Chapter 7: The More, the Merrier.

1775 Words
“Stay down!” malakas na sabi ni Alona. Pagapang siyang lumapit kina Tj at El na nasa kama at hinila ang mga ito pababa. Saka pinadapa ang mga ito at bahagya niyang dinaganan. Si Elli at Malcolm namn ay gumapang papalayo sa bintana at lumapit kina Alona. “What is going on?!” naiiyak na tanong ni El. Nakatakip ang dalawa niyang palad sa tenga niya. “Be qiuet,” mahina ngunit mariin na sabi ni Elli. Ilang sandali pa ay tumigil na ang mga putok ng baril. “Ayun!” Sabay-sabay na nag-angat ng paningin sa bintana sina Alona, Malcolm at Elli. Boses iyon ng isang lalaki at mukhang mayroong kausap. “I’ll take a peek,” ani Elli at dahan-dahang tumayo. Hinawi niya ng kaunti ang kurtina sa may bintana at tiningnan kung sino ang nasa labas. Mayroong limang grupo ng kalalakihan ang nasa tapat ng bahay nila Ms. Santiago. Sinisipat nila ang mga nakahandusay na mga zombies gamit ang mga baril na hawak nila. Pagkatapos ay nagpalingon-lingon sila sa paligid kaya agad na naupo si Elli. “Why? Sino ‘yon?” tanong ni Alona. “M-May mga tao, may dala silang mga baril.” “What?” tumayo na si Alona at sumilip sa bintana. Mataman niyang tinitigan ang mga taong tinutukoy ni Elli at napamaang na lamang siya nang mapagsino ang lalaking nakaputing t-shirt at itim na slacks. “K-Kuya Rene?” ani niya habang pinagmamasdan ang isang lalaking kukintab ang ulo sa tuwing nasisinagan ng araw. “I know him!” “Kuya Rene? Is that the guard in our subdivision?” nakakunot ang noong tanong ni Malcolm at tumayo na rin. “You’re right!” Binuksan ng malaki ni Malcolm ang bintana at sumigaw ng, “Kuya Rene!” “Malcolm! What are you doing?!” Hinawakan ni Elli sa braso si Malcolm at akmang tatakpan ang bibig. Ngunit huli na ang lahat dahil nakatingin na sa kanila ang mga lalaki. Nag-angilan din ang mga nilalang sa loob ng bahay dahil sa sigaw ni Malcolm. Kunot ang mga noong tumingin sa pwesto nila ang mga lalaki. “May buhay pa!” ani ng isang lalaking nakakulay asul na t-shirt. Ngumiti sa kanila ang mga ito at naglakad papunta sa bahay nila. “Let’s go down.” Naglakad na papunta sa pinto si Alona pero hindi natuloy ang paglabas niya dahil pinigilan siya ni Elli. “Is this okay, ate?” nag-aalalang tanong ni Elli. “It’s alright. Kuya Rene is a good person. Kilala mo siya, ‘di ba?” Napakagat ng labi ni Elli. Kilala niya si Mang Rena at alam niyang mabait ito. Sa tuwing umuuwi sila ay palagi silang binabati nito sa may gate. Ganito si Mang Rena sa lahat kaya naman ay marami ang nagmamahal dito. Natutuwa siya na mayroon pa palang ibang buhay bukod sa kanila, ngunit hindi nya maiwasang mangamba dahil kagaya sa mga palabas, lahat ng mga mababait na tao ay biglang nagbabago kapag nagiging desperado na sila. Hindi niya gustong husgahan ito ngunit hindi niya maiwasan. Matapos ang mga nangyayari ngayon sa mundo ay hindi malabong mangyari ang kanyang iniisip. “Don’t worry. We’ll be okay, okay?” Tinapik ni Alona ang balikat ni Elli. Nagpakawala ng malalim na hininga si Elli. Tumango siya kay Alona. “I’ll go with you ate. El and Tj and...” Tiningnan niya si Malcolm na nakatayo pa rin sa may bintana at nakatingin lang sa kanila. Katabi nito ang mga kapatid niya at hawak sa mga balikat. “Fine, I’ll stay here too,” ani Malcolm na para bang na basa niya ang iniisip ni Elli. “Let’s go.” Nanguna na si Alona na lumabas ng kwarto. Kinuha pa muna ni Elli ang baril niya at sinuksok iyon sa tagiliran saka sumunod kay Alona. Pagkarating niya sa baba ay nasa main door na ito at nakangiting sinasalubong ang mga bagong dating. “Alona?” Hindi na napigilan pa ni Rene ang sarili at niyakap na si Alona. Kilala niya ang dalaga dahil palagi itong nagbibigay sa kanilang mga security guard ng meryenda. Sa tuwing uuwi ito galing sa eskwela ay hindi pwedeng wala itong dalang pagkain para sa kanila. “Buti naman at maayos lang ang lagay mo. Ikaw ang una kong naisip nang mangyari ito.” Napangiti si Alona. “Thank you, kuya.” “Buti hindi napasok ang bahay na ‘to ng mga halimaw na ‘yon?” sabi ng lalaking itim na t-shirt. “It’s because of my mom,” singit ni Elli. Tiningnan niya isa-isa ang mga bagong dating. “Lahat ng kasama mo mga bata?” tanong ni Rene kay Alona. Tumango si Alona. “Bahay ‘to nila Elli. Her siblings are in her room and Ms. Santiago’s son.” “Mukhang maling desisyon na pumunta tayo rito,” ani ng isang mahaba ang buhok. Kanina pa masama ang tingin nito kina Alona at Elli. Kaya naman ay hindi mapakali ang huli. Nilingon ito ni Rene at kinunotan ng noo. “May bata tayong kaharap, Jose,” kalmado ngunit may himig ng pagbabantang sabi niya. Dumura lamang ang tinawag nitong Jose at saka tumalikod sa kanila. Napailing na lamang si Rene at muling humarap kina Alona at Elli. “Kayo ba ang dahilan n’on?” tinuro ni Rene ang mga nakahandusay na mga zombie. “May narinig kasi kaming mga putok ng baril kahapon kaya napapunta kami rito. Hahanapin na rin sana namin ‘yon kahapon kaso naglabasan na ang mga asong ‘yon kaya hindi na muna namin tinuloy.” Tumango si Alona. “It was Elli. Naubusan kasi kami ng pagkain at narinig naming humihingi ng tulong Malcolm kaya ni rescue namin siya.” Tumingin si Rene kay Elli. “Marunong ka gumamit ng baril, hija?” “O-Opo.” Namangha ang si Rene sa sinabi nito. “At mayroon kang baril?” “Bakit?” tanong na ni Elli. “Wala naman.” Nilibot ni Rene ang paningin niya sa bahay nila Elli. Napako ang tining nito sa isang bintana sa ikalawang palapag kung saan may tatlong batang nakasilip. “Sila ba ‘yon?” “Opo, kuya.” Muling ibinaba ni Rene ang tingin. “Bukod sa kanila ay wala na kayong ibang kasama rito?” “Wala na po kuya.” “May maliit kaming kampo na ginawa sa may court. Mayroong mga survivors din na andoon, gusto ko sanang isama kayo roon kaya naparito kami. H’wag kayong mag-alala, mas ligtas kayo roon lalo pa’t mga bata pa kayo. Mga nakatira rin dito ang mga kasama namin doon.” Nagkatanginan si Alona at Elli. “M-May iba pang survivors?” namamanghang tanong ni Alona. “Oo, hija. Nasa opisina ng hoa ang mga nakaligtas. Mga nakita namin silang survivors noong mag-umpisa nang magkagulo. Yung iba ay mga nakita lang namin habang naghahanap kami ng mga makakain sa bahay-bahay.” Tumingin si Rene kay Elli. “May mga bata rin doon.” Natahimik si Alona, pagkatapos ay bumuntong hininga. “Sige ho, kuya.” “Pero, Ate. Paano sila mommy at daddy?” pigil ni Elli. Nilingon siya ni Alona at nilapitan. “Mas maganda kung marami tayong kasama, Elli.” “Nasaan ba ang magulang mo, hija?” tanong ni Rene. “Babalik daw po kasi sila-” “At umasa ka naman?” singit ni Jose. “Bata, tumingin ka sa paligid mo. Sa tingin mo ba buhay pa sila?” “Ano ba, Jose?!” Nilapitan ito ng lalaking nakakulay asul na T-shirt. Mas matangkad ito ng kaunti kay Jose. Bahagya nitong tinulang ang balikat ni Jose. “Bakit?! Mali ba ako?” angil ni Jose. “Nakalimutan mo na ba ang nangyari sa nobya mo, Edison?” Hindi na nakapagpigil pa ang lalaking nagngangalang Edison, kinuwelyuhan nito si Jose at nanlilisik ang mga matang tinitigan ito. “Magdahan-dahan ka sa mga sinasabi mo,” may diin nitong sabi. Ngumisi lamang si Jose at ginantihan ng nakakalokong tingin si Edison. “H’wag kang bulag, pare. Nagsasabi lang ako ng totoo.” “Tama na ‘yan!” sigaw ni Rene. “Tingnan niyo ang ginawa n’yo sa bata!” Lahat sila ay napalingon kay Elli na nanlilisik ang mga mata nitong nangingilid na ang mga luha habang nakatingin kay Jose. Nakakuyom ang mga palad nito na bahagya nang nanginginig. Para namang natauhan si Edison at binitawan si Jose. “My mom and dad are alive! They are alive!” sigaw ni Elli at tumulo na ang mga luha. Tumakbo siya papasok sa loob ng bahay. Dumeretso siya sa kwarto ng kanyang magulang. “You’re alive mom... dad... right?” umiiyak na sabi ni Elli habang nakatingin sa naka frame na picture ng kanyang magulang na nasa bedside table ng mga ito. “Please... be alive.” Humagulhol na si Elli. Naiintindihan na niya ang nangyayari ngayon, kagaya sa mga palabas na kanyang napapanood at sa mga video games. Malaki ang posibilidad na mangyari na nga iyon sa kanila. Ngunit hindi iyon matanggap ni Elli, hindi niya ata kakayanin kung makita niyang isa nang mga zombie ang kanyang magulang. “Elli,” nagaalalang tawag ni Alona kay Elli. Tinabihan niya ito sa pagkakaupo sa kama. “A-Ate... they’re alive right? Buhay sila. Mommy promised me they will be back. Susunduin lang daw niya si Dad.” Tinitigan ni Elli sa mga mata si Alona. Umaasa siyang sasagot ito ng oo. Bumuntong hininga si Alona at saka niyakap si Elli. “I know, masyadong mahirap para sa ‘yo ang tanggapin ang pangyayaring ito. But Elli, I won’t stop you if you think they are still alive. Then they will live. Let’s pray na they are in the safe place now. Maraming pwedeng mangyari pero sana ay handa ka sa kahit na ano mang mangyari.” Natahimik si Elli at napatingin sa kawalan. Hindi niya kaya, hindi niya makakaya kung malaman o makita niyang wala na ang mga magulang niya. Paano na lang sila? Ang mga kapatid niya? Ano ang sasabihin niya sa mga ito? “They should be alive ate. She promised me,” Elli said as she started crying again. “Okay, they are. They will.” Tinapik-tapik ni Alona ang likod ni Elli. Ayaw niyang sirain ang pagasang nararamdaman ng bata. Masyado pang mura ang edad nito para matanggap ang nangyayari sa paligid niya. © 02-26
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD