Chapter 10: Game time

1569 Words
“Ate, do you really have to go?” naiiyak nang tanong ni El kay Elli. Katatapos lang nilang maghapunan at nasa loob na sila ngayon ng kanilang silid. Maagang nakatulog si Tj na nasa kama na, habang si El naman ay katabi ni Elli na nagpupunas ng baril na dadalhin niya bukas. Si Malcolm ay nakahiga na sa higaan niya at si Alona naman ay nagbanyo. Tahimik na ang buong kampo at tanging ang mga huni na lang ng mga zombie na gising na ngayon at ang mahinang nililikha ng ingay ng pagkuskos niya sa baril ang naririnig niyang tunog. Tumunghay si Malcolm mula sa kanyang kama. “His right, Elli. You should stay here. Paano na lang kung may masamang mangyari sa ‘yo d’on?” “I have to do this. Para naman may maitulong tayo rito. Hindi purket mga bata pa tayo ay dapat maghintay na lang tayo sa mga nakatatanda sa atin.” “But still, ate. I’m scared for you,” ani El. Mababakas ang takot sa boses nito. Bumuntong hininga si Elli at saka hinarap ang kapatid. Inilapag niya muna ang pistol na hawak niya sa gilid niya. “El, don’t worry. I’ll be okay. I promise that I will come back here, alive.” Tinitigan siya sa mga ni El. Nangungusap ang mga mata nito na h’wag na niyang ituloy ang balak niya. “What if you don’t? Ano’ng mangyayari sa amin? What if you die? What if dito sa camp yung-” “Shh.” Pinutol ni Elli ang sinasabi ni El. Ipinatong niya ang mga kamay niya sa magkabilang balikat nito. “Nothing bad will happen, okay? You will be safe here. Maraming mga bantay ang matitira rito.” Bumuntong hininga lang si El at tumungo. “Okay here.” Kinuha ni Elli ang baril na nililinisan niya kanina. “This is a semi-automatic handgun. Mean, you just have to slide this and point.” Hinila ni Elli ang ibabaw na parte ng baril at saka muling binitawan. “Kapag ginawa mo ‘yon, a cartridge from here,” tinaas naman niya ang magazine na puno ng bala. “Will go to the barrel and you can push the trigger and shoot.” Bahagya namang nawala ang pagkatakot ni El at namamanghang tiningnan ang baril na hawak ng ate niya. Hindi na bago sa kanya makakita ng baril dahil palagi iyong mayroon sa kwarto at opisina ng kanilang daddy. Minsan ay pinapanood niya pa ang daddy nila habang nililinisan iyon. Ngunit ni minsan ay hindi siya nagtangkang hawakan iyon, natatakot kasi siya na pumutok iyon at makapatay siya. “Try pulling the slide.” Inabot ni Elli kay El baril. “Ha? I-I don’t want, ate.” “It’s safe. Try it.” Nagpalit-palit pa muna ng tingin si El kay Elli at sa baril bago nanginginig ang kamay na inabot iyon. “Can I try too?” Bumaba na si Malcolm sa kanyang kama at umupo sa higaan ni Alona. Tiningnan ito ni Elli. “Definitely, you should learn how to use this too. We never know what will happen to us.” Sinubukang hilain ni El ang slide ng baril ngunit parang nakadikit iyon. “It’s… hard. I cannot pull it.” Tumayo si Elli at kinuha ang sarili niyang handgun. Ang baril kasi na nililinisan niya ay ang kinuha niya kanina sa mga supply dito sa kampo, iyon ang gagamitin niya bukas. Binigay naman niya ang isa pang baril kay Malcolm. Sinigurado muna niya iyong wala iyong laman na cartridge sa loob at magazine bago tinuruan si El. “Follow me.” Matapos niyang turuan sila Malcolm kung paano humawak ng baril ay nagpahinga na sila. Dumating na rin kasi si Alona at sinaway na sila sa kanilang ginagawa. Sinabihan na lamang niya ang dalawa na pagkauwi nila ay tuturuan niya ang mga itong bumaril sa rooftop. Patulog na sana si Elli nang tawagin siya ni Alona. “Elli.” “Hmm?” Umungol lamang siya at nanatiling nakapikit ang mga mata. Mabigat na rin kasi ang talukap ng kanyang mga mata. “Are you really sure you want to go?” tanong ni Alona na may himig ng pag-aalala. Tumango siya ng nakapikit pa rin at hindi lumilingon dito. “Yes ate, I have to.” “I told you, you don’t have to do it. Andito naman ako, ako na lang ang magiging representative natin.” “Ate, I want to help. I know I can help too. Sayang naman po yung kaalaman ko sa paghawak ng baril kung hindi ko gagamitin.” Bumuntong hininga si Alona. “You know that your safety is what matters most.” Iminulat na ni Elli ang kanyang mga mata at tiningnan si Alona. Nakatihaya lang din ito at nakatitig sa likod ng higaan ni Malcolm na kaharap nito. “You too, ate. Don’t worry, I can protect myself. Hindi ako magiging pabigat.” “You’re not a pabigat. You’re my responsibility.” “Ate-” “Elli, since you save me that night, I promised to myself that no matter what I will protect you and your two brothers. If I must give my life for you, I will. I will sacrifice mine just to save you.” Biglang natahimik si Elli sa sinabi ni Alona. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nakaramdam ng kaba dahil sa sinabi nito. Nakita niya kung gaano ito nasaktan noong nawala na ang pamilya nito. Noong nasa bahay pa lang sila ay gabi-gabi niya itong nakikitang umiiyak, calling her family and cursing the zombies. Kaya siguro ganoon na rin ito kapursigido na protektahan silang magkakapatid, dahil pamilya na ang turing nito sa kanila. Ganoon din naman siya para rito, bumalik man sa normal ang mga buhay nila, ituturing niya pa rin itong pamilya.     KINABUKASAN, maagang nagising sila Elli at Alona. Mabilis sila naghanda dahil pagputok ng liwanag ay aalis na sila kaagad. Nagbihis lamang si Elli ng jogging pants niya na may tatak ng kanilang eskwelahan, itim na t-shirt at jacket na may tatak din ng kanilang eskwelahan. Para lang siyang papasok sa P.E. class nila sa kanyang pustura dahil suot niya rin ang rubber shoes na ginagamit niya sa klase nilang ‘yon. Nakasukbit sa kanya ang shoulder bag na mayroong laman na mga baril at magazine. Si Alona naman ay naka-fitted na jeans at three-fourth na puting blouse, pinatungan niya iyon ng itim na vest na nakabutones. Binagayan niya iyon ng kulay brown na safety shoes, lahat ng iyon ay nakuha niya rito sa kampo. Isinukbit nito ang shotgun at riffle sa magkabilang balikat. Sa may baywang niya ay mayroong nakapaikot na mga bala ng dala niyang baril, nakalagay iyon sa lagayan na ginawa niyang belt. Nang masigurong handa na sila ay bumaba na sila sa ground floor. Hindi na nila ginising pa sila Malcolm at nagiwan na lang note sa mga ito. Pagkarating nila roon ay sinalubong sila ni Linda. Andoon na rin halos lahat ng mga sasama sa kanila. “Good morning! Aga niyo ah,” bati sa kanila ni Linda. “Sasama ka?” tanong ni Elli. Mabilis na umiling si Linda. “Naku, hindi ako sasama. Maaga lang talaga ako nagigisingm tsaka nagdala kasi ako ng almusal niyo. Kain na kayo roon.” Tinuro nito ang lamesang mayroong mga tinapay, thermos at styro cups. “You want to eat?” tanong sa kanya ni Alona. “I… don’t want, ate. I’m fine,” aniya. Nanlalamig kasi siya at pakiramdam niya ay mayroong nakabara sa kanyang lalamunan. Ang lakas din ng t***k ng kanyang puso kaya pakiramdam niya ay hindi siya makakakain. “Uy, bata!” May lumapit sa kanilang patpating lalaki, si Peter. “Sasama ka talaga?” tanong nito at agad na ibinaling ang tingin kay Alona. “Hi Miss! Peter nga pala.” Inilahad nito ang kanang kamay at naghintay na abutin iyon ni Alona, ngunit tiningnan lamang iyon ng dalaga kaya pasimple niyang binawi ang kanyang kamay. “Pwede ka pang magback out bata.” Napalingon si Elli sa nagsalita, si Jose na dumaan sa gilid nila. Dumeretso ito sa lamesa kung saan may mga pagkain. Umingos lang si Elli at nagtataka kung bakit ba nila sinasabi iyon? Sa tingin ba nila ay hindi talaga niya kayang labanan ang mga nilalang na iyon? Tumikhim ng malakas si Rene. “Sa tingin ko andito na tayong lahat. Lumapit muna kayo rito at paguusapan na natin ang plano.” Nakatayo siya sa may gilid ng lamesa. Sa tabi nito ay mayroong white board na may nakapin na mapa. Naglapitan na sa tabi ni Rene ang mga taong nasa silid. Nasa kinse lamang ang sasama sa kanila pero ayos na iyon para kay Rene, kung tutuusin ay marami na iyon. Ang ibang marurunong ay natira sa kampo para maging bantay. Bumuntong hininga muna si Elli bago kasabay ni Alona na lumapit sa pwesto nila Rene. May tiwala sa sarili niya si Elli ngunit ngayon na nalalapit na ang kanilang paglabas ay hindi niya maiwasang kabahan. Halos marinig na niya ang malakas na pagkabog ng kanyang dibdib. ‘Relax Elli. You can do it. You’re brave.’   © 03-04
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD