Chapter 13: Finding His Family

1634 Words

Hindi man aminin ay mas lalo siyang nasasaktan sa katotohanang mas minahal ni Marcus ang ate niya kaysa sa kaniya. Wala na sigurong pag-asang mabuo silang pamilya kaya palalakihin na lamang ang anak kahit wala itong ama. Masakit isipin pero mas mainam na iyon kaysa imulat ang anak sa magulong relasyon nila.  Mabuti na lamang at nangako ang kaibigan na hindi sasabihin sa ate o kaya sa tiyahin kung nasaan silang mag-ina. Sa probensiya ng pamilya ni Zyrus sila namalagi. Maganda ang lugar kahit malayo sa kinalakihang mundo. Simple lang ang buhay, kahit papaano ay mabubuhay naman siguro silang mag-ina sa ipon niya habang naghahanap pa siya ng magiging trabaho niya. Lumipas ang buwan at unti-unting nakakasanayan ang buhay probensiya. Mabagal ang ikot ng pamumuhay pero masaya naman sila ng anak

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD