Chapter 40: Goodbyes

1462 Words

9:45 AM, the First Day of the bombing.   “’Lo!” tawag ni Mikoy sa kanyang Lolo na nagbabawas sa may bakanteng lote. Lumingon ito sa kanya. “Iihi ka rin?” “Opo.” Tumabi si Mikoy sa kanyang lolo. Bahagya niyang ibinaba ang kanyang salawal upang magbawas ng tubig sa katawan. Tahimik lamang siya habang nakatanaw sa nagyayabungang d**o na nasa kanilang harapan. Hindi maiwasang kilabutan dahil sa nakabibinging katahimikan ng paligid. Napaka tahimik na ngayon ng Dasma. Yung dating napaka ingay at puno ng traffic ay wala na. Para bang biglang naging ghost town na ang paligid at tangin mga huni na lamang ng mga nakakatakot na nilalang ang naririnig. Mga nilalang na kumakain ng tao. “Buti na lang talaga natuli ka bago magkaroon ng mga zombie,” tatawa-tawang sabi bigla ni Mang Kanor. “Dahi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD