CHAPTER 12

1871 Words
"Why are you looking at me like that?"  Nakakunot-noo akong tinignan si Rose ng mapansin ko na kanina pa ito nakatitig sa'kin na parang tanga, nakangiti. Enjoy na enjoy ata akong tignan na lugmok. Umiling ito. "Wala lang, natatawa lang ako sa'yo." nakasandal ito sa couch dito sa bar, tangna after ang nangyari kanina, niyaya ko itong mag-inom wala na ako pake kung bukas pagkagising ko papasok akong may hang-over, kaysa mabaliw ako kakaisip.  Ang dami ko na tuloy ngayon iniisip. Badtrip minsan na nga lang magka gusto doon pa sa may sabit. Nakakainis.  Ininom ko muna ang alak na nasa shot glass ko saka sumulyap sa kaniya. "Sabihin mo nalang na tuwang-tuwa ka sa nakikita mo sa'kin ngayon." naiinis kong sabi habang nagsalin ulit ng Mojitos sa shot glass. Ngumisi ito na parang nang aasar talaga at saka dumusog papalapit sa'kin. "Masakit ba?" Inirapan ko siya, takte itatanong pa ba yun, oo naman masakit, lalo na't umaasa ako na may something sa'ming dalawa. Totoo pala talaga na masakit ang mag assume.  I sighed heavily before I bore my eyes on her. "What do you think?" I asked her in between sarcasm and irritation while rubbing my finger around the rim of the glass. She tapped my shoulder and sighed deeply as she stared at me. "Alam mo, Fp." panimula niya.  Kaya naman sumandal ako sa couch at pinagkatitigan siya makinig sa sabihin niya sa'kin. Makikinig ako at kailangan ko ng payo mula sa beterana pagdating sa pagkaka broken. Sinundan ko lang siya ng tingin nang itinungga nito ang alak sa shot glass at saka tumingin sa'kin. "Hindi ka pwedeng mabuhay sa konsepto lalo na sa panahon ngayon na hahayaan mo nalang siya na ma fall sa'yo, I mean." she paused for awhile before continuing. "Kahit naghalikan na kayo, it doesn't mean na ma fa-fall na siya." she shrugged. "C'mon, kiss nowadays is just normal, I know sasabihin mo na eh first kiss mo siya, so what sa kaniya di'ba? Lalaki siya, and nung nangyari iyon, hindi ka naman tumutol."  Natigilan ako bigla, totoo naman ang sinabi niya, hindi naman ako tumutol nun, so it means ginusto ko yun. And at saka tama siya na ang kiss sa panahon ngayon ay para normal nalang. Kahit saan pwede na maghalikan. May commitment man o wala. Napatingin muli ako kay Rose na nakatitig din sa'kin. "What should I do?" namomroblema na tanong ko sa kaniya. Nakangiti ito saka pinagkrus ang mga braso sa dibdib na halos makita na ang cleavage.  "Simple lang yang problema mo, Fp!" sabi nito sa'kin na para bang may solusyon ito sa nararamdaman ko. "Ano na naman yun?" seryoso kung sambit sa kaniya, pag ito kalokohan ang maging sagot babatuhin ko ito ng sandal sa mukha. "Tangna, edi lumandi ka!" ngumisi ito. "Magpapansin ka! Hindi pwedeng pa demure ka, hindi pwedeng sasabihin mong true love waits, hayup na yan! Walang waiting shed ang pag-ibig, Fp. Harot harot din! Galaw galaw. Wag puro pa cute." dire-diretso talagang sabi niya sa'kin. Napabuntong-hininga na lang talaga ako sa sinabi ni Rose, naiisip ko palang ang salitang lumandi, parang hindi ko na kaya. How much more sa harot harot. Takte na yan hindi ko ata kayang magharot harot pagdating sa pag-ibig. I want a commitment in a relationship, ayaw ko ng laro-laro lang at ayaw ko din na makuha iyon sa panglalandi. I'm a well preserved woman after all. "Paano kung hindi ako lumandi?" nag-angat ako ng tingin kay Rose. "Ayako sa ideya na yan, Rose." nanlulumo na dagdag ko. Ngumisi si Rose. "Kung ayaw sa ideya na iyan, uminom na lang tayo, at wala na ako maipapayo sa'yo." sabay abot sa'kin ng baso agad ko naman iyon tinanggap at ininom. Nahilamos ko ang sariling mukha sa frustrasyon sa sinabi ni Rose at sa nararamdaman ko ngayon, napasulyap ako sa cell phone mo ng bigla itong umilaw, kaya naman naiinisa ko itong  dinampot mula sa gilid ng couch. Binuksan ko iyon. Wala naman text. Kaya ilalagay ko na sana ulit iyon sa dating pwesto ng umilaw ulit iyon kaya tinignan ko. May notification galing sa f*******:. Nakakunot-noo ko itong tinignan kung sino. At napaawang labi ko sa nabasa ko. Kinuha ko muna ang alak at itunungga iyon at saka binasa ulit. Niks Advincula acccept your friend request. Mayamaya pa biglang nag pop-up yung chat heads ng messenger ko. At si Nj iyon, hindi ako magkakamali at same yung Dp na nasa wall niya. I tapped the chat heads then read his message. Niks Avincula: Where are you? Fp Flandez: Seen Mayamaya pa ay may message ulit ito. Niks Avincula: Asan ka nga? Fp Flandez: Seen Aba! Parang galit pa siya, bakit mo naman tinatanong kung nasaan ako? May Kali ka na, may pagtanong ka pa sa'kin ng ganyan. bulong ko sa aking isip habang nakatitig sa cell phone ko.  "Hoy! Ano mag ce-cell phone na lang tayo dito?" biglang imik ni Rose. Kaya agad ko itong inilagay sa itim kong leather na gucci purse at saka bumaling sa kaniya. "Parang hindi rin nag ce-cellphone, kanina ka pa nga jan ngiti ng ngiti hayup ka!"  Ngumiti ito. "Syempre, kailangan yun sa mga taken na." malanding sabi nito.  Inirapan ko ito. "So sa'kin, hindi pwede?" Tumango-tango ito kasabay ng pagtawa. "Exactly."  Akma na magsasalita pa ako ng may lumapit sa aming dalawang lalaki, kaya napa-angat ako ng tingin sa kanila at napasulyap kay Rose ng bigla itong tumayo at binata ang dalawang lalaki. At base sa pag-uusap nila ay mukhang matagal na itong magkakilala. "Guys" sabi nito sa mga lalaki at saka bumaling sa'kin. "Meet my friend, Fp." pagpapakilala nito sa'kin. Kaya naman ako ay nakangiting tumayo at humarap sa kanila. "Hi, I'm Fp."  "I'm Vincent" nakangiti din na bati sa'kin, at masasabi kong gwapo siya, moreno ito, matangos ang ilong at saka mapupungay ang mga mata na halata na ito ay may tama na ng alak.  Aasta na sana akong makipag-kamay ng may biglang humamak niyon. Nagugulat kong tinignan ang kamay na nakahawak sa kamay ko.   Napa-angat lamang ako ng tingin ng mangibabaw ang boses ni Rose. "Hon, anong ginagawa niyo dito?" nagugulat na tanong nito, sinulyapan ko si Carl nakatiim ang bagang nitong hinapit si Rose papalapit sa kaniya. Mukhang galit ito. "Let's talk!"  Hindi pa nga ako nakakalingon sa direksyon kung saan nagmula ang may-ari ng boses na iyon nang hinatak na ako nito palabas ng bar.  "Let go of me!" sabi ko dito habang inaagaw ang kamay sa kaniya. Sumulyap ito sa'kin habang hawak hawak ang kamay ko patungong parking lot, kitang kita ko kung paano ito nagtiim ang bagang niya, na parang sinasabi niya sa'kin na sumunod nalang kaysa kainin niya ako ng buhay. Parang ganun ang ganapan sa mukha niya ngayon. "Nj!" sigaw ko nang makaramdam ako ng pagod. Grabe naman kasi kung makahila ito parang laruan lang ako.  Pero sa halip na bitawan ako nito, dire-diretso lang ito hanggang sa makalapit kami ng sasakyan. "Sabing bitawan mo ako!" pwersahan kong inagaw ang aking kamay sa kaniya, hindi ko alintana ang sakit dulot sa pagkakahila ko.  Matalim kong tinignan si Nj nang humarap ito sa'kin habang hawak hawak ko ang kaliwang kamay, ramdam ko kasi ang sakit doon dahil sa pagkakahila ko, mukhang napalakas naman ako ng sobra. "Ano ba ang ginagawa mo ha?!" I asked in a ridiculous tone. Pinagkrus ko ang kamay ko at hinarap siya. I made a face. "Alam mo ba ng girlfriend mo ang ginagawa mo?! at kong hindi sasabihin ko!"  He ignored me and held my wrist instead. At aasta na hihilahin papasok sa kotse niya nang inagaw ko muli ito sa kaniya. He sighed heavily and turned to me. Nakapamulsa siya ngayon at matiim na tinignan ako. His bloodshot eyes told me how tired he is today. Kung pagod siya, bakit aandito pa siya, dapat nagpamasahi na lang siya kay Kali. Hindi ko alam pero nagiging bitter ako ng maisip yun. "Let's go home, Francis Pauline." mahinahon na sabi nito sa'kin pero halata naman na may pagbabanta sa pagkakasabi niya. Umiling ako. "Hindi ako lumpo, Nj. Uuwi ako ng akin!" pagkasabi ko niyon ay tinalikuran ko siya at nagmamadaling naglakad papalayo, naramdaman kong sumunod siya kaya mas binilisan ko pa, napapikit lang ako sa gulat ng may humapit sa bewang ko at pwersahang hinarap sa kaniya. "W-what?!" Sa pagkakataon na yun ay galit ko siyang tinitignan. Naguguluhan na talaga ako sa inaasta niya. Bakit ba siya ganito? Bakit niya ina-accept ang friend request ko? Bakit aandito siya, eh may girlfriend siya? Bakit? Tangna naman ang daming bakit sa isip. "Leave me alone, Nj! Ayaw kong makasira ng relasyon!" this time binitawan niya na ako, kaya umayos ako ng tayo.  Unti-unti siyang pumikit at hinilot ng bahagya ang sentido. Huminga ako ng malalim para kumuha ng lakas para magsalita ulit. "Umuwi ka na at baka pag nalaman ni Kali na magkasama tayo, baka ano pa isipin niyon." Dumilit siya at mas nakita ko ang pagod sa kaniyang mga mata. Pero napalitan ito agad ng mapag larong titig. "Wala akong girlfriend, Fp." he simply said like it would make me happy.  Asa boy! "Edi waw!" yun lamang nasabi ko, hindi ko alam kung maniniwala ako sa sinabi  niya. Ano nag love na tawag sa kaniya ni Kali kanina? Ano yun?  Naalala ko nanaman yung yakap at yung love na salitang iyon! I hate it! It pisses me off talaga! "Umuwi ka na"  mahinahon ko na sabi dito para itago ang inis na nararamdaman ko. "Iuuwi na kita. Nakainom ka" seryosong sabi nito sa'kin, habang pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. "And damn it! Look what you're wearing, damit pa ba yan?" Nakakunot-noo akong nagbaba ng tingin sa suot ko, bakit maganda naman ang suot ko ha, anong pinagsasabi niya, I'm just wearing my Ralph Lauren black slinky halter-dress. Pero sa halip na makipagtalo pa I just rolled my eyes. "Whatever!" may diin na sabi ko sa kaniya. "You're confusing me." wala sa sariling naisatinig ko.  Nanlaki ang mata ko at natigilan ako na mapagtanto na naisatinig ko nga iyon. Paksyet akala ko pabulong ko nasabi iyon. Napayuko ako bigla ng maramdaman ang pang iinit ng aking mukha. Tangna! gusto kong magpalamon sa lupa sa mga oras na ito. Tangna ang gaga mo self. Narinig ba niya-- awtomatiko akong napa-angat ng tingin nang maramdaman na hinawakan ni Nj ang magkabilang pisngi ko. Nagtataka, naguguluhan, nagugulat na tinignan ko siya. Nagsimula na naman ang paghuhurumintado ng puso ko. Tangna halos hindi na ako makahinga. Bakit niya hinahawakan ang pisngi ko? Nakangiti ito sa'kin, yung ngiti na ngayon ko lang nasilayan. Yung mga ngiti na para bang nakarinig ito ng maganda para mapangiti.  "Wag ka nga ngumiti, para kang tanga. Alam mo ba yun?"  I can still manage to talk kahit nakahawak ang mga kamay niya sa pisngi ko. Mas ngumiti ito, I suddenly feel awkward. Parang ewan naman kasi ito panay ngiti pa.  "Bitawan mo na ak--"  Naputol na ang sasabihin ko ng ginawaran niya ako ng halik, at nakangiti itong tinitigan ako. "I like you, Francis Pauline." Nagpakurap ako at nastatwa sa sinabi niya. About sa damit lang pinag-uusapan namin kanina bakit na punta sa I like you? Nababaliw na ba siya? - Rinig na rinig ko na talaga ang tunog ng puso ko. Ewan ko lang ha pero talaga rinig ko ang mabilis na pagtibok nito. "Look I don't believe in courtship, it's just a waste of time." seryosong sabi nito sa'kin "Just love me now, liligawan kita araw-araw." he whispered so low na parang kami lang talaga ang nakakarinig. Nababaliw na ito.  Ngayon naman gusto niyang mahalin ko siya agad-agad. Hayup! mabilis pa to sa internet namin sa comp lab. Kaya naman nagpumiglas ako dahilan para mabitawan niya ang mukha ko akma na lalayo ako ng he pulled me closer. Pumikit ako ng bahagya. Crazy bastard! "And don't let anyone touch you... You're mine now" He whispered again and he pressed his lips against my forehead. Kasabay nun ay lalo ng naghuhurumintado ng puso ko, napakagat ako sa ibabang parte ng labi ko. Totoo ba ito? Boyfriend ko na siya? this instant? Hoy! pasampal nga. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD