“Whatever happens, do not let anybody dictate your happiness,” iyon ang bilin kay Yurika ng namayapa niyang ina. Kaya nang malaman niya ang plano ng lolo niya na ipakasal siya sa lalaking hindi naman niya kilala ay dagling nag-panic ang brain cells niya. Marrying a man she doesn’t even know and doesn’t even love means the end of her happiness!
Hindi siya papayag na basta nalang matuldukan ang tinatamasan niyang kasiyahan dahil lang sa makalumang tradisyon ng angkan nila. Kaya walang pagdadalawang-isip na nag-empake siya at nilayasan ang pamilya niya sa Japan.
Sa Pilipinas siya nagsimula ng bagong buhay at ipinagpatuloy ang pagmamahal niya sa sining. Kuntento na sana siya sa buhay kundi lang sa pambubulabog ng kapitbahay niyang kalahi ni King Kong na si Mateo Rosales. Ngunit isang araw, hindi nalang sakit ng ulo ang ibinibgay nito sakanya—pati sakit sa puso na, as in literally!