CHAPTER 9

1649 Words
"OMG!" biglang hiyaw ni Rose habang nakaharap sa laptop niya.  Lunes na ngayon ang pinaka ayaw ko sa lahat ng araw bukod sa maagang nagigising, full load kami. Dumaan ang linggo na ganito pa rin ang aking nararamdaman. Nj pa rin ang nasa isip ko, takte minsan sa kakaisip sa kaniya, naiisip ko tuloy na ginayuma niya ako.  Napasulyap ako kay Rose dahil sa hitaw nito. Wala talagang hiya tong babae kahit saan nalang pag naisipang humiyaw hihiyaw.  "Anyare sa'yo diyan?" tanong ko sa kaniya na abala sa pagtitipa sa laptop. Nandito kami ngayon sa dating tambayan na pinupuntahan namin t'wing vacant. May trenta minutos pa kami para magpahinga, nakakuha na kasi kami ng teknik para hindi kami napapagod sa araw na ito. Ang teknik na iyon ay dapat bilisan namin maglunch para kahit paano ay makakapagpahinga kami. Nang wala akong makuhang sagot sinilip ko kung ano ang ginagawa niya. Jusko nang iinstalk pala sa account  ni Carl. Sana all, feeling ko may progress na ang relasyon nila. Hindi ko pa kasi alam kung ano estado nilang dalawa kasi sa t'wing nagtatanong ako sasabihin niya na next time na pag sure na. Baliw di'ba? pero hindi ko na pinilit. "Si Carl yan ha." kemis ko lang para kunyare hindi ako aware sa ginagawa niya. Sumulyap ito sa'kin at saka bumaling ulit sa harapan ng laptop.  "Exactly, Si Carl nga." nakangiting tugon nito sa'kin. Tamad akong bumaling sa notes ko. "And then?" sabi ko ng nakatuon sa notes ko. Narinig kong bumuntong-hininga siya at saka hinawakan ang dalawa kong braso at hinarap ako sa kaniya.  "Anong and then? Tanga ka tignan mo naman bio niya." sabay hinarap sa'kin ang laptop tinignan ko iyon, napaawang ang labi ko sa nabasa ko. Carl Adrian Kade C. Yang,  a Half Filipino, Chinese. Only son of  an Chinese entrepreneur and former presidential candidate, Mr. Jianguo Yang So, mayaman nga sila, tumango-tango ako habang binabasa pa ang nakalagay sa biography nito sa google.  May-ari pala din sila ng mga Pre-school dito sa Tacloban and sa ibang lugar sa Pilipinas, May-ari din sila ng mga Chinese Resto at mga Condominiums sa Cebu at sa Manila and isa din pala ang Mommy niya sa stockholder nitong University. Nag-angat ng tingin kay Rose. "Not bad?" habang himas-himas ko ang baba ko.  "I know right!" kinikilig na sabi niya habang nilalagay ang laptop nito sa dating pwesto at saka humarap ito sa'kin."Pero syempre hindi naman yaman ang habol ko sa kaniya, may pera ako, hindi lang kasing dami ng kaniya." sabi nito saka umayos ng upo. "Ang nagugustuhan ko sa kaniya ay napaka down to earth niya, alam mo ba yun Fp." pinagkatitigan ako na tila bang sinasabi niya na maniwala ako. "Mayaman siya pero ang simple simple niya, I mean sa ugali ha, wag na natin ibatay sa mga nakikita nating branded na gamit nito at given na yun di'ba?" dagdag pa niya.  Kung sabagay tama nga naman siya, hindi naman mapagkakaila na mayaman ito. Sa mga sasakyan pa nga lang masasabi mo na mayaman na, actually lahat silang magkakaibigan. "Ang tanong, bakit sila dito nag-aral?" biglang  tanong ko kay Rose, at yun din ang pinagkakatakahan ko bakit sila dito nag-aaral at madami naman sa Manila o sa ibang bansa at siguradong afford nila. "Good question, My dear." anito na tila bang alam na alam niya ang isasagot sa naging tanong ko. "Napanuod ko sa isang interview ni Marijess, I don't know kung about saan yun at cropped yung video basta ang sabi nito nung tinanong siya kung bakit siya at pati mga kaibigan niya dito nag-aaral sa Tacloban, kung may mga prestigious school naman daw sa Manila like UST, FEU at ang naging sagot niya; the reason daw is ayaw nila ng magulo at matrapik na lugar. Kaya mas pinili daw nila dito na Tacloban dahil bukod sa hindi masyadong magulo, sariwa din daw ang hangin. Ang guess what?" aniya. "Ano?" "Lumuluwas lang daw sila pa Maynila, if gusto niyang mag shopping, or gusto ng mga kaibigan niya which is sila Nj ang mag bar hopping, minsan pa nga daw pag naisipan nila, nag ba-bar hopping sila sa ibang bansa."  napatawa ako sa isipan ko ng makita ang mukha ni Rose, mukha siyang chismosa niyong kapitbahay. Alam na alam talaga, mukhang may tama na nga ito kay Carl kasi kahit iyon ay nahanap niya. "Ah, ganun... kaya pala." tanging naging tugon ko sa sinabi niya, yun naman pala ang naging rason nila, kung sabagay mas okay nga dito sa Tacloban. Tumunog na ang bell, kaya napatingin ako sa wrist watch ko. Time na pala. Kaya naman niyaya ko na agad si Rose paakyat sa Room. As usual tagaktak na naman kami ng pawis, jusko siguro gra-graduate ako dito ng malaki ang muscle sa binti, ikaw ba naman halos araw araw suot ang black heels mo tapos puro pataas pa ang room namin. Suggest ko nga minsan kay Carl na palagyan ng elevator itong school. Nag-umpisa na ang klase namin para sa unang subject ngayong hapon. Tahimik lang kami nakikinig sa Prof. namin hanggang nag bell hudyat na tapos na ang first subject. Akala namin aalis na ang Prof. at nagsimula na ulit kami mag-ingay ng magsalita ulit ito sa harapan dahilan para matigilan kaming lahat. "I would like to announce you that there will be no classes for the next subject because we will be having a meeting for the upcoming foundation day on Friday." panimula niya, pagkasabi niya niyon ay tumingin ito sa direksyon ko. "And, Miss Flandez, please inform me about your plans for the props and food for our performers, and I would like to introduce to you, your partner for the preparation."  Agad naman akong tumayo para tignan ang direksyon kung saan tinuturo ng Prof. namin. Sinundan ko ito ng tingin hanggang sa makalapit sa Prof. namin. Halos malaglag ang aking panga nang makita ko siya. Letche, ang ganda niya. Bakit ang daming magaganda at gwapong napapadpad dito sa University na ito. Ngumiti ito sa'kin. Ewan ko pero parang natotomboy na ata ako sa babaeng ito, pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa at jusko mukhang galing sa mayaman na angkan din ito. Kahit man hindi siya kasing puti ko, bagay ang katamtamang puti nito sa amber na kulay ng mata nito, matangos ang ilong nito at maninipis din ang labi niya. Sakto lang din ang tangkad niya na bagay sa pitit niyang katawan na mukhang kurba din kung iba ang suot nitong damit. "Miss, Flandez, are you okay?" pukaw sa'kin ng Prof. namin. Tumango-tango ako. "Yes, Miss." tugon ko sa Prof. namin habang nakatitig pa rin sa babae. Tumango din ang Prof. namin at saka bumaling ito sa babaeng katabi. "Introduce yourself, Hija." malambing sabi ng Prof. namin na pinagkakatakahan ko, may favorite agad. Nahihiyang ngumiti ang babae at saka humarap sa'min, napansin ko na hindi lang pala ako ang natameme sa ganda ng babae pati ang mga kaklase ko, sinulyapan ko si Rose, tangna mukhang walang pake sa nagsasalita sa harap, nakakrus lang ang braso nito at tamad na tamad na nakatingin sa bintana. Uwing-uwi na girl? pero sa halip na pansinin siya ay nagtuon ako ng pansin sa babae. "Good Afternoon." nahihiyang panimula niya sa'min. "My name is KaIi Arsheya Villanueva, I'm a transfer student from  University College London." pagkasabi niya niyon, nagsibulungan ang mga kaklase ko. "I hope we get along well." dagdag pa niya sa malambing na tinig. Mapapasana all nalang talaga ako. Kasi ang boses ko feeling ko hindi malambing, pero sabi naman ni Rose malambing ngunit hindi ako naniniwala. Ilang sandali pa nagsalita na ulit ang Prof. namin. "Miss Flandez, ikaw na bahala umalalay sa kaniya sa gagawin niyo ha." aniya. Tumayo ako saka nginitian ko siya, nginitian niya din naman ako at bumaling na din ako sa Prof. namin.  "Yes, Miss, don't worry po." "Okay." nakangiting sabi nito sa'kin at saka humarap na ulit sa mga kaklase. "Class dismissed." yun lang at saka dire-diretso na itong lumabas ng room namin. Pagkaalis ng Prof. namin ay agad kong linapitan si Kali.  Napansin kong nahihiya siya kaya naman nginitian ko ito at inilahad ang kamay ko. "I'm Francis Pauline." Tinignan niya muna ang kamay kong nakalahad sa kanya bago ito nakipag shake hands sakin kasabay niyon ay ngumiti siya. "Kali." pagpapakilala niya ulit. Mayamaya pa napalingon kami bigla sa kaliwang direksyon namin ng mangibabaw ang boses ni Rose.  "Tara na, Fp. Nag-aantay na si Carl sa parking lot." naiiritang sabi nito sa'kin na para bang wala siyang pakialam kung nasa harapan namin si Kali. Tinutupak na naman ang gaga. Tumango ako at saka bumaling kay Kali. "Mauna na kami, Kali. Nice meeting you."  Ngumiti ito. "Nice meeting you too, Francis." pagkasabi niya niyon ay akma na hihilain na ako ni Rose ng pinigil iyon ni Kali, kaya natigilan kami ni Rose at tinignan siya. "When tayo mag plans for the upcoming event?" she asked. Napangiti ako ng pasimple dahil halatang galing nga itong ibang bansa, conyo. Narinig ko naman kung paano bumulong-bulong si Rose, muntanga hindi ko alam kong hindi niya feel si Kali or tinutupak lang. "Is it okay if we discuss it some other day?" deklara ko sa kaniya. Pwede sana ngayon, kaso naalala kong nakalimutan ko yung notebook ko kung saan nakasulat yung mga na plano ko na para sa props and food. Sunod-sunod ang pagtango niya. "Okay lang, pwede naman. Just tell me nalang if when. I'm free anytime naman." "Okay sige... thanks." sambit ko, sinulyapan ko si Rose nakanguso na ito, mukhang nababagot na kaya naman sumibol na naman ang kabaliwan ko, mas lalo ko itong aasarin. Aasta na sanang tatalikod si Kali para kuhanin ang gamit nito sa ibabaw ng mesa ng tinawag ko ito, ipapakilala ko siya kay Rose.  "Kali?" Awtomatiko naman itong lumingon sa'kin. "What is it?" Bumuntong-hininga ako bago magsalita. "Meet Merry Rose, My bestfriend." kita ko ang nagugulat na reaksyon na mukha ni Rose. Gusto kong tumawa sa itsura niya. Agad naman naglahad ng kamay si Kali, ang bait niya. "Hi Merry Rose, I'm Kali." nakangiting bati nito kay Rose. Hindi pa sana sasagot si Rose ng hinawakan ko braso nito at saka palihim na iniharap kay Kali. Rose rolled her eyes before she bore her eyes into Kali. "Just call me, Rose, instead." Tumango si Kali. "Rose, then"  Pagkasabi niyon ni Kali hindi na siya inimikan ni Rose at saka hinila na ako nito palabas ng room, I don't know what's with Rose today, kanina naman ay  okay siya nag-uusap pa nga kami about kila Carl, bipolar ata ang babaeng ito, paiba iba ng mood. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD