It's been almost a month now since the day Gab asked me to live at Jack's mansion. Ang plano ko noon na isang linggo lang na pagtira dito ay naging halos isang buwan na.
Everything is perfect, at least for me. Hindi pa ako kailanman naging masaya katulad ngayon mula ng nawala ang magulang ko.
Tuwing kasama ko si Jack, I'm always lost for words. Every moment counts. Even happiness is an understatement. It's beyond that. More than that.
Gab never called me since then. Tinatanong ko si Jack sa tuwing may oras kami at bihira lang din daw siya nitong tawagan. The last news he heard from him was he's in Europe together with his team and colleagues.
I sighed. There's something wrong. I know there is. Hindi ko lang alam kung ano. Hindi ko maipaliwanag. Pero alam kong may hindi tama dito.
“Ang lalim naman ng buntong-hininga mo, hija. Hindi ko maabot.” Napakislot ako sa pagdantay ng kamay ni tiya Leonora sa balikat ko. Hindi ko namalayang nakalapit na pala ito. Kanina lang ay pinagmamasdan ko pa ito sa hardin na nag ii-spray sa kanyang mga bulaklak.
Nginitian ko ito. “Wala po yun, tiya. Marami lang gumugulo sa isipan ko.”
Nilipat ko ang aking tingin sa taong nagtatampisaw ngayon sa swimming pool. He's doing butterfly stroke. Kita ko ang paglitaw-lubog ng kanyang matitigas na masel sa likod.
“Gumugulo sa isipan ba o sa puso?”
Marahas ang pagbaling ko kay Tiya na pakiwari ko'y mababalian ako ng leeg. “Po?”
She smiled at naupo sa vacant chair. Inabot nito ang kanyang iced tea at uminom doon. Nilapag niya ulit iyon sa centre table.
“Hija, hindi man ako nagkapamilya ng sariling akin ngunit naranasan ko rin naman ang umibig. Kaya alam ko pag ang isang tao ay umiibig sa unang pagtama palang ng mata ko sa kanya. Hindi ako tumanda ng ganito kung pati ang bagay na yan ay hindi ko mapansin. You are in love.”
I swallowed. “Opo.” Hindi ko naman maipagsisinungaling ang ganung bagay.
She nodded. “And so is he.” Ininguso nito ang lalakeng nagpalutang-lutang ngayon sa tubig.
Napakagat labi ako at napayuko. “Uhm. Siguro din po.”
“Nagmamahalan kayo.”
Malakas ang aking pagsinghap dahil sa sinabi nito. Hindi ko akalaing didiretsahin niya ako ng ganito. At kahit alam kong may posibilidad na malalaman ng ibang tao ang kung ano man ang mayroon sa amin ni Jack, nakakabigla pa rin pala pag ganitong diretsahan.
“Po?”
She reached for my hand and pressed it tenderly. Her eyes are not being vindictive, in fact, they're soft, assuring me that she doesn't feel bad about it.
“Maniwala ka sa akin pag sinabi kong naiintindihan kita, hija. Alam kong matino kang babae at may paninindigan. Pero lahat ng tao ay nagiging marupok pagdating sa pag-ibig. It's our weakness that we can never escape from.” She sighed.
“When you fall in love, there's no inhibitions and limitations. All you could feel is love.” Then she looked at me, straight to my soul.
“Pero dito sa mundong ating ginagalawan, hindi lahat ng tama ay pwede. At hindi lahat ng pwede ay tama. Hindi ko sinasabing mali ang pag-iibigan nyo ni Jack, hija. Ngunit hindi ko rin naman sinasabi na tama. Hangga't alam nating may masasaktan, hindi ito kailanman magiging tama. Ang maipapayo ko ay mag-usap kayong tatlo ni Gabriel. Mas mainam na yung nakasakit ka sa damdamin ng iba dahil nagpakatotoo ka, kesa sa makasakit ka sa damdamin ng isa dahil pinili mong ilihim. Tell him the truth because after all, truth will set you free.” Tumayo iyon at gumilid sa mesa.
“Come here.” She opened her arms at niyakap niya ako. Hindi ko napigilang umiyak sa kanyang balikat. “Tahan na, hija. Huwag ka ng umiyak. Baka mapansin tayo ni Jack at mayayari tayo dun. Dare not to awaken his beastly mode.” She laughed lightly.
Natawa din tuloy ako. He's still swimming. Hindi niya napansin.
“Salamat po tiya at hindi nyo ako hinusgahan.”
“Bakit kita huhusgahan? Hindi mo naman kontrolado ang itinitibok ng puso mo. Kahit ilang beses nagfa-flash sa isipan mo ang warning sign, hindi iyon papakinggan ng puso mo. Pag tinamaan ka, tinamaan ka talaga. And I'll tell you a secret.”
Mataman ko siyang tinitigan. Bumuntong-hininga ito. “I fell in love once in my lifetime. Yun nga lang, katulad mo, nagmahal ako sa taong hindi na pwedeng mahalin. Maliban pa sa may nobyo na rin ako noon, na hindi ko rin minahal at nadala lang sa sulsol ng aking magulang, eh ang lalakeng iniibig ko ay nobyo ng bestfriend ko. At sa hindi sinasadyang pangyayari eh nagkagustuhan din kami at hinayaan namin ang aming puso ang magkontrol sa isipan namin. But things got worse, our families were against us. And my bestfriend got sick. Dahil doon mas pinabilis ang pagtakda ng kanilang pag-iisang dibdib. He couldn't say no to his parents. And he felt responsible of what happened to my friend. They got married immediately and I was left behind. He didn't choose me. My bestfriend was now my enemy. My boyfriend left me. I was alone and until now, I'm all alone. I've paid the price, Julianne. I've paid the price more than I deserve.” There were tears streaming from her eyes.
“I'm sorry about what happened Tiya.” Ramdam ko ang lungkot sa puso niya.
“Nah, it's a long time ago. Kaya nga kung sino ang lamang diyan sa puso mo, siya ang piliin mo. Ngunit kailangan mo ring maging totoo sa taong hindi mo pipiliin. Don't blind him. It's better to hurt him with the truth, than hurt him with lies. Mas masakit iyon sa parte niya.”
Tumango ako. “Opo. Sasabihin ko po kay Gabriel. Lamang ay hindi ko alam paano siya hagilapin.”
Suminghap si Tiya. “You really need to talk to him. May pakiramdam akong may mga bagay na dapat mo ring malaman ngunit wala ako sa posisyon para magsabi niyon. I hope Gabriel will come back soon, para matapos na ang lahat ng ito.”
Kumunot-noo ako. “Hindi ko kayo maintindihan, tiya. May dapat ba akong malaman?”
“Tiya, is our breakfast ready?”
Napaigtad kami pareho sa pagsalita ni Jack na nasa likuran na pala namin. Nakasuot na ito ng makapal na bathrobe at may tuwalya itong hawak habang kinukuskos ang basa niyang buhok.
“Oo, hijo. Teka at ipapagayak ko. Dito na lamang ba kayo mag-aagahan o sa dining area?” Tiya Leonora got panic.
He's frowning so deep. Is he mad?
“Dito na lang.” He said coldly.
Kita ko ang pag-alala sa mukha ni tiya nang bumaling ito sa akin. “O siya, hija. Salamat sa pakikinig sa istorya ng buhay ko.” She smiled shyly.
“Walang anuman po iyon at salamat din po sa payo.”
Maiwan ko na kayo. Ipadadala ko sa mga katulong ang inyong almusal."
“Sumabay na po kayo sa amin.” Wika ko.
She shook her head. "I already had my breakfast, hija. Maaga akong nag-aalmusal dahil maaga rin kasi akong nagigising. Teka nga at maiwan ko na kayo.” She turned her back from us at pumasok na sa loob ng mansyon.
“Anong pinag-uusapan nyo bago ako dumating?” He sat to where Tiya Leonora seated a while ago.
“Wala naman. Nagkwento lang siya tungkol sa kanyang buhay pag-ibig. Grabeh noh, nakakalungkot din ang nangyari sa kanya.”
He shrugged his shoulders. “Come here.” Nag angat ito ng braso. Agad namang lumapit ako sa kanya at ikinulong niya ako sa kanyang yakap.
Nakatayo ako habang nakaupo naman ito. Kinuha ko ang tuwalya at ako na ang nagtutuyo ng kanyang buhok.
He kissed my tummy.
“Stop it, Jack. Makita tayo ng mga tao dito.”
Imbes na sundin ang sinabi ko ay mas lalo pa nitong ibinaon ang mukha sa aking tiyan. My god, buti na lamang at nakaligo na ako. “You smell heavenly, love. It's addicting.” He said huskily.
I rolled my eyes. Lumalandi na naman ang lalakeng ito. Kinakagat-kagat pa nito ang aking tiyan. “Jack naman. Tumigil ka.” Saway ko dito but he just grinned at me. Pinisil ko ang tungki ng kanyang matangos na ilong.
“Okay. Titigil na po.” Pinaghila ako nito ng isa pang upuan malapit sa kanya at tumalima naman ako. Baka mamaya sa kandungan niya ang bagsak ko nito.
Husto namang dumating ang dalawang kasambahay at may bitbit na tray ng pagkain. Nagpasalamat kami sa kanila bago sila umalis.
“So, tuloy kayo mamaya?”
I nodded. “Nakakaloka si Veronica eh. Ayaw akong tantanan. Kahit anong tanggi ko, hindi nagpapatalo. Tapos si Elena at Emz naman ang susunod na kukumbinsi sa akin. Kahit nga si Isay na hindi pa gaanong magaling ay sasama din eh. Kaya umoo na lang din ako." tawa ko.
Pinaglagay niya ako ng fried rice sa aking plato. “Walang nakakatanggi kay Veronica, once you failed her, she'll get back at you.” Natatawa rin nitong sabi.
Ngumuso ako. “She's sweet kaya and very pretty. Nakaka-intimidate nga ang mga kaibigan mo, e. Ubod sila ng ganda. No wonder patay na patay ang mga lalake mong kaibigan sa kanila.”
“Malamang. Ang swerte n’yo rin kaya sa amin. Kami yata ang pinakagwapo sa balat ng lupa.”
Humagikhik ako. “Wow ha. Intensity 7 ang lindol na paparating. Nawindang ang lupa sa sinabi mo, e.”
Nag-angat ito ng kilay ngunit nakangisi pa rin sa akin. “Bakit ikaw ba, hindi ka ba nagagwapuhan sa akin, mahal?” He battered his eye lashes at me. s**t lang talaga.
Lalong lumakas ang tawa ko. “Para kang bata Jack. Pero oo, ang gwapo mo. Aminado naman ako dyan.”
“Mabuti na yung klaro.”
“May lakad din kayong mga boys mamaya?”
“Yep. May stag party din kami.” He winked.
I pouted. “Edi maraming babae?”
“I don't know. Hindi naman ako ang nag-organize nun love, e. Si Ian ata. Eh sa inyo, may boys din di ba? Lord, mukhang kailangan na naming igayak ang aming pampiyansa dahil paniguradong may gigilitan kami ng leeg mamayang gabi.”
Napakagat labi ako sa pagpipigil na bumunghalit ng tawa. Mukhang asar na asar na ito dahil pakiwari ko'y pati plato niya ay mahahati na sa pagdiin ng paghiwa niya ng hotdog. Gutay gutay na nga halos ito. RIP hotdog.
“Jack naman. Papayag ba naman kami ng ganun? Bonding moments lang naman ang mangyayari. Girls talk and all. No boys. I don't think papayag din ang iba mong kaibigan.”
He sighed at napusuklay sa buhok. Inabot nito ang batok ko at dinampian ng halik ang aking labi. “Akin ka lang, Julianne. Walang ibang lalake ang pwedeng humawak sa'yo dahil akin ka lang.” Seryoso nitong tuon. “Kung kapatid ko nga binangga ko, ibang lalake pa kaya.”
Tumango ako. “Ang possessive mo, Jack.” Binilatan ko ito ngunit hinalikan lang din ako.
You don't like a possessive guy?”
“I like you being possessive of me. Pakiramdam ko'y sayong sa'yo lang talaga ako.” I blushed.
“Akin ka naman talaga eh.” Hinaplos nito ang aking pisngi.
“Oo na. Kumain na tayo at lumalamig na ang mga ito.”
He chuckled at magana naming pinagsaluhan ang almusal.
**********
“Hi. Am I late?”
“Just in time. Come inside.” Bungad sa akin ni Elena after she opened the door for me. Dito sa suite ni Veronica sa Dela Vega Suites gaganapin ang kanyang bridal shower.
Kompleto na pala silang lahat. Si Emerald na nakaupo sa malaking sofa habang hinimas himas nito ang tiyan. Niligid ko ang aking tingin at napansin ko ang isang long table sa dulo na may mga champagne bottles. May mga stainless food warmers din na nakahilera. Ngunit ang nakaagaw ng pansin ko ay ang cake na hugis........ Oh.My.God.
Katabi ni Emerald si Isay na ngiting ngiti sa akin. Natatawa siya sa ekspresyon ng aking mukha. I smiled back at her. Lumapit ako at hinalikan sila sa pisngi. Nilapag ko ang aking regalo sa center table katabi ng mga gifts din siguro nila.
“I'm glad you came.” Si Emz.
“As if naman makakatanggi ako kay Veronica. Speaking of whom, where is she?”
“Nasa room pa niya. May kausap. Here.” Inabutan ako ni Elena ng isang basong juice.
“Thanks. Sorry wala akong idea sa ganitong shower party. First time ko ito. Nagulat ako sa hitsura ng cake. Jusko. Muntik na akong mapatakip sa mata.”
Tumawa sila. “Kami rin!” They answered in unison.
“Hindi na ako nakapag shower party kasi si Lawrence, antimanong kasal agad ang inasikaso. Nawalan kami ng time para sa ganitong event.” Wika ni Emz.
Bumukas ang pinto at lumabas si Vernonica na gandang ganda sa kanyang white chiffon dress na hanggang kalahati lang ng hita nito ang haba. She's smiling from ear to ear.
“May delivery na paparating.” She said sabay ng kindat sa amin. Tumungo ito sa table at nagbukas ng isang champagne bottle. Napatili kami sa ingay na gawa niyon ngunit nagtawanan lang din. Nagsalin ito sa mga kopitang nakataob sa gilid.
“Delivery. Oh no, parang gusto kong kabahan. Magagalit si Anthony ko!" tili ni Isay.
“Veron, no boys allowed dito party mo. Yari tayo sa mga lalake natin.” Tumawa si Elena na nakahawak sa tiyan ni Emerald.
“Ako na bahala sa mga boys natin, girls. Calm your t**s. Anyways, let's drink!” Tinaas nito ang kanyang champagne glass.
Orange juice lamang ang para kay buntis at kay Isay. Kami ni Elena ay inabutan ni Veron ng katulad ng kanyang inumin.
“May mga games ba tayong gagawin? Gusto kong sumali kaso...” Ngumuso si Emz.
“Ako rin.” Isay pouted like a baby. Naghagikhikan kaming lahat.
“Malalaman natin mamaya. Depende sa klase ng delivery na darating. s**t, I'm so f*****g excited.” Veronica was ecstatic.
After a couple of minutes, may nag-doorbell. Pumalakpak si Veronica na agad na napatayo mula sa pagkakaupo. Nagtinginan kaming apat.
“Kinakabahan ako sa plano nitong si Veronica. May alam ka dito Elena?” Tanong ko.
Umiling si Elena. “Wala akong alam. Sabi niya kaya na daw niya eh.”
Halos sabay kaming tumango. Pumasok ang limang babae na naka Mini Mouse costume. Humalakhak kami. Ano naman kayang kalokohan ito.
“Stand up girls…” Wika ni Veronica.
Tumayo kami at hinilera sa malawak nitong sala. Nagtaas ako ng kilay ng makitang may hawak na piring ang mga bagong dating na babae.
“My god, ano ito?” Bakas ang pagtataka sa anyo ni Emz.
“I've no idea. You might want to enlighten us, Veronica?” Si Elena.
“Sshhh....ang daming tanong. Ako ang nakakatanda sa ating lima kaya magsitigil kayo. Just follow. This is my bridal shower after all.”
“Yes Ma'am.” Halos sabay naming sambit pero nagsitawanan lang din pagkatapos naming magsulyapan.
Piniringan kaming apat. “Veronica madaya. Bakit kami lang?” Reklamo ko.
“Susme. Nasaan ang suspense nun. Alam ko na ang mangyayari bakit ako magpipiring. Muntanga lang ang peg ko, genern?”
“Nasaan ang hustisya, Veronica. Pati ako na buntis dinamay mo? Isusumbong kita sa kuya mo.”
Humalakhak si Veronica. “As if I'm scared of him. Batukan ko pa yun eh.”
Rinig namin ang paghagikhik ng mga babaeng naka-costume. Ang gaga din ng babaeng ito minsan.
“O siya, mukhang ready na kayo. Magsilabas na kayo mini mouses. Ang delivery na darating ay exclusive lang para sa mga mata namin. Babush. Thanks for assisting me. Balik na kayo sa mga department n’yo.”
“Yes Ma'am.” They replied.
“Ang salbahe nito.” Humagikhik si Elena.
“Tahimik! Hindi ako makapag concentrate. Julianne, dito ka sa pinakahuli. Emerald, Ysabel, Elena then you.”
Napakamot ako sa ulo dahil sa papalit-palit naming posisyon.
“Hello. Pasok ka na.” Bigkas ni Veronica. May tinawagan siya. Mayamaya lamang ay nakarinig kami ng pagbukas-sara ng pinto.
Isang musika ang sunod naming narinig. Holy s**t. Careless Whisper?
“Omigad! I know this body!” Tli ni Emz.
“Sige, Emz. Kapain mo lang.” Humalakhak si Veronica.
“Nako talaga Veronica!” Sabay na hiyaw nila Elena at Isay.
Hindi ko alam kung anong nangyayari. Sino ang pumasok?
“Oh my god! Galingan mo naman paggiling baby! Kundi suntok ang abutin mo sa akin. Hindi ko e-iire ito.” Humagikhik si Emz na talagang aliw na aliw.
“Wala akong nakikita pero tawang tawa na ako. I can't wait for my delivery!” Hiyaw ni Elena.
“Me too! Mukhang bubuka ang sugat ko nito! Veronica, mag video ka ha?” Si Isay.
“Ako pa ba.” sagot naman ng bride to be.
“Sino ba ang dumating, Elena?”
They laughed at my question.
“Wait and you'll see.”
May hinala na ako kung sino ang dumating para kay Emz. Napalunok ako. Bigla akong pinanuyuan ng lalamunan. Sinong darating para sa akin?
Will it be him?