one
Napangiti siya nang sipatin ang stage na isinayos para sa
fashion show bukas ng gabi. Hindi pwedeng mapahiya si
Louise dahil ilang libo ang ginastos ng financier para sa materials na ginamit niya para sa event. That event is the most awaited time of the year. Limang taon na rin na nag-e-exist ang Masked Bachelors sa pagkakaalam niya at ito ang pinakamalaking break na natanggap ng dalaga sa buong buhay niya, ang maging coordinator ng fashion show ng mga kalalakihan na iyon na walang identity liban sa mga malalaki raw ang hinaharap.
Diyoskoday! Iyon talaga ang taguri at nangunguna sa listahan tungkol sa mga miyembro ng MBs. Hindi niya alam kung gaano katotoo ang mga balitang lumalabas na ang pinaka-initiation ay ang pagpili ng mga lalaki na malalaki ang p*********i at kapag mas maikli sa 7 inches ay hindi matatanggap. Those men are men of sexiness and hotness but no one knows their true identities, their ages, their lifestyles and what they exactly look like. Are they Greek gods or Demigods? Walang magazine o publishing ang nagko-cover ng kanilang naked shows. It was forbidden because the show is only exclusive for women's bare eyes. Walang pwedeng mag-video dahil siguradong kulong ang aabutin. Kaya sikat na sikat at totoong inaabangan dahil minsan lang kung ihain ang mga naggagandahang katawan ng mga lalaking halos rumarampa na maskara lang ang suot.
“How are we doing Miss KL?” Tanong ng isang bakla habang nakatingin siya sa ginagawa niyon sa mga itim na tela sa plywood na pinintahan ng pula.
Louise smiled and gave Gordon a thumbs up. “Great as always.” She said.
Isa si Gordon sa maaasahan niyang tauhan at hindi lang basta tauhan ang bakla para sa kanya. Isa iyong kaibigan katulad ni Patty na pitong taon na niyang best friend sa orphanage na pinanggalingan nila; at kahit na matanda na sila ay magkasama pa rin sila sa lahat ng oras. Si Patty ang kanang kamay niya sa negosyo bilang isang coordinator na nag-uumpisang gumawa ng sariling pangalan.
Louise started her career with scrapped materials. Nang minsan na may bumisitang mga missionary na foreigner sa Sweet Angels Orphanage ay tinuruan sila na gumawa ng mga mahahalagang bagay gamit ang mga reusable materials tulad ng mga papel at mga retaso.
Dahil sa kagustuhan niyang kumita ng pera at huwag maging pabigat sa Ate Thelma niya sa pagpapagatas sa baby niya dahil hindi sapat ang gatas niya ay ginawa niyang simpleng negosyo ang hilig niya sa pagkutingting ng mga kung anu-ano, hanggang sa ang mga may kaya na kapitbahay ng orphanage nila ay sa kanya nagpapagawa ng mga projects kaya naitawid niya ang buhay ni Bless. Magaling din kasi siyang mag-drawing kaya lang ay hindi niya natupad ang pangarap na maging pintor dahil sa kakapusan sa pera. Nakapagtapos naman si Louise ng vocational course sa TESDA pero hindi ang pangarap niya na maging isang fashion designer.
Sa ngayon, kapag nakakaluwag siya ay sa orphanage rin ang punta ng pera niya.
Wala na rin siya sa Sweet Angels dahil nangungupahan na sila ni Patty sa isang apartment at sila pa rin ang magka-buddy.
“Hoy,” nakabungisngis na siko ni Pat kay Louise kaya kamutik pa siyang matumba.
“Aray naman.” Nakangiting pinukol niya ng masamang tingin ang kaibigan na hindi yata matanggal ang nakapaskil na ngisi sa mukha.
“Excited ako. Sa wakas makikita ko na rin ang mga lalaki na ‘yon na rumarampa ng hubad.” Parang piniritong kikiam ang kaibigan niya na nanginig pa at naitirik ang mga mata.
Iyon naman talaga ang pinakahihintay ng bruha, ang masilayan daw ang malalaking kwan ng Masked Bachelors. They heard that getting those men naked is for finale. Sa una ay may saplot pa raw na rarampa at habang tumataas ang presyo ay isa-isang magtatanggal ng damit. At ang founder daw ng institution ang pinakahuling lalabas at doon na raw umaabot ng daang libong piso ng koleksyon para sa mga batang kapos-palad. What she heard about those men's last naked show gathered a record breaking of three million pesos.
Ipinatayo raw iyon ng bagong orphanage at ipinamudmod sa mga iba pa, at isa ang Sweet Angels sa mga naambunan. At ngayon ay para sa benefit ulit ng mga orphans ang malilikom na pera na taon-taon nagaganap.
She’s excited, too. Well, not to see those extra large d***s but to witness how those men will ramp like gods, earning money for those children who are in lack of wealth and were left behind by their parents. And that thing 'huge' reminds her of her bitter past for as long as she can barely remember, the man who had raped her has a huge d**k. Alam niyang nawalan siya ng ulirat nang gabing iyon na ginahasa siya. Hindi niya alam kung dahil iyon sa alak na ipinainom sa kanya ng ama niyang isa ring hayop, o kung dahil sa panlalaban niya sa lalaking gumahasa sa kanya, o sa malaki niyong p*********i o dahil sa lahat ng mga binanggit niyang dahilan.
Pero sa pagkakatanda niya ay para siyang pinagsampu nang segundo na ‘yon na angkinin ng demonyo ang hindi dapat.
“Natulala ka na.” Siko ulit kay Louise ni Pat saka iyon ngumisi nang mas lalong malaki. “Ini-imagine mo na kung gaano kataba ano?”
Humagikhik pa ang kaibigan niya kaya nangingiti na umiling na lang siya.
“Hindi ‘yon. May naalala lang ako.” Iwinaksi niya sa isip ang nakaraan sa pamamagitan ng pag-iling.
Noon halos mamatay siya sa pagmumukmok sa isang sulok kapag naaalala iyon pero ngayon ay tila ba bangungot na lang ‘yon ng kahapon.
Tumalikod siya at naglakad papalayo. “Bilisan mo na sa mga bulaklak na inaayos mo sa bawat mesa. Baka naman lanta na ‘yan nakabungisngis ka pa at nag-i-imagine. Susunduin ko lang si Liempo ko.” Aniya pa saka sumulyap sa relo.
Anong hirap na magta-taxi na naman. Isang hit na lang at pwede na siyang makabili ng second hand na kotse para hindi na mahirapan ang anak niya sa pag-commute. Minsan kasi ay naiipit sa jeepney kaya sa taxi na lang sila sumasakay kaya lang ubod naman ng mahal, kaya lang ay hindi niya iniinda ang pera basta mayroon lang lalo kung para sa anak niya. Alangan naman na iasa na niya kay Matt si Bless.
Blesserie Gift is her richness, her light, her inspiration, her lightness and her companion. Nasa tiyan pa lang niya ang bata ay pinupuno na niyon ng pag-asa ang puso niya at natutunan niya kung paano ang bumangon sa kabila ng naranasan niyang kademonyohan.
Her baby was her enlightenment during those days she wanted to commit suicide. Hindi naman siya baliw at wala siyang lahing ganoon, kaya lang sa sobrang pakla ng panlasa niya at pandidiri sa sarili, pagkabigo sa mga magulang na pinabayaan lang siya sa kalye at ginagawang katulong ng madrasta niya sa sarili niyang bahay, hindi naiwasan na sa murang edad niyang kinse ay isipin na niya ang magpakamatay na lang.
Kaya lang ay busog sila ng pangaral ng Madre na namamahala sa Sweet Angels at ng Ate Thelma niya kaya kahit na paano ay luminaw ang kaisipan niya na puno ng hinanakit, lalo na nang malaman niyang buntis na siya. That was when the time she motivated herself to live peacefully and tried her best to accept the truth. Laman siya ng chapel nang mga sandaling ‘yon ng buhay niya na para bang ang dilim-dilim at walang liwanag. Parati siyang umiiyak at walang sawa naman sa pagpangaral ang Madre na bumibisita parati sa kanila at ang ate Thelma niya. Hanggang sa naubos na yata ang luha niya at isang araw ay tumigil na lang siya sa pag-iyak.
Paunti-unti ay natanggap niya ang lahat lalo na nang matapos siyang mag-fify fifty sa caesarian ay nakita niya ang isang batang babae na natutulog sa crib ng ospital, walang kasing taba at walang kasing ganda, walang buhok at tulog na tulog. Para iyong isang anghel sa pagkaputi na nagkukulay pink ang kulay.
From then on, she promised herself to live for the blessing in her life that’s why Louise named her daughter Blesserie Gift, isang blessing sa kabila ng lahat ng kakulangan at hirap sa buhay niya, at isang regalo kapalit ng naranasan niyang kababuyan.
“Bes, pasalubong kong burger ha.” Pahabol na bilin sa kanya ni Pat pero bago pa man lang siya tuluyang makalabas sa bakuran ng Sweet Angels ay may lalaking pumasok at may bitbit na mga kahon ng pizza.
Louise blinked. May pa-pizza si Mayor?
“Good morning Ma'am. Padala po ni bossing.” Nakangising bati ng delivery man at kanya-kanyang hiyawan naman ang mga kasamahan niya.
“Sino pong bossing?” tanong niya sa lalaki.
“Hindi ko ho kilala basta bossing daw ang sabihin. Para raw po sa mga nag-aayos ng venue para bukas ng gabi.”
Tumango-tango siya. Malamang na ang bossing ay ang founder ng Masked. Nagpadala yata ng pagkain dahil akala ay mga patay-gutom sila.
“Sige kuya, salamat. Pakihatid mo na sa mga patay-gutom.” Napahagikhik siya nang sumimangot ang anim katao sa likuran niya.
Paano kapag siya ang may pameryenda ay Nesfruta lang at tinapay. Ang mga ito ngayon ay naka Shakey’s pa at naka softdrinks.
Hindi na rin naman siya pumihit papabalik, tuloy-tuloy na siyang lumabas para sunduin ang anak na nasa eskwelahan.
Hithit-buga ang gawa ni Cayden habang nagmamaneho ng sasakyan at kausap ang nakatatanda niyang kapatid na si Jamaica sa cellphone. He wanted to hang up the call because his sister keeps on forcing her to come and be the best man on the woman’s garden wedding.
Kinukulit din siya ng babae na harapin ang coordinator ng naked show nila kinabukasan at iyon na lang daw ang kunin na mag-aayos ng lahat para sa kasal.
Si Jamaica lang ang kapatid niya sa ama na naging malapit sa kanya. Ito ang sinundan niya at tatlong kalalakihan ang panganay sa kanila.
Cade is the youngest, an illegitimate child but lucky enough to carry his father’s name, Zaragosa. Anak siya ng tipikal na katulong sa mansyon ng mga Zaragosa. Parang sa pelikula ang takbo ng buhay niya at syempre may madrasta, an aristocrat. He’s been isolated and spent almost his entire life to fit in his father’s family, pero kahit na anong pilit na nagkabalu-baluktot na nga ang takbo ng buhay niya ay hindi pa rin siya natanggap ng tunay na asawa ng Papa niya at mga kapatid na lalaki.
Simula nang araw na ginawa niya ang pinakamasahol na bagay para lang mapabilang sa mga barako ng ama niya ay nagising siya sa katotohanan na kahit na kailan ay hindi siya matatanggap ng mga iyon bilang kapamilya.
The only member of that family who’s extending his arms over him is his Papa. Lahat ng materyal na bagay ay nasa kanya, pera, yaman, kumpanya na siya ang nagpapatakbo at hindi ang mga anak niyong lalaki sa tunay na asawa, pero hindi naman iyon ang kailangan niya. Cade needs his father and most of the old man’s time but he has none. Wala sa kanya ang ama niya, hindi sila natutulog sa iisang bubong at bilang sa daliri ang mga oras na nagyakap sila kaya binubulok na lang niya ang sarili sa babae at kumpanya na may hawak ng pinakamamalaking gasolinahan at may sariling mina ng mina ng langis sa ibang bansa.
Siya ang nagpapakakuba para maging katanggap-tanggap siya sa mga mata ng Papa niya at ang tatlong panganay naman niya ang tagalustay ng pera.
His father knows everything but seems like the man doesn’t care at all. Iniwan na sa kanya ang kumpanya at halos ilang beses lang sa isang buwan kung sumulpot doon.
He’s not accepted by his father’s family and now he’s having a headache whether he’ll grant his ate Jam's request to become a best man. Blangko pa ang imbitasyon at paano niya tatanggapin kung ang atribidang madrasta niya ay inunahan na siyang kausapin na huwag daw siyang maging garapal at humarap sa mga mayayamang bisita bilang isang Zaragosa.
That’s a big slap on his face but he’s holding his composure intact. He doesn’t want to demoralize his dignity as a man again by being so mean to that old witch. It’s enough that he had made an unforgivable sin when he was still 23. He won't stoop down again so low just to be accepted.
Kung may kaya man siyang ibigay sa ate niya ay ang coordinator lang at hindi na ang pagiging best man. Kung pwede nga lang na huwag na siyang um-attend ng kasal ay hindi na lang talaga.
“Ano bunso? Pupuntahan mo na ‘yong coordinator ng naked show mo? ‘Di ba playboy in disguise ka sa pagiging good Samaritan? Ayaw mo no'n na matulungan mo pa ang sinasabi mong pinapulot mong pipitsugin na coordinator?” nasundan ang mga salitang iyon ng isang hagikhik.
“Is that a compliment or an insult? Wala akong ibig sabihin sa salitang pipitsugin. I was just stating the fact. I want to give those tiny businesses their moments to shine and expand, to be renowned perhaps.” Paliwanag naman niya.
Sa simula at sapul naman talaga ay mas gusto niya ang mga baguhan na magtrabaho at hindi iyong malalaking establisyemento na. Iyon ang kaisa-isang turo ng Mama niya simula nang magkaisip siya, na huwag niyang aapakan ang mga mahihirap dahil katulong lang ang nanay niya, kusinera at labandera. At gusto niyang pagsisihan na naligaw na muna siya ng landas bago niya naisabuhay ang mga turo ng ina niya sa kanya.
“Kaya nga. Puntahan mo na para makatulong ka pa lalo sa baguhang coordinator na ‘yon. Who knows mai-endrose ko pa siya sa iba. Sa'yo…kapag ikinasal ka.” Hirit pa ng ate ni Cayden kaya napailing siya.
“I am married.” Maikling sagot niya habang inililiko ang saskyan papunta sa Sweet Angels pero parang namalikmata siya nang makita ang isang magandang babae na naglalakad sa katirikan ng araw.
Cayden immediately tilts his head.
“Hindi kayo magkakaanak ng kumpanya na asawa mo.” Jamaica is laughing on the line but he wanted to pull over.
Napatingin siya sa side mirror at nakita niya ang pwet ng babaeng kumikendeng habang malalaki ang hakbang papunta sa labasan. The woman is definitely gorgeous. She has that long black wavy hair that reaches her spine, morena and tall, and mostly, sexy.
Napangisi siya kasi mahilig siya sa magaganda at wala sa mga babae ang ikinama niya na mukhang Durian ang mukha.
“Cade! Are you still there?” untag ng ate niya dahil hindi siya nakasagot kaagad.
He had rather stopped the car and kept on eying the woman until a gray Mitsubishi Strada stops just a few meters behind his red Lykan Hypersport.
“Still here. Papunta sa Sweet Angels for your request to talk personally to that coordinator.”
What is he expecting? Of course malamang na bakla ang coordinator ng event.
Napangisi si Cayden nang mag-side view ang babae na tinitingnan niya at ngumiti sa kung sinong driver ng sasakyan na iyon.
He felt that familiar ache in his groin, seeing how beautiful the woman’s smile is. Kaya lang ay nawala ang ngisi niya nang bumaba sa sasakyan ang isang lalaki at humalik sa pisngi ng babae na parang napailag pa nga at halos hindi lumapat ang labi ng lalaki sa balat niyon.
Virgin?
Kung sa kanya ‘yon, anit lang ang walang latay sa labi niyang mapagsamba.
And he’s totally disgusted when the woman hops inside the car and gone. He wants a p***y right after he talks to that coordinator.