Chapter 2: The Outbreak

1817 Words
Chapter 2: The Outbreak   Blood. Ilang sandali lang ay napalitan ng malalakas na hiyawan ang kaninang tahimik na kumunidad nila Elli. Hindi niya maialis ang kanyang paningin sa isang tao na sinasakmal ang kanyang kapit-bahay. Lalo pang nanlaki ang mga mata niya nang bigla nito hilain ang laman ng kapit-bahay niya sa balikat. Kaya naman ay bumulwak ang maraming dugo. Nag-atrasan ang mga taong nakapaligid sa kanila habang nilalangtakan ang isa na wala nang malay. Nang marinig nito ang sigaw ng ibang tao ay agad itong lumayo sa kinakain nito at sinunggaban ang babaeng malapit sa kanya. Nangangatog na ang mga kamay ni Elli habang pinapanood ang nagaganap. “W-What… what is going on?” hindi makapaniwalang usual niya. Napasinghap si Elli at pinagmasdan maige ang lalaki. Ang katawan nito ay puno ng sugat at ang balat ay napaka putla. Para itong naglalakad na patay dahil sa itsura nito. Umaatake ito sa mga tao na para bang asong na uulol. “OMG! Is that-” Agad na napaupo si Elli habang tinatakpan ang kanyang tenga. Nakarinig pa siya ng ilang mga putok bago tuluyang tumahimik muli ang paligid. Nanginginig pa ang kanyang katawan noong muli siyang sumilip sa bintana. Hawak-hawak ng tatay ng kaibigan niyang si Joseline ang isang mahabang baril. At ang lalaking umaatake kanina ay nakahandusay na sa kalsada habang wasak ang ulo. Sinipa-sipa pa ng lalaking bumaril ang umatake sa mga tao kanina. Nang masigurong hindi na gumagalaw ay nilapitan na ng mga tao ang mga inatake ng lalaking nakahandusay. Ang iba ay mayroon lamang kaunting kagat ngunit ang iba ay malubha at nag-umpisa nang maghingalo. Umiiyak na nilapitan ng isang babae ang unang inatake ng lalaki. Umiiyak ito habang niyayakap ang asawa niyang wala nang buhay ngayon. Ngunit bigla itong natigilan nang mag-umpisang mangisay ang lalaki. Ilang sandali ito sa ganoong sitwasyon pagkatapos ay bigla na lamang tumigil. Maya-maya pa ay lumiyad ito paharap kay Elli kaya kitang kita niya ang hitsura nito. Agad na napaatras si Elli nang makita niya ang mga mata nito noong muli itong dumilat. Wala na itong kulay itim at puti na lamang. Agad siyang lumayo sa bintana nang makarinig na siyang muli ng mga sigawan. Hindi siya pwedeng magkamali. ‘Zombies? Pero paano? Imposible na magkaroon ng zombie!’ Hindi malaman ni Elli ang kanyang gagawin at dahil sa sobrang taranta ay panay ang pagparoon at pagparito nito. ‘Kaya ba hindi kami pinapaalis ni mommy sa closet? Ito ba ang tinutukoy niyang h’wag ko hahayaang makagat ako?’ Ang daming tanong ang tumatakbo sa kanyang isipan ngunit walang sino man ang makakasagot. “Where are you, mom? Dad?” naiiyak na niyang sabi. Palakas nang palakas ang naririnig siyang mga sigawan. Nagkaririnig na rin siya nang mga putok ng baril kaya panay ang pag-igtad niya. ‘From now on, you have to take care of your brothers.’ Nakagat niya ang ilalim ng kanyang labi noong maalala niya ang bilin sa kanya ng kanyang ina. Labis ang pagsisisi niya ngayon na nakaramdam siya ng excitement noong mabasa niya ang article sa internet tungkol sa mga nilalang na iyon. Kahit na gusto niyang makakita ng mga zombies dahil fan siya ng mga ito ayaw naman niyang malagay sa ganitong sitwasyon. Sampung taong gulang lamang siya! Kaya niyang protektahan ang kanyang sarili kahit na bata pa lamang siya dahil sa mga itinuro sa kanya ng kanyang tatay. Ngunit paano na ang kanyang mga kapatid? Si Tj na apat na taong gulang lamang ay hindi pa magawang magsarili sa banyo. Tapos si El na kahit na walong taong gulang na ay sobrang matatakutin. Sa tuwing nakararamdam siya ng takot ay bigla na lamang siyang nahihirapang makahinga. Paano sila makakaligtas sa ganitong sitwasyon ng sila lamang? Gusto niyang magalit sa kanyang mga magulang dahil wala ito sa kanilang tabi gayong may alam na naman ang mga ito tungkol sa nangyayari. Bakit mas pinili silang iwanan ng kanilang mommy kaysa ang makasama sila? Napabuntong hininga ng marahas si Elli. Muli siyang sumilip sa labas ng bintana. Nagkakagulo na ang buong paligid. May zombies, totoo sila at kailangan niyang gumawa ng paraan para makaligtas silang tatlo. Ibinaba na niya ang kurtina at muling sinilip ang mga kapatid sa loob ng closet. Mahimbing pa rin ang tulog ng mga ito kahit na maingay na sa labas. Bahagya niyang naikuyom ang kanyang kamao dahil sa pangamba sa pwedeng mangyari sa kanilang tatlo. I’m sorry… I promise na magiging okay tayong tatlo. Muli na niyang isinara ang closet. Dahan-dahan siyang lumabas ng kanyang silid. Natatakot man siya ngunit kailangan niyang masiguro na ligtas silang magkakapatid. Dere-deretso siyang bumaba papunta sa unang palapag ng kanilang bahay. Madilim sa ibaba kaya naman ay pinilit ni Elli na sanayin ang kanyang mga mata sa dilim. Agad niyang nilapitan ang kanilang pinto. Hindi naka-lock ang screen nilang pinto ngunit ang kahoy na nagsisilbing main door nila ay naka-lock. Agad niyang ikinabit ang iba pangloob na mga lock ng kanilang pinto upang masigurong ligtas sila. Pagkatapos ay isinunod niya ang kanilang mga bintana. Gawa sa matibay na salamin ang kanilang mga bintana pero may mga bakal na harang sa labas kaya hindi pa rin sila basta-basta mapapasok. Inayos na niya ang pagkakatakip ng mga kurtina sa kanilang binata kaya lalong dumilim ang paligid. Nang masiyahan na siya sa paligid ay kinuha na isipan niyang kuhain ang mga patalim sa kanilang kusina. Sunod niyang kinuha ay ang mga tools ng kanyang ama sa kanilang garahe. Nakakonekta ang pinto niyon sa kanilang kusina kaya madali lamang siyang nakapasok doon. Pagdating niya roon ay andoon pa ang kotse ng kanyang ama dahil ang ang madalas ay police mobile ang gamit nito. Dahan-dahan siyang naglakad papalapit sa toolbox sa kabilang parte ng garahe. Nakapatong iyon sa mahabang lamesa kung saan nakalagay ang iba pang mga gamit ng daddy niya sa pagkukumpuni. Pabalik na sana siya nang biglang may humampas sa pinto ng kanilang garahe. Lalo siyang binundol ng kaba noong marinig na niya ang mga pag-angil na nagmumula sa labas ng pinto.   Hinintay niya munang mawala ang nilalang sa labas ng bahay nila bago siya muling naglakad pabalik sa kusina. Kahit na may kabigatan ang toolbox ay dinala niya iyon sa kanyang silid. Pagkatapos ay muli siyang naglakad pabalik sa ibaba. Kailangan niyang mag-imbak ng maraming pagkain nila. Mabuti na lamang ay kaka-grocery pa lamang nila noong isang araw kaya marami pa silang naka-imbak na pagkain sa kanilang kusina. Dumaan pa muna siya sa study room ng kanyang daddy para kuhain ang hiking bag nito para paglagyan ng mga pagkain na kanyang makukuha. Kinuha niya ang lahat ng mga alam niyang kakailanganin nila. Pagkain, inumin, at mga pang personal hygiene. Kinuha niya lahat at dinala iyon sa loob ng kanyang silid. Nagdala rin siya ng electric stove at iba pang mga gamit pang kusina.   Paakyat n asana siya nang bigla siyang makarinig ng mga pagkatok mula sa labas ng kanilang bahay. “Tao po! Please! Let me in! Help!” natatarantang tawag ng isang babae mula sa labas. Sunod-sunod ang pagkatok nito. “I’m begging you! Help me! Please!” Napalunok na si Elli. Hindi niya inaalis ang kanyang tingin sa kanilang pinto. Nagtatalo ang kanyang isip kung pagbubuksan niya ba ito ng pinto o hahayaan na lamang ito sa labas. Ngunit makalipas ang ilang sandali ay napagdesisyonan niyang pagtuunan muna ito pansin. Dahan-dahan niyang ibinaba sa may hagdan ang kanyang mga dala-dala. Tahimik niyang nilakad ang door minitor na katabi lamang ng kanilang pinto saka tiningnan ang taong kumakatok sa kanila. “A-Ate Alona?” usul niya noong mapag-sino niya ang taong kumakatok sa kanila. Gulo-gulo na ang buhok nito at wala na rin sa ayos ang suot nitong pantulog. Basang-basa na ang mukha nito ng naghalong pawis at luha. Ito ang kapitbahay nilang dalaga. Madalas ito sa kanila dahil sa tuwing may malayong pupuntahan ang kanyang mga magulang ay ito ang nagbabantay sa kanila. “Elli? Elli is that you? Let me in please!” Napalunok si Elli. Aksidente niyang napindot ang speaker button dahil sa pangingig ng kanyang mga kamay. “B-But you have a blood!” puna niya rito. Sunod-sunod na umiling si Alona. “N-No! No, Elli! I bump my head in my table kanina noong umiiwas ako sa kanila.” “Wala kang kagat?” “Nope!” mabilis nitong sagot. “Please let me in!” Mariing napapikit si Elli. ‘Fine! I have a gun, so I don’t have to be scared!’ Mabilis niyang binuksan ang pinto at noong nakapasok na si Alona ay mabilis niya rin itong isinara. “Thanks God! Thank you, Ell- Whoa!” Agad na napaatras si Alona at itinaas ang dalawa niyang kamay nang makita niya ang nakatutok na baril sa kanya. “E-Elli? Bakit may baril ka?” “You don’t have any bites from them?” paniniguro ni Elli. Mabilis na tumango-tango si Alona. “Yes! I don’t have. Look.” Dahan-dahan nitong hinubad ang suot nito at ang itinira lamang ay ang underwear nito. Pagkatapos ay itinaas ang mga kamay saka umikot. Sinuri naman ni Elli maigi ang katawan nito at nang makitang wala itong anumang sugat ay ibinaba na niya ang baril. “Are we good now?” Tumango si Elli. “I-I’m sorry. I just saw what happened outside that’s why.” Unti-unting ibinaba ni Elli ang baril. “It’s okay. I understand.” Muling isinuot ni Alona ang kanyang mga damit. “Kayo lang ang andito?” Malungkot na tumango si Elli. “Follow me, Ate,” aniya. Kinuha na niya ang mga gamit na dala niya kanina. Tinulungan naman siya ni Alona sa pagbitbit kaya naman ay bahagyang gumaan ang kanyang dalahin. “Let’s go to my room. It’s the best kung andoon tayo kesa rito sa baba.” Tahimik na sumunod si Alona kay Elli. Hindi na naman nagsalita pa si Elli para usisain pa ang nangyari rito dahil mababakas pa rin sa mukha nito ang pagkahilakbot. “You must be scared because they are not here,” ani Alona nang makarating sila sa silid. Ibiba niya ang dala niyang mga gamit. Malakas na bumuntong hininga si Elli. “I… am. But I have to be strong for my two brothers.” Kinuha na niya ang kanyang study table at iniharang ito likod ng pinto. Tinulungan din siya ni Alona. Matapos nilang gawin iyon ay hinihingal silang parehas na napasalampak sa sahig. “Ano kayang nangyayari sa munda ngayon?” malungkot na tanong ni Alona. Sasagot sana si Elli ngunit napukaw ang kanyang atensyon sa nakabukas na closet. Bigla na lamang siyang binalot ng kaba at dali-daling lumapit sa closet. Ngunit nang makarating siya roon ay agad siyang nahintakutan. “Where’s Tj?!” © 02-22        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD