Episode 4

2034 Words
Chapter 4 Olivia Pagdating namin sa bahay agad na bumaba si Alexander. Bumababa na rin ako. Kukunin ko sana ang maleta ko sa likuran, subalit si Alexander na ang kumuha. Walang imik siyang pumasok sa loob ng bahay habang dala niya ang aking maleta. Sumunod naman ako sa kaniyang likuran. Nakita ko kung paano niya ihagis ang maleta ko sa gitna ng sala. “Kung labag sa loob mo ang pagbubuhat ng maleta ko sana ako na lang ang pinadala mo!’’ naiinis kong sabi sa kaniya at dinampot ko ang aking maleta saka pinatayo ito. “Sa susunod na lalayas ka siguraduhin mong hindi kita mahahanap! May balak ka bang itago sa akin ang anak ko? Hintayin mo makapanganak ka saka ka lumayas!’’ singhal niya sa akin na siya naman ikinataas ng dugo ko mula sa aking talampakan hanggang ulo. Maliwanag pa sa sikat ng araw ang gusto niyang ipahiwatig sa akin na ang batang nasa sinapupunan ko lang ang dahilan kung bakit niya ako sinundo kina, Aliyah. Sabagay, alangan man na ako dahil hindi naman talaga kami nagmamahalan. “Bakit ko naman hintayin iyon, kung puwede naman ngayon na. Sa akin na lang itong anak ko dahil magkakaanak naman kayo ng kabit mo!’’ Sinamaan niya ako ng tingin sa sinabi kong iyon. Nagulat na lang ako nang bigla niyang hinablot ang aking braso. “Wala kang karapatan na pagsabihan na kabit si Bianca dahil oras na manganak ka at mapawalang bisa ang kasal natin ay magiging legal na asawa ko siya! Pasalamat ka dahil dinadala mo ang magiging anak ko sa’yo dahil kung hindi-“ Natigil ang sasabihin niya nang may biglang nagsalita sa likuran namin. “Kung hindi, ano ang gagawin mo sa asawa mo, Alexander?” Sabay kaming napalingon ni Alexander sa may pintuan. Bumungad roon ang kaniyang Daddy, na nagtatagisan ang mga bagang nito. “Sasaktan mo siya dahil sa kabit mo? Totoo naman ang sinabi ni Eunice, na kabit mo ang babaeng iyon dahil kasal kayong dalawa. Sigurado ka ba na anak mo ang ipinagbubuntis ng babaeng iyon?” may himig na pangungutya ang tanong na iyon ng Daddy ni Alexander sa kaniya. Binitiwan ng marahan ni Alexander ang aking braso. Nakakuyom ang mga kamao niya at tiim bagang na humarap sa kaniyang ama. “Anong ginagawa ninyo rito, Dad?’’ malamig na tanong niya sa kaniyang ama. “Kinakamusta ko sana kayong dalawa at hindi ko inaakala na ganito ang madadatnan ko. At totoo nga na buntis ang kabit mo. Kung talagang ikaw ang ama ng dinadala ni Bianca, tatanggapin namin ng Mommy mo ang bata, pero hindi ka makikipag-divorce kay Eunice. At kailangan patunayan ni Bianca na ikaw nga ang ama ng dinadala niya!’’ mariing sabi ni Don Miguel kay Alexander. “At ano naman ang akala mo kay Bianca, Dad? I’m sure na anak ko ang batang nasa sinapupunan niya,’’ tiim bagang na sagot ni Alexander sa kaniyang ama. “Gusto ko lang naman makasigurado na isang Moran ang dinadala ng kabit mo. Kaya ipa-test natin ang kaniyang dinadala kung dugo mo nga ang nananalaytay sa batang iyon,’’ sabi pa ni Don Miguel kay Alexander. Parang ganoon din ang gagawin ni Don Miguel kay Bianca sa ginawa nila sa akin na pinatingnan nila ang dinadala ko kung isa ngang Moran. Marami na ang nagsulputang hitech na teknolohiya dito sa Las Palmas. Puwede na malaman kahit sa sinapupunan mo pa lang kung sino ba talaga ang ama ng batang dindala mo. Kailangan marami ka lang pera para magawa ang test na ‘yon. Mayaman naman ang mga Moran, kaya kahit anong gawin nila nagagawa nila. “Hindi ako papayag sa gagawin ninyo, Dad. Ayaw kong isipin ni Bianca na pinagdududahan ko siya. Kilala niyo si Bianca at matagal na kami, Dad. Maiintindihan ko pa kung pina-test niyo ang sinapupunan ng babaeng iyan dahil hindi naman natin siya kilala, pero si Bianca hindi na kailangan, Dad!’’ Napayuko ako sa sinabing iyon ni Alexander. Tama naman siya sa sinabi niya sa kaniyang ama. “Ayaw niyo lang talaga aminin sa akin na ayaw niyo kay Bianca!’’ galit pa na sabi ni Alexander sa kaniyang ama. “Dahil isa siyang materialistic na tao! Ilang mamahaling gamit na ba ang ibinigay mo sa kaniya? Napaka-ambisyosa niya pa. Hindi siya ang tipong babae na gusto namin ng Mommy mo para sa’yo. Kaya, walang divorce na magaganap sa inyo ni Eunice dahil ang magiging anak ninyo ang magmamana ng buong Golden Parmetic Company. Siya ang tagapagmana mo, kaya walang divorce sa pagitan ninyong mag-asawa kung ayaw mo maging dukha kasama ang kabit mong iyon!” madiin at maawturidad na sabi ni Daddy kay Alexander. Ang Golden Parmetic ay isang laboratory ng pagawaan ng mga iba’t ibang uri ng medicine na siyang nagsu-suply sa lahat ng hospital dito sa Las Palmas at sa mga ibang karatig na lugar ng Las Palmas. “Dad, hindi naman basihan ang mga mamahaling gamit na binibigay ko kay Bianca, para pagsalitaan niyo siya ng hindi maganda. Kaya ko naman ibigay sa kaniya ang mga iyon at karapat-dapat lang siya makatanggap ng mamahaling gamit galing sa akin. Alam niyo kung gaano ko siya kamahal!’’ Parang sampal sa akin ang sinabing iyon ni Alexander sa kaniyang ama. Ipinamumukha niya talaga na mahal niya ang babaeng iyon. Hindi naman ako nasasaktan sa sinabi niya dahil hindi ko naman siya gusto. Kung bakit pa kasi pinasok ko ang buhay na ganito. Puwede ko naman sana nilihim ang tungkol sa ipinagbubuntis ko. Kaso pinaamin kasi ako ni Ate Rosaly, kung sino ba talaga ang ama ng dinadala ko. “Wala akong pakialam sa kabit mo, Son. Basta kumbinsihin mo siya na magpa-test, kung ikaw ba talaga ang ama ng magiging anak niya. At huwag kang magkamali na saktan si Eunice dahil oras na may mangyaring masama sa apo ko, tatanggalan kita ng mana at wala akong pakialam kung maghirap ka kasama ang babae mo!” banta ni Don Miguel kay Alexander. Nakita ko ang pagtagis ng mga panga ni Alexander dahil sa sinabing iyon ng kaniyang ama. Bumaling naman sa akin si Don Miguel at tinapik ang balikat ko. “Sabihin mo sa akin kapag sinasaktan ka ng asawa mo. Huwag kang matakot dahil kakampi mo kami ng Mommy ninyo,’’ saad pa ni Don Miguel sa akin. Tumango-tango ako at tipid na ngumiti sa kaniya. Tumalikod na siya at nagtungo sa pintuan saka umalis. Naiwan kami ni Alexander na masakit pa rin ang tingin sa akin. Hinila ko na ang maleta ko at nilampasan ko siya saka nagtungo ako sa aking silid. Ibinalik ko sa cabinet ang aking mga damit. Sinalansan ko iyon ng maayos. Pagkatapos lumabas na ako ng aking silid at mabuti wala sa sala si Alexander. Marahil nasa silid niya siya o nasa library niya. Nagtungo ako sa kusina at naghanap ng puwede ko makain. Nangangasim ang panlasa ko at may gusto akong kainin. Pagbukas ko sa ref wala naman akong makitang prutas na puwedeng kainin. Kaunti na lang din ang stock na nakalagay sa ref. Mga tatlong lutuan na lang ito. Hindi pa yata nakapamili ang tupakin na Alexander. Siya naman siguro ang namimili dahil pagdating ko dito sa bahay niya may laman ang ref niya. May kaunting pera pa akong natira sa aking wallet, kaya lumabas ako para maghanap ng bilhin kong prutas. Medyo mainit na, pero wala akong paki. Sa labas kasi ng village mayroong nagtitinda roon na mga prutas. Bihira lang din ang sasakyan na dumadaan dito tulad ng taxi dahil halos lahat ng nakatira rito may mga sariling sasakyan. Tumawid ako sa kabilang bahagi ng kalsada dahil medyo malilim doon. Hindi ko napansin ang paparating na sasakyan at bigla na lang itong nag-prino sa harap ko. Napapikit ako ng aking mga mata dahil akala ko katapusan ko na. “Miss, magpapakamatay ka ba?’’ sigaw sa akin ng isang lalaki na nagda-drive ng fortuner. Dumilat ako ng aking mga mata. Nakahinga ako ng maluwag nang malaman ko na buhay pa pala ako at hindi ako nasagasaan. “Pasensya na hindi kita nakita,’’ hingi ko ng paumanhin sa kaniya. Umiiling-iling siya at kumibot ang kaniyang labi. Agad niya rin pinaharurot ang kaniyang sasakyan. Pamilyar sa akin ang pag-iling-iling niya at pagkibot ng kaniyang labi. Subalit hindi ko na lang iyon pinansin. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. May dumaan na taxi subalit hindi ko na iyon pinara dahil nagtitipid ako. Kapag naubusan ako ng pera hindi ko alam kung saan kukuha ng pera na pangtustos ko sa aking sarili. Ilang sandali pa ang lumipas nakarating din ako sa bungad ng Secret Village. Naglakad-lakad pa ako ng kaunti at nakarating na rin ako sa mga bilihan ng mga prutas at kung-ano-ano pa. Nakita ko ang sampalok at naglalaway na ako. Bagong pitas pa ito. Magkano po dito sa sampalok. Manang?’’ tanong ko sa nagtitinda. “One Dollar lang po ‘yan, Ma’am.” Dumukot ako sa aking wallet at ibinigay iyon sa tindera ang pera. Ibinalot niya naman iyon at binigay sa akin. Habang pauwi ako kumakain ako ng sampalok. Ang sarap sa panlasa ko iyon. Ilang sandali pa may humintong sasakyan sa tabi ko. “Olivia Eunice!’’ tawag ni Ate Rosaly sa akin. “Akala ko ba umalis ka?’’ nagtataka nitong tanong sa akin. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay Ate. Tameme lang ako habang nakatingin sa kaniya. “Pumasok ka nga rito. Pasyal ka sa bahay!’’ yaya niya sa akin. Para naman akong wala sa sarili na binuksan ang pintuan ng kaniyang sasakyan sa front seat at naupo. “Ano ba ‘yang kinakain mo?’’ nagtataka niyang tanong sa akin na saglit lang sumulyap sa kinakain ko. “Sampalok, Ate. Kumusta na po si Donia Juana?’’ nakangiti ko ng tanong sa kaniya. Na-miss ko na rin ang matanda na inaalagaan ko. “Ayon at palagi ka ngang hinahanap. Gusto na ngang umalis ng bagong nag-aalaga sa kaniya dahil hindi kaya ang kasungitan niya.” Bahagya akong ngumiti sa sinabi ni Ate Rosaly. Masungit talaga si Donia Juana. Kung hindi ka lang marunong sa kaniya at hindi mahaba ang pasensya mo, tiyak na hindi ka tatagal sa kaniya. Ako nga lang tumagal sa kanila ng ilang taon dahil mahaba ang pasensya ko. “Teka, ‘di ba, umuwi ka sa Cordoba?” nagtataka niyang tanong sa akin. “Oo, kaso umuwi rin ako kahapon. Ayaw na akong tanggapin ni Tita. Nagalit siya sa akin nang sinabi ko na buntis ako. Kaya heto, bumalik din ako kaagad dito sa Secret Village,’’ sagot ko sa tanong ni Ate. Kunot ang noo ni Ate Rosaly na tumingin sa akin. “Grabe naman ang Tita mo. Ano ang sabi ng asawa mo? Inaalagaan ka ba niya ng mabuti?’’ Tipid akong tumango-tango sa tanong na iyon ni Ate Rosaly. Hindi ko na kailangan na sabihin sa kaniya ang kalagayan ko sa piling ni Alexander, lalo na ang tungkol kay Bianca. Ilang sandali pa nakarating na kami sa bahay ni Ate Rosaly. Pumasok kami sa loob at naroon si Donia Juana sa balcony. Nilagay niya ang salamin niya sa mata. “Oliv-Oliv, babalik ka na?’’ natutuwa nitong tanong sa akin habang nasa likuran niya ang nag-aalaga sa kaniya. Lumapit ako sa kaniya at humalik sa kaniyang noo. “Na-miss mo ba ako, Madam?’’ Tuwang-tuwa naman siya sa tawag kong iyon sa kaniya. Ang nag-aalaga naman sa kaniya ay tinulungan si Ate Rosaly sa mga pinamili nito. “Dito ka na ulit, Titira? Ayaw ko sa nag-aalaga sa akin dahil lagi siyang nakasimangot,’’ panlilibak pa nito sa nag-aalaga sa kaniya. “Kung ako ang masusunod gusto kong alagaan kayong palagi, Madam. Hayaan po ninyo at palagi ko kayong dadalawin rito,” nakangiti kong sabi sa kaniya. Tuwang-tuwa naman ang matanda sa sinabi kong iyon. Kina Ate Rosaly na rin ako nananghalian at ayaw ko makita ang demonyong mukha ni Xander. Kahit guwapo siya demonyo pa rin ang ugali niya. Mamaya na ako uuwi kapag pagabi na, ‘yong tipong tulog na siya. Mabuti pa siguro dito na lang ako magtambay kina Ate Rosaly kapag nariyan si Alexander sa bahay. Nakikipag-kuwentuhan ako kay Ate Rosaly at Donia Juana maghapon. Sa kanila na rin ako kumain ng hapunan, bahala si Alexander sa buhay niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD