CHAPTER ONE

2789 Words
NAKAPAMEWANG SI YURI habang pinagmamasdan ang katatapos lang niyang obra. Sa anggulo niya ay mistulang mga pinagtagpi-tagping scrap objects na pinupuluputan ng cords lang mga iyon subalit kung iikutan ito at titingnan sa ibang anggulo ay makikita ang totoong imahe doon—a mother cradling her daughter.             Art installation ang tawag sa estilo ng kanyang sining.  Unlike her friends who are also an artists, she doesn’t use paint or brush to make an equally amazing artwork. Her medium came from anything and everything around her, may it be a stone, scrap materials, dried leaves, tin cans, crumpled paper, used bottles—anything! Mula sa mga iyon ay binubuo niya ang anomang imaheng gusto niyang palabasin sa likod ng ilusyong unang nakikita ng tumitingin. That’s how intricate and mind blowing this art style is—and she’s loving it! “Who would have thought that behind all these trash and threads of black cords hides a loving mother embracing her beloved child?  Yep, you’re such a genius, Yurika! Ikaw na talaga!” kuntento at patango-tangong wika ni Yuri habang kinukuhanan ng three-hundred-sixty degrees angle video shot ang latest artwork niya gamit ang kanyang cellphone. “Yuri-chan! Tara kain na tayo! Dumating na `yung in-order ni Vina.” Sumungaw ang ulo ng abstract painter na si Rika sa pinto ng personal studio niya na nandoon sa GALLERIA—ang art gallery na pag-aari nilang tatlo kasama ang realism painter na si Vina. “Chotto matte…” aniya habang ipinagpapatuloy ang pagkuha ng video. Agad tumutok ang paningin ni Rika sa kanyang obra maestra. “So, you’ve finished it already? Kahit hindi ko mapicture-out ang hitsura niyan mula dito sa kinatatayuan ko, wala akong masabi kundi…Wow!” “I know right?” nakangising sabi niya. Mapapa-wow ka nalang talaga! “How big is it this time?” Hindi na ito nakatiis at nilapitan ang gawa niya. “Twenty five feet tall and fifteen feet wide.” Napasipol si Rika habang nakatingala. Isa pa iyon sa gusto niya sa art installation. It is not limited inside the four and corners of a canvass. It gives her the freedom to manipulate it in all different angles and sizes. “Pahirapan na naman kung paano dadalhin sa showroom `yan, friend.” “That’s why naka-costumize ang studio ko na may collapsible walls at door para sa ganitong scenario. Shimpai shiranai!” “Oh well! Congrats then! Another amazing project, achieved!” “Arigato~!” “Pst! Mga miss-wa! Kain na tayo!” wika ni Vina. Ito naman ngayon ang nakasungaw ang ulo sa may pintuan. “Halika muna rito Divina at mamangha sa dakilang obra ko,” anyaya niya sa babae. “Natapos mo na? Galing!” anito na humakbang na rin palapit. “Ganyan talaga kapag focus sa trabaho. Hindi gaya ng iba riyan, nagka-boyfriend lang, nabago na ang prioridad sa buhay!” Siniko ni Vina si Rika. “Oh! Narinig mo `yon, Erika! Naging jowa mo lang `yung boyfriend mong hilaw na secret college crush mo eh, nawala ka na sa focus! Ilang buwan ka nang walang sinisimulang artwork ha!” Ibinalik ni Rika ang paniniko ni Vina. “Isang buwan palang, huy! Saka marami akong reserbang artworks, haller! Ikaw riyan ang dapat kinokondena dahil ikaw ang naunang magpakatamad magpinta magmula nang maging kayo ng mortal enemy mo nung college!” “May excuse ako! Kasi inaasikaso ko ang kasal namin ng fiancé ko.” “Next year pa naman `yon! Saka kahit hindi pa kayo engaged ng lalaking mukhang babae na`yon, tamad ka na talaga!” “Huwag na kayong magturuan, dahil pareho lang naman kayong pinapatamaan ko!” saway niya sa mga ito. Saksi si Yuri sa naging pakikibaka ng dalawang kaibigan para sa pag-ibig. Nakita niya kung paanong lumutang ang isip ni Vina noon habang pinagtatanto ang totoong damdamin nito para sa drummer ng sikat na acoustic rock band na Luna’S Cape at college nemesis nitong si Noah De Mesa. Siya naman ang nakunsumi noong pumayag si Rika sa pabor na hiningi ng kakambal nito na magpaggap bilang nobya ng Australian hotshot s***h longtime man of her dreams na si Dylan Delavine. Tinawanan lang nila Rika at Vina ang pasaring niya. “Chill ka lang Yuri! Pasasaan pa’t magkaka-jowa ka rin!” nakangising wika ni Rika. “And when you do, maiintidihan mo kung bakit kami nawawala sa focus!” ani VIna. Inihinto ni Yuri ang pagkuha ng video at binalingan ang dalawa. “No offense meant my friends, pero wala sa plano kong magpaka-baliw sa pag-ibig gaya niyo. Lalo pa’t nasaksihan ko kung paano niyong ineche-pwera sa puso niyo ang art para lang ma-accommodate ang mga lalaking `yan! Mga traydor sa sining!” “Hey! Ang sakit mo naman magsalita. Hindi namin inichi-pwera ang art namin `no! It’s still our passion!” “True! It just so happened that the ‘true love of our lives’ already came, so we need to take them in and give them the bigger space in our hearts.” “Hai! Hai! You can say whatever you want. Basta ako, tuloy-tuloy lang ako sa ginagawa ko. I won’t let anybody ruin my concentration!” Nagkatinginan sila Rika at Vina. Pagkatapos ay muling bumaling sa kanya. “Nasasabi mo lang `yan ngayon, Yuri-chan. Dahil hindi pa dumarating ang lalaking makakasira sa concentration mo,” ani Rika. “Alam namin ‘Art is life’ ang motto mo. But believe us, ‘Love is lifer!” dagdag ni Vina. Nag-high five ang dalawa saka nagpatuloy sa pagtawa. Iiling-iling na kumibit-balikat nalang siya. “Ewan ko sa inyo!” “Okay lang `yan, Yurika. Maakarelate ka rin samin!” “Oo nga! Tiwala lang!”   ABALA SA PAGCHE-CHECK ng website si Yuri nang gabing iyon. Katatapos lang niyang i-upload sa gallery ang video clip ng latest artwork niya. She’s the one who’s in-charge for the Sales and Marketing of GALLERIA at ang pagkakaroon nila ng website ang pinakamabisang paraan upang i-showcase ang mga gawa nila. Thanks to the wonders of the World Wide Web, madali nalang para sa kanya ang makapaghanap ng mga prospective buyers ng kanilang obra maestra. Kahit kasi naka base sa Pilipinas ang GALLERIA, may mga parokyano pa rin silang sumusuporta sa kanila mula sa iba’t ibang bansa. Malaking tulong ang connections at opportunity na nakuha nila noong nag-apprenticeship sila sa isang sikat na Art Gallery sa Japan, upang makilala sila sa kabila ng pagiging baguhan nila sa industriya. They may be new to the turf, but their talents and skills are already being acknowledged by many art enthusiasts all around the world. Pagkuwan ay nakuha ang pansin ni Yuri nang biglang tumunog ang notification message ng site. Napangiti siya ng maluwag nang  makitang para sa latest video clip na in-upload niya ang comment. Wala pang ilang minuto, may nag-comment na agad! “Sugoi!” Iyon ang comment na nabasa niya roon na ang ibig sabihin ay ‘Amazing’. “Arigato Gozaimasu, Wateru-san!” Nasa Japan palang sila ay masugid na niyang taga-suporta si ‘Wateru-san’. Present ito palagi sa mga art exhibits nila at di lang minsan na bumili ng mga ipinagbebentang artworks niya. Mayamaya’y biglang tumunog ang personal message niya. Hindi na siya nagulat na makitang galing iyon kay Wateru-san. Magmula nang lisanin niya ang lupain ng mga anime at samurai ay naging ‘chatmate’ na niya ito. He reminds her of her grandfather, Hiroshi Fujiwara—kind and soft-spoken. Kaya para na ring kasusap niya ang lolo niya sa tuwing naka-kachat niya ito. I am happy to see your new artwork! Been waiting for it!  Iyon ang translation ng mensahe nito. Naka-auto-translate ang messenger niya kaya mabilis niyang nababasa ang Kanji characters na tinatype ng matanda.  Bagaman kasi sa Japan siya lumaki, hindi siya kumporme sa pagbasa ng salitang Kanji o `yung tradisyonal na sulat ng mga Hapones. Which only proves Wateru-san’s age. Thanks, Wateru-san. It took me awhile finishing it! Thanks for waiting. No problem! Is it for sale? Normally, isang maibilis na ‘Hai!’ o ‘Yes!’ang isasagot ni Yuri sa ganitong tanong lalo’t obvious naman na may intention itong bilhin ang gawa niya. Dagdag income rin iyon para sa kanila! Ngunit sa pagkakataong ito, iba ang isinagot niya. No. Nani? Meaning ‘Why?’ I just finished it, and I feel so much connection while making it. I see… so you are attached to it. That’s how artists are, Wateru-san. We can’t just let go of our artworks that easily. Gomenasai. No need to say ‘sorry’, Yuri-chan! I totally understand. I’ll just wait for your other artworks then! Please do! Thank you very much! Gambatte ne, Yuri-chan! Ilang minuto nang natapos ang usapan nila ni Wateru-san ngunit hindi pa rin napapalis ang magandang ngiti sa labi ni Yuri. Sa tuwina ay ganoon ang epekto sa kanya ng pag-uusap nila ng matanda. Hindi lang kasi ang lolo niya ang naalala niya rito kundi pati na rin ang nasira niyang ina. It’s been awhile since she felt that genuine care and support that her mother used to give her. “Arigato… Wateru-san,” sambit ni Yuri pagkuwan. Yuri’s reminiscing feeling was put into a halt when she suddenly heard her dog’s barking. Dali-dali siyang napatayo mula sa kinauupuan niya at lumabas sa balkonahe ng apartment niya at dinungaw ang aso niyang nasa ibaba. “Genki! What are you doing there? Pasok na rito!” Ngunit hindi huminto sa pagtahol ang aso niya sa direksyon ng bakuran na nasa kaliwa. Wala siyang choice kundi ang bumaba ng bahay at lapitan ito. “What’s  wrong? Stop barking, Genki.” “Tama `yan, pigilan mo ang aso mo. Nakakaeskadalo. Gabing-gabi na oh.” Biglang pumitik ang sintido ni Yuri nang maringgan ang pamilyar na boses ng lalaking nagsalita mula sa kabilang bakuran. Nang bumaling siya sa direksyong pinanggalingan ng boses nito ay kaagad niyang nakita ang silhouette nito sa dilim. “Kaya naman pala, hindi ko siya mapatahimik, nakakita ng maligno!” “Ako ba `yung maligno?” natatawang tanong ng lalaki. Naglalakad ito palapit sa bakod na naghahati sa bakuran nila. She still can’t see him but she knew very well that he has this irritating smile painted on his smile right now. “Obvious ba?” Naupo si Yuri at hinimas ang leeg ng Inu-Shiba breed na aso niya upang kumalma. “Stop now, Genki. Hindi maligno `yan. Although pwede na rin.” The man chuckled nonchalantly. “I am called many nasty names but definitely not ‘maligno’. You are hurting my ego, Yuri-chaaaan~” “Stop calling me ‘Yuri-chan’! Hindi tayo close!” “Why? We’ve been neighbors for hmm, let me see, four years? Sa tagal `non, hindi pa rin ba tayo close?” Pumalatak si Yuri at agad binalingan ang lalaki na nakadungaw na ngayon sa bakod. Katamtaman lang ang taas noon at dahil may katangkaran ang lalaki, madali lang para sa lalaki upang ipatong ang magkabila nitong braso doon at dungawin siya. “You wish! And only my ‘friends’ have the right to call me—” Parang nakalunok si Yuri ng buto ng kung anong prutas na biglag bumara sa lalamunan niya kaya bigla siyang hindi nakapagsalita. Why, she was totally dumbstruck to see her neighbor lazily hanging his arms on that cemented wall—naked! Sa tulong ng liwanag na nagmumula sa ilaw na nasa bakuran ni Yuri ay malinaw na niyang nakikita hindi lang ang pagmumukha kundi pati na rin ang hubad na pangangatawan ni Mateo Rosales—her blasty and overly annoying neighbor! Bahagyang nakakurba ang katawan nito dahil sa ginawa nitong pagdungaw sa pader kaya nagflex ang muscles sa upper arm nito, revealing those fine muscle cuts on his brown-colored skin.  At dahil nakatalungko siya kaya nasa chest at abdominal portion ng lalaki ang line of vision niya. Minor forte niya ang sculpting, there is no doubt that Mateo’s upper body is like a good replica of some Roman God—well-curved, refined and manly. What a piece of art! Are you sure you want to praise that jerk?  Pukaw pagkuwna ng konsensya ni Yuri. Huh? You hate that guy’s guts, remember? “Enjoying the view huh? Want to touch it? Halika, lapit ka.” Parang sinabuyan ng nagyeyelong tubig ang mukha ni Yuri nang sa wakas ay magising siya mula sa pagkakatulala. Hindi niya akalain na matatameme siya ng simpleng tanawin na iyon—and she even dared compared his body to an art! Gising Yuri! Nahihibang ka! “Salamat nalang. I’m not interested,” pataray na wika  niya. Ngunit hindi tinablan si Mateo sa panonopla niya. Bagkus ay mas lumapad lang ang pagngiti nito. “Talaga lang ha? Halos maglaway ka na nga habang nakatitig sa katawan ko. Well, tama ka. You’re not just interested. You’re actually, ogling my body, Yuri-chaaan~” Sinong hindi mabubwisit sa isang `to?! “Napaka-conceited mo talaga kahit kelan, Mateo! Kilabutan ka nga!” “Huwag ka nang mahiya. Actually hindi ako basta-basta pumapayag na may babaeng hahawak sa katawan ko, pero dahil apat na taon na tayong  magkapitbahay at hindi ka naman na iba sa akin, sige, papayagan kita. Lika, lapit na! Oh! By the way, there is a much better view ‘down’ here. I will let you see it too if you want, Yuri-chaaaan~” “Ahhhhhg! Kadiri kaaaaaaaa!’ Buwisit na buwisit na pinaulanan ni Yuri nang nahablot niyang mga tipak ng bato ang lalaki saka walang sabi-sabing tumakbo papasok ng bahay niya. Rinig na rinig niya ang malakas na halakhak ni Mateo sa kanyang likuran. “Good night, Yuri-Chaaan! Sleep tight! Dream of me, tonight!” “Urusai! Bakero!!!!”  sigaw niya habang hinihila ang pinto ng front door. “Uy! Ano `yon? ‘I love you’?  I love you too then, Yuri-chaaaaan~!” “Ahhhhhhhhg!” nangigigil na ibinalibag ni Yuri ang pinto.   HALOS MALUHA NA si Mateo sa kakatawa habang hinahabol ng tingin ang babaeng ‘as usual’ ay sagad na naman sa buto ang inis sa kanya. This has been his typical conversation with Yurika ever since they became neighbors. Why the woman greatly hates his guts, that’s for sure. And he doesn’t like how uptight and so serious she is so he made it a hobby to get into her nerves every time he has the opportunity. Just to shake her up, a little bit. Pagod na pagod ang katawan ni Mateo mula sa mixed martial training na pinuntahan niya kaya hindi muna siya pumasok sa bahay at nagpasyang doon sa bakuran niya magpahinga. He is busy surfing from his mobile phone, when he decided to take off his sweat-soaking shirt. Pagkuwan ay bigla nalang niyang narinig ang malalakas na tahol  ng alagag aso ni Yuri na sinundan ng pagdungaw ng babae mula sa balkonahe. She wears a kimono-type robe and looks very much ready to go to bed. “Hello there, neighbor. Matutulog ka na agad? Hindi pa nga tayo ‘nakakapag-usap’. Baba ka muna rito…” bulong niya. Napangiti nalang siya nang makitang umalis ang babae mula sa balkonahe. Binalingan niya ang tumatahol na aso. “God job! Lakasan mo pa!” He is more than ready to reveal himself to Yuri when she went out to her lawn. But he took his time watching her gently pet her dog. That kind of moment with her dog is the only time that he can see her mellow down and strip off the seriousness in her face. “See? The serious-face is just a facade. ” Pero nagtuloy-tuloy ang pagtahol ng aso kaya nabura rin agad ang gentleness sa mukha nito. That’s the time he decided to show himself. Everything she did and said is just what he expected. He enjoys her rude remarks and hateful glare rather than being offended by it. And admittedly, he felt really proud seeing her ‘ogling’ his naked upper body. Talaga nga lang naka-condition ang utak niya na asarin ang babae kaya imbis na matinong salita ang lumabas sa bibig niya ay nauwi sa kalokohan ang mga pinagsasabi niya. Ramdam ni Mateo ang impact ng pagbalibag ng pinto ng front door nang ubod-lakas na isara iyon ni Yuri. “Buo na ang araw ko, napainit ko na naman ang ulo ng amo mo,” nakangising sabi ni Mateo sa aso nitong naiwan sa  labas. Hindi kagaya kanina ay hindi na ito tumatahol, bagkus ay nakatingin nalang sa kanya  habang mahinang humahalinghing.  Gumagalaw-galaw ang buntot nito habang nakaupo. He lowered his hand towards the dog and slowly moves his fingers. “Come here…” mahinang usal niya. Napangiti siya nang walang pag-aatubiling lumakad ang aso at idinikit ang  mukha nito sa kamay niya as if asking him to pet it. And so he did.  “You know what? Para kang `yung amo mo. Mukha lang palaban, pero may itinatago ring lambot sa katawan. That’s a compliment by the way.” The dog barked softly. He smiled wider and pet the dog even more. “So you agree huh?” “Don’t touch, Genki!”  Yuri’s booming voice erupted from the front door. “Why, he seemed sad. Paano, iniwan mo siya dito sa labas.” “’She’ not ‘he’!” nanggigiil na pagtatama ng babae. “Oh, so you’re a girl?” sabi niya sa aso. “Iba na talaga ang kakisigan ko, pati aso,  naaakit…” “Ang kapal mo!” May sinabi ang babae  sa wikang Hapon at pagkatapos, dali-daling lumapit ang aso rito. “Nagkakamabutihan palang kami eh. Ang KJ mo talaga, Yuri-chaaan.” “Shut up!” sigaw nito saka muling ibinalibag pasara ang pinto. Tumingala siya sa kwarto nito nang marinig niya ang boses ng babae na kinakausap ang aso nito. Halatang pinangangaralan nito ang pobreng aso. “Aww! Aww!” “Good! Sige, matulog na tayo! Oyasumi, Genki!” Ilang saglit lang at  namatay  na ang ilaw sa kwarto nito. Umayos ng tayo si Mateo at namulsa. Isang beses pa niyang tinanaw ang madilim na silid bago siya tumalikod at nagtungo sa bahay niya. “Good night to you too, Yuri-chan.” Binubuksan na niya ang pinto nang biglang tumunog ang cellphone niya. Kinuha niya iyon mula sa bulsa ng pantalon niya. Agad niya iyong sinagot nang makita niyang galing iyon sa roaming number ng taong iginagalang at pinagkakautangan niya ng kung anomang meron siya ngayon. “Moshi moshi, Eiji-sama?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD