MARAHAS NA IBINUGA NI YURI ang tubig na ginamit niyang pangmumog. Masakit ang ulo niya nang magising siya. Palibhasa hindi siya nagkaroon ng matinong tulog nitong nagdaang gabi.
“Bwisit kasi ang Mateong `yon! Binangungot ako!”
Oo, para sa kanya ay bangungot ang tawag sa naranasan niya sa nakalipas na magdamag. Sa tuwing ipipikit kasi niya ang kanyang mga mata ay ang imahen ng hubad na katawan ng bwisit na kapitbahay niya ang nakikita niya. With matching cloud effects pa sa ibaba as if leaving the view downward to her own imagination.
“Yuri-chaaan….Yuri-chaaaan…..Yuri-chaaaaan~” His taunting voice is still echoing in her head it drives her crazy!
“Ahhhhhhhhhh! Shut the hell up!”
Hinilamusan niya ang kanyang mukha as if mabubura noon ang tila mantsang iniwan ng imahe ni Mateo sa kanyang isipan.Nguit hindi tumalab kaya sa huli ay itinuloy na niya iyon sa paliligo. Preskong-presko na ang pakiramdam niya nang bumaba siya sa munti niyang sala. Nakasunod sa kanya si Genki.
Matapos ang kanyang morning routine ay naghanda na siyang magpunta sa GALLERIA. Ngayong tapos na ang art installation na halos isang buwan lang niya ginawa, kailangan nang ilipat sa showroom nila iyon upang magkaroon na ng space sa studio niya, para sa bagong project niya. Dahil nagpasya siyang huwag ipagbili ang huling artpiece na katatapos niya, kailangan niyang gumawa ng bagong obra na mai-o-offer sa kanilang parokyano.
Gawa lang ng gawa, Yuri! Gambatte—
“Kyaaaaaaa! Ayan na! Ayan na siya!”
“Shocks! Ang gwapo talaga niya!”
“Ang yummy!!!! Ang dami naming sinangag sa bahay, sana pala nagdala ako! Look at that bodeh! Kanin nalang ang ulam, busog ka na!”
Napasimangot si Yuri nang marinig ang walang humpay na bulungan ng mga babaeng nagsisiksikan sa pader ng bahay niya habang panay ang silip sa kabilang bakuran.
“Nandito na naman ang mga pabebeng `to!” naiinis na wika niya. They are the ones who are ‘ogling’ not me!
Hindi lang ito ang unang beses na nabulabog ang umaga ni Yuri dahil sa mga babaeng nag-uunahan sa pagsilay sa kapitbahay niya. Tuwing umaga kasi ay nasa labas si Mateo upang gawin ang morning routine nito—make sprints across his lawn, do push ups and curl ups, and throw punches on his punching bag.
Sa apat na taong pagiging magkapitbahay nila, nakabisado na niya ang mga paraan ng lalaki para ‘magpapansin’ sa mga babaeng alam nitong nagkakandarapa rito tuwing umaga.
“Pathetic!”
Matapos niyang maisara ang front door ay dire-deretso siyang nagtungo sa kanyang gate. Halos magkanda-hulog ang mga babaeng nakasandig doon nang bigla niyang binuksan ang gate.
“Aray!Ano ba!
“Dahan-dahan ka nga!
“Nakita mo namang may tao eh!”
“Kasalanan niyo `yan. Bakit kasi kayo nandyan sa gate ng may gate. Alis nga! Nakaharang kayo sa daraanan ko! Shoo!”
Ngunit imbis na pakinggan ang pagtataboy niya ay nameywang pa ang mga ‘pabebe girls’ at sinamaan siya ng tingin.
“Ang aga-aga, ang ang sungit mo!”
“At ang lakas ng loob mong i-shoo kami?”
“Ano kami, aso?”
Tinaasan niya ng tingin ang mga ito saka humalukipip. Noong nasa Japan siya, na-expose siya sa bullying sa school nila. Hindi man iyon direktang nangyayari sa kanya ay tinuruan pa rin niyang ipagtanggol ang sarili niya.
Ako pa ang aangasan niyo? Hah!
“I have a dog. Isang tingin ko lang sa kanya, alam niyang sumunod. Hindi gaya niyo. So definitely, you are not dogs.”
“Talaga!” sabay-sabay na sabi ng mga ito.
“Mga bangaw, pwede pa,” dagdag niya. “Alam niyo `yon? `Yung ilang beses mo nang binubugaw, hindi pa rin umaalis. Ang kukulit! At nakakairita!”
Hatalang nainsulto ang talong babae dahil sa sinabi niya. Nguit dahil masyadong straight to the point ang pagsasalita niya ay tila bumaon ng husto iyon sa makakapal na mukha ng mga babae at bumasag sa kumpiyansa ngmga ito.
A triumpant smile is already painted on her lips bago pa man sabay-sabay na nagpulasan ang mga ito palayo.
“Pabebe girls, no more.”
Napakibot siya nang makarinig siya ng pagsipol. “You sure are a harshtalker.”
Muntik mapahakbang palayo si Yuri nang madiskureng nakadungaw ‘na naman’ si Mateo sa bakod ng bakuran niya. Marahil mula roon ay napanuod nito ang ginawa niyang pagtataboy sa tatlong pabebe.
“Wala pa `yon sa kalingkingan ng pagiging harsh-talker ko,” taas-noong sabi niya.
Yuri is very conscious not to look on his direction. Bagaman nakasuot na ito ng damit ngayon, nasisilip pa rin kasi niya mula sa V-neck cut kwenlyo ng T-shirt ng lalaki ang dibdib nito. Hindi pa siya nakakarecover sa ‘bangungot’ na dulot noon sa kanya kaya mas mabuting huwag na niyang dagdagan pa ang masamang alaalang iyon.
Don’t look Yurika! Or else, maghapon kang babangungutin ng gising!
“You’re right. Coming from someone who always becomes the victim of your brutal words, I say, you are still nice to them,” wika ng lalaki.
“Nang-aasar ka ba?!”
“Oh! Relax. Hindi ako naghahanap ng away. Masyado pang maaga para diyan.” Umayos ito ng tayo saka nagsimulang maglakad patungo sa sarili nitong gate.
Ilang saglit pa at magkaharap na sila ng lalaki. His breathing is quite heavy. He looked exhausted from the morning excercises he just did. May ilang butil ng pawis na tumatagaktak sa hibla ng buhok nito. His shirt is dampened by his own sweat, it hugs his body tightly. Lalo lang tuloy naging prominente ang magandang hubog ng upper body nito!
Pero bakit mukha pa rin siyang mabango?
Sinampal ni Yuri ang kanyang sarili sa isip niya dahil sa bigla niyang naisip! That is the most ridiculous question she could ever think of regarding this guy!
“Pinalayas ko nga sa harapan ko yung tatlong pabebe girls na `yon, tapos papalit ka? Alis diyan!”
He started wiping off the sweat on his neck. “Sorry, pero hindi uubra sa akin ang pagtataray na gaya niyan.”
“Halata nga. Apparently, mas malaki kang ‘bangaw’ kumpara sa tatlong `yon.”
Natigilan si Mateo at maang na natawa. “Kagabi, maligno ako sa paningin mo. Ngayon naman bangaw? Oh come on! You really are hurting my ego, Yuri-chaaan!”
Pumiksi siya. “Will you please quit that!”
“Quit what, Yuri-chaaan?”
“That!” Nanggigigil na itinuro niya ito. Matangkad na siya sa taas na five-six, pero kinailangan pa rin niyang tumingala kay Mateo. “Stop calling me with that tone! Besides! Pinagbawalan na kitang tawagin ako ng ‘Yuri-chan’!”
“Oh you mean this? Yuri-chaaaan~?”
“Stop it!” itinakip niya ang mga kamay sa tenga niya. tinawanan ng bwisit na lalaki ang ginawa niya.
“Hindi ba ganoon magsalita ang mga tao sa Japan. Mahaba sa dulo? Ang cute nga pakinggan eh…”
“First, hindi ganoon magsalita ang mga Japanese! Second! Hindi iyon cute sa pandinig ko! Naiirita ako!!!! So stop it! DO you get me?!”
