CHAPTER 11

1828 Words
Isang araw na ang lumipas matapos ang pangyayaring iyon sa pagitan namin ni Nj, hindi ko na ulit siya nakita. Kung sabagay naging masyado na kaming abala sa paghahanda para sa foundation day namin ngayon friday.  Napabuntong-hininga na lamang ako at inabala ang sarili sa pagtatahi ng costume para sa amin performers. Andito kami ni Kali sa vacant room kasama ang iba namin kaklase na kung tumutulong sa'min para sa preparasyon, abala din ang mga ito sa pagpipintura ng props, paggawa ng banner at paggawa ng pompoms.  Half-day lang din kasi kami dahil abala talaga ang lahat para sa foundation na gaganapin. Kaya we take this may chance para gawin ang mga kailangan naming gawin bago mag biyernes. Naging abala ang lahat. may sari-sariling mundo. Nag-iingay lang kami kung nagpapatawa ang kaklase namin na bakla, si Gervine. Sinulyapan ko si Kali, abala ito sa pagpa-paint sa banner. Napangiti ako na she get along with us well, of course bukod kay Rose. I don't know the reason why Rose suddenly changes in mood into irritated one everytime she saw, Kali. Wala naman ginagawa ang tao sa kaniya, nginingitian pa nga siya nito. Minsan naiisip ko nga na baka nagseselos kasi halos araw-araw kaming magkasama ni Kali, but that would be impossible, hindi naman ganun kababaw si Rose para sa mga ganun di'ba? Tupakin lang talaga ang gaga na iyon.  Napa-angat lang ako ng tingin ng tumayo si Kali at nagsalita sa harapan ko. "Fp?" pagtawag niya sa'kin. "Hmm?" tugon ko habang hawak hawak ang kapirasong tela sa kamay ko. "Do you know where the Thrm building is?" nakangiting sabi nito, hays, ewan babae naman ako pero promise natatameme pa rin ako kay Kali. Iba talaga siya sa lahat ng babaeng kilala ko. Ilang sandali pa ay tumango ako. "Oo naman, nasa tawid lang yun. Why?" I asked because I'm just wondering why she suddenly asked where the Thrm building is. Hindi ako chismosa, curious lang ako at sa pagkaka-alam ko ay wala naman siya kakilala dito. She smiled, sweetly at me and said. "May pupuntahan ako." parang kinikilig na sabi niya. "Pwede mo ba akong samahan?" parang nahihiya pang sabi nito sa'kin.  Wag kana magpa cute, Kali at maganda kana. Magtira ka para sa mga hindi cute, of course not including me because I know I'm beautiful.  Tumango agad ako. "Of course naman."  may sisilayan din ako, pero sana aandun siya, malamang aandun yun, I mean sana makita ko siya. Wala naman siguro masamang sumilay sa taong kumuha ng first kiss ko. Inaamin ko I'm little bit confused kasi syempre nag kiss na kami, pero hindi ko alam kung ano ang meron sa'min. I added him on f*******: ng gumawa ako ng account, actually silang lahat. Pero dumaan ang isang araw na hindi niya iyon ina-accept, friends ko na sila Carl pero siya hindi man lang ako ina-accept. Nakita ko rin na friends nito si Kali, actually kaya na add ko 'yun kasi nasa suggested friend ito ni Kali. At first nagtaka ako bakit friends sila, pero ng napaisip ako na magka schoolmate pala kami napagtanto kong normal lang'yun. At hindi rin ipagkakaila na famous si Kali, isipin mo thousand ang likes ng post nito sa feed, kahit simpleng tuldok lang, umaabot ng 1k ang reacts. Madami din siyang followers and friends na dito nag-aaral. "Are you okay, Fp?" biglang pukaw sa'kin ni Kali. "Ha? Anong sabi mo?" bulalas ko ng hindi ko masyadong narinig ang sinabi niya. Masyado naging pre-occupied ako sa mga iniisip ko. "I said, ipapakilala kita."  "With whom?" I exclaimed. "Basta, later nalang when we get there." yun lang at saka tinalikuran na ako at bumalik sa ginagawa nito kanina. Nagpailing-iling ako habang pinagmamasdan ang nakatilikod na bulto ni Kali, ang gulo din nitong kausap. I whispered underneath my breath Umayos ako ng upo sa harap ng sewing machine at aastang pagaganahin iyon nang bigla bumukas ang pinto ng silid. Yung pagkakabulas na para bang may emergency, kaya awtomatiko akong napalingon, napansin ko din na  ang mga kasamahan ko doon ay sabay-sabay din napatingin sa hamba ng pinto. "Opps! Sorry." maarte na sabi ni Rose habang naka peace sign. "Napalakas eh." Sinulyapan ko ang mga kasamahan ko sabay-sabay nagsibuntong-hininga sa sinabi ni Rose, at sabay-sabay din nagsi-balikan sa ginagawa. Sinusundan ko lang tingin si Rose habang naglalakad papalapit sa'kin. "Bubuhay ka ng patay sa ginawa mo eh." medyo pagalit na sabi ko sa kaniya ng makalapit ito sa'kin. Tumawa lang ang gaga at hinawakan bigla ang aking pulsuhan. Nakakunot-noo akong nag-angat ng tingin sa kaniya. "What?!" may pagtataka sa tinig ko. Pero sa halip na sumagot ito hinila niya ako palabas ng pinto, akma na lalayo na kami ng mangibabaw ang boses ni Kali dahilan para matigilan si Rose at sumulyap dito. "Saan ka pupunta, Fp?" Kali asked. Akma na sasagutin ko si Kali ng mataray na humarap si Rose sa kaniya. Baliw talaga ang babaeng ito, lakas ng amats, hindi naman inaano ni Kali. "Wala ka ng pake doon." seryosong sambit ni Rose sa kaniya. "Rose!" hindi makapaniwalang bulalas ko ng mapansin na napayuko si Kali. "Joke!" natatawang bawi ni Rose sa sinabi sa kaniya, napa-angat bigla ng tingin si Kali kay Rose. Halatang-halata na nagulat siya sa biglang bawi ni Rose. "May pupuntahan lang kami ibabalik ko agad si Fp." "Ah" napahawak ito sa noo niya na tila bang nag-aadjust sa pagkagulat niya. "Okay sige." saka bumaling ito sa akin. "Yung pupuntahan natin later, Fp ha." pagpapaalala niya sa'kin. Nginitian ko ito saka tumango-tango.  "Rose, wag ka naman ganyan kay Kali." sambit ko ng naglalakad kami sa hallway palabas ng building. "At saka saan tayo pupunta, parang nagmamadali ka?" tanong ko na din at napapansin kong nagmamadali maglakad ang gaga, hindi ko alam kung ano ang ininom nito na  hyper. Sinulyapan niya ako habang sabay kaming naglalakad. "Love na love mo na talaga si Kali, ano?" may pait sa tinig nito.  "Tanga ka, hindi naman. Parang sinuway ka lang na wag kang ganun, love na agad." pagpapaliwanag ko sa kaniya. "Duh! Joke lang naman." maarteng sabi nito habang patakbo na kaming naglalakad sa labas ng paaralan. Kaya naman hinawakan ko siya at hinarap sa'kin. "Saan ba tayo pupunta tanga ka? Para tayong hinahabol." hingal na hingal na sabi ko, okay lang sana kung naka flats kami kahit takbuhin pa namin, kaso hindi eh. "Fecal matter." sabi nito at saka hinila na ako papasok ng TBC, kung saan doon siya magba-banyo.  Pagkapasok namin sa banyo ay dali-dali itong pumasok sa favorite spot niyang cubicle. Napailing na lang ako. Kung malaman ng may-ari na pumupunta lang kami dito para magbanyo siguro lagot kami. Pero ang ganda naman kasi ng banyo kaya feel mo ang magbanyo kaso minsan nawawalan ng tubig. Napaigtad lang ako ng biglang sumigaw si Rose. "Walang tubig!" Napatawa ako saka lumapit sa pinto kung nasaan siya. "Tissue meron ka jan? Mag tissue ka na muna." natatawang sabi ko. "Ew! ayaw ko." "Ano ang gagawin ko? Walang tabo dito sa sink." sapo-sapo ko ang tiyan dahil sa kakatawa habang sinisilip ko kung may tabo sa lababo. "Ibili mo ako ng mineral water sa labas!"  Mas lalo akong natawa. "Okay sige. Magpunas ka muna jan baka langawin ka!" sobrang tawang-tawa talaga ako. "Hayup ka! Bilisan mo na!" sigaw nito sa'kin mula sa loob ng cubicle. "Ito na...ito na." sabi ko saka nagmamadaling lumabas ng banyo at saka tumawid para bumili ng malaking mineral water sa 7/11. Habang naglalakad pabalik sa paaralan hindi ko maiwasan na sumulyap kay Rose, hawak hawak ang tiyan na para bang sa pamamagitan ng gesture na 'yon ay nagsasabi ito na success, nailabas din. "Ano na naman yang tinginan mo sa'kin?" tanong nito sa'kin na hindi ako sinusulyapan. "Bakit ang init ng dugo mo kay Kali?"  Natigilan siya sa paglalakad at sinulyapan ako. "Kasi, hindi ko siya feel. Something about her na ayaw ko. I don't know what it is, hindi ko matukoy." kibit-balikat na sagot nito sa'kin. "She's good, Rose. As a matter of fact she get along well with our classmates." sabi ko naman sa kaniya na tila bang pinapaintindi ko sa kaniya na wag niya ijudge si Kali. "Don't judge the book by its page."  Biglang tumawa ito kaya nagtataka akong sinulyapan siya. "Tanga ka! Cover yun."  halos mapaupo na ito sa kakatawa sa sinabi ko. Napakamot ako sa noo ko. "Cover ba yun?" nagmamaang-maang na sabi ko, tanga alam ko naman na cover yun, gusto ko lang maiba. Malay mo ma discover. Mas lalong natawa ito. "Sabog kaba?" "Kung pasabugin ko yang bunganga mo. Yun ang sabog tangna ka!"  Nagkatinginan kami ni Rose at biglang natawa, yung tawa na sobrang tawang-tawa na kahit may mairita o pagtinginan kami wala kaming pakialam basta tatawa kami. Ilang sandali pa ay nagseryoso ito at bago pa man kami makapasok sa room ay nagsalita siya.  "Be careful lang, hindi lahat ng nakangiti sa'yo kaibigan mo." may pagbabanta sa tinig nito, sakto naman bumukas ang pinto ng room at dumungaw ang bulto ni Kali.  Sabay kami napatingin sa kaniya at mayamaya pa naramdaman kong lumapit ang mukha ni Rose sa tenga ko. "Yung iba diyan nakikipagplastikan lang." pagkasabi niyon, she tapped my shoulder and leave. "Saan pupunta si Rose?" tinig iyon ni Kali kaya nagpakurap-kurap ako bago bumaling sa kaniya, baliw kasi itong si Rose, parang ewan. "May pupuntahan daw eh." tanging naging sagot ko, hindi pa kasi ako maka get-over sa sinabi ni Rose, oo tama siya, pero- sinulyapan ko si Kali na nakangiti sa'kin. Mukhang hindi naman nakikipagplastikan siya. "Saan ka pupunta?" tanong ko ng mapansin na dala-dala nito ang bag. "It's Five O' Clock already for sure labasan na nila, Tara na sa kabilang building." dire-diretsong sabi nito, magsasalita pa sana ako ng hinila na ako pababa hanggang sa makalabas ng building at ngayon andito na kami sa sky walk para makatawid sa kabilang building. Habang naglalakad kami ni Kali sa hallway, hindi ko maiwasan na tanungin siya kung sino ang pupuntahan namin dito at mukhang naeexcite ang mukha nito habang mas papalapit kami sa direksyon kung saan ka tutungo. "Hindi ko alam na may kakilala ka dito, Kali. Sino ba iy--"  Naputol lang ang ibang sasabihin ko ng madanggil ko ang isang batang babae. "Hala! Sorry be." nag-aalalang sabi ko saka inalalayan itong tumayo, buti nga ay hindi umiyak. Nginitian lamang ako nito at tumakbo na papalayo, mukhang may kalaro ito. Napangiti naman ako habang pinagmamasdan ito at nang makalayo na ang bata ng tuluyan, sinulyapan ko si Kali, nasa malayo na kaya naman kahit hirap na hirap ako dahil sa heels ko tumakbo ako para mahabol ko siya. "Kal--"  "Love!" natutuwang tawag ni Kali, dahilan para maputol ang sasabihin ko. Napahinto ako at nag-angat ng tingin sa direksyon kung saan tumawag si Kali ng Love, nanigas ako sa kinatatayuan ko na para bang binuhusan ako ng isang drum na yelo sa katawan nang mapagtanto kung sino iyon.  Nj? Bumaling din agad ako ng tingin kay Kali ng makalapit siya kay Nj, agad itong yumakap na tila bang namiss niya ito ng sobra. Sinulyapan ko ang mga kaibigan ni Nj, mukhang gulat na gulat din sa ginawa ni Kali, pati nga si Rose mukhang nagulat ngunit sa'kin ito nakatingin. Alam niyo ba yung feeling na nanlalamig na para bang nanghihina ka at biglang bumigat ang pakiramdam mo? Na para bang gusto mong tumakbo papalayo pero hindi makagalaw ang paa mo? Yun kasi ang nararamdaman ko ngayon ng nagtama ang aming mga mata ni Nj. At sa unang pagkakataon tumigil ang mundo, hindi dahil sa saya kundi dahil napagtanto ko na naging ilusyunada ako, na purket naghalikan kami ay may something na kami. Pumasok din sa isipan ko na kaya siguro hindi ni Nj ina-accept ang friend request ko dahil may preno-protektahan siyang tao, at si Kali 'yon. Pero bakit niya ako hinalikan? To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD