Chapter 9: The Sharpshooter

1815 Words
“Kuya Jose.” Nilapitan ni Elli si Jose na nakatanaw sa malayo. Gusto niyang magpahangin kaya naman naisipan niyang pumunta sa rooftop. Naabutan niya roon si Jose na nakaupo sa isang plastic na upuan na may sandalan. Mayroon itong hawak na Colt M16 Rifle, nakita niya iyon noong tinuturo sa kanya ng kanyang ama ang iba’t ibang klase ng mga baril. Masyadong mahangin sa rooftop kaya naman ay tama ang kanyang desisyon na magsuot ng jacket. “Ano?” tanong ni Jose. Mababakas ang pagka-irita sa boses nito at lalo iyong napatunayan ni Elli nang lingunin na siya nito ng nakasimangot. Nginitian lamang ito ni Elli at tinabihan.  “Wala. Why are you alone here?” Bahagya niyang hinawi ang buhok na tumatabing sa kanyang mukha. Inirapan siya nito. “Gusto kong mapag-isa kaya umalis kana rito.” Bahagyang na pasimangot si Elli. “Turuan mo ako niyan?” ani niya sabay turo sa hawak nitong baril. Nangunot ang noo ni Jose. Sandali niya itong nilingon at sinundan ang tingin ng tinuturo nito. “Ito?” Tinaas niya ang baril. “Hindi bagay ‘to sa bata.” Lumabi siya. “Sige na po. I want to learn.” Bumuntong hininga si Jose. “Ang kulit mo rin ano?” “Sige na kuya.” Hinawakan niya pa ang braso nito at bahagyang hinatak ang suot nitong jacket. Ilang sandaling nag-isip si Jose. “Sige. Total naman ay nasa ganitong sitwasyon na tayo. Dapat marunong ka rin nang kahit na anong baril.” Tumayo si Jose at inabot sa kanya ang baril na hawak nito. Mabilis pa sa alas-kwatrong kinuha iyon ni Elli. Malapad ang kanyang mga ngiti habang sinisipat ang mahabang baril. Agad niyang pinihit ang selector lever sa semi-automatic, inasinta niya ang isang ang isang zombie na nasa kabilang bahay at biglang pinindot ang trigger. “Ay puta- akala ko ba wala kang alam?!” Napanganga si Jose sa kanyang nasaksihan. Sapo-sapo niya ang kanyang dibdib at nandidilat ang mata na tiningnan si Elli. Nang tiningnan niya ang binarily nito ay halos humiwalay ang kanyang panga sa mukha. Nakalaylay na ang katawan ng isang zombie mula sa kabilang bahay. Tumutulo ang malapot na dugo mula sa butas nitong ulo. Muling binalik ni Elli sa safety mode ang baril at inabot iyon kay Jose. Nginisihan niya ito ng malapad. “I’m just joking, sorry. I know how to use some gun because of my father. And that one,” tinuro ni Elli ang baril. “Is what I love the most.” Napalunok si Jose nang marinig niya itong magsalita. Kunyari ay may pinahid si Jose sa kanyang ilong. “Pwede bang magtagalog ka? At sa susunod h’wag mo na akong ginugulat ha.” “Sorry, I’m trying.” Ngumiwi si Elli. Umingos lang si Jose at inabot muli ang baril kay Elli. Muli niyang binalikan ng tingin ang pinaslang nitong zombie. Hindi siya makapaniwala na ang isang batang kagaya niya ay marunong humawak ng baril at magaling umasinta. “Isa pa nga. Patayin mo ‘yon.” Tinuro ni Jose ang isang zombie na nasa ikalawang bahay mula sa kanila. Isa iyong babae zombie na nakatalikod sa may bintana. Kumunot ang noo ni Elli. “Ha? Bakit?” “Gusto kong makita kung gaano ka kagaling.” Lumabi si Elli at nag-isip saka sinabing, “Okay.” Nakangiti niyang kinuha ang baril mula kay Jose. Muli niyang pinalitan ang lever ng baril sa semi-automatic mode at inasinta ang baril. Nang masiguro niyang asintado na niya iyon ay kinalabit na niya ang trigger at sapul ang zombie sa ulo nito. Mula pa lang ng limang taong gulang siya ay humahawak na siya ng baril. Kaya hanggang sa umabot siya sa ganitong edad ay magaling na siyang umasinta. “Whoa!” Nanlalaki ang mga mata ni Jose habang pumapalakpak. “Magaling ka pala bata eh. Hindi kami mahihirapan sa ‘yo.” Wala sa sariling inakbayan ito ni Jose. “Hindi na kami magiging pabigat?” nanunudyo niyang tanong. Tumawa ng malakas si Jose. “Sorry naman. Mahirap kasi kapag may bata sa ganitong sitwasyon.” “Mahirap o ayaw mo sa bata?” “Hmm.” Biglang natigilan si Jose sa tanong ni Elli. Bumuntong hininga siya at muling umupo. “Sorry, na alala ko kasi bigla ang pamilya ko noong makita ko kayo. Tsaka, ayaw lang kitang paasahin dahil masakit. Masakit kapag malaman mong wala na pala ang inaasahang mong buhay pa,” malungkot na turan niya. Tiningnan ni Elli nang punong-puno ng awa si Jose. Hindi pa man niya alam kung gaano kabigat ang nararamdaman nito ay nakikisimpatya pa rin siya rito. “Apology accepted.” Ngumiti siya ng mapait. “Pero you know what kuya? That little hope that you are saying is the only reason why I wanted to live. I know, pwedeng hindi ko na makita ang parents ko, but I’m still hopeful. Saka ko na iisipin ang mararamdaman ko kapag makita kong wala na nga sila.” “Ilang taon ka na nga ulit?” “Ten-oh… my birthday is coming.” Napabuntong hininga siya nang maalala niyang malapit na ang kanyang kaarawan. “Ten ka pa lang?” hindi makapaniwalang tanong ni Jose. “Why? What’s wrong with ten years old?” Umiling si Jose. “Wala.” Hindi siya makapaniwalang sampung taong gulang pa lang ang batang kausap niya. Bukod kasi malaking bulas ito na para bang dalaga na, kung magsalita rin ito ay para nang isang matanda. “I want to learn how to drive, kuya. Can you teach me?” “Ha? Ako?” Tiningnan niya ito ng hindi makapaniwalang tingin. Tumango si Elli. “Bakit ako? “I’m more comfortable with you.” “Hindi ka natatakot sa akin? Hindi mo naman ako kilala ah. Paano kung gawan kita ng masama?” “I know how to use a gun and how to fight. I can protect myself,” deretsang sabi ni Elli. Tinitigan niya sa mga mata si Jose na para bang sinasabi niyang ‘Try me.’ Sasagot pa sana si Jose nang tumunog ang radio nito. “Hello. Punta muna kayo rito sa meeting area. May pag-uusapan lang tayo,” ani ng boses ng lalaki na sa hinuha ni Elli ay si Mang Rene. Tumayo na si Jose at naglakad papunta sa pinto ng rooftop. Mabilis na sumunod si Elli kay Jose. “Saan ka pupunta?” tanong ni Jose rito ng hindi manlang ito tinitingnan. “I want to come with you.” Naiinis na bumuntong hininga si Jose. “Bahala ka nga,” mahina niyang sabi. Ayaw niya sanang makipaglapit sa mga batang andito sa kampo, lalo na kay Elli. Na aalala niya kasi ang kanyang anak. At higit sa lahat ay ayaw niyang magkaroon pa ng koneksyon sa mga tao rito. Mas malayo ang loob niya ay mas kaunti ang sakit na kanyang mararamdaman.     “ATE!” Lumapit si Elli kina Alona na nasa meeting area rin. Katabi nito ang mga kapatid niya at si Malcolm. “Where did you go?” tanong ni Malcolm. “In the rooftop.” Umupo siya sa tabi nito at tumingin kay Mang Rena na sa unahan. Nakatayo ito sa tapat ng mahabang lamesa. Nakita niya rin doon sina Linda, Edison at ang mga taong sumundo sa kanila. Si Jose naman ay nanatiling nakatayo sa may pinto. Karamihan ng mga lalaki roon ay mayroong mga dalang mga baril. “Andito na ba ang lahat?” Inilibot ni Mang Rene ang paningin sa buong silid. “May… gusto sana akong sabihin kaya ko kayo pinapunta rito.” Sandaling tumigil si Mang Rene. “Paubos na ang mga stock nating pagkain. Kakailanganin namin ng tulong niyo dahil sa labas ng subdivision. Mayroon doong Grocery Store at doon sana naming planong kumuha ng mga kakailanganin natin dito para mas marami.” Napuno agad ng bulong-bulungan ang buong silid. “Hindi ba delikado ‘yon?” ani ng isang binatilyo. “Delikado ‘toy. Kaya kailangan nating magtulungan. Kailangan namin ng mga taong willing sumama at handang lumaban sa mga nilalang na iyon.” “Seryoso ba kayo? Paano kung mamatay kami r’on?” ani ng isang babaeng may maiksing buhok. Nakatikwas ang plakado nitong kilay. “Edi h’wag kang sumama.” Inirapan ito ni Linda. Agad na napahagilhik si Elli at Malcolm nang makita nilang nanlaki ang mga mata ng babaeng nagreklamo kanina. “Kung sino lang ang gustong sumama.” Bumuntong hininga si Rene. “Ganito na lang. Taas ang kamay ng mga taong gustong sumama.” Ilang sandali pa muna ang nakalipas bago mayroong nagtaas ng kamay. Apat na lalaki at isang babae ang nagtaas ng kamay. “Ako si Kim. Marunong ako sa self-defense,” ani ng isang babaeng naka fitted jeans at itim na sando. Hanggang baywang ang kulay ash brown nitong buhok. “Ako rin, Jaypee pala,” ani ng isang lalaking malapad ang ngiti. Nakasando lamang itong puti at itim na jogging pants. Maayos ang pagkakagel ng buhok nitong nakaside fringed. “Ako si Nico,” ani namang ng isang matipuno ang katawan. Tumikhim muna ang isang may katabaang lalaki. “Bruno.” “Peter. Boring na ako rito kaya pasamahin niyo na ako,” ani ng isang mapayat na lalaki. Tumango-tango lamang si Rene. “Wala na ba?” “I’ll come.” Tumayo si Alona. “Sigurado ka ba hija?” tanong ni Rene. Tumango si Alona bilang tugon. Biglang tumayo si Elli. “I’ll come too!” Lahat ng tao sa silid ay napatingin sa kanya. “Elli, will you sit down?” Bahagyang hinila ni Malcolm ang jacket ni Elli. Ngunit tinaasan lamang siya ng kilay ni Elli. Umiling si Alona. Mababakas sa kanyang mukha ang pag-aalala. “I will go, Elli.” “But Ate, know how to fight. I know how to use a gun.” “Ate, don’t go. Stay with us,” pagpupumilit ni El. Agad na nangilid ang luha ni El. “Hija, kami na ang bahalang matatanda. Mas maganda kung dito ka na lang,” suhestyon ni Mang Rene. Bahagyang nakaramdam ng inis si Elli pero pinigilan niyang sumimangot sa harap ng mga nakatatanda sa kanya. “But I can fight. You saw it, kuya Jose, right?” Nilingon niya si Jose na parang nagulat pa noong binanggit niya ito. “Ha? Oo. Magaling ‘tong si bata. Sapul sa ulo.” Nagkatinginan sila Mang Rene at ang mga nakatayo. Maging si Alona ay nakatingin kay Rene at naghihintay sa desisyon nito. “Please! I can fight. I promise you, hindi po ako magiging pabigat!” Bumungtong hininga si Mang Rene. “Sige.” “Yes!”   © 03 – 03  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD