Wala na siyang nagawa. Nahuli na ni Marcus ang kaniyang kahinaan. Mainit ang bawat halik nito sa kaniyang katawan. Nadadala na siya sa halik at haplos nito. Nasasabik sa bagay na mangyayari sa kanila. Hindi alam kung bakit ganoon ang epekto ni Marcus sa kaniya. Sa loob ng sampung araw sa poder nito ay nagawa itong mahalin sa kabila ng pinakita nito. Mas lalong nag-init ang halikan nila nang magawang ipasok ni Marcus ang palad sa loob ng suot na damit at kubkubin ang didbibd niya. Nang maalalang hindi pa pala siya nagbibihis at puro siya putik at pawis kanina ay mabilis na kumalas rito. "What?" ang nanghihinang tanong nito. "Hindi pa kasi ako naliligo. Galing kami sa bundok,” nahihiyang wika rito. Napangiti si Marcus. "Mabango ka pa rin naman,” aniya sa babae. "No! Ayoko. Umuwi ka na