two
"Bakit hindi mo na lang ako tinawagan para sunduin si Bless?”
Salubong ang mga kilay na tanong ni Matt kay Louise nang
paandarin ng lalaki ang sasakyan papaalis.
“Damn this Hypersport! Porke mamahalin ang sasakyan, d'yan pa ipinarada.” Inis na dugtong pa kaagad nito kaya napamaang si Louise.
“It’s okay. Umatras ka na lang kasi wala namang sasakyan sa likod. Iinit pa ang ulo mo pwede namang huwag mo ng pansinin.” Pangaral niya sa boyfriend na isang abogado.
May-ari si Matt ng isang law firm na nakilala niya noon sa Public Attorney’s Office. Nagandahan sa kanya ang lalaki, sumunod sa labas ng building matapos nilang mag-inquire ni Pat tungkol sa balak sana niyang pagsampa ng demanda sa gumahasa sa kanya, kaya lang wala na rin naman nangyari. Hindi na lang niya itinuloy ang balak niya dahil wala naman pagkakakilanlan ang mga demonyong iyon na bumitbit sa kanya at ipinamolestya siya sa isa.
Nang magkita ulit sila ni Matteo ay may sarili na itong law firm dahil wala raw pag-asa sa PAO. Nagpapansin, hanggang sa maligaw isang araw sa ampunan at nanligaw. Halos tatlong taon ang ipinagtiyaga nito para lang mapa-oo siya at natutuwa siya sa acceptance ng lalaki kahit na isa siyang rape victim at nabuntis. Hindi siya nito ni minsan na pinagmukhang gaga at nakakadiri.
Mabait naman ang lalaki kaya lang napansin niyang mainitin ang ulo. Dalawang taon na silang mag-boyfriend pero kahit ang simpleng paghalik sa labi ay hindi pa niya naibibigay sa lalaki. Takot pa rin siya at minsan ang simpleng yakap nga at halik sa pisngi ay ikinanginginig niya, paano pa kaya ang makipag halikan at mas malala ay magtalik sila?
He seems so very understanding but lately that issue becomes one of the many reasons why they fight. Inuungot ng lalaki na magkaroon sila ng sekswal na relasyon at dapat daw na maihanda na niya ang sarili hindi raw iyong para siyang tanga na hindi makapag-move on.
Her body’s reaction is always involuntary and it’s not her fault if sometimes, her fear is being triggered by some simple gestures which remind her of her past.
Pagkalipas naman ng ilang oras ay bumabalik na rin naman sa normal ang ugali ni Matt at naiintindihan naman niya. Dala lang malamang ng stress at sa mga kasong hinahawakan nito ang mabilis na pag-init ng ulo.
Gusto rin ni Louise na ihanda ang sarili pero paunti-unti at nararamdaman niyang hindi pa siya handa. Sa mga pagkakataon naman na umiiral ang sumpong ng boyfriend niya ay mas pinaiiral niya ang pagiging kalmado at ang mga natutunan niya sa orphanage.
Like now, pinukol siya nito ng masamang tingin dahil sa pagkontra niya kaya ngumiti na lang siya at umiwas ng tingin.
Sigurado kapag pumatol siya ay sasabog silang dalawa. May mga pagkakataon na hindi rin siya nakakatiis at minsan lumalaban siya kaya napipilitan na lumayas si Matt at susuyuin siya kinabukasan.
“Next time, ako na ang susundo sa anak mo para hindi ka na mahirapan.” Anito nang diretso na ang takbo ng sasakyan nila.
“'Wag na. Kaya ko naman at saka mahirap kapag busy ka. Baka umiyak si Bless kapag hindi ka dumating kaagad.” Aniya naman pero umiling lang si Matt.
“She’s growing up and sometimes, she must learn how to stand on her own.”
Napasulyap siya sa boyfriend kasi hindi siya kumporme sa sinasabi nito. Bless is just a six-year-old kid. Paano niya hahayaan ang kaisa-isang anak na babae pa? Kailan siya magsisisi? Kapag nagahasa na rin ang anak niya? Mamamatay siya sa sakit kapag nangyari iyon dahil hindi siya katulad ng madrasta niya at ama na mga walang kwentang tao na hindi man lang inalam kung nasaang parte na siya ng impyerno simula nang lumayas siya sa tinitirhan nila.
“Tuturuan ko siya kapag nasa tamang edad na siya pero sa ngayon, hindi pwede ang sinasabi mo. She’s just a six-year-old little girl. At ang pinakauna sa listahan ko ay ang bantayan at alagaan ang anak ko at wala ng iba pa.” Louise said with a glint of sarcasm but she made sure that Matt would never notice.
Tumingin din ito sa kanya sa salamin kaya nagbungguan ang mga mata nila.
“It’s just an opinion. Hindi naman kita pinipilit. Nasabi ko lang ‘yon kasi parang hirap na hirap ka na sa sitwasyon mo. I offered you money so you could start buying your own car but you’ve turned it down.”
Ayaw kasi niyang magkautang kahit pa sa boyfriend niya. Minsan na rin siya nitong inalok na maging secretary sa law firm pero tinanggihan din niya at lahat ng alok nito ay hinihindian niya kaya pinag-aawayan din nilang dalawa. Ayaw niyang malubog siya sa utang na loob at doon na umikot ang sentro ng relasyon nila ni Matteo. She wants love to be the center of their relationship and not just lust or indebtedness. Pagmamahal ang pundasyon niya kaya siya nabuhay, pagmamahal sa sarili niya bilang isang tao, bilang isang babae sa kabila ng lahat ng hirap at sakit na dinanas niya. Nang matutunan niyang tanggapin ang sarili niya, doon niya naisip na dapat parating pagmamahal ang maging pundasyon ng lahat ng bagay para maging masaya at hindi ang masasakit na alalaala ng nakaraan.
“Hayaan mo na ako. I want to know my worth as a woman. Ayoko na iasa sa palad ng iba ang kapalaran ko. Malaki na ako, hon. Gusto kong makita ni Bless na ako ang nagsusumikap para sa kanya at hindi ang Papa Matt niya.” Ngumiti siya rito at tumunganga lang naman ito sa kanya.
“Utang naman nga kung ayaw mong bigay.”
“Anong interest?” hamon niya sa lalaki na parang mas lalong ikinapatda nito.
She doesn’t want Matt to suspect that she doubts his intentions. Ayaw niyang maka-offend dahil gusto niya na maging parte ng pagmamahalan nila ang pagbibigay niya ng sarili rito at hindi dahil lang napilitan siya para sa isang utang na loob.
Alam na kasi niya na hihirit na naman ito ng s*x kaya huwag na lang. Hindi naman niya iniisip na iyon lang ang dahilan ni Matt kaya siya inaalok ng kung ano-ano dahil dalawang taon na naman silang magkarelasyon. Alam naman niyang mahal siya nito at iniintindi niya ang mga hinihingi ng katawan nito bilang isang lalaki na hindi niya pa talaga kayang ibigay.
“Now you ask that. What do you think? Parang iba ang laman ng isip mo Louise. Baka akala mo na katawan mo lang ang habol ko sa’yo. Come on, hon,” ngumisi ito na naiiling pa. “You are not a virgin anymore. Kung ‘yan lang ang gusto ko hindi na kita pagkakagastusan dahil bibili na lang ako ng eighteen-year-old at wala pang anak.”
Parang nainsulto siya bigla sa tema ng pananalita nito. Ngayon lang siya napasaringan ni Matt ng mga salitang nagpasakit sa dibdib niya. He’s been so very careful delivering words when it comes to her but lately, it seems like he didn’t care at all. Parang may nakikita na siyang mga ugali na hindi dapat. Noon, ito ang naging sandigan niya sa mga panahon na maya't maya na bumabalik ang alaala niya tungkol sa nangyari sa kanya na hindi maganda pero ngayon ay bakit parang sa bibig pa mismo nito nanggagaling ang insulto?
Kasalanan ba niya na isa siyang rape victim kaya hindi na siya virgin at may anak na siya?
“Itigil mo.” Mariin na sabi niya kay Matteo na napatanga sa kanya kaya hinampas niya ang dashboard. “Itigil mo nga!” pinandilatan na niya ito ng mga mata kaya walang nagawa ang lalaki kung hindi ang sundin siya.
“Ano bang problema mo?” gigil na tanong din nito sa kanya pero marahas niyang kinalas ang seat belt.
“Saka mo na ako puntahan kapag naalis mo na ang dumi sa nguso mo na bumubuga ng mga salitang nakakamatay ng puri ng tao. Hindi ako kriminal sa korte na pwede mong insultuhin Matteo. Kung ayaw mo sa akin dahil may anak ako at hindi na ako virgin, pwes maghanap ka ng virgin at pumunta kayo sa impyerno!” Singhal niya rito kaya halos umigkas ang panga nito sa inis din sa kanya.
“Bakit pikon ka? Nagbibiro lang ako.” Anito pero halata rin naman na naiinis sa kanya.
Wala siyang imik na bumaba ng sasakyan at saka malalaki ang hakbang na naglakad sa gilid ng kalsada, kipkip ang mga luha sa mata.
What is happening to the man she’s been so madly in love with for the past two years? They were happy but seems like everything is gradually changing and turning the other way around. Aaminin niyang nasapul ang pride niya at dignidad bilang babae.
Matt is supposed to be taking care of her, trying to understand her situation, her attitude and what she’s been through but why did he say those stupid words? Hindi naman siya napipikon sa mga simpleng biro lang, pero ang gawing biro at isali sa usapan ang lintik na nangyari sa buhay niya ay hindi maganda.
“Honey,” ani Matt sa may tabi niya habang naglalakad siya at ito naman ay nagmamaneho ng sasakyan.
Ni hindi niya ito pinansin. Kahit maglakad pa siya ng ilang milya, para makakuha ng taxi, gagawin niya basta huwag lang sumakay sa sasakyan nito. Baka kung saan mapunta ang away nila at hindi na maayos pa kaya iiwas na lang muna siya. She loves him and he’s been one of the reasons why she fought and gave herself the time to heal. Bakit hindi nito naiisip ang sakripisyo niya na kahit gaano siya katakot na sumubok ay sinubukan niyang makipagrelasyon dito?
“Hop in.” Pakiusap nito sa kanya pero umiling siya.
“Bumalik ka na sa opisina mo at mag-usap tayo kapag narealize mo na ang mga salitang lumalabas sa bibig mo. Hindi komo at abogado ka ay pwede mo na akong biruin ng mga ganyan! I am jealous for all you know and do you think I find myself deserving enough to be your girlfriend?!” Napaiyak siya nang humarap sa lalaki.
Kahit na nga ang simpleng pagharap sa mga magulang daw nito ay hindi niya magawa dahil sa hiya, tapos mismong ito mabibiro pa siya ng masakit. Oo totoo pero alam naman niya na dalagang ina siya at wala ng ipagmamalaki. Pero kaya niyang ipamukha na hindi nasusukat ang katapatan ng isang babae sa pagiging virgin lang.
Anong sasabihin niya sa ina nitong isang duktora at sa ama na isang judge? Na isa siyang babae na walang natapusan na magandang kurso, may anak na walang ama? Sinong gugusto sa tulad niya na maging manugang? Kaya lang hindi siya makabitaw kasi mahal niya si Matt at handa niyang ipaglaban ang lalaki sa abot ng makakaya niya. Kaya nga pinatutunayan niya na kaya niyang tumayo sa sarili niyang mga paa kahit na kulang na lang ay ialok nito sa kanya ang mga bituin sa langit.
Pero nasaan na? Bakit ang matatamis na salita na sinasabi nito noon ay parang kutsilyo na ngayon?
“ Please, Louise I don’t have time for drama. May kliyente akong naghihintay pero inuna kita. Huwag ka ng mag-inarte.” Nagbungguan ang mga kilay nito at parang sa aura ng mukha ay siya pa ang mas nakakainis kaya umalsa ang galit niya.
Ang moody pa naman niya kasi rereglahin na yata siya pero ang isa ay pinapatulan pa ang init ng ulo niya. Hindi naman ito dati ganito sa kanya pero bakit iba na?
“Lumayas ka na! Bwisit ka! Bwisit ka talaga!” inis na sinipa niya ang sasakyan ni Matt at hinampas pa niya ng bag.
“Demmit Kiana Louise! Demmit!” Mura ng lalaki kaya inulit pa niya na hampasin ang sasakyan.
“Demmit ka rin!” humahagulhol na iyak niya pero galit na ikinambyo nito ang sasakyan.
“Bahala ka sa buhay mo. Hindi kita susuyuin ngayon dahil may hearing pa ako.” Litanya pa nito bago pinasibad ang sasakyan paaalis kaya naiwan siyang natitilihan at umiiyak.
Louise looked at Matt’s car which is running faster than the normal speed. Gusto niyang mag-sorry lang iyon at suyuin siya na hindi na uulitin ang ganoong mga biro sa kanya pero wala na nga siyang nakuha, nilayasan pa siya sa ilalim ng makulimlim na langit.
Kanina sobrang init tapos bigla na lang na dumilim at baka maya-maya pa ay bumagsak na ang ulan.
She wants attention. She wants love and most of all she wants respect. She’s been molested and all that she needs is comfort but the only man she loves is turning into a wolf. Hindi pa ba niya lubos na kilala ang boyfriend na minahal niya o sadyang nagsasawa na yata ito sa kanya?
Cayden smiled seeing the beautiful woman he saw earlier. Kapag sinuswerte nga naman. Hindi niya natagpuan ang coordinator ng event niya pero heto at may magandang babae naman siyang nakita. Kahit na iisang beses lang na lumapat ang mga mata niya sa matambok nitong pwet ay kabisado na kaagad niya ang kabuuan ng katawan nito. How about the face? Maganda nga kaya? Miss talikodgenic ang babae dahil lagi na lang na likuran ang nakikita niya kaya marahan niyang itinigil ang kotse sa gilid ng kalsada, sa mismong tapat ng dalaga; at ngayon naman ay nakatago ang mukha nito sa mahabang buhok dahil umiiyak pa yata.
Mabilis niyang ibinaba ang bintana ng sasakyan para kausapin ang babae.
Dumaan pa muna ang pilyo niyang mga mata sa dibdib nito na bahagyang sumusulyap sa suot na blouse. The woman is simple yet no doubt gorgeous.
“Miss? Need a ride? The rain will pour any minute now.” Desenteng alok niya sa babae pero walang kasing pormal ang mukha niya kahit na sa loob ay tumatalon-talon ang p*********i niya.
You say that idiot! Diyos ka para malaman na uulan na?
Nag-angat ng mukha ang dalaga at diretsong tumingin sa mga mata niya ang mga mata nitong dark brown na parang may eye liner kahit wala naman dahil baluktot na baluktot ang mga pilik mata at ang kapal-kapal pa.
Cayden's brows knitted. It seems like he knew her somewhere at the back of his memory. Did he meet her already? Bedded her maybe?
No… not yet.
Kinapa niya sa alaala ang mukha nitong pamilyar pero blangko ang utak niya dahil sa magaganda nitong mga mata.
His eyes immediately scanned the woman's face and gulped right away finding how beautiful she really is; her pert nose, pouting pink lips and her wet eyes are so irresistible.
“Ikaw!” duro nito sa kanya at sa pagkagimbal niya ay sinipa nito ang Lykan Hypersport niya.
Motherfucker of a wench! Napaawang mga labi niya at kumurap. Nobody damn touches his favorite car. Sa Zaragosa Corporation, walang nangangahas na hipuin ang koleksyon niya ng mga mamahaling sasakyan samantalang ang isang ito hindi lang hinipo, sinipa pa.
Magsasalita sana siya para pagalitan ito kahit na ang ganda-ganda sana kaya lang gigil na bumuka rin ang labi ng dalaga kaya nawala sa utak niya ang mga dapat na sasabihin lalo na nang manulis pa lalo ang mga labi nitong parang ang sarap-sarap papakin ng halik.
“Iiwan mo rin ang girlfriend mo sa gilid ng kalsada dahil sa pesteng kliyente mo sa korte?! Iiwan mong umiiyak kahit na gusto lang ay lambingin mo at suyuin?! Sumagot ka!” She weeps like a kid and wipes her eyes, looking for something somewhere beyond the long road.
Jesus Christ! Mercy please.