FOUR: DON'T BET ON THAT

3226 Words
Isang black chiffon dress na hanggang tuhod ko ang haba ang pinili kong suotin para sa araw na ito. Ito ang first day ko sa recruitment agency bilang manager. Wala pa akong idea sa kung ano man ang naghihintay sa akin doon but somehow, I was able to read some information from the folders Gabriel gave me a week ago. Pinag-aralan ko ang iba doon at medyo nagkakaroon ako ng kahit konting kaalaman kahit paano. May natutunan naman ako sa mga pros and cons ng agency na iyon at konting kaalaman din sa kung paano ito patakbuhin. Pagkatapos kong magpatuyo ng buhok ay pinusod ko iyon. Nag-apply ako ng light make-up para hindi mahalata ng mga tao ang pamumutla ko. Lumabas na ako sa silid at dumiretso sa kusina para maghanda ng aking agahan. May oras pa naman ako dahil alas otso pa ang bukas ng agency. Pero dahil sa medyo ninerbyos ako, nakatamaran ko nang magluto ng almusal. Kaya granola at fresh milk na lamang ang aking hinanda. Laking pasalamat ko at naalala naming mag grocery muna kagabi bago tuluyang umuwi sa condo. May mall dito sa Davao na hanggang alas dose ng gabi ang bukas. VCV Mall ang pangalan kung tama ang pagkakaalala ko. Hinugasan ko muna ang aking pinagkainan at tinaob sa tray. Kinuha ko na ang aking shoulder bag at cardkey at lumabas na ng condo. Nasabihan ko na ang guard kanina habang ako'y kumakain na ikuha ako ng taxi. As expected, may naghihintay na ngang taxi sa akin sa labas ng lobby at nagpasalamat muna ako receptionist bago ako tuluyang umalis sa building. Pagkatapos kong magbayad sa taxi ay umibis na ako mula roon. I sighed as I raked my sight all throughout the building of the recruitment agency. Kulay asul ang pintura niyon at dalawang palapag lamang ang gusali. Hindi iyon kalakihan ngunit palagay ko'y hindi naman masikip sa loob. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakamawalan ko bago ako humakbang papunta sa entrance door. Pagpasok ko ay halos sabay na nag-angat ng tingin ang mga taong nakayuko kanina sa kani-kanilang table. Tumikhim ako. “Good morning.” Nakanganga silang lahat sa akin at walang may balak sagutin ako ng pagbati. Pinasadahan nila ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Bigla tuloy akong na-conscious. “Hi. Sino po sila? Hindi ka naman mukhang mag-aaply sa abroad Miss, di ba?” Salita ng isang babaeng naka eyeglasses at nakaupo sa pinakalikod. May hawak-hawak itong mga papeles. “No. Uhm.” s**t. Paano ba ang tamang approach. Pinadala ako ni Gabriel? Na girlfriend niya ako? Oh! Pero sinabihan ko pala si Gab na huwag ipaalam ang relasyon namin kahit kanino. Ayokong maisipang nabigyan lamang ng pabor kaya naging Manager agad ang posisyon ko. Sasabihin ko ba na ako ang bagong manager? Paano ba! “I'm Julianne Gutierrez.” Tanging pangalan lamang ang aking nabanggit. Nahihiya kasi akong magsabi ng rason kung bakit ako nandito ngayon sa harap nila. Umawang ang labi nung babaeng nagtanong. “Ikaw si Ms. Gutierrez?” She seemed surprised. Napahigpit ang hawak ko sa aking bag na dala. “Ako nga.” Tumango ako ng bahagya at ngumiti ng alanganin. Mabilis itong kumilos at lumapit agad sa akin. Kinuha nito ang aking palad and she shook my hand. “It's nice meeting you, Ma'am. Welcome to our humble office. Pasensiya na po kung hindi namin napaghandaan ang pagdating mo. Ang sabi kasi ni Sir Gab sa akin last week, eh tanghali pa daw ang dating nyo.” She gave me an apologetic smile. Nakahinga ako ng maluwag. Oh, thank God. It isn't that difficult. I thought introduction is way harder than this. Ayoko kasing mapintasan agad kaya nauunahan ako lagi ng kaba. “The pleasure is mine.” “Welcome Ma'am. Ang ganda nyo naman po. Akala ko artistang naligaw dito sa opisina.” Salita ng isang babaeng may katabaan. I smiled at her. “Listen everyone!” Salita nung babaeng nakasalamin. “Siya si Ms. Julianne Gutierrez, ang bago nating Manager na pinadala ni Sir Gab mula pa sa Manila. Let’s give her a warm welcome.”   “Welcome Ma'am! Sana po mag-enjoy kayo dito.” Pakuro nilang sagot. Suminghap ako. Mukha namang mababait silang lahat at very accommodating. I think I'm gonna enjoy my stay here in Davao. Nagpakilala sila isa-isa at agad kong nakabisado ang kanilang mga pangalan. Paano bang hindi eh sasampu lang ata silang lahat. Maliban kay manong guard na nakaabang sa labas ng entrance. Si Wella, ang babaeng nakasalamin ang mata kanina, ang assistant manager pala. Siya ang magtuturo sa akin sa pasikot-sikot dito sa office. And I must say that she's very efficient. Halata kasing alam niya ang kanyang mga sinasabi sa akin. I must tell Gab to promote this woman and she can take over the whole place when the time I have to leave. Bandang alas dose, breaktime, ay nagpakain ako sa mga empleyado. Natutuwa ako dahil masigasig silang lahat at masisipag. Treat ko na rin sa kanila dahil hindi pala biro ang ganitong trabaho. Bandang alas nueve kasi kanina ay dinagsa ang opisina namin ng mga aplikante na hanggang ngayon ay may mga nakaabang pa rin sa labas at naghihintay ng kani-kanilang oras for interview. Ang agency kasi naming ito ay hindi lamang internationally kundi locally rin. Isa rin pala kami sa partner ng DOLE kaya maraming company dito sa Davao ang kumukuha ng mga employees mula sa amin. I stretched my body when the last interviewee leaves my office. I checked the time. It’s six o'clock in the evening. Supposedly, my working time ends at five o'clock. Pero dahil hindi ko maatim na pauuwiin ang iba ay nag-extend pa ako ng isang oras. Wella knocked on my door at napabaling ako doon. “Ma'am, pwede na po kayong umuwi. Magpahinga na muna kayo. Masyado nyong sinerseryoso ang trabaho. Nagpatawag na ako ng taxi na maghahatid sa inyo pauwi para hindi na kayo makatanggi.” She laughed. She looked tired too. Well, I guess we all were. Ang isiping ganitong sitwasyon araw-araw ay nakakatuyo rin pala ng utak. “Ang dami kasing applicants. Nakakapanghinayang namang pauwiin silang lahat eh nakapila na. Siguro gumawa tayo ng cut-off at numbering para naman makontrol natin ang bilang nila. Nakakaloka pala ito.” “Nako Ma'am. Monday po kasi kaya ganun. Tska madami rin ang nagseminar sa taas kaya akala mo lang maraming nag-aaply.” Napag-alaman kong ang second floor pala ay isang malawak na AVR Room kung saan doon ginaganap ang mga seminars and orientations ng mga applicants na nakapasa. Tumayo na ako at kinuha ang aking bag. “Hindi pa ba kayo uuwi?” She shook her head. “Mga six-thirty pa Ma'am. Tatapusin lang namin ang pagsasaayos ng ibang dokumento. Tska hindi pa tapos ang last batch na nag-oorient sa taas. Patapos na rin tyak yun.” “Okay. Kayo na bahala dito. Huwag na kayong magtagal pa. Maiipit kayo sa traffic.” Wika ko. She nodded at me. Lumabas na ako ng aking opisina at nagpaalam sa ibang busy pa rin sa kani-kanilang mga table. Ang iba ay nag-e-encode pa sa kanilang monitor. “Bye guys.” “Bye Ma'am. See you tomorrow.” They replied, and I gave them my farewell smile. Pagdating ko sa condo ay sumalampak agad ako and I leaned against the backrest of the sofa. Pinatong ko ang aking mga paa sa centre table at nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. Tumunog ang aking cell phone kaya inabot ko yun na nasa gilid ng aking bag. Napangiti ako nang makita ang number ng caller na may US country code sa aking screen. “Hello.” “Hi honey. Good evening diyan. How are you?” “Good morning diyan. I just arrived from work. Ikaw ba? What are you up to lately?” “How's work? Was everything fine?” I noticed that he disregarded my question. “Tiring but I can get along. Nag-e-enjoy naman ako sa kasipagan at pagiging masayahin ng mga employees mo. Their smiles and energy are infectious.” I grinned. “Glad to hear that, honey. Anyways, I don't have much time. I need to get up now. I had a long day with all those businessmen yesterday and I'm sure they will drain the hell out of me again today. I still have to do some paperwork first thing in this morning.” I pouted and glad he wasn't here, otherwise he would have seen my sad, dismayed face. “Okay. But don't be too hard on yourself, Gab. Learn how to rest once in a while.” “Yes Ma'am. I'll try to catch up on you later. Iyon ay kung gising ka pa. Hey, don't skip dinner, understand?” I rolled my eyes. “Yes Sir.” He chuckled over the phone. "I love you, Julianne. You are my life, don't you know?” Now, that made me smile. “And I love you too, Gab. You're my one and only.” “I need to hang up now. Bye, Julianne. And I love you again.” “Bye.” He ended the call, and I rested my back again against the sofa. When my phone rang, I reluctantly shifted in my seat. I huffed as I answered the call. “What is it?” “Hello there, cousin of mine! So ano na? Nagkita ulit kayo ni Mysterious man?” I knew it! “Spare me, Brenda. I'm tired.” “Hmmp. Ang taray. Pero I find him intriguing kasi eh. And gosh! He's f*****g gorgeous! Ang hina mo kahit name, hindi mo hiningi? Tsk!” Hinilot ko ang aking sintido. I don't want to talk about the man from last night. Ilang beses na sumingit siya sa aking balintataw sa kabila ng pagkabusy ko sa trabaho and I hate myself for that. That man disturbs my system effortlessly. I just want to get rid of him. “Well, sorry. Unlike you, I don’t have the guts.” I said sarcastically. “Yeah right. But you blew the chance of knowing him!” I winced. When will she ever shut up? “The last time I checked, I have a boyfriend named Gabriel. Why the hell should I be disappointed of blowing the chance of knowing the other guy?” “I didn't say you are disappointed couz! That's your word, not mine! Bingo!” She laughed. “Can we change topic, please? You're getting annoying by the minute.” “Hmmp. How's your day?” I rolled my eyes again. “Good. Nakakapagod but I'll get used to it. Napatawag ka?” “Nangangamusta lang naman. Bukas meet-up tayo. May lakad kami ni Matt tonight eh.” “Kay. Enjoy! I'll hang up now. I need to order some food." “Alright! See you tomorrow! Bye!” Pagkatapos ng tawag na iyon ay tumawag ako sa hotline ng pizza hut para magpa-deliver. Gusto kong kumain ng pizza ngayon at pag ganitong pagod ako ay ayokong magkikilos. I'm not lazy, alright. I'm not just in the mood to cook or do whatever. Inabot ko ang remote control ng TV at nanood na lang ako ng balita habang naghihintay sa pagdating ng delivery. Hindi naman nagtagal ay tumawag ang receptionist sa baba at pinaakyat ko ang delivery man. Nag-abot ako ng bayad at sinobrahan ko para sa tip ng lalakeng malapad ang ngiti sa akin. I like people when they smile. Nakakahawa kasi iyon at nakakapagbigay ng good vibes. Nilantakan ko agad ang Hawaiian pizza at imbes na sa kusina kumain ay nanatili lamang ako sa sitting room. Tumayo lang ako para kumuha ng iced tea sa loob ng ref. Kalahati lang ang nakain ko. I'll just probably reheat the leftover tomorrow morning for my breakfast. I placed them inside the ref after I transferred them to the food keeper. Ang kahon ng pizza ay tinapon ko sa basurahan at dahil hindi ko ugaling patulugin ang basura ng magdamag ay tinapon ko ang garbage bag sa hopper room ng floor na iyon malapit sa exit. Pinatay ko ang ilaw ng sala at kusina since papasok na ako sa kwarto ko at doon na maglalagi. After I took a quick shower and wore my nighties ay humiga na ako sa kama. Ni-check ko saglit ang aking f*******:, Twitter and i********: ngunit naghikab lang ako dahil wala namang interesting doon. I turned off the lights of my lampshade at pinikit ang mata. Alas otso ng gabi pa lang ngunit dahil sa nabigla ang katawan ko para sa araw na ito ay agad na ginupo ako ng antok. Naalimpungatan ako sa mga kaluskos. Mabilis akong bumalikwas at agad na gumapang ang takot sa dibdib ko. Pinakiramdaman ko ang paligid. Tahimik. Ngunit mayamaya lang ay nakarinig ako ng mga yapak! Someone is inside the condo! Tinignan ko ang alarm clock na nasa side table. Alas onse ng gabi! Paanong may tao sa loob? Hindi madaling pasukin ang condo! Automatic na nagla-lock ang door pagkasara nito at hindi iyon mabubuksan ng kahit na sino sa labas maliban na lamang kung may cardkey sila ng condo. Nakarinig ako ng kalabog hudyat na may nagsara ng pinto sa kabilang kwarto. Naririnig ko pa rin ang mga yapak niyon at kahit lagaslas ng tubig sa kabilang bathroom ay naririnig ko! May naliligo! Dahan-dahang tumayo ako mula sa kama. Hinigpitan ko ang tali ng aking roba. Hindi ako nagsuot ng house slippers para hindi ako makaagaw ng pansin sa kung sino man ang nasa kabilang pinto. Kahit malamig ang tiles ng sahig ay ininda ko iyon. Dahan-dahang pinihit ko ang aking pintuan at inawang iyon nang bahagya. Sumilip ako at nagulat dahil bukas ang lahat ng ilaw sa sala! Mabilis akong kumilos at lumabas ng aking silid. Nagtago ako sa pader ng sala na naghihiwalay mula sa kusina. Ayaw kong mataranta. Ayaw kong matakot. Ayaw kong kabahan. Lord! Ano bang pwedeng ipanlaban ko? Wala akong alam sa self-defence! Napasinghap ako nang marinig ko ang pagbukas ng pinto. Ayan na! Sa gilid ko ay isang antique na flower vase na isang metro ata ang haba ang kinuha ko. Ipupukpok ko ito sa taong pangahas! Mga yabag ng paa ang sunod kong narinig at nagdasal muna ako ng taimtim sa Diyos na sana ay walang mangyaring masama sa akin. Isa. Dalawa. Tatlo! “Etong sa'yo! Magnanakaw ka!” “What the f**k!” Tunog ng nabasag na vase ang narinig ko. Kita ko ang pagkawasak niyon sa sahig. Nakailag ang lalake! Yes, a man! Ngunit ang makita ang lalakeng pangahas sa malapitan ang siyang nagpahinto sa aking paghinga. “Ikaw?” “Ikaw?” Halos sabay naming salita. He's the man from yesternight! “Anong ginagawa mo dito sa condo?” He asked accusingly. “Ako dapat ang magtanong niyan! What are you doing in my condo?!” “Condo mo? Wow!” “Yes! Condo ko dahil ako ang nakatira dito! Paano ka nakapasok dito? Isa kang magnanakaw! Tatawag ako ng pulis at ipapakulong kita!” His pupils dilated as he watched me getting hysterical. And to my annoyance, he started laughing. “If I were you, I'm not going to call the police or else you'll catch yourself in trouble. You will become the laughingstock of the town.” He shook his head as he glanced at the floor. “You just broke a thirty-year-old vase from Italy, woman.” I fluttered my eyes erratically. Oh. My. God. He snapped his head sideways as he gawked at me. His eyes hooded, examining me from head to foot. “f**k me.” He said bitterly as he wiped his face with his hand. It looks like we are thinking the same thing. “You are Gabriel's brother!” “You are Gabriel's girlfriend!” This man is Gab's brother! The man who allegedly accused me of being a hooker?! Nanliit ang mata ko habang nakatitig sa kanya. He curved an eyebrow at me, and he did the same thing. Mamasa-masa pa ang kanyang buhok. His diamond stud earing beamed, and it shimmered before my very eyes. I gasped when I realized he's half naked in front of me! Wala itong pang itaas at tanging boxers lamang ang suot ng lalake. He flashed his white teeth, and I could not help but to blush. How can this man be so damn attractive! He played his chin with his fingers as he looked at me intently. “So, you're Gab's girlfriend.” He said matter-of-factly. Mababa na rin ng bahagya ang tono ng boses nito. I looked away from his excruciating gaze. “Please, mag T-shirt ka nga! Mahiya ka naman sa akin!” He smirked and damn me, pinanuyuan ako ng lalamunan. Why, he's so f*****g sexy by doing that! At hindi ko magawang hindi titigan ang kanyang maskuladong katawan! Oh! Please! Julianne! Get a grip, woman! “What's wrong with my body? I can see the admiration in your eyes, woman. Not that I care though. You can swoon over me all you want.” He shrugged. The nerve of this man! “Excuse me! Lilinisan ko muna itong nabasag ko.” I said, dismissing his presence. “Nice t**s, by the way.” I was appalled. Nanlaki ang mata ko sa narinig. Agad na bumaba ang tingin ko sa aking dibdib at hindi ko namalayang lumitaw na pala ang cleavage ko. Inayos ko ulit iyon at itinaas ang nighties ko, making sure na hindi niya ako masisilipan pang ulit. “Bastos!” Sabi ko sa pagalit na tinig. “Gwapo naman.” He winked. And for some inexplicable reasons, I find him more appealing by that gesture. The air trapped behind my throat that I find it hard to breathe. Why am I feeling foreign against this man? “Bastos pa rin at walang modo. Pwede ba, leave me alone? Pumasok ka nalang dun sa kwarto mo at magbigti!” Irap ko. Humalakhak lamang ito at agad kong binawi ang aking paningin. The sound of his laugh is annoying, but his expression is seductive. Oh, damn it! Nagmartsa ako papuntang stock room sa gilid ng kusina para maghanap ng walis at dustpan. Nang matagpuan ko ang mga iyon ay kumuha din ako ng garbage plastic para doon ko itapon ang mga basag na pirasa ng vase. Pagbalik ko sa sala ay nakadekwatro pa itong nakaupo sa sofa at pinagmasdan lamang ako. Alam kong hindi ko dapat ipakita sa kanyang nai-intimidate ako sa presensya niya but I just can't ignore it. “I'll take care of that. Sit here.” He said. His tone is serious this time. He tapped the area of the sofa beside him. What now? I looked at him and he just gave me a pointed look. As if hypnotize, binitawan ko ang mga bitbit ko at tumabi sa kanya. But I made sure there's enough distance between us. Kahit iilang pulgada ang layo ko sa kanya, hindi ko maipaliwanag kung bakit nakaramdam ako ng kakaibang init mula sa kanyang katawan. I shifted in my seat when he raised his hand in the air. “My name is Jack. What's yours?” He asked huskily at hindi ko maintindihan kung bakit pakiramdam ko narinig ko na ang boses niya somewhere else. I blinked many times before I raised my hand to touch his. “Aubrey Julianne. But people address me as Julianne alone.” “Aubrey Julianne.” He repeated and my spine tingled by the way he spoke my name. Like his tongue caresses every letter of it. Oh lord! What the hell am I thinking? “Your name somehow reminds me of someone.” He uttered at tumingin sa aking braso. “You have a fine skin. Honey-coloured skin.” I felt his thumb stroking my knuckles. I swallowed. The touch of our skin is electrifying. And this feeling is so unfamiliar to me. Sinubukan kong bawiin ang aking palad ngunit humigpit ang kanyang hawak doon. “Let me go, Jack.” He closed his eyes. “I love the way you spoke my name, Julianne.” “Let me go.” May diin sa boses ko. He's flirting with me! Marahas na binawi ko ang aking kamay at nang mangyari ay tumayo ako sa harap niya. “Don't flirt with me, Jack. I'm gonna be your sister-in-law soon.” He chuckled bitterly. “I'll be damned if that will happen. You are not going to be my sister-in-law, Julianne. Don't bet on that." Nagpupuyos ang galit sa dibdib ko. He doesn't like me to be a part of his family! “I'll make sure you are going to change your mind, Jack.” He shook his head. "No. I will make you change your mind.” There was a hint of warning in his tone. I gritted my teeth as I turned my heels away from him. Agad na ni-lock ko ang pinto ng kwarto at doon palang ako nakahinga ng maayos. This is not going to be easy.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD