Chapter 45: Baclaran

1708 Words

“Tangina! Wala ng gas!” inis na sabi ni Edison habang hinahampas ang manibela. “Kung minamalas ka nga naman oo!” Sinipat ni Jose ang paligid nila. Nasa tabi sila ng gilid ng kalsada kung saan mayroong mga kabahayan. Walang mga zombie sa may tabi ng bakod ngunit sa mga kabahayan ay mayroon. Malayo pa sila sa mismong crossing at hindi niya pa makita masyado ang nasa labas. “Kailangan na nating umalis rito,” ani Nico na naalimpungatan sa boses ni Edison. “Hindi pa natin alam kung hinahabol pa tayo. Mas mahirap kung ma-stock tayo rito.” “Bumaba tayo. Wala tayong choice kundi ang bumaba,” ani naman Jose. Napalunok si Elli. Hindi na nawala ang kaba sa kanyang dibdib. Kanina pa sila nakakapagpanbuno kay kamatayan pero hindi pa rin mawala ang takot sa kanyang dibdib. Mabilis niyang tinapik

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD