Chapter 3: The Zombies

2060 Words
Chapter 3  HALOS liparin ni Elli ang banyo niya nang makita niyang lumabas doon si Tj. “What are you doing there?! Didn’t I told you not to go out in the closet?!” Pinandilatan niya ang kapatid at nahigpitan ang hawak sa magkabilang braso nito.   Tinitigan ni Tj ang kanyang ate at biglang lumabi. Mayamaya pa ay nangilid na ang mga luha nito. “A-Are you mad, ate?”  “Hey.” Lumapit si Alona sa magkapatid at kinuha si Tj mula kay Elli. “Elli’s not mad. She’s just scared because she thought you're gone.”  Muling tiningnan ni Tj ang ate niya. “I-I’m sorry, ate. I peed.”   Marahas na bumuntong hininga si Elli. “Next time, wait for me, okay?” Elli tries to calm down herself.  “Opo, ate,” sagot ni Tj at humikbi pa.   “Now go back to the closet.” Iginiya ni Alona si Tj pabalik ng closet at muling inihiga iyon sa loob sa tabi ni El. Pagkatapos ay hinarap niya si Elli na nakaupo na sa kama. Nakasubsob ang mukha nito sa mga palad at mayamaya ay nakita na lamang niyang umaalog na ang magkabilang balikat nito. Mabilis siyang lumapit dito at niyakap ito. “Ssshh… don’t worry. I’m here. You saved my life so I will help you with your two brothers, like the old times.”   “I-I just can’t believe why did they live us here? Where are they?” garalgal ang boses na sabi ni Elli. “My mom already knows what is going on. She’s here, ate. She was here and she told us not to go out in that closet. Tapos… tapos umalis siya without telling us where she will go.”   Tinapik-tapik ni Alona ang likod ni Elli. “I’m sure she has a reason.” Bumuntong hininga si Alona. Hindi niya tuloy maiwasang mahabag sa mga bata. “Don’t worry, I’m here. I promised hindi ko kayo pababayaan.” Humiwalay si Alona sa pagkakayakap niya kay Elli at pinahid ang mga luha nito. “Trust me okay? Habang wala pa sila Mommy at daddy mo ay ako ang bahala sa inyo.”  Tumango-tango si Elli at pilit na kinalma ang sarili. Hindi niya maipaliwanag ang takot na kanyang nararamdaman. Nagkalat na sa labas nila ang mga zombies, ano na lang ba ang laban ng tatlong mga bata sa kanila? Hindi niya maisip kung paano sila makakaligtas sa pangyayaring ito. Idagdag pang nagaalala rin siya ngayon ng sobra sa kung ano na ba ang nangyari sa kanyang mga magulang. Kung may mga zombies na sa labas ay nakaligtas ba silang dalawa?   Hindi niya ata matatanggap kung malaman niyang mawawalan niya ng magulang dahil sa mga zombies.  “S-Salamat ate.”   “Now, sleep first. Babantayan ko kayo.” Inayos ni Alona ang kama ni Elli at saka pinahiga ito roon. Naupo si Alona sa sahig at isinandig ang pagod niyang likod sa kama. Parang biglang naglabasan ang sakit ng katawan niya nang sandaling iyon. Niyakap niya ang kanyang mga binti at tahimik na lumuha. Kanina pa paulit-ulit na pumapasok sa kanyang isipan ang nangyari sa bahay nila kanina. Kitang kita niya kung paanong sinugod ang pamilya niya ng mga kapitbahay nilang kakaiba na kung kumilos. Nakita niya rin kung paano nagbago ang kanyang pamilya.   Lalapitan sana niya ang bunso niyang kapatid na hindi nalalayo sa edad ni Elli nang bigla siya nitong inatake. Sa sobrang pagiwas niya ay humampas ang kanyang ulo sa bedside table niya.   ‘What is happening in this world?’  Kanina pa siya nakakaramdam ng takot ngunit ayaw niyang ipakita kay Elli iyon. Hindi niya nailigtas ang pamilya niya kaya sisiguraduhin niyang tutulungan niya ang magkakapatid sa abot ng kanyang makakaya.      “ATE, look.” Tinawag ni Elli si Alona na abala sa pagluluto ng pagkain nila. Parehas silang sumilip sa kanilang bintana. Maliwanag na sa labas dahil nagumaga na at napakatahimik na ng paligid. Wala ka na ring makikitang mga pakalat-kalat na mga zombies sa labas nila.  “Nasaan na sila?” nagtatakang tanong ni Alona at hinawi ng malaki ang kurtina.   “Ayun oh.” Tinuro ni Elli ang katapat na bahay nila. Sa ikalawang palapag na bahay, makikita mo sa bintana ang mga zombies na nakatayo lamang at nakatingala. Hindi ito nagsisigalaw at para bang may tinitingnan sa kisame.   “What are they doing? Bakit sila nandyan?”   “I don’t know. Kanina ko pa sila tinitingnan pero hindi talaga sila gumagalaw. Tapos wala ka talagang makikitang mga zombies sa kalsada.”  “Maybe they’re afraid of light or sunlight.” Sabay na napalingon sina Alona at Elli kay El. Lumabas ito mula sa closet.   “What do you mean?” tanong ni Elli rito.  “There are some animals that don’t like the sun. Not because of the light but because of the heat. Just like a polar bear, they can’t live under intense heat. That is why there is no bear or a polar bear in our country. Because of our climate. There are some animals that just doesn’t like sun or light because they cannot see.”  Napanganga si Elli at Alona sa page-explain ni El. Para itong matanda na kung magsalita. Hindi na naman nakakapagtaka pa dahil sa kanilang tatlo ay ito ang pinaka matalino sa kanila. Ito ang palaging nangunguna sa kanilang klase.  “R-Really?” Nagkatinginan si Elli at Alona. “Siguro nga ate. In movies, lalo na yung GOT. They don’t like heat. Mas nabubuhay sila sa mga malalamig na lugar.”   Tumango-tango si Alona. “Then we have an advantage. All we have to do is we will not go out at night.”  “Why ate? Ano po ba ang nasa labas?” nagtatakang tanong naman ni El.  “Nothing!” ani Elli. Ayaw niyang malaman ng mga kapatid niya ang nangyayari dahil siguradong matatakot ang mga ito. “Just some animals like what you’ve said.”   Tinitigan pa ni El ang kanyang ate saka nagkibit balikat.   “Ate, I’m hungry.” Sumulpot naman si Tj sa likod ni El habang hinihimas himas ang tiyan.  “Yes. Wait, matatapos na itong niluluto ko.”  Ibinaliktad ni Alona ang piniprito niyang hotdog. Nasa tapat siya ng banyo nagluluto ngunit hindi iyon alintana ni Alona. Matapos niyang magprito ay nagpakulo naman niya ng mainit na tubig, mabuti na lamang ay mayroon pa ring malinis na tubig na dumadaloy sa kanila. May sarili kasing tangke ng tubig ang pamilya ni Elli.   Tinulungan ni Elli si Alona sa paghahanda ng pagkain nila. Hotdog at tinapay ang kanilang umagahan. Nagtimpla rin ng gatas si Alona para sa kanilang tatlo.   “Kaunti lang?” nagtatakang tanong ni Tj. Nakalabi siya habang tinitignan ang isang malaking hotdog and isang slice ng tinapay.   Nagkatanginan ulit si Alona at Elli. “Ahm, Tj, we have to save food that’s why.” Si Elli na ang sumagot dito at tinapik ito sa balikat.   “But why? Wala pa po ba sila mommy?” tanong naman ni El.  “They will come, soon,” sagot ni Alona. “May dala silang maraming pasalubong. Kaya while they’re gone, we have to save our food.”   Bahagyang napaisip si El. Si Tj naman ay nagumpisa nang kumain. “Why are you here, ate Alona?” tanong muli si El at saka kumagat sa hotdog na hawak niya.  Biglang natahimik si Alona at naging malikot ang mga mata. Hindi niya alam kung ano ang isasagot niya sa bata.   Tumikhim naman si Elli. “Because mom and dad are away. ‘Di ba sa tuwing wala sila mommy at daddy si ate Alona ang nagbabantay sa atin?”   “Y-Yes! Tama. Bago umalis si Mommy niyo kanina ay pinuntahan niya ako sa amin para bantayan kayo. Tama ‘yon. Oo,” segunda ni Alona. Tiningnan ni Alona si Elli at sinenyasan ito na pumunta sa may gilid ng kwarto. “Kumain lang kayo diyan ha? We will just talk.”   “Why ate?” tanong ni Elli kay Alona. Nasa may pinto sila banda at mahina lang ang boses. Si El at Tj naman ay tahimik na nilalantakan ang pagkain nila.  “Hindi natin sa kanila sasabihin ang nangyayari?” tanong din ni Alona kay Elli.  Bumuntong hininga si Elli at pinagmasdan ang mga kapatid. “I… don’t know ate. Ayoko kasing matakot sila. Lalo na si El, he freaks out.”   “Then, h’wag na muna nating sabihin.” Tinapik ni Alona sa kanang balikat si Elli at nginitan ito. “Kain na tayo.”   Tumango lang si Elli at naglakad na pabalik sa mga kapatid. Hanggat maari ay ayaw niya munang malaman ng kanyang mga kapatid kung ano ang nangyayari sa mundo. Tumagal man ay kailangan nilang mahintay ang kanilang magulang. Alam niyang babalik ang mga ito.   Ramdam ni Elli na babalik pa ang mga ito.   Matapos nilang kumain ay hindi na muna pinabalik ni Elli ang mga kapatid sa closet. Hinayaan niya munang maglaro ito sa kanyang silid.  Si  Alona  naman  ikinuha  niya  ng  damit  ng  kanyang ina para may maisuot ito. Kinuha na rin nila ang mga gadgets  at  laruan  at  mga  damit  ng  mga  kapatid niya.  May  kuryente  pa  rin  sa  mga  oras  na  iyon  at  nang  sinubukan  ni  Elli  na  buksan  ang  kanyang cellphone ay mayroong signal.   Habang abala ang kanyang mga kapatid sa paglalaro ay sila naman ni Alona ay abala sa pagba-browse sa internet.  Tiningnan  nila  kung ano ang  nangyayari  sa  ibang  bahagi  ng  mundo.  Samantalang  si  Elli naman ay sinubukang kontakin ang mga magulang.   “Let’s take a picture and post it on the internet,” biglang sabi ni Alona habang nakatitig sa laptop.  Nakaupo ito sa kama.   “Why?” Lumapit si Elli sa kay Alona at sinilip ang ginagawa nito.  “Look at here. Trending sa Twitter at f******k ngayon ang #pleasesaveus. Nagpo-post sila ng picture kasunod ang hastag na iyon at may nakalagay sa caption kung saan ang address nila.”  “So, you mean this is really an outbreak? Hindi lang sa atin ang mayroong zombies?”   Tumango si Alona. “Yes. Nagumpisa ang outbreak sa Baguio at unti-unting kumalat papunta rito sa atin. In no time, baka buong pinas magkaroon na ng zombies.”   “Oh my God. T-The government?”   Malungkot na umilis si Alona. “Wala  pa  akong  nakikitang  article  o  video  na  inilabas  pangulo  tungkol  sa nangyayari sa bansa. I guess, just like in the movies. Government really sucks.  Baka  nga  nasa  maayos na silang kalagayan habang tayo ay nangamamatay na dahil sa mga monster na ‘yon.”   Natahimik si Elli. Muli ay  kumabog  ng  mabilis  ang  kanyang  dibdib.  Paano  na  sila  ngayon  kung  pati  ang gobyerno natin ay missing-in-action na rin?   She can’t imagine how a kid like them will survive this apocalypse.  “Have you heard of them?” tanong ni Alona sa kay Elli. It’s six in the afternoon and they were just done eating. Nasa loob na ulit ng closet ang mga kapatid ni Elli at silang dalawa na lang ang nasa kwarto. Patay na ang kanilang ilaw at tanging ilaw na nagmumula na lang sa  buwan  at  mga  gadgets  nila  ang  nagsisilbing liwanag nila.   “Wala pa rin. Still cannot be reached,” malungkot na sabi ni Elli. Dahan- dahan  siyang  naglakad  papunta  sa bintana at sumilip doon. “Ate, looks like El is right. Look, they are going out now.” Sunod- sunod  na  naglalabasan mula sa mga bahay ang mga zombies. Isa-isa sila at mabagal ang mga kilos.  Kung  maglakad sila ay para bang wala sila sa mga sariling. Kaya  mayroong  mga  malalakas  na  kalampagan  silang naririnig dahil sa nabubunggo nila ang mga nadadaanan nila.   Bumuntong hininga si Alona. “Bumubilis din ang kilos nila sa tuwing nakakarinig sila ng tunog. I guess we should always be quiet,” aniya.  Sa tuwing may bumabagsak kasing mga kagamitan at naglilikha iyon ng malakas na tunog ay mabilis na nilalapitan iyon ng mga zombies.   “We should be careful.”       © 02-24  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD