CHAPTER 10

2531 Words
Exactly 4 pm ng makarating kami ni Kali dito sa Lushan Tea Cafe, after kasi ng last subject namin for tuesday ay niyaya ko na siya para mapag-usapan namin ang about sa paparating na foundation day.  Buti nga at pumayag si Rose, niyaya niya kasi akong manuod ulit ng practice nila Nj ngayon, dahil kailangan na talaga namin pag-usapan at simulan ang pag gagawa ng props. Okay sana kung next week pa ang foundation day, kaso ngayon week. "Kali, ano order mo?" tanong ko sa kaniya mula counter, nag presinta kasi ako na ako na ang oorder. Ngumiti ito sa'kin, kaya hindi ko na naman maiwasang mamangha sa ganda niya.  "Matcha Creampuff, Fp." nagpakurap-kurap ako ng napagtanto na lumapit pala ito sa'kin. Hindi ko alam ha, pero parang natatanga ako sa t'wing nagsasalita siya, may something kasi sa kaniya, hindi ko lang matukoy kung ano. Tumango ako. "Ahh. Okay sige." saka bumaling ako sa waitress sa counter. "1 Matcha please and 1 Chocomalt."  Minutes have passed ng maibigay na ang order namin kaya naman ay sabay kaming naupo ni Kali sa bandang dulong table na ng Cafe na ito. Wala na kaming sinayang na oras ni Kali, agad na kaming nag usap about sa plano namin sa props and foods para sa mga performers ng department namin.  Inuna na muna namin pag-sapan ang about sa  props kasi medyo matrabaho iyon, napag-usapan namin kung ano ang mga gagamitin na materials sa pag gagawa niyon at kung anong combination ng kulay ang ilalagay namin, at ang napili namin ay sky blue and white,  para hindi ito nagkakalayo  sa kulay ng Education Department which is blue. Actually, every department ng school namin may kaniya-kaniyang kulay. Tulad sa'min Education ay blue, samantala ang Hrm at Thrm ay yellow at sa Social work ay green. "Sa foods naman? Ano ang lulutuin natin para sa performers?" panimula ko ng matapos kaming mag-usap tungkol sa props. "Hmm." kibit-balikat na tugon niya na para bang nag-iisip din. Feeling ko dito kami mahihirapan, at mukhang sa itsura ni Kali ay hindi rin marunong magluto. Napatingin ako sa kaniya ng magsalita ito. "How about Japanese food? Is it okay for them?" suggest nito sa'kin na tila bang good idea ang naisip niya, jusko pwede sana kaso hindi naman malaki ang budget na ibinigay ng Prof. namin. "How about samgyeopsal?" inumungkahi nito. Napangiwi ako sa mga suggestions ni Kali, akala niya ata kaya pang mag ihaw ng mga performers after mag perform. Mayaman nga ito, napatawa ako sa isip. Napabuntong-hininga ako. "Wala tayong malaki na budget para sa suggestions mo, Kali." giit ko sa kaniya. "How about magpa cater na lang tayo?" mungkahi ko sa kaniya, yun naman sadya ang nasa isip ko kahit noon pa nung nagpla-plano pa lang ako mag-isa, bukod kasi sa hindi ako marunong magluto, hindi rin ito hassle para sa'min. Tinignan ako nito saka sumandal sa upuan, hinawakan ang baba nito na para bang nag-iisip ulit kung pwede na yung sugggestion ko. Ilang sandali pa nagsalita na ulit ito. "Pwede rin, kaso saan natin ise-set up?" Natigilan ako, Oo nga saan namin ito ise-set up, panigurado puno ng mga booth ng iba't-ibang department ang Orc. At kung sa cafeteria, hindi rin ito pwede at for sure may ganap din doon. So, saan kami pwe-pwesto pag cater? Akma na magsasalita ako ng tumunog ang cell phone ko, sabay kaming napatingin ni Kali sa screen niyon, agad ko naman iyon dinampot ng makitang si Rose ang nagtext. From: Bff Rose Tapos na sila magpractice,  uuwi na kami at gabi na. Call me or text if naka-uwi ka na at kung hindi pa naman text mo kung asan ka, pupuntahan kita. Mwaa! :* Napangiti ako ng mabasa ang text ni Rose, napaka sweet talaga nito, pero sa halip na magreply ay  inilapag ko ulit ang cell phone ko sa ibabaw ng mesa. Mamaya na ako magre-reply pag nakauwi na. Kaya naman nag-angat na ako ng tingin kay Kali na ngayon ay abalang magsulat, sumulyap ako sa labas madilim na nga, di man lang namin namalayan. "Kali?" pagtawag ko. Nag-angat siya ng tingin sa'kin. "Yes?" "Naisip ko wala pala tayo paglalagyan pag magpa-cater tayo. At sigurado puno ang Orc." kibit-balikat na sabi ko sa kaniya, "So, what's our plan?" "Actually, wala pa akong maisip sa foods" nahihiyang sabi ko. "Yung cater kasi talaga plano ko kaso walang place na paglalagyan nun." "Ganun ba? Ako din e." nakangiting sambit nito sakin. "Gusto mo ipagpabukas na natin to? Para makapag-isip tayo." Tumango ako. "Oo, pwede rin naman, gabi na din kasi." "Okay, I'll chat na lang, give me your sss name, I'll add you." sabi nito habang nilalagay ang gamit niya sa bag. Fb name? Paano yan, wala akong sss account. Tinignan ko siya, paksyet mukhang nag-iintay sa sagot ko. "Kali, wala kasi akong sss account." nahihiyang sabi ko dito. "Twitter or IG na lang.  Follow nalang kita."  Paksyet ganun na ba talaga ako ka old school kahit ang bata bata ko pa. Bakit naman kasi hindi ako gumawa dati, nakakahiya tuloy, baka sabihin nito taga bundok nga ako. Umiiling ako. "I don't have, both." kagat-kagat ko ang parteng ibaba ng labi ko sa kakahiyan. Nagsisi talaga ako na hindi ko sinunod si Rose na gumawa ng account. Napansin ko na nagulat si Kali ng malaman niyang wala ako sa alin man na apps. Pero sa huli ay nginitian niya ako. "Ah. Ganun ba? Pwede naman siguro bukas nalang tayo mag-usap in person? Mas okay pa siguro." Nakaramdam naman ako bigla ng hiya, parati nalang siya nag-aadjust sa'kin kaya naman nagsalita ako. "No, it's okay, gagawa nalang ako ng account mamaya, then add nalang kita." Ngumiti siya atsaka tumango. "Okay,  then. Just search my name, lalabas agad yun." Mayamaya pa may bumisina sa labas ng Cafe, kaya sabay kaming napatingin doon. Napa-angat lang ako ng tingin kay Kali ng nagmamadali itong tumayo. "Andito na ang sunod ko, Fp. Ikaw may sundo ka ba? Gusto mo hatid kita sa inyo?" alok nito sa'kin, pero syempre hindi ko iyon tatanggapin, nakakahiya no. Umiling ako at saka nginitian siya.. "It's okay, don't mind me. You can go." "Are you sure?" may paniniguradong tinig ito. Tumango ako. "Yeah, sure, you can go na." sabi ko ng marinig ulit ang busina nito. "Okay, chat chat nalang later," pagkasabi niya niyon ay nagmamadali itong lumabas agad naman itong sinalubong ng body guard at inalalayan papasok ng van. Nang makaalis na si Kali, lumabas na din ako ng Cafe, para maglakad sa sakayan. Ang hirap pala talaga ang hindi marunong mag drive.  Bumuntong-hininga muna ako bago aastang magsisimula na maglakad ng biglang tumunog ang cell phone ko. Kaya naman napahinto ako saka dali-daling kinuha ito sa bulsa ko. Unknown number calling... Napakunot-noo ako, sino naman itong tumatawag, wala naman akong pinagbibigyan ng number ko kahit kay Kali hindi ko binigay iyon.  Unknown number calling... Nag ring ulit ito, kaya pinatay ko iyon. Bakit ko naman sasagutin? Eh hindi naman naka register ang number nito sa phone ko. Kaya naman akma na ilalagay ko na ult ang cell phone sa bulsa ng nag ring na naman ito. Hinayupak sino ba ito? Hindi ko sana sasagutin kaso nahuli na ang lahat na napindot na ng aking daliri.  "Who's this?" "Where are you?"  Nailayo ko ang cell phone ko sa tenga ko ng marinig ang pamilyar na boses mula sa kabilang-linya. Nj?  At ilang sandali pa wala ako sa sariling sinagot ito.  L-lushan Okay, Wait for me, Stay there.  Pagkasabi niya niyon ay pinatay na ang tawag, ako naman ay napaupo ng marealize na ang tanga ko, bakit ko sinagot yun. Sinasabunutan ko ang sarili ko at paulit-ulit na minumura. Ang tanga naman kasi. Takte nam-- napa-angat ako ng tingin ng may blue na sasakyan na huminto sa harapan ko, at ilang sandali pa lumabas ang bulto ni Nj mula sa driving seat at nakamulsang naglalakad papalapit sa'kin. Tangna naman ito na naman ang paghuhurumintado ng puso ko, letche naman talaga ito, bakit naman kasi napasagot ako. Takte naman. Nang makalapit ito sa'kin, naka-upo pa rin ako habang nakatingala sa kaniya. Pinagkatitigan ako nito. Sa mga oras na ito na nanalangin ako na sana bula nalang ako para mawala ako ng bigla.  But then again, I need to pull myself together, kaya naman tumayo ako nang hindi inaalis ang tingin sa kaniya. "What are you doing here?" I asked as if it's normal but deep down inside, I'm trembling. Big time. Tamad itong nagbaba ng tingin sa'kin and the way he looked at me, I felt so small. Bakit naman kasi ang tangkad tangkad nito. Nagmumuka tuloy akong dwarf. "Sinusundo kita." Akma na magsasalita ako para sana tanungin kung bakit nang bigla niya nalang hinawakan ang pulsuhan ko at dire-diretsong isinakay ng kotse niya. Nagmamadali din itong pumihit papasok sa driving seat as if tatakasan ko siya. Nang makapasok ay agad akong humarap ng upo sa kaniya. "Magco-commute ako. Salamat sa concern." sabi ko dito, pero sa halip na sagutin ako ay walang imik itong inistart ang sasakyan. Akma na lalabas ako ng bigla niya itong pinaandar. Kaya naiinis ko siya binalingan. "I said, magco-commute ako." He sighed, lazily. "Wala kanang magagawa at nakasakay kana." "Stop this goddamn car, then!" giit ko Bigla naman nag break ang sasakyan, at kasabay nun ay tinignan niya ako ng mariin.  "What?" biglang inosenteng tanong ko dito. Ngumuso ako at nanatili ang titig sa kaniya. He looked so exhausted, I don't know kung saan siya pagod. And I'm not interested though. He looked so pissed at me. For some reason, bigla naman ako nakaramdam ng hiya, siya na nga ang nagmamagandang loob ganito pa ang ugali ko. "We shouldn't fight over small things, Baby." mahinahon na sabi niya, pero alam kong nagpipigil lang siya ng galit sa'kin.  Natigilan ako bigla ng mapagtanto ang huling binanggit niya Baby?  Nag-angat muli akong ng isang matalim na tingin sa kaniya. The ghost of a smile in his lips couldn't escape me. "Whatever!" yun lang nasabi  ko. His lips twitched like he's amused again, or he finds me funny? Pero nakikita kong pinipilit niya magseryoso. Parang ewan. Nakaramdam ako ng ilang kaya umupo ako ng maayos at bumaling nalang ang tingin sa labas, ayaw ko na siyang kausapin at kung ano pa ang masabi, baka mamaya ay mahimatay na ako sa paghuhurumintado ng puso ko. "Let's eat dinner." pambabasag ng katahimikan sa pagitan naming dalawa. Napasulyap ako sa kaniya at saka tumungin ulit sa labas habang nakakrus ang braso ko sa dibdib. "Eat dinner, Alone." I said coldly. Ayaw kong makasabay kumain siya, bahala na naiinis ako sa kaniya ngayon, hindi ko alam kong bakit pero naiinis ako. "I said, let's eat dinner." sabi niya habang abala sa pag dri-drive. "Hindi pa ako gutom, iuwi mo na ako para makapag dinner ka." suwestyon ko dito.  Nakikita ko sa  gilid ng mata ko na sumulyap siya sa'kin. "I haven't eaten anything all day." deklara niya Wala sana akong balak na lingunin siya muli, pero dahil sa sinabi niya awtomatiko akong napalingon sa gawi niya. "Bakit hindi ka kumain?" hindi ko alam pero nakaramdaman ako ng pag-aalala sa kaniya, kaya pala ay wala siyang lakas para patulan ako, dapat kasi sa halip na sinundo niya ako, kumain nalang siya. Bakit naman kasi sinundo jniya pa ako?  "Busy for the upcoming event." mahinang sambit niya. Kung sabagay, mas busy pala talaga ang Hrm at Thrm kaysa sa'min at bukod sa may pa mini concert sila, magpre-present din sila ng iba't ibang dishes sa mga guest. Alam ko ang tungkol doon at si Rose sinabi yun kanina, naaawa daw siya kay Carl at nagrereklamo na pagod na.  Sinulyapan ko siya, pagod nga siya. Siguro wala naman masama kung pumayag ako mag dinner, kakain lang naman kami. At saka nakokonsensya naman kasi ako sa pinakita kong attitude kanina.  "Saan tayo kakain?" tanong ko sa kaniya. Sumulyap siya sa'kin at ngumiti ito sa'kin dahilan para sumilay ang biloy nito. Napatitig ako sa kaniya, bakit parang ang perfect mong lalaki ka. Hindi ko alam kung ilang minuto o oras akong nakatitig sa kaniya, namalayan ko nalang na tumilig ang sasakyan dahilan para magpakurap-kurap ako at saka sumilip sa labas.  Napabaling ako kay Nj ng mapagtantong nasa tapat kami ng bahay nila. "Akala ko magdi-dinner tayo?" hindi ko alam pero bigla ako nakaramdam ng kaba, baka iba ang dinner na gusto niya, hindi pa ako ready jan. Tumango siya at saka nginitian ako. "Magdi-dinner nga." Napakunot-noo ako sa sagot niya, "Then why are we here?" I asked. Pero sa halip na sagutin ako tinanggal nito ang seat belt at lumabas ng kotse. Siguro naman hindi gagawin ni Nj ang iniisip ko. May tiwala naman ako sa kaniya, at noong nakatulog ako kahit nakainom kami at magkatabi ay wala naman nangyari. Kaya naman tinanggal ko ang seat belt at akma na bubuksan ang pinto ng kotse nang naunhan na ako Nj. Kaya nginitian ko ito at saka sabay kami naglakas papasok ng bahay nila. Nang makarating kami sa loob ng sala hindi ko talaga maiwasang mamangha sa bahay nila, though kasing laki lang naman kami ng bahay, pero ang pinagkaiba lang ay yung interior design ng bahay nila, mas detailed at pinag-isipan ng mabuti kung saan ilalagay at kung ano ang ilalagay  sa bawat sulok ng bahay. Napalingon ako bigla kay Nj ng nagsalita siya.  "Wait for me here, magluluto lang ako"  Aalis na sana ito nang hinawakan ko ang laylayan ng uniporme niya, kaya napatingin siya doon saka nag-angat ng tingin sa'kin. "What?" tanong niya, at yan na naman ang tingin niya sa'kin na punong-puno ng lambing. Ang mapupungay nitong mga mata ay mas lalong nagpapahina sa'kin. Kitang-kita ko ang multo ng ngiti sa kanyang labi. "Sa kusina lang ako" "Sasama pa rin ako, gusto ko makita kung ano at paano ka magluto" sabi ko,  Nang mapagtanto na para may mali sa una kong sinabi dinagdagan ko iyon. "I mean kukuha ako ng idea para sa foods sa foundation" pagpapaliwanag ko.  Totoo naman din, Thrm student siya kaya may alam talaga siya malamang sa pagluluto, malay mo naman matuto ako this time at makakuha ng ideya kung ano ang pwede lutuin namin ni Kali para sa performers. "Ah!" tumango-tango ito at sa hindi ko malaman na dahilan pakiramdam ko inaasar niya ako. "Okay sige, Tara" ngiting sabi niya Tahimik lang akong sumunod sa kaniya sa kusina. Agad naman ako umupo sa high chair, samantala siya hinubad niya ang uniporme at saka inilagay ito sa gilid, tanging puting t shirt nalang ang suot nito sa pantaas. Pagkatapos ay isinuot naman iyon ang apron na itim. Pinagmamasdan ko lang siya sa ginagawa niya, sanay na sanay talaga siya kahit sa paghahawak ng kutsilyo. Nakapanglumbaba ako habang tinitignan siya. Bakit ang hot mo lalo na pag naghihiwa ka ng mga sangkap. "Ay!" hiyaw ko sa gulat nang hindi ko namamalayan na pinihit niya yung iuupuan ko paharap sa kaniya, naghuhurimintado bigla ang puso ko ng maramdaman kung gaano kami kalapit sa isa't isa. Halos maduling ang mga mata ko sa sobrangg lapit talaga ng mga mukha namin. "Akala ko ba kukuha ka ng ideya sa lulutuin ko, Bakit sa akin ka nakatingin?" His voice was low, deep and sexy dahilan para sunod-sunod ang paglunok ko habang nagkatitigan kami. Nararamdaman ko na talaga ang panginginig ng tuhod ko kung siguro hindi ako naka upo ngayon baka bumagsak na ako sa sahig. I feel my lips and throat are dry as she stared at him. Hayup naman, bakit pa kasi ako napatitig kanina. Katahimikan ang umaalitawtaw sa'min dalawa, tanging malalalim at mabibilis na paghinga ang naririnig sa aming dalawa. Ilang sandali natigilan ako na para bang binuhasan ako ng malamig na tubig ng maramdaman ang labi niya lumapat sa labi ko. Bumitiw siya ng halik sa'kin at nanlaki ang aking mga mata ng hinawakan nito ang magkabilang pisngi at inangat ito. Mas lalong naghuruhumintado ang puso ko at alam na alam ko na ang pula na ng pisngi ko. Ilang sandali pa nagsalita muli ito. "Can I kiss you, Baby?"  He asked in a hoarse voice. Tumigil na talaga ng tuluyan ang aking mundo sa pagkakataon na 'yon, hanggang sa hindi ko namalayan na tumango ako at mayamaya pa namalayan ko nalang na tumutugon na pala ako pabalik sa kanya ng mga halik. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD