Hindi ko alam kung paanong nairaos namin ni Jack ang ilang araw na pasikretong nagkikita sa balcony tuwing gabi at pag tulog na ang mga kasambahay. Minsan ay madaling-araw ito kumakatok sa french door ng balcony. Katulad na lamang ngayon.
Napasulyap ako sa radio clock sa gilid ng aking kama. Mag aalas dos na ng madaling-araw. Nagtataka ako kung bakit minsan ay ganitong oras ito nakakauwi ng bahay. Minsang naitanong ko sa kanya ay ang sagot sa akin ay trabaho. Over time daw. Minsan ay sasabihing naaaya iyon ng kanyang mga kaibigan at kahit tumanggi siya ay sinusundo daw siya ng mga ito sa office.
Hindi ko na lamang kInwestIyon ang mga rasong iyon dahil tingin ko naman ay nagsasabi ito ng totoo. May mga gabi din naman na sabay-sabay kaming tatlo nina Tiya Leonora maghapunan at maaga din itong umuuwi minsan. Yun nga lang nagkukulong ito sa library at may tinatapos na kung ano-ano.
“Hi.” bati ko sa kanya nang mabuksan ng tuluyan ang pinto sa balcony.
There’s a twinkle in his eyes when he met my gaze at agad na hinila ako palabas at niyakap ng mahigpit. “I miss you, love.”
Kinurot ko ang kanyang tagiliran. “Miss agad? Araw-araw naman tayong nagkikita ah. We even had breakfast together this morning.”
Umungol lang ito at ibinaon ang mukha sa aking leeg. He inhaled my scent. “Iba pa rin pag ganitong nayayakap kita, mahal. Nagkikita nga tayo pero hanggang sulyapan lang. Mas gusto ko ang ganitong moments. Nahahalikan kita, nayayakap. I feel the warmth of your skin against my own. It's satisfying. Natatanggal lahat ng pagod ko.” Bulong nito sa aking leeg.
“Kawawa naman ikaw. Laging pagod. Bakit kasi lagi kang nag-o-overtime.” Hinahaplos ko ng banayad ang kanyang likod.
“Kailangan kasi ako doon, mahal ko.”
May paper company din kasi itong pinapatakbo. At syempre, may night shifts. At nag-su-supervise din daw ito sa gabi.
“Magpatulong ka kay Gab kasi Jack. Hayaan mo at kukumbinsihin ko siyang tulungan kang magpatakbo ng iba ny’o pang kompanya.” Wala sa sariling sagot ko.
He tensed when I mentioned his brother’s name. “Julianne.”
“Sorry. I didn't mean it.” Kagat-labing tugon ko.
He held my cheeks. “It's okay. But Gab has his own company as well. He separated from me a long time ago, right? Binili ko ang shares niya sa mga sa kompanya ng pamilya namin at bumukod na ito. I don't mind if he wanted to share again but I don't think that will ever happen.”
I nodded. But unlike Jack’s, maliit lang ang kompanya ni Gab. He's more into investments. Kumabaga kung sa height, higante si Jack. Si Gab ay bubuwit lang. But I can't blame the youngest. Mas gusto nito ang simpleng pamamalakad at simpleng buhay lang.
Isa yun sa mga bagay na nagustuhan ko kay Gab. He's a simple person with a simple dream. Pero nagtataka ako sa sarili ko kung bakit ko minamahal si Jack ngayon na siyang kabaligtaran ni Gab.
I sighed. Love is complicated, I think. Love moves in mysterious ways, indeed.
“What's with the sigh?” He asked.
Iginiya niya ako sa settee na naroon at umupo kami. Ngunit nagulat ako dahil hinila niya ulit ako at pinaupo sa kanyang kandungan.
“Jack.” Saway ko ngunit ngisi lang ang iginanti nito.
Hinayaan ko na lamang ang sarili ko sa nais niya. When I seated on his lap comfortably, I leaned my head against his shoulder.
Naamoy ko ang mamahalin niyang pabango. It's intoxicating, just like the the man himself.
“What's with the sigh again, love?”
“Wala. Nagtataka lang ako sa sarili ko kung bakit nahulog ako sa tulad mong kabaligtaran ng lalakeng gusto ko.”
Ngumuso ito sa sinabi ko. At parang gusto kong kagatin ang labi niyang iyon. Ang cute niya kasi pag umaaktong parang bata. “You mean, mas prefer mo ang pangit, bansot, mahirap?”
Now it's my time to pout. Kinurot ko ulit ang kanyang pisngi. “I'm not referring to the physical features, Jack. And I don't give a damn kung mahirap man ang lalake. I don't care if he lives in a sewer or if he's as poor as a rat. Basta mahal ko, mahal ko talaga.”
“Sabi ko nga, love.” He gave me his peace sign. “So, anong klaseng lalake pala ang hanap mo?"
Tumikhim ako. “Do you really want to know?”
“Of course. Spill the beans, love.”
Bumuntong-hininga ako. “Si Gabriel. Siya ang tipo kong lalake. Simple. Walang ere sa katawan. Masayahin. Simple lang din ang pangarap nito. He's an ideal guy for me. For me, he's the perfect guy I have been looking for. That he's my answered prayer.”
Kumibot-kibot ang labi nito ngunit walang namutawi na salita. But his eyes said it all. They became sad and dead. “I see.” He muttered.
I sighed. Ako ang nalungkot sa itsura niya ngayon. Parang pasan nito ang mundo. Tinusok tusok ko ang kanyang pisngi kung saan lumilitaw ang kanyang malalim na biloy tuwing ngumingiti ito.
“Pero alam mo kung ano ang na-realize ko ngayon?”
He shook his head at yumuko. I held his chin at hinarap sa akin ang kanyang malungkot na mukha.
“Na-realize ko na hindi porke nakita mo na ang ideal man mo, hindi ibig sabihin ay siya na ang makakapagpaligaya sa'yo. Hindi ibig sabihin nun na sa kanya na iikot ang mundo mo. Hindi ibig sabihin nun na siya na ang taong mamahalin mo ng lubos. Yes, two years with Gab was pure happiness. At sa loob ng dalawang taong iyon ay naging dependent ako sa kanya. To the point na hinayaan ko ang sarili kong sundin ang mga gusto niya. Dahil ang sa isip ko noon ay mahal ko siya. Pero ang lahat ng iyon ay naglaho sa isang iglap nang makilala kita Jack. Umabot ako sa punto na nakikipagtalo ako sa sarili kong nararamdaman and I was never like that before. You confused me; your presence disturbed me. And most of all, you consumed me. Ikaw yung kahit pilit kong iniiwasang isipin e, bigla na lang susulpot sa utak ko. Yung marinig lang ang boses mo, nanginginig na ako sa kaba at excitement. Everything suddenly becomes brand new. You introduced me to the feelings I’ve never felt before, Jack. It's only you who can do this to me. Katulad na lamang ngayon, ang lakas ng t***k ng puso ko sa presensya mo.” Ngumiti ako sa kanya.
Umawang ang labi nito at mukhang nahirapan itong i-comprehend ang mga sinabi ko. Mayamaya lamang ay ginagap nito ang palad ko at tinapat sa kanyang puso.
“Feel that, love? Ikaw lang din ang nakakagawa nito sa puso ko. Naghuhurumintado ito sa tuwing kasama kita. Sa sobrang lakas ng pintig ng puso ko pakiramdam ko nga ay mapupugtuan na ako ng hininga.”
May parang mainit na palad ang humaplos sa puso ko. Niyakap ko siya at ibinaon ang aking mukha sa kanyang leeg. “I love you, Jack.”
Lumalim ang tiyan nito sa paghugot ng hininga. “It's music to my ears, love. You, telling me you love me, it's so surreal. I can't imagine myself without you, Julianne. Hindi ko alam kung mabubuo pa ako pag nawala ka.” He snaked his arms around my waist and held me closer against his hard body.
Gusto kong humagulhol sa kanyang balikat. Yung pakiramdam na gusto mong ipagsigawasan sa buong mundo kung gaano ka kasaya ngayon pero alam mong hindi pwede dahil komplikado. Dahil may masasagasaan. At ang sayang iyon ay napapalitan na naman ng takot.
“Mukhang tuwang-tuwa ka nga ata eh. Did I just confess how much I love you Jack?” Pinilit kong pagaanin ang boses ko para hindi nito mahalata ang mga pangamba ko sa mga mangyayari sa hinaharap.
“It appears to be that way, love.”
I can sense he's grinning now.
Kinurot ko siya ulit at humalakhak na ito ng tuluyan.
“I wish to heaven this moment never ends, love. And I hope the odds be on our favour.”
“I'm wishing for that too, Jack.”
He smiled a little at bumaba ang labi nito para dampian ng banayad sa aking labi.
I'm not just wishing, but I also praying hard that things will work out fine soon. And yes, I hope the odds be on our favour.
Sabado ng gabi. Finally, matutuloy na rin ang pagpunta namin ni Jack sa CubMix Bar. As usual, hindi sabay ang pagpunta namin sa bar. Ihahatid ako ni Mang Nato patungo sa lokasyon at aabangan na lamang ako ni Jack doon.
Ang paalam ko kay tiya Leonora ay makikipagkita ako sa pinsang kong si Brenda. Though I texted her and invited her to come over to the bar. Susubukan daw nito pag may oras pa. Pauwi pa lang kasi ito galing sa Mawab para sa isang deal.
Maharot na tugtugan ang agad na bumungad sa akin. Dagsa na rin ang tao sa loob at kahit sa labas ay nagkukumpulan rin ang ibang tao.
Ang alam ko ay restobar ang uri ng establishment na ito. And the finest restobar in the city, at that.
“Hi.” bati ko sa isang waitress. “Do you know where the VIP lounge is?”
“Hello po. Sa bandang unahan po ng first floor. Ah, sino po ba hinahanap ninyo? Kasi kilala namin lahat ng nag-occupy sa VIP Ma'am.”
“I'm looking for Jack Aragon?”
Sinipat ako ng babae mula ulo hanggang paa. Hindi ko maiwasang hindi magtkawas ng kilay sa paraan ng pagtitig niya sa akin.
May sinenyasan ito at lumapit ang isang maskuladong lalake. Isa sa mga bouncer ito ng bar, hula ko.
“Pakihatid sa VIP lounge nila sir James.” Tinuro ako nung waitress. The big guy just nodded at her.
“This way Ma'am.” wika ng lalake.
Nagpasalamat muna ako sa waitress at sumunod na sa lalakeng nauna nang naglakad. Panay ang tingin ko sa paligid. Sa gilid kami dumaan dahil ang dancefloor ay puno na ng mga tao. Muntik pa akong mabangga ng iba.
Pansin ko rin ang stage na may isang bandang kumakanta ng rock song. It's My Life ni Bon Jovi ang kinakanta kung hindi ako nagkakamali.
“Ma'am doon po sila.” Wika nung bouncer. Sinundan ko ng tingin ang tinuro nito at nakita ko sa pabilog na sofa na iyon ang apat na lalake na humalakhak.
Ngumiwi ako. Am I the only girl?
Jack noticed me. Agad na tumayo ito para salubungin ako. Tumigil ang tawanan ng mga kasama niya at dumako ang mga tingin sa akin.
“Come.” Hinila ni Jack ang palad ko. Nilingon ko ang likod ko para magpasalamat sa bouncer ngunit hindi ko na iyon nahagilap.
Nahihiyang nagpahila kay Jack. The men looking at me were quite intimidating and humiliating. Parang pinag-aaralan nila ang klase ng pagkatao ko.
Tumikhim si Jack nang makalapit kami ng tuluyan. “Guys, this is Julianne. Julianne, these are my friends.”
Isa-isang tumayo ang mga ito. Bigla akong nanliit. Nagmumukha akong pandak sa height kong 5'6". Partida pa ito, nakaheels pa ako. Ang tatangkad ng mga ito!
Ang pinakamalapit sa akin ay naglahad ng palad. “Hi, I'm Lawrence. Glad to meet you.”
Sumunod ang isa. “Ian.” He kissed my hand. Namula ako.
“I'm Chris.” magiliw na sambit nung isa. Tumawa ang mga kasama nila ng pinahiran nito ang palad ko ng tissue ang parteng hinalikan nung Ian. “Baka ma-virus ka.” He winked at me.
Binunggo lamang ni Ian ang siko nung Chris.
“And of course, we met few times already.” Ngisi ni James.
“Yeah, James.” Ani ko.
Ngumiti silang lahat at parang gusto kong mag-request ng oxygen agad-agad. Ngiti pa lang ng mga lalakeng ito pamatay na.
“Actually, anim kami pero wala si Reid. May problema eh.” Salita ni Chris.
“He's blind temporarily.” Dagdag ni Ian.
Oh, I see.
“Sit, love.” Bulong ni Jack sa akin malapit sa tainga. Nagtaas ng kilay ang mga kasamahan niya at namula na naman ulit ako. Thank god sa dim lights at naitatago nito ang kulay ng mukha ko.
“Anong gusto mong inumin, Julz? Kahit ano, libre ko.” Ani James.
“I can pay for her, dude.” Asik ni Jack na nanliliit ang mata kay James. Gusto ko siyang kurutin. Masyado siyang obvious!
James laughed. “I know, right.”
“So, boyfriend mo si Gab?” Si Lawrence, his stoic face is giving me goosebumps.
“Y—yes.” Kagat-labi kong tugon. Bakit pakiramdam ko'y nagsisinungaling ako?
Sabay na tumango ang apat. Si Jack ay tahimik lamang sa gilid ko. I wonder what's he thinking?
“Ah. Akala ko kayo ni Jack eh. Kanina pa siya nagkukuwento tungkol sa'yo, alam mo ba?”
I curved a brow. “Katulad ng?”
“Kahit ano lang.” Ngisi ni Ian.
“Nakwento ni James na muntik nang makipagsuntukan si Jack nung nakaraang linggo sa resto? That caught us by surprise. He never behaved like that ever since we knew him.”
“You must be something, Julianne.”
“I told you mga brad, isa siyang alamat.” Singit ni james.
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi agad nagsi-sink in sa utak ko ang mga pinagsasabi nila. Hindi ba sila naniniwala na girlfriend ako ni Gab?
“You know, Julz you can fool the world, but you can't fool us. I can tell a person if he’s in love when I see one. At nakikita ko yan sa inyong dalawa. We've been there, trust me. Naranasan na namin yan. And I'm glad Jack is experiencing that now. Paiyakin mo siya ha.” Si Lawrence na may ngiti sa mga labi.
“Yeah. Kaya huwag n’yo nang itago yang nararamdaman nyo sa amin. Your secret is safe with us. Susuportahan namin kayo, ano man ang mangyari.” Ian commented.
Again, I was rendered speechless.
“Thanks dude.” Tumayo si Jack at nakipag apir sa mga kaibigan. Pagkaupo ni Jack ay agad na hinapit ako nito at hinalikan sa pisngi. Malakas na umubo ang apat.
“Lakas maka PDA ng lalakeng ito.” Pumalatak si Chris.
“Gawain nyo rin naman ah.” Jack replied.
“Welcome to our world, man. Kung saan nakasalalay ang puso at kaligayahan natin sa mga palad ng ating mga babaeng minamahal.”
“Cheers to that!” They raised their wine glasses. Inabutan ako ng isa ni Jack.
“Mild lang yan.” He grinned at me at tinanggap ko iyon ng walang pag-alinlangan.
Nagpatuloy ang usapan nilang apat. Nakikinig lang ako at natatawa din pag nag-aasaran ang mga ito. They're planning for the next meet up kasama ang mga girlfriend nila. Maliban kay Jack, Si Ian nalang pala, James at yung Reid ang hindi pa naikakasal. Si Chris naman ay ikakasal na rin. Hinihintay lamang nito na gumaling si Reid dahil ito ang kanyang best man. And Lawrence's wife is pregnant.
“Jack, pa-request naman.” Si Lawrence. “Bihira lang akong humingi ng pabor.”
“Okay ano ba yun dude?”
Tinuro nito ang stage. “Kantahan mo si Julianne, dude.”
Naghiyawan ang mga lalake. “Oo nga pare! Shoot!”
“Hindi pa ako kumanta in public dude! Alam nyo yan! Singing in public isn't and will never be my cup of tea. No way in hell!” Tanggi ni Jack.
“Yes, way in hell dude!” Si Ian na namumula na ang pisngi.
“Julianne, convinced her please.” Si James na ngising ngisi.
“Love, no.” He warned me. Nilakihan pa ako nito ng mata na para bang masisindak ako nito.
Humalakhak ako sa inakto nito. Lumapit ako at bumulong sa kanya. “I will kiss you in public once you’re done singing, Jack. Please sing for me?”
Napakagat labi lamang ito sa akin.
“Please?”
He groaned. “Don't give me that puppy face, love. You're too adorable.” Pinisil nito ang chin ko. “Okay, I'll sing for you.” Tinungga muna nito ang wine glass na may laman. Pampalakas loob daw.
“Yes! I love you!”
Humalakhak ang mga kasama namin dahil napalakas pala ang boses ko.
Tumayo si James kasabay ni Jack at tumungo sa stage. James is talking to the band. Oh, he can mandate everyone here. He’s the owner, so hindi na nakakapagtaka.
Nahawi ang dancefloor at unti-unting nawalan ng tao sa gitna. Bumalik ang mga tao sa kanya-kanyang table at lahat ay nakatingin sa stage.
Tumikhim si Jack sa harap ng microphone stand. “Good evening, everyone. Sorry for interrupting and spoiling your night. I hope you don't mind if I sing in front of you? I'm just granting the request of my beloved woman. Sana mag-enjoy rin kayo.”
“That's our DJ.” Bulong ni Lawrence.
DJ? Pinilig ko lamang ang aking ulo.
Sumenyas si Jack sa band. “This is for you, mahal.” He's looking straight at me. Nilingon pa ako ng ibang tao.
When he started singing, people gasped. With his voice, he sets the mood for a romantic night.
Tonight is very clear, as we both lying here
There's so many things I wanna say
I will always love you, I will never leave you alone
Sometimes I just forget, say things I might regret
It breaks my heart to see you crying
I don't wanna lose you, I could never make it alone
I am the man who will fight for your honor
I'll be the hero you're dreaming of
We'll live forever, knowing together
That we did it all for the glory of love
You keep me standing tall, you help me through it all
I'm always strong when you're beside me
I have always needed you, I could never make it alone
I am the man who will fight for your honor
I'll be the hero you're dreaming of
We'll live forever, knowing together
That we did it all for the glory of love
Like a knight in shining armor, from a long time ago Just in time I will sieze the day,
Take you to my castle far away.....
I am the man who will fight for your honor
I'm gonna be the hero you're dreaming of
We'll live forever, knowing together
That we did it all for the glory of love
We'll live forever, knowing together
We did it all for the glory of love
We did it all for love......
We did it all for love......
We did it all for love.....
Hindi ko namalayang natulala pala ako habang kumakanta ito. Ni hindi ko napansing naiyak pala ako. He got some pipes, and his voice is like an angel from above. The way he sang the song, it felt like he meant every lyric of it.
He sang it wonderfully, emotionally, meaningfully.
And I guess the crowd would agree with me dahil tumayo silang lahat at nagpalakpakan.
Napaigtad ako sa dantay ng kamay sa aking balikat. “Isa ka ngang alamat, Julianne. Wala pang nagpakanta kay Jack sa harap ng mga tao. Ikaw pa lang ang nakagawa nito sa kanya.” Chris whispered proudly.
Nagpasalamat si Jack sa lahat at sa banda. Habang bumababa ito sa stage, parang may sariling isip ang mga paa ko na basta na lamang naglakad para salubungin ito.
He was looking at me intently. In fact, kahit kumakanta ito kanina ay sa akin lang ito nakatingin. He was mesmerizing up there on the stage. He captured every soul in this place.
We met at the middle of the dancefloor, few steps away from each other. Then time stood still. Everything was suspended in time and space.
He smiled shyly at me. He opened his arms and before I could think, I ran into him in a nanosecond. He embraced me so tight.
I tiptoed and kissed him torridly, passionately and heartedly. He answered my kisses with equal emotions.
We don't care of the chanting of the crowd.
“You did it, Jack.” I whispered when I moved my lips away from his.
He leaned his forehead against mine. “I did it all for love. For you.” He grinned. And I kissed him once more.
Realization hits me. Wala na akong pakialam sa kung sino pa man ang masasaktan. Ipaglalaban ko si Jack. I'm gonna fight for our love no matter what it takes.
If destiny will against us, I will fight back. I won’t surrender.