Dinuro-duro niya ang dibdib nito. Di bale nang dumikit sa daliri niya ang pawis nito, basta makuha nito ang point niya.
“Naiirita ka kapag tinatawag kita ng ganoon?” Lumapad ang ngiti nito. “You shouldn’t have told me that then. Because the more I will call you, Yuri-chaaaan~”
“You!” Ikinuyom niya ang kanyang kamay at walang sabi-sabing umigkas patungo sa baba nito. But Mateo is faster. Walang kahirap-hirap na sinalo nito ang nakakuyom niyang kamao.
“Woa! Easy there. You are such a wild cat sometimes. Do you know that?”
“And you are an annoying pig as always!”
“Maligno, bangaw, baboy. Kelan kaya lalabas sa bibig mo ang siltaang gwapo, macho at kaakit-akit, pagdating sa akin ha Yuri?”
“Hitayin mong mangitim ang kulay ng mga cherry blossoms sa Japan! Bitawan mo nga ako!” Mabilis niyang binawi ang kamay niyang hawak nito. Hindi naman siya nahirapan dahil bumitaw nga ito.
“Pati nanahimik na cherry blossoms sa lupang sinilangan mo, dinadamay mo.That’s mean!”
“Sa Japan lang ako lumaki, pero hindi ako doon pinanganak. At matagal mo nang alam na ’mean’ ako, so don’t give me that tone!” pagkuwan ay bumuntong-hininga siya. Pagkatapos ay bumilang siya hanggang sampu upang kalmahin ang sarili niya. “Bakit pa ba kita kinakausap, nasasayang lang ang oxygen ko sayo. Tabi nga!”
Hinawi niya ito upang makadaan siya. Nakailang hakbang na siya palayo rito ng bigla itong magsalita. “Bye, Yuri-chan! Have a nice day!”
“Ts! Sira na ang araw ko, thanks to you!” Umusal siya ng mura sa salitang-Hapon.
“You know, if you will continue to speak in Japanese, I will just assume that you are saying ‘I love you’ to me,” nakangising pahabol nito.
“In your dreams! Saka para sa kaalaman mo, ‘Nihonggo’ ang tawag sa lengwahe ng mga Japanese. Sakasak mo yan sa kukote mo! Bakero!”
Ang akala niya ay napatahimik na niya ito sa tahasang pagsasalita niya rito. But that is Mateo Rosales, the man who’s mission in life is to irritate the heck out of her until the very end. Bigla nalang itong sumigaw.
“I love you too, Yuri-chaaaaaaan~!”
“Shut uuuuuuuuuuuuup!”
NAABUTAN NI YURI ang bagong magnobyong sila Rika at Dylan sa reception area ng GALLERIA. Halos naka-kandong na ang babae sa binti ng lalaki habang nakaupo sa sofa na mistulang may masinsinang pinaguusapan. But she knew better, paniguradong ‘naglalandian’ lang ang mga ito!
“Kung wala kayong gagawin kundi mag-PDA, humanap kayo ng ibang lugar, huwag dito!” naiiritang sabi niya ng daanan niya ang mga ito.
Kaagad na napatingin sa kanya ang magnobyo. Ngunit hindi naghiwalay sa pag-aakapan. Itinirik nalang ni Yuri ang tingin niya.
“Good morning, Yuri-chan!” masiglang bati sa kanya ng Half-Australian na lalaki.
“Woke up on the wrong side of the bed? Wala pang alas nuebe ng umaga, ang init na agad ng ulo mo,” kumento ni Rika.
“As much as I can understand your idiomatic expression, Erika. Pero hindi pa ako nakakatulog ng matino kaya talagang maiinit ang ulo ko!”
Dere-deretso siyang naglakad patungo sa pantry area nila upang magtimpla ng kape. Ngunit bigla siyang natigilan nang maabutan niya ang maiinit na tagpong pinagsasaluhan ng recently engaged na sila Vina at Noah.
Mas malala pa pala ang eksena rito!
“Get a room, you two!” Walang pakundangang hinampas-hampas niya ang pinto dahilan para gilalas na mapaunat si Noah mula sa halos nakahiga nang si Vina sa stainless table sa pantry.
“Oh, it’s you! Good morning,” walang kagatol-gatol na sabi ni Noah. Mukha lang itong anghel ngunit may pagka-maldito ito. Malas lang nito at masama ang timpla niya ngayong umaga kaya mas maldita siya.
“Mas maganda ka pa sa umaga, Noah.”
Her remark automatically gets him. Alam niyang ayaw na ayaw nitong tinatawag na ‘maganda’ although totoo. Tatawa-tawang naupo si Vina sa gilid ng table at niyakap ang ulo ng nobyo sa dibdib nito.
“There! There! Pagpasensyahan mo na si Yuri, bebe ko! Alam mo namang mas brutal `yan magsalita kesa sayo!”
Umikot ang mga mata ni Yuri nang halikan ni Vina ang labi ng lalaki, as if maiibsan noon ang embarrassment na nararamdaman ng nobyo.
“Pwede ba? I want to drink a cup of coffee! Decently!” mariing wika niya sa mga ito. “Kaya lumayas na kayo riyan at humanap kayo ng ibang lugar na pwede niyong gawing ‘love nest’ niyo!”
Si Noah ang unang pumutol sa halik. Mukhang naramdaman nito ang nagbabadyang ‘panganib’ na ibibigay niya kung hindi pa susunod ang mga ito sa inuutos niya.
“We have a music rehearsal at ten. I need to go, hon.” He gave his fiancée a loving kiss on the lips once more, before walking towards the door. Nang mapatapat ito sa kanya ay yumukod lang ito sa kanya bago tumalilis ng alis.
“Nang-aasar ba `yon? Niyukuan ako. Ano ako, Lola?”
“Honestly? Oo!” tatawa-tawang tumalon si Vina mula sa mesa at lumapit sa coffee maker. “Sa ugali mong `yan, daig mo pa ang matandang hukluban!”
“Ano `yon?” nakakunot-noong tanong niya.
Apat na taon na siyang nakatira sa Pilipinas ngunit may salita pa rin siyang hindi gaanong naiintindihan lalo na `yung mga malalalim at hindi gaanong ginagamit sa pang-araw-araw na buhay.
“Old woman. Old hag. Old maid!” ngingisi-ngising sagot ni Vina habang naglalakad palapit sa kanya tangan ang dalawang baso ng kape. “`Yan ang problema kapag walang jowa eh, ang aga-aga, parang susugod sa giyera.”
“Sige, mang-asar ka rin at papatulan kita, Divina.”
“Woo! Scary! Magkape ka nga nang mahimasmasan ang init ng ulo mo!” Iniabot nito ang isa sa kanya.
“Umalis na si Dylan dahil sa takot na mag-amok ka,” wika ni Rika nang pumasok ito sa pantry. Ito ang kumuha ng tasa ng kape na inaabot ni Vina.
“Edi mabuti at nang makapagtrabaho na kayong dalawa. Puro kayo landian!”
“Bakit ang bitter mo? Magjowa ka na nga rin, para tumamis-tamis naman ang pagtingin mo sa mundo!”
“Hindi ko kailangan ng jowa. Ang gusto ko, mabura sa balat ng lupa ang kumag na kapitbahay ko, para matahimik ako!” Nagtungo siya sa coffee maker at nagdispense ng sarili niyang kape.
“Na-activate na naman ang dugong-samurai ng kaibigan mo, Erika. Kausapin mo `yan!”
“Gaga! Kaibigan mo rin `yan! At di hamak na mas palaban ka, kaya kayo dapat ang mag-usap. Ichi-cheer nalang kita.”
Marahas na nilingon niya ang dalawang nagbubulungan sa likuran niya. Nginitian lang siya ng mga ito na tila mga batang nahuli sa ginagawang kalokohan. Pagkuwan ay inaya siya ng mga itong maupo muna.
“So badtrip ka na naman. Bakit? Anong dahilan?”
“Halika, pag-usapan natin `yan kaibigan!”