four

2497 Words
  four     Louise can’t help but smile seeing that beautiful red car still isn’t moving. It’s such a pleasure meeting someone like Cayden Hector Zaragosa. He’s not just an ordinary person. He’s a hotshot, more than a celebrity and a high profiled person. At ang mas nakakatuwa ay mabait ang lalaki at hindi naman nakakatakot. Nanginig siya nang pahirin niyon ang luha niya pero parang bigla siyang kinuryente sa simpleng gesture na iyon, at nang mapagmasdan naman niya ay nawala naman ang nerbyos niya. Nakadagdag din yata ang pagiging malaking lalaki niyon at brusko kaya parang mas umiral ang pakiramdam niya na safe siya at hindi masasaktan. She’s a huge fan of burly men. Matteo is a big guy, too and Mister Zaragosa is likely the same. Hindi maghuhuli ang dalawa pero sa halip na ang boyfriend niya ang nakatanaw sana sa mga oras na iyon sa papalayong jeepney na sinasakyan niya ay ibang lalaki ang gumagawa. Pero iiyak pa ba si Louise kung naiisip niyang parang blessing in disguise na rin na nilayasan siya ni Matteo at isang oportunidad ang nasumpungan niya. Hindi pa man lang tapos ang inaayos niyang event ay may nakahilera na kaagad na wedding ceremony. Maswerte siya kung matutuloy iyon dahil big time ang kliyente niya at oras na maging maganda ang resulta ng kanyang trabaho ay pwede siyang mai-endorse ng kapatid ni Mister Zaragosa sa mga kakilala niyon, at wala siyang palalampasin na trabaho kahit na ang pagsaayos pa ng isang lugar para sa patay. Kumaway pa siya kahit na kakapiranggot ng pisngi ng pwet niya ang nakaupo sa upuan ng jeep. As if naman nakatingin pa sa kanya ang bago niyang bff na Mister Zaragosa. Bff na niya ang lalaki kasi swerte ang dala sa kanya at lalo siyang napangiti nang umandar ang ssasakyan niyon at parang sumunod sa jeepney, pero lumiko naman sa kaliwang kalsada. Now, Louise felt the disgust again especially when after ten minutes, she saw Matteo's law firm. Nakaparada na sa harap ang sasakyan ng boyfriend niya habang siya ay hirap sa kinauupuan. Umiling na lang siya at hindi na tiningnan ang sasakyan ni Matt pero tumunog ang cellphone niya at ang inaasahan niyang boyfriend na nag-text na para kamustahin siya ay ibang number ang bumungad sa kanyang mga mata. Kaagad siyang napakunot noo at tumingin sa paligid. Baka naman may hacker sa loob ng jeep at gagawin siyang textmate? Mukhang wala naman dahil lahat ng nakasakay ay parang mga basang sisiw na nilalamig dahil sa biglaang pagsama ng panahon. Sinilip niya ang screen ng cellphone at binuksan ang message. You gotta fix urself, lady. Mahuhulog ka na sa upuan ng jeepney na ‘yan. Will u b fine? -C.Zaragosa Di kawasa ay napahagikhik siya. Hindi siya naglalandi. Sumaya lang siya dahil kahit paano ay may isa na namang tao na nag-uumpisang magpakita sa kanya ng concern. That’s what she’s been asking for, to have some people who would stand beside her, would comfort her and ask if she’s okay, and to gain some attention. Pakiramdam kasi niya ay kulang siya sa pagmamahal simula sa pagkabata. Nang mamatay ang Mama niya ay parang wala na sa kanyang nagmamahal pa. Nag-iisang anak na nga siya, hindi pa siya minahal ng kanyang ama. Ang mas masaklap pa ay kumuha iyon ng madrasta niya na kulang na lang ay i-remake niya ang kwento ng Cinderella dahil sa pagkasama ng ugali ng stepmother niya. Papa-reply na sana siya nang tumunog na naman ulit ang cellphone niya at sa mga sandaling iyon ay si Matteo na ang nag-text. Nabasa ka ba ng ulan? Next time, don’t be so sensitive. What’s so damn wrong stating the facts? I’m still sorry though. I love u hon. Pasimple siyang napahikbi pero agad niyang itinago. She continued typing a message. I love you, too though u left me in the sidewalk. Next time, juz b cautious enough when telling jokes. I'm doing ok. Don’t wori. She sent it immediately. Nasasaktan pa rin siya kasi parang pakiramdam niya ay nasosobrahan naman sa pagiging prangka si Matt. Oo nga at totoo ang mga binitiwan niyong salita sa kanya pero ang ikumpara siya sa isang desi otso anyos na babaeng walang karanasan at walang anak ay ibang usapan na pero dahil mahal niya, syempre patatawarin niya at kakausapin kapag pwede na. Agad na naiangat ni Louise ang cellphone nang tumunog iyon. Ouch. Wrong sent baby. Aniyon kaya nanlaki ang mga mata niya. Susmi! Kay Mister Zaragosa niya naisend ang message para kay Matteo. Saka bakit ba baby ito nang baby ay damulag na naman siya. At saka baka mamaya ay mabasa ni Matt ang message nito ay di naloko na. Hindi naman kasi niya inakala na mauuna pa pala itong mag-text kaysa sa kapatid na nangangailangan ng serbisyo niya bilang coordinator. She left her number at the back of the paper and never expected that Mister Zaragosa would save it. Sori po. Send na lang ni Louise ulit pero maya-maya pa ay tumatawag na ang boyfriend niya kaya mabilis niyang sinagot. “Matt – ” aniya na parang nabigla pa. “Nasaan ka?” agaran din na tanong nito sa kanya. Napaisip siya dahil baka na-wrong sent din siya rito. Napakaseloso pa naman na lalaki ni Matteo at parang palagi na lang na ipagpapalit. Madalas na sumusulpot na lang ito sa mga event na inaasikaso niya at walang pasintabi. Malalaman na lang niya ay nakabantay na pala mula sa malayo. Mabuti na lang din at medyo ilag siya sa mga lalaki at pinipili niya ang haharapin at kakausapin. “N-Nasa jeepney. Bakit?” parang nabwisit na naman tuloy siya. “Just checking if you’re okay. Wait for me at Corinthians. I’ll pick you up and Bless. Hindi tuloy ang lakad ko ngayon.” Maawtoridad na sabi nito sa kanya. “Sige.” “Galit ka pa ba?” Biglang lumambing na ang boses nito kaya kahit paano napangiti siya. “Hindi na, basta ‘wag mo na sanang uulitin.” “You must not be so sensitive, hon., and by the way, Mommy asked for a dinner date the night after that event you’ve been so very busy all about. I want you to be prepared. Hindi mo na ito pwedeng takasan ngayon Louise. My parents want to meet you. At bilang babae na gusto kong pakasalan ay obligasyon mong harapin sila.” Anito sa kanya na parang mas kabado pa. Obligasyon? Hindi ba siya pwedeng mag-isip na muna? Hindi ba siya pwedeng magdesisyon ayon sa gusto niya at hindi ayon sa dikta ng ibang tao lalo na ng boyfriend niya? Nagpapasakop naman siya kaya lang parang nawawala ang dignidad niya bilang babae kapag ang mga tono ni Matt ay parang dinaig ang isang diktador na si Marcos. Hindi ba dapat ay masaya siya na marinig sa bibig ni Matt na siya ang babaeng gusto nitong mapangasawa kaya lang bakit parang hindi iyon ang maramdaman niya? Dahil ba parang walang excitement sa mga paraan ng pagsasalita nito na parang isa siyang tau-tauhan pagdating sa usapin tungkol sa mga magulang ng lalaki? Matt is an only child, too; a bit stubborn and snob. Sa mga kwento nito noon ay alam niyang mahal na mahal ito ng mga magulang at sunod sa layaw at luho. Hindi naman siya nahirapan na pakibagayan ang boyfriend kasi matured naman na mag-isip kaya lang ang mga magulang nito ay hindi niya alam kung ano. “Sige.” Tila walang amor na sagot niya. “Okay. Wait for me. I’ll drive now. Bye.” “B – ye.” Hindi pa lang niya natatapos ang kapiranggot na salitang iyon ay binabaan na kaagad siya nito ng cellphone. Tahimik siyang napatingin sa aparato na hawak at napatitig doon until a message came in again. Save my number, Louise. Galing iyon kay Mister Zaragosa at isa rin naman na demanding. Napabuntong hininga siya. Mga lalaki nga naman, parang hawak sa leeg ang babae na para bang walang kakayanan na tumayo sa sariling mga paa at magdesisyon para sa sarili. They keep on demanding their women until all those women feel like being smothered. Opo. Isisave ko. Aniya. Good girl. She winces with the answer. Hindi na nga siya girl, bente dos na nga siya bakit naman parang paslit ang tingin sa kanya ng Mister Zaragosa na iyon? Pero aaminin niya, ang lakas ng karisma ng lalaki at mukhang mabait naman talaga. Kung hindi iyon mabait ay aalukin ba siya niyon ng sakay? Kung iba lang malamang na lalaki ay hindi papansinin ang isang babae na nasa tabi ng kalsada na walang masyadong dumaraan na sasakyan. Maybe, that man is a real gentleman in the cockiest way.       Pagdating sa eskwelahan ni Louise ay tumila na naman ang ulan at sakto naman na labasan na ang klase ng anak niya. Natanaw kaagad niya ang ulo ng bata at kilalang-kilala niya ang buhok ni Bless na natural na brown at medyo matangkad ang bata sa lahat kaya lang parang malungkot ang baby niya. Louise walked towards the children and smiled at Blesserie. “Hello sa baby kong maganda. Bakit nakasimangot?” inakbayan niya ito at hinagod sa likod matapos halikan sa ulo. Tumingala ito sa kanya at parang naiiyak pa. “Oh, bakit?” agad niyang nahila ang bata papaupo sa bench at hinaplos ang mga pisngi. “Mimi, they’re bullying me for not having a Didi. They call me putok sa buho raw. I told you I wanted to stay in my old school so I could keep my friends. The people here are so mean to me. Nasaan ba ang Didi ko talaga?” nangingislap ang mga luha nito sa mata kaya niyakap na lang niya. “Ang ganda ko raw pero wala naman akong Daddy. Sabi ko si Papa Matt naman ang Didi ko but they laughed at me.” Naawa siya sa anak niya. Wala naman kasi itong alam sa buhay niya at sabi niya ay nasa malayo ang Daddy nito at hindi niya alam kung babalik pa. Ayaw naman niyang sabihin dito na isa siyang rape victim dahil siguradong mako-confuse lang ang isip ni Bless. She’s too young to understand the truth and besides, iniisip pa niya kung sasabihin dito ang totoo. Siguro saka na lang kapag nasa tamang edad na ang anak niya na kaya ng intindihin ang lahat ng bagay. Ayaw niyang mamuhi ito sa sarili kapag nalaman na bunga lang ito ng isang kasalanan ng lalaking nagpalipas sa kanya ng oras at init ng katawan. Baka isa iyong hazing na hindi pwedeng tanggihan kasi iisang lalaki lang naman ang gumahasa sa kanya pero marami ang dumampot para bitbitin at ipahalay. “Look at Mommy.” Aniya sa anak na sumunod naman. “You must shut your ears whenever they say something awful. Kahit na tuksuhin ka nila na walang Didi, hindi ibig sabihin no'n kulang ka na. Look at you, you have everything. Mahal naman kita at kaya kita inilipat sa school na ito kasi mas better ang education. You need it, ‘nak. Hindi mo ako maiintindihan sa ngayon pero binibigay lang ni Mommy ang lahat ng kaya ko para sa’yo na walang nagbigay sa akin noon. Di ba we always say naman na you and me is better though it’s just the two of us? Why listen to them? Listen to me. Kapag hindi mo sila pinansin, titigil sila.” Naiiyak na sabi niya. Paano ba niya ipaliliwanag dito na ang lahat ng ginagawa niya ay para sa tingin niyang ikabubuti ng kalagayan nito sa hinaharap? “Please ‘wag mo na silang pakinggan anak. I’ll talk to your teacher, baby but that won’t mean that your mean classmates will stop. I’ll just talk to her to help you see that Mommy is making her best to protect you.” Tumango si Blesserie at yumakap sa kanya. Ang ganda-ganda ngang bata talaga ng anak niya at mabait din kaya lang ayaw niya na masubok ulit kung hanggang saan ang kabaitan nito dahil noong nakaraang taon ay hinampas nito ng trolley bag ang kaklase na nambully na wala rin itong Daddy. Para iyong tigre na nanlilisik ang mga mata nang magkaharap sila ng mga magulang ng batang hinampas nito ng bag kaya natumba at napatama sa kanto ng mesa ang ilong kaya nag nosebleed. Louise knows that Bless has that temper which recoils when being triggered. Mahaba ang pasensya ng anak niya pero kapag nasasagad ay talagang nananakit kaya pinipilit niya rin na iwasan iyon. Hindi siya ganoon at palagay niya ay namana nito sa ama ang ganoong ugali na walang imik kapag galit pero humanda na lang dahil bubwelta para manakit. “Hey there my ladies.” Bati ni Matteo sa likuran nila kaya napatayo kaagad si Bless. “Papa Matt!” Agaran itong nagpakarga sa lalaki at humalik sa pisngi niyon. “Diyan mo lang si Bless ha. Kakausapin ko lang ang teacher niya, that is if you’re not busy and Bless won’t exhaust most of your time.” Pauna na kaagad niya rito kaya tumango naman ito. “May problema?” Umarko ang mga kilay ng lalaki na para bang iba na ang aura ng mukha at masaya na. Anong meron sa boyfriend niya? Nasa bente minutos lang silang hindi nagkita, nag-iba na ang timpla? “Just kids' misunderstandings. Sasabihin ko lang sa teacher kasi hindi naman ako nagbabayad ng tuition dito para lang ipa-bully ang anak ko na pinaghirapan kong dalahin sa tyan ng siyam na buwan at mag-fifty-fifty sa ospital para lang apihin ng mga bata na may nakikitang ama.” Tumalikod siya kaagad nang mangatal ang boses niya at namuo ang mga luha. Sa kanya kasi ay tanggap na niya na ganoon ang sitwasyon pero sa anak niya ay hindi. Hindi naman niya ginusto na maging isang biktima pero hindi rin siya papayag na anak niya ang sasalo ng lahat ng bunga ng kahayupan ng lalaking nang-rape sa kanya. “You want me to come with you?” Alok ni Matt na ikinailing na lang niya. She wanted him to come and do it all by himself, not to ask for permission. If he really loves Blesserie, then he must start acting as her real father but Matt is still in lack of it. Demanding ito sa ibang bagay pero hindi bilang sa pagpapakaama sa anak niya. Yes, he’s giving her daughter all that the kid wants but not when in comes to things like this, parang mas gusto nitong mahasa ang anak niya sa pagtindig sa sariling mga paa. At utang na loob dahil anim na taon lang ang anak niya na kailangan ng ina at ng ama na ipagtatanggol ito.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD