Ayaw niya lang kasing maging kaagaw sa puso nito ang kapatid. Batid niyang labis itong minahal ni Marcus at mahirap paniwalan na ganoon iyon mawawala at ayaw niyang magsama lang sila nito dahil sa may anak sila. Matapos nang pagtatagpo nilang iyon ni Marcus ay talagang gumawa siya ng paraan upang hindi muling magtagpo ang kanilang landas. Nainis lamang siya dahil hindi mailipat ang anak sa ibang eskuwelahan dahil malayo ang kabilang eskuwelahan at mas lalo siyang mahihirapan kapag nagkataon. Palagi na lang tinatanong at pinagsasabihan ang anak na huwag itong makikipag-usap sa mga taong hindi nito kilala. Mabuti na lamang at masunurin naman ito. Isang araw ay may activity ang anak sa eskuwela at sakto pa namang ocular inspection nila sa isang site at hindi siya pwedeng wala roon. Mabuti