Chapter 6
Eunice
Kinabukasan maaga akong nagising upang magsaing. Para makapag-almusal man lang si Alexander bago ito pumasok sa opisina niya. Nagtungo ako sa kusina pagkatapos ko ayusin ang aking sarili. Baka kasi magbago ang isip niya kapag pinaglulutuan ko siya at baka sakaling bumait siya sa akin,
Binuksan ko ang lalagyan ng bigas, ngunit isang takal lang ang bigas na naroon, ‘Ano ba ang taong ito? Mayaman, pero wala man lang naka-stock na pagkain o bigas. Sabagay, sanay sila kumain sa labas o magpa-dilever ng pagkain galing sa labas. Inilagay ko na lang sa kaldero ang kaunting bigas na natira. Gusto ko pa sana siyang pabaunan ng kanin, kaso hindi na ito magkasya.
Bahala na nga! Pag-alis niya pupunta na lang ako kina Ate Rosaly, para makalibre ako ng pagkain. Pagkatapos kong isalang ang bigay niluto ko ang baboy na nasa ref. Ginawa ko iyong pork steak.
Sakto naman pagkatapos kong magluto lumabas na si Alexander sa kaniyang silid. Malawak akong nakangiti sa kaniya.
“Mag-almusal ka muna bago ka pumasok sa trabaho mo,’’ nakangiti kong bati sa kaniya.
“Kainin mo na lang iyan dahil sa labas ako kakain,’’ malamig niyang sagot niya sa akin na wala man lang reaksyon ang kaniyang mukha.
Ang mga ngiti ko sa aking labi ay biglang napawi sa sagot niyang iyon. “Kumain ka muna kahit kaunti lang. Tikman mo ‘yong niluto kong pork steak,’’ pangungulit ko sa kaniya.
“Ayaw ko ng makulit, kainin mo na lang iyan. Sige, aalis na ako.”
Malalim akong nagbuntong-hininga habang tinatanaw na lang siya palabas ng pintuan. Kinain ko na lang ang niluto ko para hindi masayang. Wala na akong sasaingin mamaya, kaya mag-iisip ako ng paraan para makapera. Lalo na gusto ko kumain ng dorian. Pagkatapos kong kumain nagtungo na ako kina Ate Rosaly, sakto naman pagdating ko paalis na siya.
“Ang aga mo, Olivia. Mabuti pinapayagan ka ng asawa mo pumunta rito. Kanina ka pa hinihintay ni Mommy. Panay tanong niya sa akin kung ano oras ka raw ulit pupunta rito,’’ nakangiting pahayag ni Ate Rosaly sa akin.
“Nasa trabaho po kasi si Alexander, Ate. Eh, wala naman akong kasama at gagawin sa bahay, kaya dito muna ako tatambay sa inyo,” malawak ang mga ngiti ko na sagot kay Ate Rosaly.
“Oh, siya, sige. Para hindi naman mahirapan si Mariel sa pag-aalaga kay Mommy. Ikaw na muna ang bahala rito,ha? Kapag may problema tawagan mo na lang ako,’’ bilin ni Ate Rosaly sa akin at umalis na ito.
Pumasok na ako sa loob at sa labas pa lang ako naamoy ko na ang dorian. Lalo tuloy ako naglalaway. Naabutan ko naman si Marie lna pinapakain si Donia Juana ng pagkain nito.
“Ayaw ko nga kumain niyan! Ang kulit mo talaga! Umalis ka sa harapan ko!’’ sigaw at pagtataboy ni Donia Juana kay Mariel
“Kailangan niyo po kumain, Donia Juana. Iinom pa kayo ng gamot ninyo,’’ nangungunsuming sabi ni Mariel kay Donia Juana.
Tinabig ni Donia Juana ang plato sa kamay ni Mariel, kaya tumilapon ito sa sahig. “Ang kulit mo! Ayaw ko nga kumain!’’ sigaw ni Donia Jauana kay Mariel.
“Madam Juana, ang aga-aga bakit nagsusungit ka?’’ tanong ko sa kaniya at lumapit ako sa kanila. Bumaling ito ng tingin sa akin at nagpapaawa ang mukha nito.
“Oliv-Oliv, inaaway ako niyan! Kinurot niya ako sa hita ko, ang sakit-sakit,’’ sumbong naman ni Donia Juana sa akin.
Tumayo naman si Mariel mula sa pagdadampot niya ng mga tumilapon na kanin. “Hindi po totoo ‘yan na sinaktan ko siya. Pinapakain ko lang siya, pero ayaw niya.”
Tinapik ko na lamang ang balikat ni Mariell. “Ako na ang bahala sa kaniya. Gawin mo na lang ang iba mong trabaho. Ako na ang magpapakain sa kaniya.’’
Tumango-tango naman si Mariel sa sinabi ko. “Salamat, ha? Kukuha na lang ulit ako ng pagkain niya.’’
“Ako na ang kukuha. Ipaubaya mo na siya sa akin, kaya ko na ito,‘’ matamis kong ngiti na wika kay Mariel at lumapit ako kay Donia Juana.
‘Madam, kakain ka po ng kanin, ha? Tapos uminom ka ng gamot para maging malakas ka at para mamasyal tayo sa tabing dagat kapag lumakas ka na,’’ pang-aalo ko sa matanda.
“Basta subuan mo ako, ha? Ayaw ko roon kay Marciana, maldita siya at sinungaling,’’ sumbong naman nito sa akin.
Marahil sa sobrang katandaan niya kung ano-ano na ang iniisip niya.
“Si Mariel po iyon, hindi si Marciana,’’ saad ko. Sumimangot lang siya.
Kinuhanan ko ulit siya ng bagong pagkain at sinubuan. Mabuti na lang at kumain na siya at uminom ng gamot. Pagkatapos niyang kumain pinaliguan ko na siya at pinatuyo ang kaniyang buhok. Hanggang sa nakatulog na siya ulit ng mahimbing.
“Mabuti hindi ka nahirapan sa pagpapaligo sa kaniya, pati sa pagpapakain. Ako hirap na hirap ako na pakainin at paliguan siya,’’ sabi ni Mariel sa akin habang nasa kusina kami. Nagluluto siya para sa tanghalian namin, habang ako naman kumakain na ng dorian na nabubulok na pala sa ref, dahil dala niya pa ito galing sa probinsya nila.
“Noong una nahihirapan din ako na alagaan siya. Kailangan mo lang siya utu-utuin. At kailangan mahaba ang pasensya mo sa kaniya. Subukan mong Madam ang itawag mo sa kaniya dahil tuwang-tuwa iyan,’’ wika ko kay Mariel, habang nilalantakan ko ang dorian.
Ilang sandali pa ang lumipas nakatanggap ako ng tawag mula kay Aliyah. “Saglit lang, ha? Sagutin ko muna itong tawag ng kaibigan ko,’’ paalam ko kay Mariel.
Tumayo ako at nagtugo sa sala. “Bakit napatawag ka?’’ agad na sagot ko sa tawag ni Aliyah sa akin.
“Grabe naman ang tanong mong ‘yan? Hindi ba puwede na nangangamusta lang, kaya ako napatawag?’’ saad naman nito sa akin. “Gusto ko lang alamin kung okay ka lang? Hindi ka ba inaway ni Kuya Xander kahapon?’’
Napataas ang kilay ko sa tanong na iyon ni Aliyah. “Bakit naman niya ako aawayin? Siya nga itong may malaking kasalanan sa akin,’’ sagot ko sa tanong ni Aliyah.
“Sabagay, tama ka. Alam mo bang magkasama sila ngayon ni Bianca; ang ex niya? Pero, kasama rin nila ang kaibigan nila na si Kuya Nathan.”
Kumibot lang ako ng aking labi sa sinabing iyon ni Aliyah. “Actually, wala naman akong pakialam kung sino ang kasama niya,’’ sarkastika kong sagot kay Aliyah.
Totoo naman ang sinabi ko. Ano ba ang pakialam ko sa lalaking iyon? Kahit kasama niya pa ang babaing iyon ng ilang araw wala akong pakialam. Wala naman akong gusto sa kaniya. Kung may nag-uugnay man sa aming dalawa iyon ay ang kasal lang namin at ang magiging anak namin. Maliban doon, wala na.
“Asawa mo pa rin si Kuya at ama ng magiging anak mo, kaya may pakialam ka sa kaniya.”
Nagbuntong-hininga ako ng malalim sa sinabing iyon ni Eunice.
“Alam mo naman ang sitwasyon namin, Aliyah. Ang babaeng kasama niya, iyon sana ang asawa niya ngayon. Saka siya rin ang ama ng dinadala ng babaeng iyon. Kung tutuusin nga ako itong third party sa aming tatlo, kaya kung ako lang ang masusunod gusto ko ng ipawalang bisa ang kasal namin para maging malaya na silang dalawa,’’ malungkot kong turan kay Aliyah.
“Pero, ikaw pa rin ang legal na asawa ni Kuya Xander. Malaki ang karapatan mo sa kaniya. Mas bagay pa nga kayong dalawa kaysa kay Bianca na wala ng ginawa kundi ang bumili ng kung ano-anong klaseng bag. Materialistic talaga siya. Hindi ko siya gusto para kay Kuya Xander,’’ maktol na saad ni Aliyah sa akin.
“Wala kang magagawa dahil siya ang gusto ni Alexander. Siya sige na at may gagawin pa ako,’’ paalam ko sa kaniya.
“Sige, ingat ka palagi. Dinig ko sinamahan daw ni Kuya Alexander si Bianca sa hospital. Ikaw ba nakapag-prenatal ka na?’’ tanong pa nito sa akin.
“Saka na kapag may sapat na akong pera. Sige Aliyah, bye.” Pinatay ko na ang cellphone ko para hindi na makapagsalita si Aliyah.
Naalala ko na kailangan ko pala magpa-prenatal para mabigyan ako ng vitamins para sa amin ng baby ko. Sa health center na lang ako magpa-prenatal para libre lang. Lalo na at wala akong pinagkukunan ng pera ngayon. Kailangan makahanap ako ng trabaho kahit kaunti lang ang sahod.
Sumapit ang tanghali katatapos ko lang pakainin si Donia Juana, nang may tumawag sa cellphone ko. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag at bagong number lang iyon.
Sinagot ko na lamang ito sa pag-aakala ko na si Tita ang tumatawag. Baka kasi may nangyari kay Mama.
“Hello?’’
“Saan ka na naman ba?’’ galit na boses na tanong ni Alexander sa akin sa kabilang linya.
Bigla tuloy ako kinabahan. Saan ba siya sa bahay? Bakit niya tinatanong kung saan ako?
“Nandito ako kina, Ate Rosaly. Wala naman kasi akong gagawin sa bahay, kaya dito na muna ako tumambay,’’ sagot ko na lamang sa kaniya kaysa naman magsinungaling pa ako.
“Ginawa mo pang tambayan ang bahay ng dati mong amo! Hindi ka na nahiya!’’ galit niyang sermon sa akin. “Umuwi ka rito sa bahay at dito ka tumambay!’’ bulyaw pa nito sa akin sa kabilang linya. Pinatayan niya na rin ako ng kaniyang cellphone.
Napataas ang dalawa kong kilay. Bahala nga siya. Bakit ba pinapakiaalaman niya ako, eh hindi nga ako nakikialam sa kaniya.
Sa halip na sundin ko ang sinabi ni Alexander, hindi ako umuwi. Nanatili ako sa bahay nila Ate Rosaly. Kumain kami ni Mariel at nag-kuwentuhan tungkol sa mga karanasan niya sa buhay. Kawawa rin pala si Mariel dahil kailangan niyang lumayo sa ama niya na may sakit pa ngayon, para lang makapagtrabaho. Ulila na rin pala siya sa ina. At kahit pag-aaral hindi niya natapos dahil sa hirap ng buhay. Tapos may kapatid pa siyang may kapansanan.
Saktong pagtapos namin kumain at nanunuod na kami ng palabas sa tv nang may nag-door bell. Si Mariel na ang tumayo upang tingnan kung sino ang nagdo-doorbell na akala mo naman nagmamadali dahil sunod-sunod ang pag-doorbell nito.
Ilang sandali pa bumalik din si Mariel sa kinaroroonan ko. “Asawa mo raw. Sinusundo ka. Mukhang galit,’’ agad na sabi ni Mariel sa akin.
Napatayo naman ako at nsumilip sa bintana. Si Alexander nga ang nasa labas ng gate. Ang init pa naman at mukhang hindi na naman maipinta ang mukha nito.
“Sige, Mariel. Ikaw na ang bahala kay Donia Juana. Uuwi na muna ako,’’ paalam ko kay Mariel.
“Sige, salamat, ha?’’
Tumango lang ako sa kaniya at umalis na. Lumabas ako ng gate at masakit na naman ang mga tingin ni Alexdander sa akin.
“Pumasok ka sa kotse,’’ mariin nitong utos sa akin habang masakit ang mga titig nito sa akin.
Hindi ko naman inaasahan na uuwi siya ng maaga ngayon. Isa pa sabi ni Aliyah, magkasama sila ng girlfriend niya. Binuksan ko na lang ang pintuan ng kotse sa front seat at pumasok. Padabog din siyang pumasok sa kotse at pinaharurut na ang sasakyan.
“Sa susunod kung aalis ka ng bahay magpaalam ka!” galit niyang sermon sa akin.
“Bakit ko naman gagawin ‘yon? Wala ka naman pakialam sa akin at wala rin naman akong pakialam sa’yo. Isa pa baka kasama mo ang girlfriend mo at kung gusto mo siyang patirahin sa bahay mo wala naman problema sa akin. Maghahanap ako ng matitirhan ko,’’ tuloy-tuloy kong sagot sa kaniya. Nakakainis na rin kasi siya.
Binilisan niya ang pagpatakbo ng sasakyan. Akala niya siguro matitinag niya ako. “Isagad mo na kaya ang pagpapatakbo ng sasakyan mo. Kung gusto mo magpakamatay huwag mo kaming idamay ng anak ko,’’ mahinahon kong wika sa kaniya. Unti-unti naman niyang binagalan ang pagmamaneho.
“Hindi ako sira ulo na ititira ko kayong dalawa ng girlfriend ko sa iisang bahay! May dignidad akong iniingatan, kaya huwag mo akong utusan sa dapat kong gagawin!’’
Tumaas ang isa kong kilay sa sinabi niyang iyon. Ano naman ang pakialam ko sa dignidad niya, eh ako nga nawala na ang dignidad ko dahil sa kaniya.
“Bakit ba ang aga mo umuwi?’’ maktol kong tanong sa kaniya.
“Bakit big deal ba sa’yo kung maaga akong umuwi? Sa susunod na maabutan kita wala sa bahay may paglalagyan ka na sa akin,’’ sagot niyang may kasamang pagbabanta.
Nakarating na kami sa harap ng gate ng bahay. Inihinto niya ang sasakyan at bumaba. Bumaba na rin ako at pumasok sa loob ng gate. Binuksan naman ni Alexander ang malaking gate upang ipasok siguro ang sasakyan niya sa loob, subalit tumuloy lang ako sa loob ng bahay.