Chapter 35: Dasma

2443 Words

9:10 AM, the First day before the bombing.   “P-Paano tayo makakadaan d’yan?” kinakabahang tanong ni Bruno habang nakatanaw sa mga sasakyang nakaharang sa kanilang unahan. Bukod sa nakaharang na mga sasakyan ay mayroon pang mangilan-ngilang mga zombie na naglalakad sa kalsada. “Wala tayong choice. Maglalakad tayo.” Bumuntong hininga si Nico. “Sandali. Kakausapin ko lang sila Jose.” “Teka!” pigil ni Josephine na naalimpungatan nang tumigil ang truck. “Maglalakad tayo? Sure ka?” Hindi pa siya nakakamove-on sa nangyari sa Kuya niya ay heto na naman ang isang problemang kanilang haharapin. Bumuntong hininga si Nico at tiningnan ito mula sa rear view monitor. “Hindi nating pwedeng ipilit. Kita mo ‘yan?” Tinuro niya mula sa bintana nila Mang Rene ang malaking mall sa kanilang harapan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD