ang salamin kaya hindi ko makita kung sino ang tao sa loob. Medyo madilim din sa area na ito. “Hoy, gago ka ah! Lumabas ka nga d’yan at harapin mo ako! Ang bastos mo ha! Muntik mo na rin akong masagasaan!” Ginamit ko na ang aking kamay para piliting buksan ang pinto. “Pag hindi ka lumabas dyan, kukuha ako ng bato at ipupukpok ko sa salamin ng kotse mo! Wala akong pakialam kong isang Dodge Viper itong sasakyan mo!” Pero ang totoo ay wala akong balak na batuhin ang kotse. It's a Dodge Viper SRT, for Christ’s sake! The latest model! Nakakalula ang kotseng ito at kahit magtrabaho ako buong buhay ko ay hindi ko mababayaran ang kantidad ng ganitong uring sasakyan. Nakarinig ako ng pag-click, hudyat na binuksan na nito ang pinto. Umatras ako ng isang beses at inayos ang bag ko sa aking balikat. Alam kong mayaman ang kung sino mang driver nito, ngunit wala siyang karapatan para bastusin at takutin ako ng ganun. Tumama ang mata ko sa sapatos na inaapak ngayon sa semento. His shoes are Nike’s limited edition. Napapalatak ako. Dahan-dahang tumaas ang tingin ko hanggang sa tuluyang tumambad sa akin ang lalakeng naka-white T-shirt at rugged pants. Namumutok ang mga braso nito sa manggas at humahakab ang malapad nitong dibdib sa kanyang suot. Nakahalukipkip ito at ang mga paa ay nakaekis. Sumandal ito sa pintuan ng sasakyan. He cleared his throat kaya napatitig ako sa kanyang mukha. I swallowed. He is strikingly handsome. Kahit may kadiliman sa buong carpark ay hindi naitago nito ang taglay na kakisigan ng lalake sa aking harapan. He's like a model from George Armani's magazine. My jaw dropped literally when he smirked. “I wish I passed.” He said huskily. Napalunok ulit ako. Ano nga ulit ang sasabihin ko? And god! His voice is utterly familiar! The man laughed softly. “I enjoyed watching you while I was inside my car. You were like a tigress that wanted to eat a man whole and alive.” “Oh! You're welcome, Sir. I'm glad I made you laugh at my expense! Ang bastos mo! Tama bang businahan ako ng sunod-sunod? Anong akala mo sa akin bingi? At muntik mo pa akong mahagip! Sira-ulo ka! Porke ba mayaman ka kaya may karapatan ka nang umasta ng ganyan! Hoy, nagkakamali ka ng binangga!” He shrugged. “I didn't hit you, did I?” “That's not what I am trying to point out, asshole!” “Hey, hey, Miss. You are getting overboard. You don't swear at me like that. A refined lady doesn't swear, you know.” “Karapatdapat ka lang namang murahin dahil napakawalang modo mo!” “Jeez.” He puts his index finger to his ear. “Your voice is freaking me out. Will you come down? Okay, I'm sorry. Ako na lang ang magso-sorry kahit ba kasalanan mo naman talaga dahil nakatayo ka sa mismong gitna ng daan. Pasalamat ka at mabilis kong naikabig pakaliwa kaya hindi ka natamaan.” Nagpanting ang tainga ko. “Wow! Salamat ha! Salamat talaga dahil buhay pa ako ngayon!” Bwisit na ‘to! He smirked. He looked me up and down then back to my contorted face. “What an extraordinary beauty you have.” He uttered. “What—” Hindi ko natuloy ang aking gustong sabihin. I chewed my lower lip as I looked on the ground. Hindi ko kayang titigan ang kanyang mga mata. Alam kong pulang pula ang aking pisngi ngayon. Did he just praise my looks? Humalakhak iyon ngunit hindi ko tinignan. “A woman can still blush these days? f**k me!” Gusto ko sanang sumagot ngunit tumunog ang aking cell phone. Brenda's name appeared on my screen. “Hello?” “Asan ka? Hindi daw talaga pwede e. Their policy is very strict. Naboom-panis tuloy ako ng may-ari ng restaurant. Hindi umubra ang beauty ko.” I sighed. “Sige. Kayo na lang ang kumain. Uuwi na lang ako sa condo. I lost appetite, anyway.” “No way! Hanap na nalang tayo ng ibang resto, okay?” “Wag na nga kasi. Okay lang. Meet me outside. Ibibigay ko sa'yo ang susi ng kotse mo then mag taxi na lang ako pauwi.” Hindi ko na siya pinasagot pa at pinatay ko na ang tawag. “Tsk. Tsk. Sa suot mong yan para ka lang mamamasyal sa baywalk. But I think, I can find a way.” Gusto kong magprotesta. Gusto kong sabihin na hindi ko naman alam na may dress code pala ang restaurant. Gusto ko sanang sabihin na first time kong makaapak sa lupa ng Davao City. Napaigtad ako sa paghila niya sa aking braso. Malalaki ang kanyang hakbang kaya binilisan ko ang aking lakad para makasabay sa kanya. Bakit niya ako hinihila at bakit ako nagpapahila? Pati sarili ko ay hindi ko maintindihan. Nasa entrance na kami ng restaurant at agad na hinarangan kami ng dalawang guard. “Good evening, Sir.” Halos sabay na bati ng dalawa. “Good evening. Si James nasa loob?” “Yes, Sir.” “Good.” Akma na kaming papasok ngunit nagsalita ang isang guard. “E, Sir.” Ininguso ako nito pagkatapos ay nagkamot sa batok. Humahalakhak ang lalake. He pointed my shirt and then he pointed his. “Couple shirts.” He winked at me. My heart stopped from beating. Hindi ako nakahinga sa kanyang sinabi. A what? Couple shirts? Dahil pareho ang kulay ng aming suot? “Ah. Okay po, Sir. Pasok na po kayo. Bagay kayo ni Ma'am, Sir.” Wika ng isa. Ngumisi lang ang lalake sa mga guards. Yumuko ako dahil hindi ko alam ang aking sasabihin. Napatitig ako sa mga kamay namin na magkahawak. Ang init ng palad niya at may kakaibang kuryente ang nanulay sa aking katawan. Pagpasok namin ay hinarap niya ako. “May kasama ka dito?” I nodded. Namataan ko sila Brenda na nakatingin sa aming direksiyon. Laglag ang kanyang panga at nanlalaki ang mga mata. “Okay. Pwede mo na silang puntahan. Siguro naman ay quits na tayo.” Tumango lamang ako at sumaludo ito sa akin bago tumalikod. “Mister!” Tawag ko. Humarap ito at namulsa. His eyes questioning me. “Sa—salamat.” Nahihiya kong sabi. He smiled genuinely at lumabas ang malalim nitong dimples. I swear to all the gods, that was the sexiest smile I have ever seen from a man. “Till we meet again....” He uttered at tumalikod na. Sinalubong ito ng isang lalake at sabay silang tumungo sa isang pintuan. Napako ako sa aking kinatatayuan. Why do I suddenly wished for that time to come? “Till we meet again....” I whispered in the air.        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD