Chapter 4: Survival Mode

1692 Words
LUMIPAS ang ilang araw ay naging ganoon lang ang takbo ng mga araw ni Elli. Ni minsan ay hindi sila lumabas ng bahay nila at nanatili lamang sa loob ng kwarto. Lalabas lamang sila sa kanilang kwarto kapag nauubusan na sila ng pagkain. “We’re running out of food, Elli,” ani Alona habang nakatingin sa malaking bag. Isang pack ng biscuit na lamang ang andoon. Ang bottled water nila ang tatlong piraso na lamang. “We should get some food.” “But, ate. How?” nag-aalalang tanong ni Elli. “How can we even get out when there’s a flock of monster out there?” Bumuntong hininga si Alona at saka sumilip sa bintana. It’s still noon at tirik na tirik pa ang araw. “I will go out.” Nanlaki ang mga mata ni Elli. “What? No ate! Baka mapano ka roon.” “Then what should we do? Wala na tayong kakainin bukas. Ang mga kapatid mo.” “Then I will take care of it. Ako ang lalabas.” “No, Elli. Ako ang matanda kaya I have to do this.” “But- then I will go with you. Hindi kita pwedeng hayaang magisang lumabas.”   “Sino’ng maiiwan sa mga kapatid mo?” tanong ni Alona at nagumpisa nang kumuha ng mga patalim. “Now do me a favor, use this binocular and look where the house is not filled with z’s.” Inabot ni Alona ang maliit na binocular kay Elli. Bumuntong hininga si Elli at inabot iyon. Tirik pa man ang araw ay ayaw niya pa ring magisa lang na umalis si Alona, masyadong delikado. Ngunit kung hindi nman sila lalabas ay wala rin naman silang kakainin. Isang linggo na kasi ang nakalipas at wala pa rin ang mga magulang niya. Wala rin silang narinig o nakitang dumating na rescue sa kanila. Maswerte pa sila dahil hanggang ngayon ay mayroon pa ring kuryente at signal ang cellphone nila. Ganoon pa rin, punong puno pa rin ng mga zombie ang katapat nilang bahay. Ang katabi nito sa kanan ay mayroon din at lahat nasa taas. Wala siya ganoong makita sa ilalim. Sa kaliwa naman ay mayroon sa ilalim at itaas ngunit kakaunti lang. “They are all the same. May mga z’s sa loob.” “Saan ang kaunti?” Tinanggal ni Alona laman ng malaking bag saka sinukbit iyon. Kinuha niya ang baseball bat ni Elli at nagsuksok sa tagiliran ng kutsilyo. “Sa kanan,” she said referring to the house that the first floor doesn’t have any z’s. Lumapit sa kanya si Alona at sinilip iyon. “Kina Ms. Santiago.” Ito ang street leader nila. Palagi itong may pakain sa street nila dahil nga may balak itong tumakbong hoa president sa phase nila. “Good. They have a lot of food.” Ibinalik ni Alona ang binoculars kay Elli at tinitigan ito. “I’ll be back, okay?” “I should really go with you ate.” Umiling si Alona. “No, I promise I’ll be back.” Hindi alam ni Elli kung bakit ganon na lang ang takot na kanyang nararamdaman. “Be careful ate, please come back to us,” naiiyak na sabi ni Elli. Hindi niya ata kakayanin kapag pati ito ay hindi bumalik. “Where are you going ate Alona?” tanong ni El na lumapit na pala sa kanila. Kakalabas lang nito sa banyo kasama si Tj. Umupo si Alona kapantay ng dalawa. “I’ll just get us some food. Behave kayo kay ate Elli ha?” Nagtataka man ay tumango si El. Si Tj naman ay nanatiling nakatingin sa laruan niya. Bumuntong hininga muna si Alona saka niyakap ang dalawa. Pagkatapos ay tumayo na para lumabas ng kwarto. “Wait ate, you should bring this gun.” Inabot ni Elli ang handgun niya. Tiningnan lamang iyon ni Alona saka umiling. “No. Kailangan niyo iyan and I don’t know how to use that.” Hindi na nakapagsalita pa si Elli dahil inusod na ni Alona ang lamesang nakaharang sa pinto ng kwarto niya. “El and Tj, don’t go out, okay?” Tumango lamang ang dalawa. Inakay ni El ang kapatid papunta sa kama para mahiga roon. Samantalang si Elli naman ay sumunod sa pagbaba ni Alona. Marahan nilang binuksan ang main door nila. Pinanood pa muna ni Elli si Alona habang naglalakad ito palayo sa kanila. Pagkatapos ay muli niya itong sinara at in-lock. Mabilis siyang pumanik sa kwarto niya at pinanood si Alona sa may bintana nila gamit ang binoculars nila.     MALAKAS ang kabog ng dibdib ni Alona habang naglalakad papunta sa bahay nila Ms. Santiago. Mahigpit ang kapit niya sa baseball na dala niya. Nakakabingi ang paligid dahil wala kang ibang makikitang mga tao sa labas. Bukod sa maraming gamit na nagkalat at mga mantsa ng dugo ay wala ka nang makikita. Mayroong mga katawan nakahandusay sa dulo ng block nila ngunit hindi na inabala pa ni Alona ang sarili. Dumeretso siya sa pakay niya. Nang makarating siya sa tapat ng bahay nila Ms. Santiago ay wala siyang nakitang kahit na anong mga zombie sa unang palapag. Dahan-dahan niyang binuksan ang main door nito at unti-unting pumasok. Bumungad sa kanya ang nakakasulasok na amoy. Para iyong amoy karneng nabubulok. Mariin niyang kinagat ang likod ng kanyang labi upang hindi maduwal dahil sa sobrang baho. Napaka gulo rin ng loob ng sala nila, yung dating maayos at halos walang alikabok na sala nila ay puro kalat na. Ang mga vase at picture frames ay nagsipaghulugan sa sahig. Mababakas din ang mga dugo sa dingding, sahig at sa nakatumbang sofa. Hindi na siya nag-aksaya ng oras at mabilis na tinahak ang kusina. Nangingig pa ang mga kamay niya habang binubuksan ang mga cabinet doon upang tingnan kung ano ang mga nandoon. Agad niyang isinilid sa loob ng malaking bag na dala niya ang nakita niyang mga tinapay at mga biscuits. Mayroon ding mga tinapay at sitsirya. Sunod na binuksan niya ay ang refrigerator, dahil hindi pa naman nawawalan ng kuryente sa kanilang lugar ay bukas pa rin iyon. Napangiti siya nang makitang may mga frozen doon. Kumuha siya ng malaking plastic isinilid doon ang mga karne. Sunod niya kinuha ang mga inumin na nakita niya roon. Maraming klase, mayroong mga fresh milk, juice na nakabox at mga tubig. Mayroon din alak na ikinatuwa niya. Inilabas niya iyon lahat sa labas ng bahay nila Ms. Santiago. Nang mailabas na niya ang lahat ay mga pagkain ay isa-isa naman niya iyong binitbit pabalik kina Elli. Napadali ang lahat dahil bumaba si Elli at kahit na ayaw niyang tumulong ito sa pagkuha ng pagkain ay lumabas pa rin ito. Matapos nilang mahakot ang mga pagkain ay napalingon si Alona sa bahay nila. Napamaang siya nang makita niya ang kanyang mga magulang sa may bintana ng kwarto nila. Nakatayo lamang ito at nakamasid sa kisame, hindi ito gumagalaw. Agad na tumulo ang mga luha niya dahil alam niyang hindi na ito ang kanyang mga magulang. Mabilis niya iyong pinahid at naglakad na pabalik sa bahay nila Elli. “Ate? Why?” nagtatakang tanong ni Elli na nasa may pinto. Hawak nito ang handgun niya. “I-I just saw my parents.” Bumuntong hininga si Alona. “They’re one of them.” “I-I’m sorry.” “It’s okay. Sa panahon ngayon kailangan nating maging malakas. Kaya ikaw, no matter what happened be ready, and… you have to accept it. No one can stop this now, so we have to fit in to survive.” Natahimik si Elli. Hindi magsink-in sa utak niya ang sinabi ni Alona. Ayaw magsink-in sa utak niya ang sinabi nito dahil hindi naman niya kakayanin iyon. Kaya kahit na ano’ng mangyari, sa abot ng makakaya niya ay gagawin niya ang lahat para maging ligtas sila lalo na ang kanyang mga kapatid. “Let’s go inside-” Natigil sa pagsasalita si Alona nang may marinig siyang boses. “Did you hear that?” Kumunot ang noo ni Elli at tumingin sa paligid. “What?” Lumayos si Alona sa bahay nila Elli at nagpalinga-linga sa paligid. Mayroon siyang narinig na sigaw kanina at alam niyang hindi iyong guni-guni. “Help!” “Ayun!” ani Alona at tumakbo sa gitna ng kalsada. Tiningnan niya ang mga bahay na nakapaligid sa kanila. “Ate! Let’s get inside!” “Help me!” malakas ng sigaw ng isang boses. Isa iyong lalaki base sa boses nito. “A-Ate look!” Napatingin si Alona sa itinuro ni Elli. Nagmumula iyon sa bahay nila Ms. Santiago. Sa isang kwarto roon ay gumagalaw ang mga zombies. Mayroon silang pinupukpok sa isang parte ng bahay. Lumapit doon si Alona ngunit hindi siya pumasok sa loob ng bahay. “May tao ba r’yan?!” malakas na sigaw niya. Agad niyang narinig ang malakas na angilan ng mga zombie dahil sa ingay niya. Narinig niya ang malakas na mga yabag ng mga iyon pababa ng bahay nila Ms. Santiago. “Help me please!” sigaw muli ng taong nasa loob ng isang aparador. Muli niyang narinig ang mga yabag ng mga zombie pabalik sa itaas. “Wait for me!” Huminga ng malalim si Alona saka hinigpitan ang hawak sa baseball bat na dala niya. “Ate, what are you doing?!” natatarantang tanong ni Elli na nasa may bakuran na nila. “Go inside Elli and wait for us there!” utos niya rito. “But ate-” “Go!” Hinintay niya munang pumasok sa loob ng bahay si Elli. Nang makita niyang nasa loob na ito ay bumuntong hininga muna siya. Mainit pa rin ang araw kaya ay may oras pa sila. “Help me! I’m begging you! Hindi ko na kaya!” Dumura muna si Alona saka mataman na pinagmasdan ang bahay ni Ms. Santiago. “Okay, bitches, time to play.”   © 02-24
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD