Chapter 5: Saving Malcolm

1693 Words
BINUKSAN ng malaki ni Alona ang main door nila Ms. Santiago. Pagkatapos ay lumapit siya sa kotse nitong nakaparada sa tapat ng bahay, na aarawan iyon kaya naman ay lumakas ang kanyang loob. Hindi man siya siguro sa kalalabasan ng kanyang gagawin ay isa lamang ang nasa isip niya. Ang mailigtas ang kung sino man ang nasa itaas. Malakas ang kabog ng dibdib na pinukpot niya nang ubod ng lakas ang harapan ng kotse. Naglikha iyon ng malakas ng tunog. Ilang sandali lamang ay narinig na niya ang malakas na pag-angil ng mga zombie at nagsigalawan din ang iba na nakatayo lamang kanina. Nang marinig niya ang malakas na yabang ng mga zombie na pababa mula sa itaas nila Ms. Santiago ay umikot siya sa likod ng bahay. Kitang-kita niya mula sa bintana ang mga pababang Zombie at nagpatuloy iyon sa paglalakad palabas ng maindoor. Ngunit bago pa man makalapit ang mga ito ay biglang napaatras ang mga nilalang nang masinagan sila ng araw. Para itong mga bulateng binuhusan ng tubig na may sabon dahil sa pangingisay. Walang nagawa ang mga ito kundi ang umangil habang pilit na inaabot ang kotseng maingay. Sinamantala iyon ni Alona. Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa likod ng bahay nila Ms. Santiago. Mayroon doong pinto papasok sa kusina, doon siya dumaan papasok sa loob ng bahay. Maingat at dahan-dahan siyang naglakad sa likod ng mga zombies, mabuti na lamang ay nasa sampung piraso lang iyon. Halos hindi na siya humihinga sa pagpanik niya sa ikalawang palapag. ‘Pag dating niya roon ay agad niyang hinanap ang kwarto kung nasaan ang sumisigaw ng tulong kanina. “Help me!” Natigilan si Alona sa pagpasok sa isang kwarto nang bigla itong sumigaw. “s**t!” Mabilis siyang pumasok doon at nilock ang kwarto. Maya-maya pa ay narinig na niya ang malalakas na yabag ng paa at mga angil ng mga zombie. “Stop shouting and wait for me!” naiinis niyang sigaw. Malakas na kinalampag ng mga zombie ang pinto ng kwartong kinalalagyan niya. “Hey, zombies! Come here!” Agad siyang napatakbo sa may bintana nang marinig niya ang sumisigaw at nagpupukpok ng kotse. “Elli?! What are you doing?! I told you to go inside!” Nginitian lamang siya ni Elli at pinagpatuloy nito ang pagpukpok ng kotse. “You monsters, get out here and try to get me!” Nilingon niya ang pinto ng kwarto. Wala nang kumakalampag doon at unti-unti na niyang naririnig ang mga yabag na papalayo. Muli niya munang nilingon si Elli. Nakita niyang tinutukan nito ang mga zombie ng baril at isa-isang pinutukan. Napapikit na lamang siya at bumalik na sa kanyang pakay. “What the-” Muli niyang naisara ang pinto ng kwarto dahil mayroon pa palang isang zombie na andoon. Nakaharang ang kamay nito sa pinto kaya hindi niya iyon maisara ng maayos at pilit siyang inaabot. Ubod ng lakas niyang hinarang ang katawan niya sa pinto upang hindi ito makapasok. Saka niya pilit na inabot ang patalim sa tagiliran niya. Pinagsasaksak niya ang kamay ng zombie ngunit wala itong epekto. Parang hindi ito nakakaramdam ng sakit dahil patuloy pa rin ito sa paggalaw. “Right, you’re dead.” Huminga muna ng malalim si Alona saka sumiksik sa gilid ng pinto at binuksan iyon ng malaki. Halos masubsob ang zombie sa kama dahil sa malakas na pwersang ginagawa nito para lang makapasok ito. Agad itong nagpalinga-linga sa silid ng kwarto. “Ahh!” Hinampas ni Alona ang likod ng zombie gamit ang baseball bat ngunit parang wala itong epekto sa zombie. Agad itong lumingon sa kanya. “K-Kuya Franco?” Nanlaki ang mga mata niya nang mapagsino ang zombie, ito ang asawa ni Ms. Santiago. Mabilis siyang inatake ng zombie. Hinarang niya ang ang baseball bat na hawak niya sa may leeg nito para hindi siya nito makagat. Halos maglabasan na ang ugat niya sa leeg at mga braso dahil sa lakas ng umaatake sa kanyang zombie. Pinilit niya itulak iyon hanggang sa mapahiga ito sa kama. Mabilis siyang lumabas ng kwarto at isinara iyon. Halos habulin niya ang hininga niya dahil sa matinding hapo na kanyang nararamdaman. Basang basa na rin siya sa pawis. “Ate Alona!” Napalingon siya sa may hagdan, humangos papalapit sa kanya si Elli na may mga talsik ng dugo sa damit nito. “I told you, not go out in the house.” “I’m sorry.” Tumingin si Elli sa kwartong pinanggalingan niya. “Leave it. Andito sa kabilang kwarto yung sumisigaw.” Sabay nilang pinasok ang katabing kwarto at nilapitan ang malaking aparador. Binuksan iyon ni Alona. “Malcolm?” ani Elli. Anak ito ni Ms. Santiago at kaedad lamang niya. Kaklase niya rin ito ngunit hindi niya nakakausap dahil masyado itong mailap sa mga tao. Basang basa ito sa pawis at luhaan ang mga mata. Yung dating gwapo nitong mukha ay humpak na at ang mga labi ay namamalat na rin. “Are you okay? Nakagat ka ba nila?” tanong ni Alona rito. Umiling lamang si Malcolm. “H-Help me, please,” naiiyak nitong sabi. “Let’s go. Malapit nang magdilim. Kailangan na nating makauwi.” Hinawakan ni Alona sa braso si Malcolm at inalalayan itong maglakad. Basang basa ang suot nitong pantulog at base sa amoy nito ay dito napadumi na ito sa pwesto nito. Tinulungan ni Elli si Alona sa pag-alalay kay Malcolm hanggang makababa sila. Nanlaki pa ang mga mata ni Alona at Malcolm nang makita ang mga nakahandusay na mga zombies sa entrada ng bahay. Sa likod sila dumaan dahil hindi pumayag si Malcolm na daanan ang zombies kahit na sinabi na ni Elli na patay na ito. Patuloy pa rin ang pag-iingay ng kotse kaya hinayaan na lamang nila ito. Ang mga zombies na nasa may loob ng mga bahay ay nasa may bukana na at hindi mapakali. Kanina pa nila gustong lapitan ang maingay na kotse ngunit hindi nila magawa dahil tirik pa ang araw. Nang makapasok sila sa loob ng bahay ay mabilis na nilock ni Elli ang pinto nila. Inalalayan naman ni Alona si Malcolm na umupo sa pang-isahang sofa. “D-Do you have water? F-Food?” ani Malcolm. Mabilis na kumilos si Alona at inabutan ito ng mineral water mula sa nakuha niya sa bahay nito. Binuksan niya na iyon at saka inabot kay Malcolm. Mabilis na nilagok ni Malcolm ang tubig na inabot ni Alona. Halos tumulo na ang mga luha niya nang maramdaman niya ang pagdaloy ng malinis na tubig sa kanyang lalamunan. Halos makalahati niya na agad iyon at tumigil lamang nang hindi na siya makahinga. “Thank you.” Hinabol niya ang kanyang hininga. “I-I will get some clothes for you.” Pumanik si Elli sa itaas. “Here. Eat this first.” Inabutan ni Alona si Malcolm ng biscuit. Hindi na nagdalawang isip pa si Malcolm at mabilis iyong kinuha at saka nilantakan. Hindi na niya alam kung ilang araw na ba siyang nasa loob ng aparador na iyon. Mula ng magkagulo ay doon na siya nagtago. Maige na lamang ay mahilig siyang magdala ng tumbler na may tubig sa kanyang silid kaya iyon ang nagsilbi niyang panglaman ng tiyan habang andoon siya sa loob. Nang makarinig siya ng paggalaw mula sa kanilang ibaba ay nagsisigaw na siya para makuha ang atensyon nito. Ngunit malaking pagkakamali dahil nagpuntahan tuloy sa kanya ang mga zombies at pilit na binuksan ang aparador. “Wala na?” tanong niya. Mababakas sa mukha niya na pagkabitin sa kinain niyang biscuit. “H’wag mong biglain ang sarili mo. Clean yourself first and let’s go up. I will cook for our food,” paliwanag ni Alona. Napatingin naman si Malcolm sa kanyang katawan. Napangiwi siya nang maamoy niya ang kanyang sarili. Pwede na siyang sumama sa mga zombies dahil sa baho niya. “Here.” Inabot sa kanya ni Elli ang isang nakatuping t-shirt at shorts. “I don’t know if this will fit to you. Ito lang kasi ang pinaka malaki kong damit. And hindi rin naman kakasya sa ‘yo ang damit ni daddy.” “Thank you.” Kinuha iyon ni Malcom. “You can use that bathroom. May mga toiletries doon na pwede mong gamitin.” Itinuro ni Elli ang banyo sa may kusina. Pilit na tumayo si Malcolm at paika-ikang lumakad papunta sa banyo. “Do you need help?” tanong ni Alona kay Malcolm. Isa-isa na niyang binibitbit ang mga pagkaing nakuha niya sa itaas. Umiling si Malcolm. “I can manage.” Pinilit niyang ngumiti. Nahihiya rin siya lumapit sa mga ito dahil sa hindi maipaliwanag niyang amoy. “Okay, go upstairs if you’re done.” Tumango na lamang si Malcolm saka pinagpatuloy ang paglalakad papunta sa banyo. Samantalang si Elli naman ay tinulungan si Alona sa pagakyat ng mga pagkain. Ipinasok niya sa refrigerator nila ang mga karneng nakuha ni Alona. “I guess, you should clean yourself too,” ani Alona habang pinagmamasdan ang itsura ni Elli. Puro tilamsik ng dugo ang suot nitong t-shirt at jogging pants. “Yeah, right.” “Go, ako na ang bahala rito.” Tumango si Elli at binitawan ang ginagawa niya. Dumeretso siya sa kanyang kwarto. Busy ang dalawa niyang kapatid sa panood ng ipad at hindi manlang lumilingon sa kanya kahit ilang beses na siyang nagpabalik-balik doon. Hinayaan na lamang niya ito at kumuha na ng damit niya. Pumasok siya sa loob ng banyo at hindi pa man niya nahuhubad ang suot niyang damit ay binuksan na niya agad ang shower. Tiningnan niya ang dalawa niyang kamay. ‘I just killed someone,’ aniya sa kanyang isipan. Muling bumalik sa kanyang balintataw ang pagbagsak ng mga zombie na tinatamaan niya sa ulo. Kahit na wala na sa mga sarili ang mga ito ay mga kilala niya pa rin ang mga iyon. Lahat iyon ay kapitbahay nila. Ngunit sa dulo ng kanyang puso ay nakaramdam niya ng kasiyahan. She can’t explain how satisfied she was when she was shooting those monsters. Sumilay ang ngisi sa kanyang labi.   © 02-24
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD