Chapter 44 Alexander Tiningnan ko ng masakit ang dalawa si Sandra at Aling Bebang. “Hindi disgrasyada si Eunice at lalong hindi magiging bastardo ang anak namin dahil pinakasalan ko siya,’’ wika ko sa dalawa. “Oh, ano? Narinig ninyo? Makapanghusga kayo sa pamangkin ko, akala niyo naman katulad sa inyo. Tara na- Popot!’’ tawag ni Tita Mary Ann sa akin. Hinila niya na ako papunta sa bahay ni Aling Domingga. “Popoy, po. Hindi po Popoy,’’ koreksyon ko sa tawag sa akin ng tiyahin ng asawa ko. Hindi ko pa rin lubos maisip na mangunguha ng kuhol at magtatanim ng palay ang babaeng mahal ko, ang babaeng sinaktan ko at ininsulto noon. “Ki, Popot man o Popoy, humanda ka sa akin. Akala mo porke apo ka ni Don Alberto, absuelto ka na sa ginawa mo sa pamangkin ko,’’ banta ng tigre sa akin. Este