Chapter 6: Staying Alive

1775 Words
“Ate, I saw what happened. Why did you shoot those people?” nakakunot ang noong tanong ni El sa kapatid. Napatigil si Alona sa pagluluto niya at tiningnan ang magkapatid. Samantalang si Elli naman ay itinigil din ang ginagawang pagtatadtad ng karne at lumapit sa kapatid. “Did you peek at the window?” tanong ni Elli. Tumango si El at tiningnan ang kapatid sa mga mata. Huminga ng malalim si Elli at saka lumuhod upang makapantay niya ito. “I... I shoot them because they’re not a human anymore,” paliwanag niya. “El. Hindi ibig sabihin n’on pinatay ko sila.” “What do you mean?” “Remember ‘The Walking Dead?’” “Yes.” “They’re like those things.” “What? The zombies?” Kumunot ang noo ni El. Alam niya ang palabas na iyon dahil palagi nilang pinapanood iyon. “Yes, El. The zombies. The walkers.” “Impossible!” El exclaimed in disbelief. Hindi siya makapaniwala na totoo ang mga zombie. Sa mga palabas lamang niya nakikita ang mga iyon at imposibleng magkaroon ng gan’on. Hindi naman sila nalabas palagi ng bahay kaya ay hindi siya nagtataka kung bakit hindi sila nalabas. Ang pinagtataka niya lang ay kung bakit hindi sila pinalalabas sa closet. Kanina, habang wala si Elli at Alona ay sumilip siya sa bintana. At ganon na lang ang gulat niya nang makitang mayroong mga kakaibang nilalang sa loob ng bahay nila Ms. Santiago. Pilit inaabot ang ate niya. “I-I’ll show you later, okay? I’ll explain it to you.” Tinitigan pa muna ni El si Elli saka marahang tumango. Hindi magsink-in sa mura niyang isipan ang sinabi nitong mayroon ngang zombies sa labas nila. “Ate, what is zombies?” inosenteng tanong ni Tj kay Elli. Lumapit na ito sa kanila. “It’s a...” Tumingin si Elli kay Alona. Tinaas baba lamang nito ang dalawang kilay. “It’s a dog, Tj. Maghugas na kayo ng kamay and wait for us,” salo sa kanya ni Alona. Magsasalita pa sana ang dalawa nang bumukas ang pinto ng kwarto ni Elli at iniluwa si Malcolm. Litaw na litaw na ang mapusyaw nitong balat. Kahit na humpak ang mukha nito ay mababakas pa rin ang kagwapuhan nito. The smell of the shower gel he used is filling the whole room. “Kuya Malcolm?” nanlalaki ang mga matang tawag ni El dito. “Hi El!” nakangiting bati ni Malcolm kay. Agad namang lumapit dito si El at in-apiran ito. Magkasundo ang dalawa pagdating sa pagiging nerd nito. Si Malcolm kasi ay ang nangunguna sa klase nila Elli. Ito ang takbuhan nila sa tuwing mayroon silang hindi na iintindihan sa mga lessons nila. “What are you doing here?” tanong ni El. “I was saved by your sister and ate Alona.” “Oh,” napaisip si El. Matapos niya kasing makitang binaril ng ate niya ang mga kakaibang nilalang na iyon ay hindi na niya kinaya pang manood. Hinila na lamang niya si Tj papasok sa loob ng closet at doon nagtago. Lumabas lamang sila nang makita na niyang pumasok si Elli sa loob ng kwarto nila. Nang sumilip siya ulit sa bintana ay nakahandusay na ang mga nilalang kanina at nagkalat ang mga dugo sa parteng iyon. Doon niya lang din napansin ang iba pang mga nilalang sa mga kapitbahay nila. “Sige na. Magpahinga na muna kayo at tatapusin ko lang ‘to. Kailangan na nating patayin ang ilaw mamaya,” ani Alona. Pumasok na ng tuluyan si Malcolm sa loob ng kwarto at isinara na ang pinto. Sila El at Tj naman ay nagpunta sa banyo para maghugas ng kamay. Pagkatapos ay nakipagkwentuhan na kay Malcolm. Hindi na napigilan pa ni Elli si Malcolm nang magkwento ito sa kapatid niya sa nangyari. Hindi na tuloy nagsalita pa si El matapos marinig ang sinabi ni Malcolm.   “THANK you for the food!” masayang sabi ni Malcolm at dumighay ng malakas. “Sorry,” anito habang nakangiwi. Napangisi lang si Alona. “Gusto mo pa?” Umiling na si Malcolm. “I guess, I’m done. Ang dami ko nang nakain eh.” “Yeah right, mukhang naubos mo na nga yung na loots ni ate eh,” nakangusong sabi ni Elli. Iniluto kasi ni Alona ang isang kilong hotdog na nakuha nito kanina at halos ang kalahati n’yon ay si Malcolm lang ang kumain. “It’s okay Elli, maghahanap na lang ako ulit ng pagkain natin,” natatawa namang sabi ni Alona. Hindi na sumagot pa si Elli at inirapan na lang si Malcolm. Noon pa man ay mainit na ang dugo niya sa binata. Ito kasi ang numero unong nagsusumbong sa mommy nila sa nangyayari sa kanya sa klase nila. “Sorry. Hindi ko na napigilan. Wala kasi talaga akong nakain nung nasa closet ako.” “We’re same kuya. Nasa closet lang din kami the whole time and we just go out in morning and also if we’re eating,” ani El. “Really?” Ngumiti ng pilit si Malcolm. “At least the three of you is still together,” malungkot na sabi niya. El frowned and look at Malcolm with a confused face. He was about to open his mouth but Tj butt in. “Where is your mom and dad?” Tj asked. “They’re sick Tj. Right, Malcolm?” biglang singit ni Elli at tiningnan ng makahulugan si Malcolm. “Ahh... y-yes, Tj. May sakit sila,” nasabi na lamang ni Malcolm at ngumiti kay Tj. “That’s why you’re here?” “Enough with that. Maghugas na kayo ng mga kamay at magbihis ng pantulog. Maggagabi na,” pigil ni Alona sa kanilang paguusap. Magsasalita pa sana ang dalawa ngunit inakay na ni Elli ang mga ito papuntang banyo. Nilinisan niya ng katawan si Tj at pagkatapos naman ay iniwan niya si El sa loob ng banyo para namang maglinis ng katawan nito. Si Alona at Malcolm naman ang nagligpit ng pinagkainan nila. Pagkakatapos ng hapunan nila ay iniiwan muna nila ang pinagkainan nila sa kusina at kinabukasan na hinuhugasan. Oras na kasi ng gising ng mga zombie's kaya tuwing gabi ay hindi sila gumagawa ng ingay hanggat maaari. Pagkatapos nilang gawin ang kanilang mga gawain ay kanya-kanya na silang pumwesto sa loob ng kwarto ni Elli. Si Malcolm ay binigyan ni Elli ng comforter, unan at kumot at sa may bintana. Si Alona ay nasa may pinto ng kwarto. Si El at Tj naman ay sa kama na nila pinapwesto n’ong gabing iyon at si Elli ay nasa paanan ng kama. Nang masiguro na nilang maayos na ang lahat ay pinatay na ni Alona ang ilaw. Muli ay nabalot ng katahimikan ang buong paligid at tanging mga huni na lang ng mga zombie sa labas ang kanilang naririnig. Madilim na rin ang paligid kaya wala nang nagtangka pang magsalita sa kanila. “Ate Elli,” tawag ni El sa ate pagkalipas ng ilang sandali. Agad na umupo si Elli at sinilip ang kapatid. Alas nwebe na base sa nakita niya sa wallclock niya. “Why?” “C-Can I sleep next to you?” Bumungtong hininga si El. “Okay. I’ll sleep there.” Dahan-dahang tumayo si Elli at umakyat sa kama. Hindi kalakihan ang kama niya naman ay patagilid ang pwesto nila. Iniusod na lamang ni Elli si Tj at pinwesto ito sa may headboard ng kama niya. Si El ang nasa gitna at nasa may dulo siya. “W-What will happen to us now, ate? Mamamatay na ba tayo?” tanong ni El pagkalipas ng ilang sandali. “No. H’wag kang mag-alala El. I will take care of you no matter what.” Umiral na ang pagiging matatakutin ni El kaya naman ay sinusubukan ni Elli na palakasin ang loob nito. “But where is mom and dad? Are they zombies too?” Natigilan si Elli sa tanong ng kapatid. Napatitig siya sa kisame at inalala ang kanilang magulang. Honestly, she doesn’t know. Ilang araw na niyang sinusubukang kontakin ang telepono ng mommy niya pero wala pa rin. “I don’t know El. But I know they’re still out there. Trying to survive this outbreak.” “Makikita pa rin naman natin sila ‘di ba?” “Of course. You know mom and dad. Kapag pinangako nila ay gagawin nila. Kaya habang wala sila ay ako ang bahala sa inyo. I will protect the two of you no matter what. So, don’t be a scaredy cat, okay?” Narinig niyang bumuntong hininga si El. “I’m really scared ate. My heart is pounding. I saw their faces and they really look like a monster. And... and that sound. They are making those sound, right?” Elli took a deep breath and faced El. “Go to sleep. Tomorrow they will be gone. You just have to sleep now.” “What if they come inside?” “I will shoot them. You have to learn how to shoot too.” “I don’t want. Nakakabingi kaya ‘yon.” “Matulog ka na nga. Sige na.” El sighed and close his eyes. “But, thank you ate. Thank you for protecting us. I love you.” Elli smiled. “I love you too. I will protect you with all my might.” Unti-unti na ring bumigat ang mga talukap ng mata ni Elli. Dahil sa pagkahapong kanyang nararamdaman ay unti-unti na rin siyang nakatulog.     “ANO ‘yon?!” Napabalikwas ng tayo si Elli. Maliwanag na sa labas at hindi kagaya n’ong mga nakaraang araw ay napakaingay ngayon sa labas. Sunod-sunod ang kalampagan na kanyang naririnig na nagmumula sa malayo at palakas iyon nang palakas. Bumaba siya sa kama at tinapik si Alona. “Ate, may maingay po sa labas.” “What?” Pupungay-pungay pa ang mga matang tumayo si Alona. Si Malcolm naman ay nagising din at tumayo. Ito ang unang lumapit sa bintana. “A-Ano ‘yon?” nanlalaki ang mga mata niya habang sinisilip ang gumagawa ng ingay. Nagkatinginan si Elli at Alona. Hinawi nila ng malaki ang kurtina at tiningnan ang nakita ni Malcolm. “It’s-” Sabay-sabay silang napaupo at napatakip ng tenga dahil bigla na lang silang nakarinig ng malakas putok ng baril.   © 02-25
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD