Chapter 8: The Camp

1821 Words
 “Dito na kayo. Since magkakasama naman kayo ay maganda siguro kung iisa lang ang kwarto niyo,” ani ng isang babaeng nakapantalon at puting t-shirt. Hanggang balikat lamang ang buhok nito at maliit lang. “Ako si Linda, pwede niyo akong tawaging ate Linda, tita Linda. Kayo bahala.” Tumingin ito kay Alona hawak-hawak sa kamay si Tj. “Pero hindi naman ako nalalayo sa edad ni Alona kaya, ate Linda na lang din ang itawag niyo sa akin.” Nilibot ni Elli ang paningin niya sa loob ng silid. Maliit lamang iyong ngunit malinis. Sa kabilang gilid ay mayroong dalawang double deck na higaan. Napapagitnaan ng dalawang higaan ang malaking bintana at sa ilalim n’yon ay mayroong maliit na cabinet. Mayroong ding maliit na lamesa sa may pinto sa dulo ng mga higaan. Mayroon doong dalawang upuan na kahoy. Bukod doon ay wala  nang ibang makikita pang mga gamit. Matapos siyang kumbinsihin ni Alona ay napapayag siyang sumama na kina Mang Rene. Na isip niya rin sa bandang huli na kailangang may kasama silang mga matatanda kung gusto niyang mas mapabuti ang mga kapatid niya. “Salamat po, ate Linda.” Nginitian ni Alona si Linda. Inakay na niya paupo ang mga bata sa kama. Samantalang si Elli naman ay nanatiling nakatayo sa may pinto. Iilang pirasong mga damit lang ang dala nila. Hindi na sila nagdala pa ng maraming gamit dahil iyon ang pinayo sa kanila ni Mang Rene. Ngunit dinala nila lahat ng mga pagkaing nakuha nila. Maging ang mga matatalas na mga bagay na pwede nilang gamitin panlaban sa mga nilalang na iyon. “Narinig ko pala ang nangyari kanina sa inyo.” Bumuntong hininga si Linda. “’Pag pasensyahan niyo na ‘yung si Jose. May pinagdadaanan kasi ‘yon.” Kumunot ang noo ni Elli. “Bakit? Ano pong nangyari sa kanya.” Bumuntong hininga muna si Linda. Umupo ito sa may upuan at pumwesto na para bang mahaba-haba ang kwento nito. “Sa totoo lang, galing pa kaming Baguio. Alam niyo na bang doon nagumpisa lahat ng kaguluhan na ‘to?” Isa-isang tiningnan ni Linda sina Elli, Alona at Malcolm. Tumango naman sila maliban kay Malcolm na wala pang alam. “Umupo ka nga rito, hija.” Itinuro niya ang upuan na katabi niya habang nakatingin kay Elli, sumunod naman ito kaagad matapos isara ang pinto. “Nakita namin sa internet yung tungkol doon,” sagot ni Alona. “Tama ‘yon. Sa mismong barangay naming nangyari iyon. Hindi nga namin alam kung paano nangyari eh, sobrang bilis ng pangyayari.” Lumungkot ang ekspresyon ng mukha ni Linda pero agad nitong iwinaksi iyon. “Si Jose, katrabaho ko siya sa mall. Nang mangyari ang kaguluhan ay kasama ko siyang bumalik sa barangay namin. At… at nang dumating kami roon halos wala na kaming na abutan.” Nangilid na ang mga luha ni Linda. “Sobrang gulo. Nagkalat ang mga dugo sa kalsada. Mga putol na parte ng katawan at kung ano-ano pa. Pinakamasakit sa lahat ay n’ong makita namin ang pamilya namin.” Tumigil saglit si Linda at pinunasan ang papatulo nang mga luha.. “Una naming pinuntahan ang pamilya ni Jose. Sobrang tuwang-tuwa siya nang makita niyang buhay pa ang mga ito at nagtatago lamang sa kwarto nila. Pero… nakagat pala ang nag-iisa niyang anak na babae. Unti-unti na iyong nagpapalit ng anyo nang makita namin. Pilit niyang hinihila ang asawa niya pero hindi ito bumibitaw sa anak nila. Hanggang sa magbago na iyon ng anyo at kagatin na rin ang kanyang asawa. Awang-awa ako n’on kay Jose kasi halos mabaliw siya dahil sa nangyari. Ang loko, gusto na nga ring magpakagat kung hindi ko lang sinuntok.” Natawa ng bahagya si Linda. “H-How about your family, ate?” tanong ni Elli nang tumigil ito sa pagsasalita. Bigla siyang nakaramdam ng awa kay Jose kanina dahil sa sinabi ni Linda. Ngayon ay nauunawaan na niya kung bakit nito nasabi ang mga iyon. Umiling si Linda at ngumiti ng mapait. “Wala na. Hindi na rin namin sila naabutang bu- tao pa. Sa baranggay namin, dalawa lang kami ni Jose na nakaligtas. ‘Yon yung alam naming dalawa. Hanggang sa napadpad na kami rito sa syudad.” Napalunok si Elli sa sinabi nito. Bigla niya tuloy naisip ang kanyang magulang. ‘Please be alive, mom and dad. Come back to us.’ “I-I’m sorry,” ani Alona na nangingilid na ang mga luha. Si Malcolm naman ay bigla na lang umiyak. “S-Same to what happened to my family,” umiiyak na sabi ni Malcolm. Lumapit si El kay Elli. “A-Ate, p-paano na sila mom and dad? They’re still alive, right?” Nangingilid na ang mga luha ni El. Niyakap ni Elli ang kapatid. Mabilis niyang pinunasan ang luhang tumulo na sa kanyang mga mata. “Yes… yes, El. They’re alive.” Ayaw niyang sirain ang pag-asang mayroon ito. Ayaw niyang panghinaan ito ng loob. Bigla namang pumalahaw ng iyak si Tj. “W-Why are you crying?” Mabilis itong nilapitan ni Alona at inalo. “Sshh… it’s okay. Tahan na.” Niyakap niya ito. Biglang tumayo si Linda. “Hay naku. I know, hindi madali ang nangyayari sa atin ngayon. Masyado pang mahirap na intindihin para sa inyo dahil mga bata pa kayo. Pero, kung ano’t ano man. Andito kami, okay? Aalagaan namin kayo, gagawin namin ang lahat para maging ligtas lang din kayo. Kaya natin ‘to. Hanggat tulong tulong tayo ay kakayanin natin ‘to.” Ngumiti sa kanila si Linda. “Y-Yes. Kaya natin ‘to,” ani Malcolm. “Tama, kaya natin ‘to,” mahinang sabi ni Elli. Kaya nila, kakayanin niya para s akanyang mga kapatid. Hindi niya pwedeng ipakita sa kanila na pinanghihinaan siya ng loob. Kailangan maturuan niya ring maging matatag ang kanyang mga kapatid. “Okay. Mamaya, babalik ako rito. Magpahinga muna kayo. Tatawagin ko kayo kapag oras na ng tanghalian.” Nagpaalam na si Linda. Nang kumalma na sila ay inayos na nila Elli ang mga gamit nila. Ipinatong lang nila ang mga bag nila sa ibabaw ng mga kama nila. Sa kanang parte, sa itaas ay doon sila Tj at El. Sa ibaba naman nila ay si Elli. Sa kaliwa ay sa itaas ay si Malcolm ang pumwesto at sa ibaba naman ay si Alona. Nasa HOA office sila ng subdivision nila. Iyon ang ginawang camp nila Mang Rene dahil bukod sa iyon ang pinaka malaking building sa kanila ay ito rin ang pinaka mataas at maraming mga kwarto. Malalaki naman ang mga bahay roon ngunit mas pinili na nila rito dahil ito ang pinaka malapit sa exit. Mula sa rooftop ay matatanaw ang malawak na subdivision nila, kita rin mula roon ang gate ng subdivision. Bukod pa roon, dito rin sa HOA office ang pinaka opisina ng mga security guard sa subdivision. Sa ground floor ang kanilang opisina at ang mga monitor na nagpapakita sa mga CCTV na mayroon ang buong subdivision. Isa rin sa dahilan kung bakit ito ang napili nila ay ang paligid nito ay may mataas na mga bakod na gawa sa bato. May malaking bakal na gate sa harap at sa likod ay mayroong maliit na gate na tao lamang ang kakasya. Makalipas ang ilang sandali ay bumalik sa silid nila si Linda. Inaya na sila nito papunta sa ikatlong palapag dahil doon ang ginawa nilang canteen at kusina. Mayroon iyong limang palapag at ang silid nila ay nasa ika-apat. Pagdating nila sa canteen ay marami-rami ang mga tao. Karamihan doon ay mga lalaki, iilan lang ang mga babae at ang mga batang na andoon. Wala manlang mga matatanda. “Dito tayo.” Tinapik ni Linda ang pangatlong lamesa mula sa mga lagayan ng mga pagkain. Mayroon doong limang na mahahabang lamesa na nakahilera. Sa unahang parte ng silid ay mayroong pahabang lamesa, nakalatag doon ang mga mga pagkain at mga plato’t kutsara. Mayroon doong dalawang babaeng nakatayo at nagsisilbing serbadora sa mga kumakain. “Kayong dalawa,” itinuro niya si El at Tj. “Dito na lang kayo, kami na lang ang kukuha ng pagkain niyo. Lika na?” Sumunod sina Elli, Alona at Malcolm kay Linda. Si El at Tj ay nanatili sa lamesa at naghintay roon. Pagkatapos ay umupo na sila sa lamesa. Magkakatabi si Elli, El at Malcolm. Sa kabila ay sina Alona, Tj, at Linda. Sinusubuan ni Alona si Tj na tahimik lang tumitingin-tingin sa paligid.  “Sa unang palapag, andoon nakabase ang mga nagsisilbing guard ng building na ‘to. Andoon sila mang Rene, Jose, Edison at ang iba pa. Sa ikalawang palapag ay ang nagsisilbing headquarters o meeting place natin. Sa ikatlong palapag naman ay ito, dito tayo kumakain at ang kusina. Sa ika-apat at limang palapag ay ang nagsisilbing kwarto natin. Sa ika-limang palapag din ang linisan natin, labahan ng mga damit ba. Sa rooftop ang pahingahan o sampayan o ano pa man,” mahabang paliwanag ni Linda habang kumakain. “Bawat palapag ay mayroong mga cr. Pero sa fifth-floor din talaga ang nagsisilbing paliguan ng mga tao rito.” “Can we play here?” masiglang tanong ni Tj. “Y-Yes, Tj.” “Yehey!” “But you should be quiet, okay?” ani pa ni Linda na ikinatahimik na ni Tj. “Ilang tao ang nandito, ate?” tanong ni Alona. “Hindi lalagpas ng fifty. Kalahati ng mga tao rito ay mga taga-rito lang din. Pero yung iba, kagaya namin na taga-labas, mga naghahanap ng lugar na pwedeng pagsilungan nang dahil sa delubyong nangyayari ngayon.” Napatango-tango si Elli. ‘That’s why some looks familiar.’ Matapos nilang kumain ay bumalik na sila sa kani-kanilang mga silid. Dala-dala pa rin nila ang mga gadgets nila kaya kahit papano ay hindi naging boring ang araw nila. Bukod kasi sa hanggang ngayon ay mayroon pa rin sa kanilang kuryente ay maging ang internet ay hindi pa rin nawawala. Malaki ang pasasalamat nila dahil doon. “We’re gonna survive this ate, right?” wala sa sariling tanon ni Elli kay Alona. Nakaupo siya sa kama niya habang pinaiikot-ikot ang cellphone na hawak niya. Napatingin naman sa kanya si Alona na abala sa paglalagay ng bub wires sa baseball bat na hawak niya. “Of course. Why?” Elli shrugged her shoulders and sighed. She looks at her two brother that is playing in the floor. Nagdala sila ng ilang mga laruan nito at mga gamit sa eskwelahan para hindi sila maboring habang andoon sa kwarto. “Nothing,” she just said tries to contact her parents again. Pero kagaya ng huli ay bigo pa rin siya. ‘Yes, we can survive this. As long as we’re together. We can make it.’   © 02-28 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD