Chapter 43 EUNICE "Sabihin mo pa kay Tita na binubugbog pa ako ni Alexander," bulong ko kay Adelia. Binubulong ko kasi sa kaniya kung ano ang sasabihin niya kay Tita. Malapit na nga kami sa bahay nila Aling Joy. Naupo lang kami saglit sa puno ng kahoy upang magpahinga nang tumawag si Tita sa cellphone niya. Tinaasan ako ng kilay ni Adelia sa utos kong iyon sa kaniya. Pinatay niya na ang cellphone. Narinig namin na parang binugbog ni Tita si Alexander. "Over, ka ha? Hindi ka naman binugbog. 'Yong asawa mo ngayon ang binubugbog ng Tita mo!" Inirapan ko si Adely sa sinabi niyang iyon. "Buti nga 'yon sa kaniya. Magsama sila ng impostor na Bianca na 'yon. Hindi ko sa kaniya ipapahawak o ipapakita ang anak namin." "Sos, samantalang 'yong puso mo naman kumakabog-kabog kapag nakita ang firs