Episode 5

1728 Words
Chapter 5 Eunice Inihatid ako ni Ate Rosaly sa bahay namin ni Alexander dahil gabi na. May nakita akong sasakyan sa labas ng gate na nakaparada. “Hindi na ako papasok sa bahay niyo, Eunice. Salamat sa oras na ibinigay mo kay Mommy,’’ pasalamat ni Ate sa akin nang makababa na ako sa sasakyan niya. “Walang ano man, Ate. Hayaan niyo at palagi ko na kayo dadalawin. Malapit lang naman ang bahay namin sa inyo. Isa pa kapag wala si Alexander dito wala akong kasama,’’ nakangiti kong sabi. “Sige, Eunice. Tiyak na matutuwa si Mommy niyan,’’ sagot naman ni Ate Rosaly sa akin. Kumaway na ako at pumasok sa gate namin. Sakto naman ang paglabas nila Alexander sa pintuan kasama ang isang lalake. Masakit kaagad ang tingin na ipinukol sa akin ni Alexander nang makita ako. Natatandaan ko na ito ang lalake kanina na muntik na akong masagasaan kaninang umaga. “Oh, it’s you? Kung hindi ako magkamali ikaw ang asawa ng kaibigan ko ano?’’ tanong ng lalake sa akin na nakangisi. Tipid lang ako ngumiti. Parang pamilyar talaga sa akin ang pagkibot niya ng kaniyang labi. “Bro, maganda ang misis mo. Huwag mo na ito pakawalan. Sayang at wala ako sa araw ng kasal ninyo,’’ sabi pa ng lalake kay Alexander. Tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa. “Umalis ka na nga! Ingat ka sa pag-drive dahil nakainom ka,’’ saad naman ni Alexander sa bisita niya. Pumasok na ako sa loob. Tutuloy na sana ako sa aking silid nang marinig ko ang pagtawag ni Alexander sa pangalan ko. “Eunice!’’ Napalingon ako sa kinaroroonan niya na ngayon ay unti-unti nang lumalapit sa akin. “Uwian ba ito ng matinong babae? Saan ka galing? Kaninang umaga ka pa umalis, ah! Tapos gabi ka na umuwi?’’ singhal nito sa akin. “Ano ba ang pakialam mo? Wala naman akong gagawin dito sa loob ng bahay, kundi ang makipagtalo lang naman sa’yo,’’ nainis ko na rin na sagot sa kaniya. “Ano ang pakialam ko? Asawa kita, kaya kailangan alam ko kung saan ka pumupunta at ano ang ginagawa mo at sino ang mga kasama mo. Kaya, kung alam ko lang na buntis si Bianca, hindi na sana kita pinakasalan pa dahil puwede ko naman kunin ang anak ko sa’yo, kaysa magkaroon ako ng asawa na iresponsable at walang ginawa kundi ang gumala at umuwi ng ganitong oras ng gabi!’’ mariin niyang sabi sa akin. “Kung iresponsable ako, ano ka? Perfect na asawa? Pareho lang naman natin hindi gusto ang isa’t isa at pinagsisihan ko ang gabing nangyari sa atin dahil lahat nawala sa akin! Kung inaakala mo na ako lang ang nahihirapan mas nahihirapan ako makisama sa’yo, Alexander. Walang nawala sa’yo sa nangyari sa atin. Kung may nawala man sa’yo iyon ang kalayaan mo na pakasalan si Bianca, pero ako ang daming nawala sa akin halos lahat. Nawala ang dangal ko na iniingatan ko ng maraming taon. Nawala ang trabaho ko, lalong-lalo nawala ang pamilya ko sa akin.” Hindi ko na napigilan ang sarili ko at naiyak na ako sa panunumbat sa kaniya. Nakatingin lang siya sa akin na tiim ang mga bagang. Ayaw ko maging mahina sa paningin niya, kaya pinalis ko ang mga luha ko. Pumasok na ako sa aking silid at nahiga. Patuloy sa pag-agos ang mga luha ko dahil naalala ko si Mama. Galit sa akin sa Tita at hindi alam kung mapapatawad pa ako ni Tita. Ilang sandali pa nakatulog na ako na may luha sa aking mga mata. “Oliv, gumawa ang Yaya ko ng kakanin, gusto mo sa’yo na lang itong isa?’’ tanong ni Tan-Tan sa akin habang inaabot ang suman na binalot sa dahon ng saging. Nakaupo ako sa ugat ng puno ng mangga habang naglalaro ako ng lupa. "Hindi po ako kumakain niyan, Tantan. Ang tabang po kasi ng lasa," tanggi ko kay Tantan at nagpatuloy sa paglalaro ng lupa na binasa ko ng tubig at mino-mold ko iyon sa pamamagitan ng aking mga palad. "Masarap kaya, ano ang paborito mo bang kainin?" tanong nito sa akin habang binubuksan na ang suman at kinain na ito. Nag-isip ako ng bahagya kung ano ba talaga ang paborito kong kainin. "Gusto ko ng Dorian na candy, ang sarap-sarap kaya iyon. Saka sampalok na minatamis," sagot ko kay Tantan habang nag-imagine na ako na kinakain ko iyon. "Nakakasira kaya iyon ng ngipin. Tingnan mo mga bulok na ipin mo kasi mahilig ka sa matamis," wika naman ni Tantan sa akin. "Sabi ni Papa, mapapalitan naman ito ng hindi bulok na ipin, eh. At kapag nag-asawa na ako maganda na ipin ko," humahabang nguso na sabi ko kay Tantan. "Ang bata mo pa nga. Hindi ka pa pwede mag-asawa. Kapag malaki ka na liligawan kita." Nakunot ang noo ko na tumingin kay Tantan. ""Sabi ni Kuya Popoy kapag malaki na ako papakasalan niya ako. Heto nga binigyan niya ako ng kuwentas. Paano po 'yan kapag niligawan mo ako may boyfriend na ako may asawa pa ako?" naguguluhan kong tanong kay Tantan. "Syempre isa lang pipiliin mo sa amin. Sasama na rin ako sa Las Palmas kapag bumalik na sila doon. Doon na rin kasi magta-trabaho si Daddy. Ito na lang ang ibigay ko sa'yo para kapag nagkita tayo maalala mo pa rin ako." Ikinuyom niya ang kaniyang kamay at kinuha ang palad ko. Binuksan niya ang kaniyang kamao at wala namang laman iyon. Ikinuyom niya ang kamao ko na akala mo talaga may bagay siyang ibinigay sa akin. "Sa ngayon wala pa akong maibigay sa'yo. Pero paglaki mo ibibigay ko lahat ng gusto mo. Tandaan mo iyan, Oliv." Binitawan niya ang kamay ko nang dumating si Kuya Popoy. "Huwag mo nga hawakan ang kamay ni Olive, Tantan," saway ni Kuya Popoy. Kung umasta ito parang inagawan ng laruan. Namaktol si Tantan at kumibot ang kaniyang labi. Umupo ito sa ugat ng punong kahoy at kumain ng suman. "Bakit ang dumi ng kamay mo, Oliv? Naglalaro ka na naman ng putik?" kunot ang noo ni Kuya Popoy na tanong sa akin. "Kunwari gumagawa ako ng cake, Kuya Popoy. Tapos kunwari birthday niyo ni Tantan," nakangiti kong sagot kay Kuya Popoy. Tumawa naman si Tantan sa sinabi kong iyon. Habang si Kuya Nathan naman nakakunot ang noo at napakamot pa ito sa kaniyang batok. "Olivia, Tantan, Popoy, hali na kayo. Kain na muna kayo bago maglaro!“ sigaw ni Mama. Kaarawan ko kasi ngayon, naghanda si Mama ng kaunti kasama ang Yaya ni Tantan na si Tita Sassy, na kaibigan naman ni Mama. Nagtakbuhan na kami patungo sa bahay para kumain. Sina Kuya Popoy ang mga bisita ko at Tantan. Sila lang kasi ang bata na kapit bahay namin. NAGISING ako magandang panaginip kong iyon. Nakangiti ang mga labi ko dahil napapanaginipan ko na naman ang mga kababata ko. Saan na kaya sila? May kaniya-kaniya na ba silang pamilya? Bumangon ako dahil may gusto na naman akong kainin. Naghahanap ang panlasa ko ng dorian. Parang ang sarap kainin iyon. Tumingin ako sa wall clock at pasado na alas-dose ng hating gabi. Lumabas ako ng aking silid at nagtungo sa kusina, titingnan ko kung ano ang puwede makain. Hindi ko na binuksan ang ilaw dahil may kaunting liwanag naman na galing sa labas. Naaninang ko naman ang mga bagay na naroon sa kusina. Nagbukas ako ng ref at wala man lang ako roon makita. Nagbukas din ako sa cabinet, subalit wala rin pagkain na puwede ko kainin. Gusto ko na tuloy mag-umaga para bumili ng dorian. Malungkot akong naupo sa lamesa at hinimas ang maliit kong tiyan. "Ano ba yan, Baby. Wala man lang tayong makain. Hayaan mo bukas bibili tayo ng kakainin natin," sabi ko na lamang sa aking tiyan. Subalit napanguso ako dahil wala na pala akong pera. May natira pa naman akong kaunti pero ipapadala ko iyon kay Tita. Kahit galit sa akin si Tita magpapadala pa rin ako para sa kanila ni Mama. "Bakit gising ka pa?" "Itlog ng kabayong Matsing!“ Sobrang nagulat ako sa biglang pagsalita ni Alexander sa aking likuran. Hindi ko namalayan na narito siya. Sobrang kabog ng aking dibdib, kaya napahawak ako sa aking dibdib. "Bakit ba bigla-bigla kang sumusulpot? Nakakagulat ka naman!“ maktol ko sa kaniya habang hinihimas ko ang aking dibdib. "Kanina pa ako sa bar counter hindi mo ako nakita? Ano ba ang hinahanap mo?" kalmado niya naman tanong sa akin. "Gusto ko kasi kumain sana, pampawala lang sa gusto kong kainin kaso wala akong makain," mahinahon kong sagot sa kaniya. "Ano ba ang gusto mong kainin?" tanong nito sa akin na medyo may pagkasarkastiko ang kaniyang boses, habang nagbubukas siya ng ref upang kumuha ng tubig. "Dorian sana," tipid kong sagot sa kaniya. "Ang daming puwedeng kainin, ang dorian pa talaga?" medyo may himig na inis sa kaniyang boses na sabi sa akin. May naalala ako sa sinabi niyang iyon. "Oliv may dala akong dorian, gusto mo?" humahangos pa si Tantan habang bitbit ang isang Tupperware na may lamang dorian. "Ew, ang baho niyan. Ang dami naman puwede kainin, bakit 'yan pa?" maktol naman ni Kuya Popoy habang iniabot sa akin ni Tantan ang lagayan ng dorian. Binuksan ko iyon at nilantakan ng kain. "Masarap kaya ito Kuya Popoy, tikman mo, oh!" sabay abot ko sa kaniya habang diring-diri naman siyang lumayo. "Eunice, ano ba? Naririnig mo ba ang sinasabi ko?“ singhal ni Alexander na siyang nagpabalik sa huwisyo ko. "Ha? A-ano ang sinabi mo?" nalilito kong tanong sa ka kaniya. "Ang sabi ko matulog ka na at huwag kang maghanap ng wala!“ naiirita na naman nitong sabi sa akin. "Naglalaway kasi ako ng dorian, kaya iinom na lang ako ng tubig," ang sabi ko na lang sa kaniya dahil masakit na naman ang mga tingin niya sa akin. Mabuti umalis na siya ng kusina, kaya nakahinga ako ng maluwag. Napansin ko na may nakatakip sa ibabaw ng lamesa. Tinanggal ko ang pangtakip na iyon at may nakita akong isang slize ng pizza. Kinuha ko iyon at kinain upang maibsan lang ang paglalaway ko ng dorian. Bukas talaga bibili ako ng dorian. Nang maubos ko ng kainin ang pizza nakakramdam na naman ako ng pagsusuka, kaya patakbo akong nagtungo sa lababo. Wala rin kwenta ang kinain ko dahil inilabaa ko lang lahat. Pagkatapos kong mgsuka pumasok na lang ulit ako sa aking silid at natulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD