Chapter 42 Alexander Sobrang naguguluhan ako nang makita ang Mama ng asawa ko. Nakaawang lang ang labi ko habang papalapit sila sa lamesa. "Joselito, ang tagal mo naman. Nasaan na ba si Olivi natin?" tanong sa akin ng Mama ni Eunice. Si Tita Lina, ang ina ni Oliv na sinasabi ni Bianca na patay na? Nakatulala akong nakatingin sa kaniya habang nalilito pa rin ako. Lumapit siya sa akin at hinalik-halikan ako sa aking pisngi. "Joselito, hanapin mo na si Oliv natin. Nagtatampo na naman iyon sa akin. Eh, hindi ko naman alam na mahalaga sa kaniya ang kuwentas na iyon, kaya binigay ko roon sa bata. Sabihin mo na lang na bigyan ko siya ng kuwentas, huwag na siya magalit sa akin," sabi pa sa akin ng Mama ni Eunice. Hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko, habang patuloy lang ako nakatingin sa kan