FIFTEEN: TORRID KISS

3576 Words
“Jack, stop. We need to stop.” Awat ko sa kanya. I pushed him reluctantly, enough to put a space between us. Ramdam ko ang kanyang panggigil sa akin. He's gripping my thighs so tight na paniguradong mamumula tiyak ang mga iyon. Pareho kaming naghahabol ng hininga habang magkalapat ang aming noo. “Sorry, love. I got carried away.” “It's okay. Me too.” He brushed my hair away from my face. He traced the contours of my lips. “Namamantal ang mga labi mo, Julianne. Masyado ko atang napanggigilan. Buti na lang at hindi nagkasugat.” Ngumiti ito sa akin. His lips are reddish too. Ilang beses ko rin itong nakagat nang hindi sinasadya. He's a damn good kisser. “Masyado ba tayong mabilis, Julianne?” There's concern in his voice. I must nod. I want this relationship to be as honest as possible as it should be. Kahit man lang ang nararamdaman namin ang maging tapat. Kahit pa kailangan namin itong itago sa mundo. “Oo. Natatakot ako, Jack.” Ikinawit ko ang aking mga braso sa kanyang balikat at pinaglalaruan ng aking daliri ang buhok niya sa batok. “Natatakot ka saan?” “Natatakot ako sa nararamdaman ko sa'yo. Ang bilis kasi. Parang nalubog agad ako. Yung pakiramdam na isang halik mo lang, handa akong ibigay sa'yo lahat. Natatakot akong baka wala na akong itira sa sarili ko pagdating ng araw. You know, with Gab, there's always a wall between us. There were never such moments like this.” “Julianne. Don't compare me to my brother. I don't like it. And I told you, let's not mention names when we're together.” His jaw clenched. “No, you don't understand.” Hinaplos ko ang kanyang pisngi. He looked hurt, wounded. “I understand, alright.” Bumitaw ito sa yakap ko at tumalikod sa akin. Namulsa ito. “Wala akong pakialam kung pangalawa lang ako sa buhay mo. Tanggap ko naman na si Gab ang nakauna sa’yo. He's your first. First love, probably first kiss. First in everything. At tanggap ko yun kahit masakit isipin.” He faced me again. “But I may not be your first, but this time I'll make sure I'm going to be your last.” Napatungo ako. “Jack, kahit anong iwas natin, names will be brought up here. Hindi ko naman ibig sabihin na ikumpara ka sa kanya. Ang sinasabi ko ay ang tungkol sa nararamdaman ko sa'yo na malayo sa naramdaman ko sa kanya noon.” I sighed. “Let's just take things slowly, Jack. We should not rush things, lalong lalo na ang relasyon na ito. I don't want this to fail. Dahil alam kong lahat ng relasyong nag-uumpisa sa mali ay hindi kailanman magiging tama. We both know this is wrong. At hindi ko alam kung kailan ito maitatama, Jack. Maybe never. But I'm willing to gamble, as long as I'm with you.” Namungay ang kanyang mga matang nakatitig sa akin. His eyes softened. And there's a little smile on his lips. Lumapit ito sa akin at ikinulong ako sa kanyang maiinit na bisig. “Your love is worth the risk, Julianne. And you, my love, is a risk worth taking. Isusugal ko lahat, basta ba ikaw ang kapalit.” Ngumuso ako at niyakap siya pabalik. “Your words are as sweet as your lips, Jack. I wonder kung sa ganito rin bang paraaan mo nakuha si Wendy?” Nilayo niya ako sa kanyang katawan at nag-angat ng kilay. “At bakit napasok si Wendy sa usapan, Julianne?” I shrugged. “Well, you know. You two are bed partners.” Ngumiwi ako at pinagdikit ang dalawa kong hintuturo sa aking kandungan. Ayaw kong nakikita ang kanyang hitsura pag si Wendy na ang pinag-uusapan. “Were. Past tense. That was before. Hindi na ngayon. I told you, she's my only way to forget you but I always failed. Every time I closed my eyes, all I see is you. And Wendy and I are both consenting adults. We know our limitations and falling in love was never a problem to us dahil wala kaming damdamin sa isa’t isa.” “But I really think she likes you, Jack.” “Well, we used to like each other before. I courted her when she was in college, but things didn't turn out our way. We got separated and decided to live apart. Few years later, we bumped to each other again and we clicked. Pero hanggang doon lang yun, Julianne.”   Ngumuso ako. “Okay sabi mo, e. But I don't want to see the two of you together, Jack. It's okay to talk but please no kissing when I'm around. I don't like it.” Ngumuso rin ito. “Same goes to you. Ayokong nakikita ko kayo ni Gab sa hindi kaaya-ayang sitwasyon. Baka makalimutan kong kapatid ko siya.” Bumaba ako sa pagkakaupo sa mesa at inalalayan ako nito. Tumungo ako sa coffee table at naghila ng isang upuan. Jack did the same. We are facing each other. Tinanggal ko ang laman ng paper bag. Naka-Tupperware ang mga pagkain. Kinuha ni Jack ang paper bag at nilapag sa gilid nito. “Kailan ang balik ni Gabriel, Jack?” He stared at me. “Why? Do you miss him now? Gusto mo na ba siyang bumalik?” Umiling ako. “I want to talk to him personally. Gusto kong sabihin ang totoo sa kanya. Ang tungkol sa atin. Hindi ko lang alam paano niya tatanggapin ang lahat ng ito. Ironic, right? I don't want him to be upset, yun pala, ako lang pala ang magbibigay sa kanya ng ikakasama ng loob. This whole thing will break him apart.” Jack held my hand and pressed it a little. “Huwag muna nating isipin ang bukas, Julianne. Let's just live for this moment. Hayaan nating magsaya ang mga sarili natin kahit hiram lang ang mga sandaling ito. Let tomorrow takes its course.” I nodded. “Kain na tayo?” He sighed inwardly. “Thank God. Now you're talking.” Magana naming pinagsaluhan ang pagkaing dala niya. Pero deep in my mind, I'm scared for all of this. I don't know if the time will come, malalagpasan kaya namin itong tatlo?     *********   It is seven o’clock in the evening. Nakaligo na ako at ngayon ay nakagayak na. Ang plano ay aabangan na lamang ako ni Jack sa restaurant kung saan kami unang nagkita na pag-aari ng kanyang kaibigan. Hindi daw kasi pwede na magsabay kami ng alis dahil baka makagawa kami ng konklusyon kay Tiya Leonora. I received a message alert tone. Kinuha ko cell phone sa loob ng sling bag. I have a message from Jack.   Jack: Love, kakadating ko lang dito sa resto. Ready ka na? If not yet just take your time. I'll be waiting for you here. Love you. Napakagat labi ako habang nagrereply.   Me: I'm done. Lalabas na ako mayamaya lang. See you.   Isang smiley lamang ang kanyang nireply. Binalik ko ang cell phone sa loob ng aking bag at sinipat ng isang beses pa ang aking sarili sa salamin. Naka spaghetti strap minidress ako. Hindi naman masyadong revealing at provocative ang ayos ko. Wedge sandals lang din ang suot ko sa aking paa. Ang aking buhok ay naka-ponytail at naglagay ako ng bahagyang make-up. Para naman hindi halatang kinakabahan ako sa paglabas na kasama siya. Pagbaba ko ay agad na nagpaalam ako kay tiya na pilit binabasa ang katotohanan sa aking mata. “Magkasama kayo ni Jack, hija?” Mahinhin na tumango ako. “Opo. Uhm…ipapakilala daw niya ako sa mga kaibigan niya na kaibigan din ni Gabriel.” “Oh!” She exclaimed. “The gentlemen. Yeah, yeah. They're such good friends to the siblings kahit ba matagal na nilang hindi nakikita si Gab. You’re going to love those boys. Ah, the handsomest species.” Gumaaan ang kanyang tono na bahagya pang humalakhak. Tumawa ako ng mahina. She's fangirling with those guys?        “Mauuna na po ako, tiya.” “O siya, sige. Nakahanda na rin ang sasakyan. Mag-iingat ka sa daan, hija.” Humalik ako sa kanyang pisngi at nagpaalam na ng tuluyan. Mukhang wala namang bahid na malisya sa kanya itong paglabas ko na kasama si Jack. Paranoid lang siguro ako. Tinext ko muna si Jack na nakaalis na ako ng mansyon. Nang makarating ako sa resto ay nakita ko kaagad ang bulto nito sa labas ng entrance. Nakapamewang ang isa nitong kamay samantalang ang isa ay kupkop ang cell phone. May kausap ito and he's frowning. Like he's pissed or worried? “Manong Nato pwede na po kayong umuwi. Sabay po kami ni Jack babalik sa mansyon. Salamat po sa paghatid.” Ngumiti si Manong Nato sa akin at sumagot. “Walang problema Ma'am, basta kayo.” I chuckled as I tapped his shoulders. I opened the door of the car and I get off from it. Pinasadahan ko muna ang aking dress at hinaplos para tumuwid. Umupo kasi ako kaya I worry baka nagusot ito at baka bigla na lamang akong habulin ng plantsa dito. I'm that vain when it comes to appearance pero pagdating naman sa ibang bagay like food, hindi ako pihikan at maarte. I can almost eat everything. Pinasadahan ko rin ng tingin ang facade ng restaurant. Adam's Eve ang nabasa kong pangalan na nakadisplay sa taas. Pinapalibutan ito ng magagarang ilaw. Napangiti ako. Weird name yet classy. I took one more sigh before I started walking to his direction. Bahagyang nakatalikod ito sa akin kaya hindi nito pansin ang presensya ko. Kahit ang mga guests na kadalasan ay magkakapareha at pinapasadahan siya ng tingin ay hindi nito pansin. “Alright.” rinig kong banggit nito. Sumilip ito sa kanyang relong pambisig. “Mga nine siguro ako papasok. Yep. I have a date, damn it! Kung bakit hindi nyo agad ako inabisuhan!” Napaigtad pa ako sa paglakas ng kanyang boses. When he moved again, that's the time he noticed me. Kumaway lang ako sa kanya at tipid na ngumiti. He nodded as he raked his eyes from my head to toe and vice versa. Bigla tuloy akong nahiya. “Sige na. My date is here.” He said before he ended the call. Lumapit ito sa akin at akmang yayakapin ako ngunit mabilis akong lumayo. “Jack, no hugging and kissing in a public place.” I reminded him. He scratched his nape and smirked at me. He's too cute! “Sabi ko nga, di ba? Shall we?” Naglahad ito ng palad sa direksyon ng entrance. Tumango ako at naglakad kami ng sabay sa aisle ngunit magkalayo. Pagpasok namin ay dumiretso agad si Jack sa restaurant receptionist. Tinuro nung babae kung saang table kami at may isang waiter ang dumating para mag-assist sa amin. Pagsulyap sulyap ako sa paligid. Nagagandahan talaga ako sa ambiance dito. Very serene, quiet and intimate. Pansin ko ring kadalasan ay magkakapareha ang kumakain dito. This place is for lovers. Humila ng isang upuan si Jack para sa akin. “Thanks.” Umupo naman ito sa tapat ko. Nagbigay ang waiter ng menu sa kanya at sa akin. “What do you like to eat, love?” He asked but his eyes fixated on the menu. Nagtaas ako ng kilay sa kanya. “Kahit ano, Jack. Kung ano nalang order mo yun na lang akin.” He shrugged his shoulders. “Alright then. Let's see.... Hmm.” Medyo hinimas pa nito ang baba. Hindi ko tuloy mapigilang titigan ang labi nitong mamula-mula. “We'll have Salisbury steak, lemon baked cod, burrito casserole and Greek salad. Oh, and a bottle of Berringer red wine please.” He spoke in a serious note. Tumango-tango ang waiter habang nagsasalita si Jack. “Would that be all, Sir?” “Yes. Thanks.” “Your food will be served in a minute.” The waiter replied as he bowed his head to us. Umalis na ito pagkatapos. “Hoy.” Bulong na tawag ko sa kanya. He raised an eyebrow. “Don't use endearments when we are not alone, Jack.” “Did I?” “You called me love.” I called you love because you are lovely. Ganun lang yun.” He grinned. Umirap ako. “Sige palusot ka pa.” Humalakhak ito. “Sarap mong halikan, love.” He whispered just enough for me to hear. “Ewan ko sa'yo.” Ngumuso ako sa kanya. “Well, well, well, look who's in the house!” Sumulpot sa tagiliran namin ang isang lalake. Naka white long sleeve polo ito. I remember him. Siya yung lalakeng kausap ni Jack noong unang pasok ko pa lang dito sa restaurant.            “James, dude.” Tumayo si Jack at nakipagkamay sa lalakeng bagong dating. “Ilang araw tayong hindi nagkita brad.” The guy answered. Palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Both men ang gorgeous on their own way. Walang tulak kabigin. But then, my gaze always lands at Jack and linger a little bit longer. “Who's this chick?” Sumulyap ang lalake sa gawi ko at ngumiti. Damn he's got some killer smile. “Spare her, James. She's Julianne, Gabriel's girlfriend.” Hindi nakaligtas sa akin ang pagkangiwi ng mukha ni Jack. “Really? So, you're Julianne? Akala ko naman ikaw na ang babaeng magpapaiyak sa lalakeng ito. Anyway, I'm James, the restaurateur of the group and the owner of this place.” Ngumisi si James. Lumapit ito sa akin at naglahad ng palad. When I reached for his hand, he grasped it at dinala sa kanyang labi. He kissed my knuckles. Aburido namang inawat ni Jack ang kamay ko sa kanya. Pinahiran pa niya ang likod ng palad ko gamit ang kanyang hanky na dala. Lalong humalakhak si James sa inasta ni Jack. “The boys should see this. Damn it! This is epic!” “Shut it James.” Lumukot ang mukha ni Jack. “Sorry bro. Hindi lang ako sanay sa ganyang treatment mo sa mga babae.” He flashed his perfect set of white teeth to me. I blushed. “So, wala tayo mamaya sa Bar?” “Yeah, something came up again.” “Tsk. Tsk. So, you'll be on-air. Akala ko you took an off tonight.” umiling ito. “I did. May hindi inaasahang pangyayari.” “Next Saturday, probably.” “Yeah.” Hindi ko maintindihan ang takbo ng usapan nila. And aren't they aware na sila ang halos tinitignan ng mga tao dito? Patay malisya lang ata itong dalawa eh. “Greet mo kami mamaya ah.” Tumawa ulit si James. Bumaling si Jack sa akin na para bang ngayon niya lang narealize na nakikinig ako. “Can we talk to your office, may sasabihin akong mahalaga.” He then glanced at me. “Love, I mean Julianne, will you be fine if I leave you for a minute? I'll be back immediately. May pag-uusapan lang kami.” I nodded. “No problem. Sure. Take your time, Jack.” Hindi pa rin mapalis-palis ang ngisi sa labi ni James habang nakamasid sa amin. What's with his face? “Let's go.” Tnapik ni Jack ang balikat ni James. “See you later, love, este Julianne!” Satsat pa ni James. Halatang inaasar nito ang kaibigan na kanina pa naaasar. Umiiling-iling lamang ako sa kanilang dalawa habang nakatingin sa kanila papalayo. I fished for my phone inside my bag at magche-check na lamang ako sa aking f*******: notifs habang naghihintay makabalik si Jack. I was checking my newsfeed when a voice got my attention. “Julz!” Someone called my name. Agad na bumaling ako sa direksiyon ng boses at nasumpungan ko si Matt na patungo dito. “Matt! Si Brenda?” Tumayo ako para salubungin ito ng yakap. “Outside, may kausap sa cell phone. Ikaw lang ba mag-isa?"” Obviously not? “I'm with someone. May kausap lang din. Please take a seat.” Tinuro ko ang upuan ni Jack. “Sure. Thanks. Buti at nandito ka rin. Sabi ni Brenda ay nagpasabi ka raw na hindi ka makakasama sa lakad namin. But now, you're here. Yun nga lang iba ang kasama.” He smiled. “Oo nga eh. Hindi ko na naman alam na dito ang punta n’yo. I thought you’d watch movie tonight.” “Yeah, that's the plan. After we had dinner here, pupunta na kami sa—” Hindi natapos ni Matt ang kanyang sasabihin because out of the blue, Jack appeared. Agad nitong kinuwelyuhan si Matt na napatayo dahil sa paghila ni Jack. I was shocked. “Who gave you the right to sit in my chair?” Nanlilisik ang mata nito. His body tensed, jaw clenching. “Sorry pare—” Mabilis akong lumapit para pumagitna. “Jack, he's my friend!” Dumating din si James na agad pinaghiwalay ang dalawa. “What the f**k is happening here?” Dinuro ni Jack si Matt. "Kung alam mong may nakaupo doon, huwag mong upuan. Nakikipag-usap ka pa sa kasama ko!” “Jack!” Saway ko. He's getting overboard. Hinarap ko ito. “He's my friend. He's Brenda's boyfriend! My god!” Lumapit ako kay Matt na kanina pa nagtitimpi. He has tempers too at ayokong magpang-abot ang dalawa sa ganitong lugar. “I'm sorry, Matt. Hindi niya sinasadya. He's Jack, kapatid ni Gabriel.” “Huh!” He huffed. “Kapatid pala ng boyfriend mo, bakit kung makaasta parang siya ang boyfriend.” Asik nito. Susugod sana ulit si Jack ngunit mahigpit na hinawakan ito ni James. “Calm down, dude! Lumugar ka nga!” Salita ni James dito. “Anong nangyayari dito?” I sighed in relief when I saw Brenda coming. “Couz.” “Julianne? You're here! Teka, may away ba dito? Matt what's wrong?” Nilapitan nito ang nobyo. Bumitaw si Jack sa hawak ni James. He looks calmer now. “Sorry. Akala ko kasi kung sino ang kumakausap kay Julianne.” “Pwede naman kasing magtanong dude, di ba?” Panunuya ni Matt although he's calmer now too. “Oo nga naman.” Segunda ni James na nakangising aso sa kaibigan. Inirapan ko ito. Ang mga tao ay nagsipag-upo ulit nang makitang nagkakaayos na dito. “To make amends, why don't you occupy the VIP room? Put all the expenses to Jack's tab.” Dugtong ni James. Tumango si Jack. “No problem with me.” “Hindi na kami tatanggi at libre yan.” Ngumiti si Brenda at kumindat sa akin. Isa pa itong babaeng ito. Lumapit si James sa akin na siyang ipinagtataka ko. He whispered in my ear. “Isa kang alamat, Julianne.” He winked. Nagtaka man ay binalewala ko na lamang. At dahil nga sa nangyari, lumipat kami sa VIP room na mayroon pala dito sa restaurant na ito. Pang apatan ang mesa. Magkatabi kami ni Brenda at magkatabi rin sila Jack at Gab. Halos puno ang pagkain sa mesa na siyang ikinatuwa ng pinsan kong mahilig kumain. Nagpasalamat ako at nagkamabutihan na ang dalawang lalake at pinag-uusapan ang negosyo. “Wala si Midnight Blue ata ngayon couz.” Biglang sambit ni Brenda.    “O really? Saturday ngayon ah.” “Yun na nga eh.” Ngumuso pa ito. “Alam mo Jack, fan si Julianne ni Midnight Blue. Do you know him? Yung DJ? Ang haba nga ng hair ng babaitang ito dahil kinantahan siya nito and take note, live yun.” Napaubo si Jack at agad uminom ng tubig. “Talaga? Hindi ko alam na nakikinig ka pala sa FM station, Julianne.” “In love siya kay Midnight Blue!” Tili ni Brenda. Nasamid ulit si Jack. “Okay ka lang?” Wika ko sabay abot ng tissue paper dito. He nodded gingerly. Nagpunas muna ito ng bibig. “In love ka dun?” I rolled my eyes. “Hindi in love, humahanga lang. I just like his soothing voice.” Tumango lamang ito ngunit nagniningning ang mga mata. What's wrong with him? “Paano kung bigla kang ayain ni Midnight Blue na makipagkita, anong gagawin mo Julz?” Singit na tanong ni Matt. “Wala. Imposible yun. Tsaka kung sakali man, hindi ako papayag. I want him to remain mysterious for me. I don't want to imagine Midnight Blue with a face.” “Baka naman natatakot ka lang dahil baka ma-disappoint ka pag nagkita kayo ng personal.” Ani ni Jack. “Probably. But I'd really prefer him to be that mysterious.” I hope Jack won't get jealous. The three of them shrugged their shoulders. Iniba na naman ni Brenda ang topic at habang nag-uusap ay kumakain din kami.     **********   Nasa tapat na kami ng mansyon nila Jack. He turned off the engine. Madilim na ang kabahayan. Ang aga namang matulog ng mga tao. Mag aalas diyes palang eh. “Hindi na kita mahahatid sa loob, may pupuntahan pa akong importante eh. Next weekend na tayo tumuloy sa bar kung saan kompleto ang mga kaibigan ko.” Gusto ko sanang itanong kong gaano kaimportante iyon but then I don't want to sound presumptuous. “It's okay. Mag-iingat ka sa pagmamaneho ha.” “Sorry again about what happened. I just got.... jealous.” His voice quiter and yet, husky. “You don't have to be, Jack. He's just a friend.” “I know love, I was being judgmental. Will you forgive me?” Tumawa ako at pinisil ang tungki ng kanyang matangos na ilong. “Oo naman. Basta huwag nang mauulit ha.” “Opo.” He then turned off the lights inside the car. Kumalat ang dilim ng tuluyan. “Ano nga yung huling nakalagay sa note?” I shivered by the way he spoke. His voice sexy and seductive. “Torrid kiss.” My breathing hitched. “A torrid kiss to end the night.” Bumaba ang mukha nito sa akin. He held my chin as I waited for his lips to touch mine. I closed my eyes when it did. Napakapit ako sa kanyang balikat. His lips are warm and he's giving me hot, sensual kisses. We both groaned as our tongue locked ang played together. Halos bumaon ang likod ng ulo ko sa headrest. He's literally hovering over me. I grasped his back and held him tight. Mabilis ang aming paghinga at sabay kaming suminghap ng hangin. “Good night, my love.” “Good night, Jack.” I was about to open the door panel when he spoke again. “Are you going to listen to Midnight Blue tonight?” Nagkibit ako ng balikat. “Maybe. If he's on-air.” He beamed at me. “I think he will, and I think he'll like the idea of you listening to him, you fantasizing him.” “Nah, I doubt it.” “You'll never know love, you'll never know.” He cranked up the engine at kumaway na lamang ako sa kanya sa labas. He's cryptic sometimes.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD