"Mantika! Gising na." sigaw ni Rose sa'kin sa tenga dahilan para magising ako.
Kinusot ko ang aking mata. I stared at her na tila bang gusto ko siyang lamunin ng buhay. Binaon ko ang aking mukha sa unan. Wala pa akong balak bumangon at sabado naman ngayon, I need rest. Bukod sa puyat ako, kailangan kong magpahinga hanggang linggo at next week magiging busy kami sa foundation day. Ako kasi ang inassign ng Prof. namin sa props and food. Kaya dapat paghandaan ko iyon ng maayos.
"Gigising ka o bubuhusan kita ng kumukulong mantika!" singhal nito sa'kin kaya mas binaon ko pa ang mukha ko sa unan. I want peace for god's sake. "Natulog ka ng hindi manlang nagpapalit. You're so ew." biglang sambit nito kaya nadilat ako at bumalikwas ng bangon.
"Omg!" tanging nasabi ko ng mapagtanto na hindi nga ako nakapagpalit kanina. Hayup kasi itong si ugok hindi na maalis sa sistema ko. Kaya tuloy nakatulog ako ng hindi nagkaka pagpalit. Pagka hatid niya kasi kanina sa'kin hindi na ito bumaba ng sasakyan, niyaya ko sa loob pero tumanggi siya, magpahinga nalang daw ako. Okay na sana yun eh, kung hindi niya ako nginitian. Hayup kasi ng ngiti, wala lang nakakahayup lang.
"Urghh!" sigaw ko habang sinasabunatan ang sariling buhok. I hate this feeling. Ngayon lang ako nakaranas ng ganitong pakiramdam.
Ilang sandali pa naiinis akong nag-angat ng tingin kay Rose nang bigla bigla nalang ako hinampas ng unan sa ulo. "Aray ha!" asik ko ng nasaktan ako.
"Sorry." habang naka peace sign ito at saka lumapit sa akin at umupo sa kama. We were both sitting on he bed. "May nangyari ba kagabi? na-virginized na ba? nang-aasar na sabi nito sa'kin.
Wala talaga ito akala mo hindi umiyak kahapon.
Nakakunot-noo akong tinignan siya. "Baka ikaw jan ang nayugyog kagabi." natatawang sambit ko sa kaniya. Sure naman na nagpa bulldozer yan kagabi. Itsura niyan.
Tumawa ang gaga na tila may naiisip kaya natawa siya. "Sobra pa." may pakilig-kilig pang nalalaman ang gaga. "Ikaw nawasak na ba?"
"Hayup ka! Ang bastos mo." tumayo ako saka hinablot ang towel ko akma na papasok ako ng banyo ng hinarang ako ni Rose.
"Ano na naman ba?" tanong ko dito, gusto ko ng maligo at lagkit na lagkit na ako sa katawan ko kanina pa. Nakatulog lang ako kaya hindi agad ako nakaligo.
"Mag kwento ka muna." sabi niya habang nakaharang pa rin sa pinto ng banyo.
Tamad ko itong tinignan. "Ano ba ang ikwe-kwento ko? Kung about sa yugyugan. Sorry, hindi pa ito wasak." pagkasabi ko niyon ay pwersahan ko itong itinulak at dali-daling pumasok ng banyo. Natatawang nilock ko iyon.
"Mantika!" sigaw nito sa'kin mula sa labas, alam kong umuusok na naman ang ilong nun sa ginawa ko, pero bahala siya, makulit eh. "Mamaya ka lang paglabas mo!" dagdag pa talaga nito habang malakas na kinakatok ang pinto.
Hindi ko na iyon pinansin, naghubad na ako saka dumiretso na sa ilalim ng shower, napapikit akko ng tumama na ang tubig sa mukha ko hanggang sa pababa ng katawan ko. Natitigilan ako sa t'wing naiisip ko nag ngiti ni Nj kanina. Ano ba naman self? bakit naman ganito ka?
Umiiling-iling ako para matanggal sa isip ko si Nj, hindi pwede ang ganito. Aba naman. Magkaka-crush ako dun hindi ko nga alam kong single iyon.
Natapos na akong maligo, agad naman ako nagpatuyo ng buhok at saka nakatapis na lumabas ng kwarto. Naabutan ko pa si Rose sa terrace muntangang nilalaro ang halaman noon habang may kausap. Napailing nalang ako saka lumapit sa closet.
Nandito lang naman ako sa bahay kaya simpleng t-shirt at shorts ang isinuot ko. Pagkatapos kong magbihis ay umupo ako sa vanity, sinuklayan ko aking buhok. Minsan mahirap din ang may mahabang buhok lalo na pag sa papatuyo nito nang masuklayan na iyon ay tumayo na ako sakto naman wala ng kausap si Rose.
Humarap sa'kin si Rose. "Pauline, magkwento ka na"
Umirap ako, here we go again, nothing special naman kasi sa nangyari kagabi at natulog lang naman taalaga kami ni Nj.
"Ano naman nga ang ikwe-kwento ko?" tamad na tamad na sabi ko dito.
"Fine! Hindi na ako mangungulit sa'yo." may pagtatampo sa tinig niya, pero hindi ako papadala at wala naman talaga ako ikwe-kwento. Napahawak ako sa tiyan ko ng kumalam iyon kaya naman nag-angat ako ng tingin sa kaniya.
"Pagluto mo ko Rose, gutom na ako" pagpapacute ko na sambit ko.
Pinagkrus nito ang mga braso sa may dibdib niya. "Ses, malambing ka lang talaga pag nagpapaluto."
Inosente ko itong tinignan. "Luh, hindi naman. Sigeeee na lutuan mo na ako." malambing na sabi ko dito.
Nakatingin lang ito sa'kin na tila bang ayaw niya akong ipagluto. Pero syempre, kahit naman demonyeta tong kaibigan ko ay malambot ang puso nito. Kaya naman isinaklay ko nag kamay ko sa braso niya.
"Sena, Rose."
Narinig kong bumaga ito ng marahas na hininga. "Fine, ipagluluto na kita basta mag kwento ka."
Kibit-balikat ko siyang tinignan, ang kulit talaga sabing wala naman akong ikwe-kwento bukod lang sa painting. "Okay, mamaya." deklera ko sa kaniya nang maalala yung about sa painting. "But for now, ipagluto mo muna ako." malambing na malambing na dagdag ko dito.
Sumilay ang multong ngiti nito. "Alright! Let's go downstairs. I'll cook for you." nakasaklay ang aking mga kamay sa braso nito habang naglalakad pababa ng hagdan.
Nang matapos si Rose magluto tinulungan ko itong maglagay ng plates and spoon and fork sa mesa dito sa garden. Napagdesisyunan kasi namin na dito tumambay at medyo pa hapon na naman kasi at malamig ang hangin dito sa labas.
"Hmm." ungol ko nang matikman ko ang lutong pasta ni Rose. Kung tutuusin ay hindi nga bagay kay Rose ang course namin at ang itsura nito at personality ay bagay sa course nila Nj. Natigilan na naman ako nang mapagtanto na si Nj na naman ang nabulalas ko sa isip.
Bumuntong-hininga ako saka bumaling nalang sa pasta na niluto ni Rose. "Masarap. Rose. Ang galing mo talaga magluto."
Tinignan niya ako bago inilapag ang cell phone sa ibabaw ng mesa. "Duh, pasta lang yan Fp, madali lang lutuin yan" maarteng tugon nito sa sinabi ko habang pinagsasalin ako ng juice sa baso. Napangiti ako, ang sweet din naman ng gaga na ito.
Napa-angat ako ng tingin sa kaniya."Para sa'yo ay madali pero sa para sa'kin? Wag na lang." suwistyon ko.
"Mag-practice ka kasi." sambit nito na tila bang hindi niya alam kung paano ako hirap na hirap mag-aral ng pagluluto noon, halos masunod na angg kusina namin nun kaka-aral sa pagluluto.
"Pero okay lang pala yun, kahit di kana magpractice, anjan naman si future boyfriend ipagluluto ka." bigla-biglang sabi nito dahilan pata maibuga ko ang ininom kong juice.
Natatarantang tumatawa si Rose habang inaabot sa'kin ang tissue paper. Tinignan ko siya, jusko napaka advance talaga mag-isip nito.
"Hoy!" pukaw niya sa'kin.
Nagpakurap-kurap ako ng mapagtanto na nakatulala pala ako at saka nag iwas ng tingin nakaramdam kasi ako ng init sa mukha ko. Boysit kasi tong babaeng to.
Mas lalo akong humalukipkip ng bahagya siyang yumuko para tignan ang mukha ko.
"You're blushing baby" nang-aasar talaga ito sa'kin. Naiinis ako ako parang na aawkward tuloy ako sa ginagawa ni Rose sa'kin.
Gayunpaman ay sinikap ko pa din ang sariling mag-angat ng tingin dito. "Hindi ha" hawak-hawak ko ang magkabilang pisngi ko. Takte talaga ito si Rose, bigla bigla talaga ito.
Tumawa siya ng sobrang lakas kaya mas nararamdaman ko ang pag-iinit ng mukha ko. "Alam mo para kang tanga." sabi ko ng makita kong pulang-pula na ang leeg nito kakatawa.
Sapo-sapo ang tiyan nito habang umayos ng upo at sa hindi mabilang na pagkakataon bigla itong nagseryoso. Nakakamangha lang talaga ito si Rose pag ginagawa yung ganyan. Yung nakatawa siya tapos bigla mapapawi at magiging seryeso bigla.
"Fp. Magseryosohan nga tayo dito" ipinatong nito ang siko sa kaniyang tuhod at nakapangalumbaba ito habang nakatiim na nakatitig sa'kin.
Nag-iwas ako ng tingin, alam kong ma ho-hot seat ako ngayon.
"Seryoso naman ako, ikaw lang naman hindi"
Bahagya itong ngumisi saka she looked at me with intimidating eyes.
"Look at me straight in the eyes, then." utos nito
Napakagat ako sa labi at napipilitan akong humarap sa kaniya.
Napabuntong-hininga siya saka pinagkrus na nito ang braso na kaninang nakapangalumbaba. "May gusto ka ba kay Nj?
Naistatwa ako sa kinauupuan ako sa tanong ni Rose sa'kin. Hindi ko naman kasi kung may gusto ako, halos buwan pa lang kami magkakilala ni Nj, kahit sabihin na mag kababata kami pero feeling ko hindi pwede ang rason para magkagusto ako agad.
"Wala na to, may gusto nga ito kay Nj." sumandal ito sa upuan habang tinitignan ako, takte naman eh, malay ko ba kung may gusto ako, pero iba talaga ang nararamdaman ko pag malapit si Nj sa'kin.
"Aminin mo na, mahihiya ka pa. Ako lang to Fp." dagdag pa nito ng walang makuhang sagot mula sa'kin.
Bumuntong-hininga ako saka pinagkatitigan siya. "Actually, di ko alam Rose." umiling-iling ako. "Hindi ko alam talaga, basta ang alam ko simula ng malaman kong magkababata kami hanggang ngayon di na siya mawala sa isip ko." naguguluhang talagang sabi ko sa kaniya, hindi ko kasi maintindihan ang sarili ko, huminga muna ako ng malalim bago ulit magsalita. "Hindi ko alam kung crush ba itong nararamdaman ko o gusto ko na siya. I mean this is my first time feeling this way and I hate this feeling." seryosong kong deklera dito, totoo naman kasi ano ba ang alam ko pagmamahal at hindi ko pa naman iyon nararanasan.
Natataka akong tinignan si Rose ng mapansin na hindi ito nagsasalita.
"Tamo to, kanina ang ingay-ingay tapos ngayon wala ng sasabihin" naiinis na sambit ko.
Nagtaas siya ng kamay na tila bang sinasabi niya mag relax ako.
"Wait naman, hindi pa nagsi-sink in sa utak ko ang mga sinabi mo"
Natahimik kaming dalawa at mayamaya ay parang nanunuring tinignan ako.
"Why you looking at me like that?" tanong ko at bigla naman akong kinabahan sa paraan ng pagkakatingin niya sa'kin.
"Hmmm." habang nakahawak sa baba niya na para bang nag-iisip at ilang sandali pa napapitik ang kamay nito sa ere na tila napagtanto niya na ang iniisip.
"Aha! I think you're inlove na, Fp."
Napatawa ako bigla, "Tanga!" hindi makapaniwalang sambit ko sa kaniya. "In love agad... agad-agad?" hindi ko talagang makapaniwalang tugon sa kaniya. Napaka imposibleng in love agad itong nararamdaman ko.
Napabuntong-hininga siya."Tanga ka din, baka nakakalimutan mong magkababata kayo. Malay mo naman kahit bata ka pa ay inlove ka na doon"
"Tanga neto... bata pa ako nun Rose.. Ano alam ko sa love?"
"Tanga ka... Eh kahit naman hanggang ngayon di mo pa rin alam ang love, kaya ka nga nagkakaganyan ngayon eh."
Natigilan ako sa sinabi niya at saka nagtinginan kaming dalawa at sabay natatawa.
"Baliw ka" nakatawang sambit ko, ilang saglit pa nagseryoso ako.
"Rose. Ano gagawin ko?"magtatanong na ako sa expert pag dating sa ganyan kahit parating niloloko, kung sabagay sa pagkabigo, lahat tayo natututo. At ang pagmamahal, pinapatatag tayo bilang tao.
Ngumiti siya sa'kin. "Need help?"
Tumango-tango ako wala naman ng iba na tutulong sa'kin kundi siya lang naman.
"Oo, ikaw ang bihasa sa mga ganito"
Bigla napahalkhak siya sa sinabi ko, pero totoo naman bihisa na yang gaga na yan sa pasikot-sikot sa pag-ibig kaya tignan mo kahit galing lang ito sa pagkabigo, parang wala lang nangyari.
Hinawakan ko ang braso niya at niyuyog-yog ko iyon. "Dali na. What should I do?
Tumatawa siya habang hinahayaan lang ang sarili magpayugyog.
"Sabihin mo muna salamat shopee."
Napahinto ako, ginagago ba ako nito? Hayup na yan bakit ko naman sasabihin salamat shopee.
"Wag na nga lang.' sabi ko.
Tumawa nanaman ito ng napakalakas na parang baliw. "Sabihin mo muna na gusto mo si Nj."
Parang tanga naman nito sabing hindi ko nga alam kung gusto ko si Nj.
"Oo gusto ko siya-" wala sa sariling na bulalas ko, napasapo pa nga ako sa bibig ko sa gulat sa sinabi ko, hindi ko alam saan galing ang katagang iyon.
Tangna ka self traydor ka. pagalit ko sa sarili ko. May kadugtong pa kasi iyon. Gusto ko siya pero ayaw ko ng jowa. Pero sa halip na ituloy iyon sinarili ko nalang at alam ko naman na hindi maniniwala si Rose.
Napasulyap lang ako kay Rose ng magsalita ito.
"You need my help, then"
Matapos ang nakakabaliw na pag-uusap namin ni Rose sakto naman dumating si Mama, nag dinner muna kami ni Rose at saka nagpaalam na din siya agad ng tumawag si Carl. Hindi ko alam kong ano na nag meron sa kanila ni Carl. Friends with benefits ba ito or may something na talaga sa kanila. Hindi ko pa kasi naitatanong.
Nang maka-alis si Rose ay agad din ako nagpaalam kay Mama na pupunta ng kwarto pata magpahinga, naghalf bath muna ako at saka nagpalit ng damit pagkatapos niyon ay tila napagod na ata ang isip ko kakaisip kaya naman pagkahiga ko mabilis pa sa dalawang segundo nakatulog na ako.
To be continued...