three
“Sumagot ka!” Galit na utos kay Cayden ng dalagang kaharap
niya kaya napilitan siyang bumaba ng sasakyan habang
buhol ang mga kilay, at umikot papunta sa may pwesto nito.
If she’s crazy, then he’ll bring her to the nearest mental hospital. Sayang, ang ganda pa naman na babae mukhang baliw pa.
His intention was to check his car but he’s concerned if she’s hurt, too. Gusto niyang isipin na baka may sira sa utak ang babae pero nakita naman nga pala niya kanina na sumakay ito sa isang sasakyan tapos ngayon ay naiwan na sa kalsada at umiiyak.
Could it be so possible that she had a fight with the man who hopped out from that car and kissed her on her cheek?
Possible.
She’s been yelling and asking if he'd rather leave his girlfriend in the sidewalk for some stupid client. The answer is, he doesn’t know. How would he even know it while he doesn’t have a girlfriend and he never had, for f**k's sake. Isa siyang lalaking nakukuntento sa buhay binata niya at sa pambababae. Pila na nga sa listahan ang uma-apply na kasama niyang lumagay sa tahimik pero wala siya ni isa man na pinagkainteresan. Naniniwala naman siya sa kasal at sa buhay may-asawa, dangan lang na hindi pa niya nakikita ang babaeng gusto niyang iharap sa altar at sambahin gabi-gabi na hindi siya mauumay. And he’s kinda busy with his life how to be accepted as a real Zaragosa.
“Easy, woman.” Saway niya sa dalaga matapos na mamewang nang makita na may dumi ang sasakyan niya.
Humahangos na tumingala ito sa kanya.
Damn, she acts like a baby. Cayden made a simple gesture, slightly and playfully wiping her tears using his knuckle.
Napaiwas ito ng mukha at umatras pa na parang biglang natakot sa kanya kaya dinaan niya ito sa matiim na titig.
After a while, she seems back to her normal attitude and shyly blinked back her tears, hiding her face innocently, bakat kasi nang kaunti ang p********e nito kaya lalo siyang parang sinisilihan.
“I-I am sorry.” Tila naiilang ng sabi nito sa kanya.
Tumango naman siya pero ang mga mata niya ay napunta na sa hugpungan ng suot nitong faded skinny jeans.
Christ! He’s been already eye f*****g the young lady.
“Where to? I can give you a ride.” Pormal ma alok niya at bahagya pang inayos ang necktie na suot.
Mabilis na umiling ang dalaga at kumurap-kurap na napasulyap sa sasakyan niya.
“S-Salamat pero ayoko po.”
Po?
Cayden immediately looked at himself in the window shield's reflection. Hindi pa naman siya matanda sa huling pagkakaalala niya. s**t he’s just thirty! Wala pa sa kanyang namumupo sa tanan ng buhay niya ay kahit na mga teen agers ay pa-cute ang ginagawa at hindi gumagalang. Ang isang ito ay hindi na naman mukhang teen ager pero nanganganupo sa kanya?
“It might rain.” He stated rather, brushing off the thought that the woman in front of him is respecting him damn much.
Umiling ito ulit at sinuri ang hitsura niya na para bang takot itong sumakay.
“My offer is decent. You can text your friend and give her my plate number, just in case you can’t make it safely to your destination.” He bobbed one of his brows but a sudden flash of something disgusting came back inside his head.
Napapikit siya nang gumuhit sa alaala niya ang ginawa niyang kalokohan noon na hanggang sa pagtulog ay bangungot niya kahit na ilang taon na ang lumipas. Hindi lang talaga malinaw dahil may Retrograde amnesia siya dahil sa aksidente nang gabing iyon na hindi niya rin maalala kung saan siya nanggaling. A part of his memories were there and some were not. Alam niya ang pamilya niya at alam niya ang purpose sa buhay. Kaya lang may binabanggit ang mga kuya niya na kasalanan daw niya na nakakasuka kung totoong mabubuo na ulit ang alalaala niya at palagay niya ay unti-unti ng bumabalik kasabay ng mga bangungot na unti-unti rin na lumilinaw.
Jeez! Why the heck is he having a daymare?
Hindi malinaw ang alaala kaya pinilit niyang balewalain dahil parang inaaral na siya ng babaeng kaharap niya.
“Hop in and call your friend. I won’t mind, baby.” He smirks.
Parang lalo lang na ninerbyos ang kaharap niya at napaatras na naman. Now he has a nice view of her sexiness. She looks like a model, only in lack of height but seems quite taller maybe in a height of 5’5.
“Hindi po ako sasakay. Mag-aabang – ayiii!” Napatili ito nang bumuhos ang malakas na ulan kaya binuksan naman niya kaagad ang pinto ng sasakyan.
She was left no choice but to hop in, a thing which made him grin inside. Mabilis siyang umikot papunta sa kabila at saka siya sumakay, but to his dismay, the lady tucked herself amidst the door and the passenger’s seat.
Nagmamadali nitong kinuha ang cellphone habang pasulyap-sulyap sa kanya sa sulok ng mga mata, bagay na lalong ikinagaganda nito sa paningin niya.
“Patty! Patty!” bulalas kaagad nito sa nasa kabilang linya na halos ikatawa ni Cayden nang malakas pero pinigil niya.
“Patty, kapag hindi ako nakauwi after lunch, ipa-blotter mo ang plate number na…” tumingin sa kanya ang dalaga at umawang ang mga labi.
“CHZ 699” sambot niya naman kaagad at nangingiti na nakatitig sa takot na mukha ng babae.
“C-CHZ 699.” Gagad nito sa sinabi niya at saglit na tumigil bago ulit nagsalita. “Oo, basta huwag kang maraming tanong. Si Matteo – ” humikbi ito na parang ang sama-sama ng loob.
“Iniwan ako sa kalsada matapos akong insultuhin. Gusto ko lang naman na mag-sorry siya pero may kliyente raw siya at wala siyang panahon na suyuin ako.” Kwento pa nito habang lumuluha kaya tahimik lang naman siya.
He saw pain in her eyes as she forbids herself from sobbing a little louder.
“Inabot na ako ng ulan kaya napilitan akong sumakay dito sa pulang kotse na may plate number na CHZ 699. Si ano ang driver…” papasulyap pa lang ito sa kanya pero sinalo na kaagad niya ulit ang salita ng dalaga habang binubuhay niya ang makina ng sasakyan.
“Cayden Hector Zaragosa.” He stated unmindingly.
Nang tumingin siya sa babae ay umawang ang bibig nito at nakatanga sa kanya kaya ngumisi siya at saka nagpalipat-lipat ang mga mata sa labi nito at sa mga mata.
“Ahm…” Anito na tila nawalan ng salita.
Finally.
“C-Cayden Hector Z-Zaragosa r-raw siya of… Zaragosa Corporation maybe?” her pretty brows arched that’s why he nodded abruptly when she bit her forefinger.
Maya-maya ay napangiwi na ito at nailayo ang cellphone sa tainga.
“Oo na nga. Hindi ko naman kasi kilala kaya malay ko ba. Baka kako masamang tao, malay ko ba na… si Mr. Zaragosa pala ang nag-alok ng libreng sakay.” Angil na nito sa kausap sa cellphone na parang nawala na ang iniiiyak kanina pa.
Free ride now but next time no because next time, you’ll pay me countless orgasms inside my car.
“M-Mister Zaragosa ka nga p-po?” Ulit pang tanong nito sa kanya kaya binuksan niya ang compartment ng sasakyan at kumuha ng isang calling card doon.
“Help yourself, lady.” He said with that playboy stare.
Kumurap-kurap ang dalaga at parang nanginginig pa na inabot ang tarheta.
She looked at it blankly and then nibbled her bottom lip.
“Shall we now? Pwede na akong magmaneho ngayon na kilala mo na ako?”
Isang marahan na tango ang sagot nito sa kanya tapos ay binalikan ang kausap sa cellphone.
“Oo pala talaga. Siya na nga talaga.” Bulong ng babae tapos ay nawalan ito ng imik bago pinatay ang tawag.
“Hinahanap niyo raw po ako, Mister Zaragosa?” anito sa kanya kaya siya naman ang nagtaka.
Oo hinahanap kita para ikama.
“Excuse me?” Balik tanong niya.
“I am Kiana Louise Salas, the coordinator of that upcoming event of… not to mention the name of that group.” Pakilala nito sa sarili tapos ay nagpahid ng mukha na puno ng luha, kasama pati ilong na may sipon pero hindi pinagkaabalahang ayusin ang sabog na buhok.
He kept his smile and it’s always been his habit to hide his precious smile from anybody; and the more he hides it, the more he looks so deadly gorgeous.
“It’s you really?” Hindi makapaniwalang tanong niya.
Dobleng swerte talaga. Akala niya ay bakla ang coordinator at nagpapanggap na panagalan ng isang tunay na babae. May nakausap kasi siya kanina sa malawak na bakuran ng Sweet Angels' at ibinigay sa kanya ang pangalan na Kiana Louise bilang head team ng mga coordinators, hindi naman niya alam na ang babae na palang nakita niyang naglalakad kanina sa tabi ng kalsada.
“Ako po. Bakit po? Anong kailangan niyo sa akin at paano niyo po nalaman na nasa Sweet Angels' ako? Confidential po ang event na inaasikaso ko at hindi po basta-basta ipinaaalam sa ibang tao.” She’s blinking and asking too many questions, doubting him again.
Nakakatawa na ang isang katulad niya ang pinagdududahan talaga nito.
“Let’s just say that I am one of the many friends of the members of that fraternity.”
“Fraternity?” gimbal na tanong nito sa kanya.
“Frat for benefits. It’s not a simple frat organization with deadly initiations. It was founded and funded to help those people who are in lack of wealth and education. I said, I am a friend. Let me say it straight to the point, Kiana Louise…”
“Louise na lang po.” Anito na ngumiti na kaya brief naman niya ang nalaglag.
Kung babae ang nahuhulugan ng panty sa mamahalin niyang ngiti, sa mga oras na iyon ay siya ang nalaglagan ng boxer briefs.
“Louise…” He nodded. “My sister is looking for a wedding coordinator and…”
“Opo! Opo! Tinatanggap ko po!” Bulalas nito na nasundan ng hagikhik kaya napanganga siya.
This woman is too much.
Wala pa siyang alok, opo na kaagad. Makapal din yata ang mukha nito at hindi nahihiyang makipag-usap sa bilyonaryong katulad niya. Most of the time, women in his society who grew up having the incomparable richness and social life were fumbling and stammering when in front of him but this woman is so hyperactive. She has a timid personality but setting it aside when talking to people about her profession.
Kanina parang takot na pusa pero nang pag-usapan ang tungkol sa pagiging coordinator, opo na kaagad. Paano pala kung bitay ang alok niya rito, oo na kaagad?
“Quite a spirit Miss Salas huh. I’m not yet done.” Aniya rito kaya parang nawala ang excitement nito at napatikhim lang habang inaayos ang pagkakaupo.
“So, ano pong pakay niyo talaga?” Louise now asked formally with a stern face.
Iba pala ang aura ng mukha nito kapag pormal at cute itong tingnan kapag umaaktong bata.
“Sa sakayan lang po ako ng jeep ha mga 5 minutes’ drive na lang po. Babayaran na lang po kita ng otso pesos. May barya ka po ba sa sampumpiso?” Anito pa sa kanya habang dumudukot na sa bag.
Holy Christ! Gusto niyang hilutin ang noo.
“I don’t have coins.” Sagot naman niya.
“Ah sige po Mister Zaragosa. Kapag nagkita na lang po tayo saka niyo ako suklian.” She smiled at him boldly which made him blink.
Suklian? Lugi pa siya sa aircon tapos siya pa ang magsusukli ng dos pesos? Saang lupalop ba ng planet Venus galing ang babae at parang luka-luka o sobrang pagkatipid naman yata na dos na lang ay ihihirit pa? Baka kapag sumasakay ito sa jeepney ay idedemanda pa ang driver at magrereklamo sa LTFRB kapag hindi nasuklian ng dos.
“Never mind, baby. Keep it.” Sagot na lang niya pero inilapag nito ang sampumpiso sa dashboard.
“Ah hindi po. Hindi niyo naman hinihingi ang gas sa gasoline sta…” Natilihan ito at kumurap-kurap na naman kaya tuluyan na siyang napangiti pero ibinaling niya ang mukha pakabila.
“M-May-ari nga po pala kayo ng mga gasolinahan.” Anito na napatunganga sa baryang inilagay sa dashboard.
“Just the franchise, nowadays. Dati, mismong mga gasolinahan ang pag-aari ni Papa pero ngayon, prangkisa na lang at supply ng langis.”
“Magkano po ba ang prangkisa?”
“Bibili ka?” He smirks.
He’ll give her a discount in one condition of course, isang gabi sa kama sa lima hanggang walong rounds.
“Five million.” He said without a blink.
Naging comical ang reaction ni Louise kaya natawa na siya at hindi na niya napigil nang mamilog ang mga mata nito pati na bibig, habang tutop ang dalawang pisngi.
“Keep your fare lady.” Cayden glances at the coin but Louise shakes her head.
“It’s still my fare and it has nothing to do with your business. You’re still not having the services of your manpower for free. Ang singko ay mahalaga dahil kapag walang singko, walang piso.” She demanded and so he just shook his head.
“Basta po may utang kayo sa akin na dos pesos.” Paalala pa nito sa kanya kaya dismayado siyang tumango.
Mukhang galit ito sa piso talaga kaya hahayaan na niya.
“So, back to business.” He said.
Pumormal ulit ang dalaga at tumango. “Ano po ba talaga ang pakay niyo sa paghahanap sa akin?”
“You were right. My sister wants to ask for your service. Name your price and I’ll tell her. It’s a garden wedding anyway. Money is not an issue. Plan it elegantly according to your will and she won’t mind. Kausapin mo siya. If you want, you can give me your address so her driver can pick you up.”
Tumango-tango ito at mabilis pa sa alas kwatro na sumagot.
“Wala pong problema.” Ani Louise na kumuha ng ballpen at papel sa bag habang siya naman ay pasulyap-sulyap sa mukha nito.
Mamamatay yata siya kapag hindi niya naalala kung saan niya ito nakita. He has to remember or else he’ll rip his head off.
“Eto po ang address ko. Aasahan ko po Mister Zaragosa na magugustuhan ako ng kapatid niyo.”
Oh me, gustong-gusto kita…gusto kitang ikama.
Inabot nito ang papel sa kanya at sinarili niya ang pagngiti nang makita niya ang isang smiley face na naka-drawing sa hulihan ng pangalan nito. Funny as it may seem but she’s crying a while back, but now she’s acting that she already forgotten her issue about her boyfriend.
Kahit hindi siya magtanong ay siguradong boyfriend nito ang lalaki na may-ari ng Mitsubishi na ‘yon. Gago lang na iniwan ang girlfriend sa kalsada.
He maybe so very snobbish most of the time when not being playful but he never leaves a woman in the streets. Kahit na sabihin na gaano pa nakakainis ang bunganga ng kaharap niyang babae ay hindi niya gagawin iyon lalo pa kung ganito ang panahon na ang dilim ng langit at umuulan na nga. That’s just so stupid.
“Mister Zaragosa diretso po ang kalsada at wala po sa mukha ko.” Prangkang sabi nito kaya nagsalubong lang ang mga kilay niya at saka isiniksik sa bulsa ng coat ang papel.
“Diyan na lang po ako sa tabi. Diyan na lang po. Para po! Para!” inalog ni Louise ang dashboard kaya natutop ni Cayden ang noo.
“Yeah, yeah. Jesus Christ, take it easy, hellcat. I can’t pull over immediately, sesemplang tayo kasi madulas.” Paliwanag niya na ikinangiti pa nito.
“Nagmamadali po kasi ako.” Umaandar pa ang sasakyan ay agad na nitong kinabog ang pintuan na naka-lock naman kaya mas lalo siyang nadismaya.
Ngayon lang siya nakakakita ng babaeng ganitong kumilos at parang bata. Ilang taon na ba ito at parang tanga? Hindi naman mukhang baliw kasi ang ganda-ganda nga.
“Wait, wait. Naka-lock pa.” Sabi pa niya saka pinindot ag buton para mai-release ang handle ng sasakyan.
Cayden heard a little giggle.
“Sorry po ulit Mister Zaragosa. Baka po kasi maiwan ako ng byahe.” Paliwanag nito at tuluyang binuksan ang pintuan.
“Salamat po. Aasahan ko po ang sundo ng kapatid niyo. Kung ma-reject ako okay lang po basta ang mahalaga ay sumubok ako. Thank you po. ‘Yong dos ko po ha.”
Oh God… nagkautang pa siya. Halos maitirik ng binata ang mga mata pero bumuga na lang siya ng hangin at tumitig sa maganda nitong mukha na may guhit na ngiti.
Hindi kaagad siya umalis at nahabol pa si Louise ng titig nang tumakbo iyon at hinahabol ang kauusad lang na jeepney.
“Sandali naman! Sasabit ako!” sigaw nito habang pandong ang lintik na bag.
Rinig na rinig niya ang boses nito sa nakabukas na bintana ng kotse niya.
“Sasabit ako! Sasabit ako!”
Sasabit? Napaawang ang mga labi niya. Holy moron. Is she really a girl or a she male?