The rays of the sun greeted me this morning through my bedroom window. I groaned as I felt its heat prick my eyes. It is chilly here kaya kinapa ko ang paligid ko at hinila ang kumot na nakapulupot sa aking katawan.
I snuggled closer to the comforter when I heard a soft snore from beside me. Nanigas ako.
I opened my eyes slowly, allowing them time to adjust to the blinding light coming from the sun. Iginala ko ang aking paningin kahit ang aking mga mata ay mahapdi pa dahil sa kulang pa ito sa tulog. Napabalikwas ako bigla nang bangon ng mapagtantong hindi iyon aking kwarto.
What happened to me?
Agad kong pinakiramdaman ang sarili. Wala naman masakit. Nagbaba ako ng tingin sa suot ko, ganun pa rin naman ito kagabi. Napahawak ako sa dibdib and I sighed in relief na pagtantong na okay naman ako.
Ilang sandali pa napatayo ako ng may gumalaw sa tabi ko. Bumungad sa'kin ang topless na Nj. Nasapo ko ang bibig ko ng makita ko iyon. So, andito ako sa bahay ni Nj?
Pero paano? How?
Ang alam ko sumakay ako sa sasakyan ni nito para magpahaid sa bahay. Then, kinabukasan gigising nalang ako ng katabi ko siya. Pasyet. Ano ba ang nangyari? napahawak ako sa labi ko sa kaba na nararamdaman. Alam ko naman na hindi ako nalasing kagabi.
Sinulyapan ko si Nj, tulog pa rin ito. Kaya may oras akong makatakas.
"Nasaan ang pouch ko?" tanong ko sa sarili, habang dahan-dahan kong binuksan ang drawer pero walang ang pouch ko dun, mga charger lang laman niyon. "Asan na ba kasi yun?" I muttered, habang nakatuwad para silipin sa ilalim ng kama.
"What are you doing?" biglang umalingaw-ngaw ang boses ni Nj sa buong silid.
"Aray!" biglang napapikit ako sa sakit ng mauntog ang ulo ko sa dulo ng drawer, bigla-bigla lang kasi nagsasalita ito.
Nakakunot-noo kong nag-angat ng tingin sa kaniya, na nakasandal ito sa headboard ng kama. Natigilan pa nga ako ng ilang segundo ng makita ko siya, ang gwapo niya pa rin kahit bagong gising, ang mapupungay na mga mata nito mas lalo pang pumungay, at ang labi nito ang pulang-pula at ang katawan niya napakagat-labi ako ng bumaba ang tingin ko doon, paksyet may abs. Takteng utak na ito, nagagaya na kay Rose.
Tumikhim ako para mawala ang pagnanasa ko sa kaniya. Hayup kasi bakit naka topless pa ito.
"Nasaan ang pouch ko?" nag-iwas ako ng tingin dito at pilit kong pinapatapang ang boses ko.
"Nasa kotse naiwan ko kagabi." his husky voice is enough to finally make me look at him.
"Uuwi na ako" sambit ko. At alam kong nag-alala na si Mama ngayon at kung sakaling malaman sniya ito, patay ako. Baka palayasin ata ako sa bahay or worse kalbuhin ako tulad ng nakikita ko sa telebisyon. Oh no! ayaw kong maging kalbo. Napasulyap lang ulit ako sa lalaki ng magsalita ito.
"Okay, then, After breakfast." tumayo ito saka lumapit sa closet at kumuha na kulay white na t-shirt. Pagkasuot niya niyon ay humarap ito sa'kin. "I'll go downstairs. What do you want for breakfast?"
Umayos ako ng tayo at pinagkatitigan ko siya. Something in my system na hindi ko maiwasan na titigan siya. Ewan ko ba sa sarili ko. He bit his lower lip the moment our eyes met.
Damn it!
"Sa bahay na ako kakain, nag-alala na yun si Mama."
Hindi ko na siyang hinintay na makapagsalita. Dire-diretso na akong lumabas ng kwarto niya. Pagkalabas ko bumungad sa'kin ang all white na pintura ng bahay. Hindi ko maiwasan na ilibot ang paningin doon. May mini sala, madaming malalaking ceremic vases naglalaro lang ang kulay nito sa white and black. Hindi rin nakaligtaan ng mga mata ko ang nakasabit na family size painting. Linapitan ko iyon ng mapangtantong ang ganda nito.
It is a color galaxy painting, na may bata sa gitna ng malaking crescent moon habang nakataas ang mga kamay nito sa ere at hawak-hawak ang napakadaming bituin na para bang isa-isa itong nagsiliparan sa kalangitan.
Napangiti ako. "Beautiful." wala sa sariling sambit ko habang pinagmamasdan ang painting. Sino kaya nag paint nito at magpapagawa din ako ng ganito. Hindi ko sa malaman na dahilan natutuwa talaga ako sa moon at stars. Sa t'wing nakaka-kita ako ng buwan at bituin binibili ko agad iyon mura man o mahal. Ganun ang pagka'adik ko sa mga iyon. Kung siguro pwede makulong ang mga adik sa ganun, malamang sa malamang matagal na akong kulong.
"You, like it?"
Nasa hamba na ng pintuan si Nj. Nakhilig at nakangisi na tila ba alam niya ang magiging ganito ang reaksyon ko ng makita ang painting.
Tumango ako. "Yeah." at saka bumaling ulit sa painting. Kahit hindi ko iyon sulyapan, naglakad ito papalapit sa'kin, pareho na kami nakatingin sa painting ngayon.
Habang tinitignan namin ang painting hindi ko mapigilan magtanong sa kaniya. "Saan niyo yan binili? Online ba?" syempre pag sa online oorder na ako agad-agad.
Hindi muna ito nagsalita kaya naman sinulyapan ko siya, nakatingin pala ito sa'kin. And for the second time or third time, I can feel that my heart beating so fast. Hayup bakit ganito ang puso ko, parang ewan lang.
Ngumisi ito at sa halip na sagutin ako ay nakapalmusa itong bumaba ng hagdanan. Kaya sinundan ko ito, kailangan kong malaman kung saan yan binili at gusto kong magkaroon ng ganyang painting ilalagay ko sa kwarto ko.
"Oy, answer me. Saan niyo yun nabili?" pangungulit ko habang sinusundan siya papuntang kusina. Pero hindi niya pa rin ako sinasagot, kaya naman hindi ko siya tinatantanan.
"Hala naman, sagutin mo na ako." nagpapadyak na sabi ko. Ngumingiti lamang ito at saka isinuot ang apron, nasa harapan pa rin ako nito.
Tinignan niya ako. "Maupo ka na muna, magluluto ako." sabay turo sa island counter.
Umiiling ako. "No, ayaw ko. Sabihin mo muna kung saan iyon binili." pagmamatigas ko talaga. Hindi pwedeng hindi ko malaman kung saan nila iyon binili at hindi ako makakatulog kakaisip nun.
Bumuntong-hininga ito and he looks at me na para bang sinasabi ng mga mata nito na nakukulitan na siya sa'kin.
"What?"
Tanong ko. Iniisip ko kung may ginawa ba akong masama para mainis siya. Eh, nagtatanong lang naman ako kung saan nila iyon binili. Hindi niya naman kasi sinasabi.
"Umupo ka na, Magluluto na ako."
Pinagkrus ko ang aking braso, bakit naman ako papatinag sa tingin niya. Kaya naman umayos pa lalo ako ng tayo sa harapan niya.
"Sabihin mo na muna kasi."
Huminga siya ng malalim. Mariing pumikit at aasta na tatalikuran ako.
"Fine! Kung ayaw mong sabihin, hahanapin ko nalang. Magluto ka na jan. Hintayin na lang kita kots--"
Hindi pa ako nakakatalikod ay humarap ulit siya at hinila ang pulsuhan ko. Iminwestra niya ang high-chair.
"Stay there!" utos niya.
"Hindi ba ay magluluto kaya aalis na ako para hindi ka madistor-"
He glared at me with intimidating eyes. At yun sa isa na kinaiinisan ko. Hindi mo mawari kong nakangiti ito o nakangisi ito. Tumikhim nalang at naupo na lamang sa high-chair.
Pinagmamasdan ko nalang siyang nagluluto na tila bang sanay na sanay ito sa ginagawa. Pero the whole time, magkasalubong ang kilay nito and his lips protruded. Inilibot ko ang kabuuan ng bahay nila ng mapansin wala manlang kahit iisang kasambahay. Independent huh?
Bumaling ulit ako sa kaniya at nakapangalumbaba ako habang tinitingnan siya sa ginagawa. Hindi ko maiwasan mainggit dahil kababae kong tao hindi ko alam magluto.
But promise, sinusubukan kong matuto but I end up na ako ang pinagluluto. Taga kain lang ang ganap ko parati sa buhay.
Kaya naman sa halip na mas mainggit pa ay bumaba ako sa high-chair, napasulyap naman siya. "Maglalagay lang ako ng plate, spoon and fork sa tabl-"
Hindi na ako pinatapos nitong ugok nito. Nilapag na niya ang dalawang pinggan sa counter. Sinulyapan ko iyon. Fried Rice, spam and sunny-side up eggs ang nakalagay doon.
"Dito tayo kakain?" I asked ng mag-angat ako ng tingin sa kaniya.
Tumango ito. "Yes. We won't need the dining are to eat this breakfast."
Edi okay. Bakit iiyak kana? yang mga katagang gusto kong sabihin sa kaniya pero pinili kong manahimik at sigurado pag sinabi ko iyon para mabara lang siya, magagalit naman.
Umupo ng ulit ako sa high-chair at inayos ang dalawang plato na may pagkain. Yung isa nilagay ko sa kaniyang harapan. Kumuha muna ito ng dalawang tasa akma na lalagyan niya ito ng kape ng pigilan ko siya
"Wait!" sabi ko.
"What?!"
"I don't drink coffee." tugon ko dito.
Kaya naman ay iniwanan niya sa lababo ang dakawang tasa at naglakad ito papalapit sa ref. at kumuha ng isang pitsel na orange juice, napapansin kong nakatingin siya sa'kin.
I immediately, looked at him and he looked away. I rolled my eyes . Takot ka din pala. bulong ko sa aking sarili.
Nilapag niya ang pitsel na may laman na juice saka naupo agad sa high-chair sa tapat ko. Kinuha niya ang baso ko at nagsalin ng juice doon.
Were both silent. Tanging tunog lang ng kurbyertos ang namamayagpag sa amin. Hindi na kasi ako nagsalita dahil sa pagpigil ko. Nagkatinginan kaming dalawa dahilan para bigla akong matawa. Gago kasi hindi ako sanay ng ganito kaya napatawa ako. Hayup.
"What?" seryosong tanong nito sa'kin.
Umiling ako at pinilit kong magseryoso. "Wala, kain kana." pagkasabi ko niyon ay tinuon ko na na din ng pansin ang pagkain sa harapan ko.
"So what happened last night?" panimula ko para basagin ang katahimikan sa gitna naming dalawa.
"You fell asleep." his answer's brief.
"Bakit hindi mo ako ginising kung ganun?"
"Ang hirap mong gisingin."
Bigla naman ako nakaramdam ng hiya. Takte oo nga mahirap pala ako gisingin, pero bakit dinala niya ako dito?
"Eh, san niyo binili ang painting?" segway ko.
He sighed heavily. Napainom siya ng juice at tila bang wala talaga siyang balak sagutin ang tanong kong iyon. It pissed me off. Big time!
"Bakit hindi mo sinasabi kung saan? Hindi naman ako hihingi ng pera pang bayad nun!" "Saan niyo yan binili? naiinis na sabi ko.
Tumitig siya sa'kin. Those intimidating green eyes pissed me off again. Nakakainis talaga ang titig nito sa'kin.
"Francis Pauline, we shouldn't fight in front of our food." malamig na sabi niya.
Edi tumalikod tayo... takte ka at full name pa ang tawag mo sakin.
Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili. Hindi ako pwedeng umalis dito na hindi ko malalaman kung saan nila ito binili. Alam ko na madami sa online niyan, pero iba kasi ang painting na iyon, hindi lang yun basta painting. May substance ito.
Nagpatuloy lang ako sa pagkain kahit gusto kong magtanong ng magtanong about sa painting. Naiinis ako kaya kahit alam kong nakatitig siya sa'kin hindi ko na ito tinignan pa.
"Saan niyo nga binili ang painting?!" naiinis na sabi ko dahilan para manginig ang boses ko.
Hindi niya ako sinasagot. Mas lalo akong naiinis. It frustrates me that he doesn't talk. Damn it!
Alam mo ba ang feeling ng para kang tanga kakatanong tapos hindi manlang sinasagot. Di'ba, ang sarap manakal at maniris ng buhay!
"Hindi namin yan binili, I painted it myself." simpleng wika nito.
Bigla naman ako natigilan at nag-angat ako ng tingin sa kaniya. So,he can paint? namamanghang bulong ko sa sarili. Hindi lang ako makapaniwala na madami siyang alam. Nagtama ang aming mga mata. It's amazing how his intimiditing green eyes bore into me with so much gentleness. Ito na naman ang puso ko naghuhurumintado, hayup na iyan. Sa talim ng tingin ko sa kaniya paniguradong alam niyang galit ako.
"What's the sudden change?" tanong ko, nakakapagtaka na sa tagal kong pangungulit ay sinabi niya ito.
Hindi siya sumagot. His jaw clenched like he wants to say something pero pinipigilan niya lamang ito. Alam kong nagpipigil lang iyon. Pero bakit naman? Samantala noon ay halos magpatayan na kami.
Tumigil na rin ako sa pangungulit. At tinapos ko na ang pagkain ko.
Ilang sandali pa ay halos sabay kaming natapos mag-agahan. Kaya naman tumayo ako at kinuha ang mga plato at dire-diretsong pumunta sa lababo. I washed the dishes, nakakahiya na masyado. Kahit naman ganito ako ay marunong din akong mahiya. He remained on the counter until I'm finished.
"Iuwi mo na ako." sabi ko sa kaniya at saka dire-diretso akong naglakad palabas.
Ilang minuto din akong nag-antay sa kaniya. Nang makalabas ay bagong ligo na ito at saka nakapagpalit na ito ng damit.
He was wearing a color white plain t-shirt at isang black cotton jagger pants pinaresan niya ito ng white adidas sneakers.
"Let's go" anyaya niya habang nilalaro laro ang susi sa kamay.
Tumango lamang ako. Nahiya naman kasi ako sa itsura ko. Ako alang ligo samantala siya fresh na fresh.
Akma na bubuksan ko na yung sasakyan niya na gamit kagabi ng pinigilan niya ako.
"Ano na naman?"
"Hindi yan ang gagamitin, pang clubbing lang yan." giit nito saka lumapit sa pulang, napaawang ang labi ko makita ko kung anong sasakyan iyon. Takte BMW. Takte gaano ba kayaman ang tao na ito. Alam ko naman na mayaman din sila pero hindi ko alam kung gaano.
"Francis Pauline." pukaw nito sa'kin. "Hop in."
Tumango-tango nalang ako saka sumakay na nang kotse. Bago pa man ito istart ang sasakyan ay binuksan nito ang compartment niyon. Kinuha nito ang isang lagayan ng sunglasses.
Okay hindi na ako magugulat pa kung pati sunglasses ay branded, bulgari lang naman yun. Pagkasuot niyon ay tumingin ito sa'kin.
Takte ang gwapo mo, hayup ka.
Nag iwas ako ng tingin at umayos ng upo. Ilang sandali pa ay ini-start na nito ang sasakyan at saka pinaharurot na iyon patungo sa bahay ko.
To be continued...