Falling In love is something I hadn't expected. But being In love is something I couldn't stop even if I tried. And now, I fell in love with someone I never expected fall for.
"Asan si Mama?" I asked aling melda habang ito ay naglalagay ng mga nilabhan na damit sa closet ko.
Napasulyap ito sa'kin. "Nasa baba, Hija... may kausap. Mukhang bisita mo ata iyon."
Natigilan ako sa pag-aayos ng gamit ko sa bag. Nagpalit kasi ako ng bag ngayon. Nakakunot-noo ako na nalingon si Aling Melda. By the way aling Melda is a little bit older than Mama, she's with us since I was four years old. Siya na ata ang katuwang ni Mama sa pagpapalaki sa'kin. My Lola and Lola ay nasa Bais City, every Christmas pumupunta kami doon to spend the holidays with them. Actually, I asked Mama kung bakit nandito kami sa Tacloban while sina Lola at Lolo nasa Bais, she just told me lang na may bad memories siya sa Bais kaya ayaw niya daw doon, and yung business daw namin dito, hindi pwedeng iwanan.
"Sino po 'yon, Aling Melda?"
"Hindi ko kilala, Hija." simpleng tugon sa tanong ko habang tinutupi ang mga sando ko.
So the next thing na ginawa ko ay nagmamadali kong inilagay ang aking mga gamit sa bag at saka nagmamadaling bumaba galing kwarto para tignan kung sino ba iyong kausap ni Mama na sinasabi ni Aling Melda.
I stopped mid-step when I saw someone on our kitchen wearing a apron habang kaharap ang kawali na nasa ibabaw ng stove. Napakunot-noo ako ng makita kung sino iyon.
Dali-dali akong bumaba at saka dahan dahan na iniligay ang aking mga gamit sa Island counter. I immediately sat down on our high chair. I tilt my head at pinasadahan ng tingin ang lalaking abala sa pagluluto ng almusal. Napangiti ako, so he is serious about last night.
Tumikhim ako para makuha ang kanyang atensyon, at hindi naman ako nabigo, I caught his attention. He immediately smiled at me nang makita ako.
"Good Morning" malambing na bati nito sa'kin.
Napaayos ako ng upo para itago ang ngiti na gustong kumawala. Hindi pwedeng mahalata niya na kinikilig ako.
"What are you doing here?"
He turned off the stove first before walking towards me.
"I told you last night, love me and I will court you everyday."
"Hindi ka ba nagbibiro, Nj?"tanong ko.
Gusto ko makasigurado, baka pinagluluko lang ako nito. Mas mabuting malaman ko ng maaga bago pa tuluyang ako mahulog sa kaniya.
He held my hand na nakapatong sa counter and he stared at me with a serious face pero punong-puno ito ng gentleness. "I'm serious about my feelings for you, Baby."
Akma na magsasalita pa ako ng marinig ko ang boses ni Mama na papasok sa sala, kaya naman agad kong tinggal ang kamay ko sa kamay ni Nj. Takte baka mahuli kami ni Mama. Ano na lang sasabihin ko na nag bar lang ako kagabi tapos uminom ng Mojitos pagkatapos ay may instant-boyfriend na ako. Kaya no for me, hindi ko na muna sasabihin as long as hindi pa ako sure if seryoso tong ugok na ito.
Bumaba ako sa high-chair at saka sinalubong si Mama, may dala itong bugkos ng rosas.
Nagtataka akong tinignan si Mama. "Saan galing yan, Ma?"
Nagbaba ng tingin si Mama sa mga bulaklak at nag-angat ng tingin sa'kin at saka nakangiting tumingin sa direksyon ni Nj bago bumaling ulit ito sa'kin. "Galing kay Nj. Anak."
Napalingon ako kay Nj, nakangiti lang ito sa'kin. Hay naku, paano ko pipigilan ang sarili from falling kung sa mga ngiti palang niya naghuurumintado na ang puso ko.
Ilang sandali pa ay nagsalita ulit si Mama. "Mag breakfast na kayong dalawa baka malate pa kayo, Ilalagay ko lang itong mga bulaklak sa kwarto." pagkasabi ni Mama niyon ay umakyat na ito ng hagdan patungo sa kwarto niya.
Sinundan ko ng tingin si Mama, napaigtad lang ako ng hinawakan ni Nj ang bewang ko.
"Let's eat na. Baka malate tayo." malambing na sabi nito.
Napa-angat ako ng tingin sa kaniya at saka tumango na lamang at walang imik na nagpahila paupo sa dining table.
Sinulyapan ko si Nj ng mapansin ko sa gilid ng mata ko na nakatingin ito sa'kin. "What?"
"Let's eat lunch together."
"I'm not sure about that...magiging busy ako the whole day, bukas na ang foundation day." sagot ko sa kaniya.
"Ah, Okay, then. Next time nalang." mahinang sambit nito.
Kaya tinignan ko siya habang nagdr-drive ito at nakatuon ang atensyon sa kalsada, by the way papunta kami ngayon sa school, after kasi namin mag breakfast ay nagpaalam na agad kami kay Mama. At guess what, gustong-gusto talaga siya ni Mama, ewan ko lang pag nalaman niya na boyfriend ko na si Nj, baka mag-iba. At sana wag naman mangyari. Sasabihin ko naman kay Mama ang lahat pag na sure ko na talaga na seryoso si Nj sa'kin.
"Try ko later." giit ko na lamang nang mapansin na nanlumo ito sa sinabi ko kanina lang.
Tumingin ito sa gawi ko bago ipinark ang sasakyan sa parking area. "Okay, then."
"Try ko lang ha, di pa sure." deklara ko.
At baka mamaya umasa siya na magsasabay kaming kumain, hindi pa kasi ako sure, madami talaga kaming gagawin ngayon araw. Lalo na ako at ako ang nananahi sa custome. Iilan din ang magsusukat mamaya, tapos may adjustment pa kung sakali hindi magkasya.
Tumango ito. "I understand." pagkasabi niya niyon ay sabay na kaming bumaba ng kotse.
Nang makababa kami, agad naman itong lumapit sa'kin at hinalikan ang noo ko dahilan para mapapikit ako, ewan ko ba pero sa t'wing ginagawa niya yan ay feeling ko nakalutang ako sa ulap. Ang sarap sa feeling.
He bent his head down and brushed her lips softly with his. And then he stared at me as if no one is around. "I'll chat you, Baby. Wag mo ako ise-seen." ang tinig nito ay parang bata na nagmamakaawa.
Kaya naman tumango ako at saka nginitian siya. "Opo, hindi na kita ise-seen." anyare sa'kin, biglang pabebe. Ganito ba talaga ang epekto pag may boyfriend. Hayup na yan! para na tuloy ako si Rose sa t'wing kaharap si Carl.
"Fp, Okay na ba itong costume?"
Napa-angat ako ng tingin kay Joan isa sa performer namin. "Oo, Jo... okay na yan." sabi ko nalang dito para hindi nito mahalata na wala ako sa sarili ngayon.
Isang oras na ata akong nasa room pero ang isip ko nasa parking lot pa rin. Takte talagang pag-ibig na ito, nakakawala ng katinuan. Baka bukas pangalawa baliw na ako. Wag sana jusko po. Si Nj parang red horse ang lakas ng tama.
"Fp?" pukaw ni Kali sa'kin.
Tang ina kung ano ano nalang naiisip ko kaya naman para bumalik na ako sa wesyo ay umayos ako ng upo at saka tumingin kay Kali.
"Bakit, Kali?" tanong ko.
"Aalis muna ako." parang nahihiya pang sabi nito sa'kin. "Okay lang ba?"
"Oo naman" nakangiti ako sa kaniya, parang ewan naman ako kung hindi ako papayag. Tapos na naman din siya sa ginagawa at saka mag lu-lunch na kaya pwede na siyang umalis.
"Okay ka lang dito?"
Sunod-sunod ang pagtango ko. "Oo, okay lang ako dito, pwede mo na akong iwanan tapos ka na din naman sa ginagawa mo."
"Sige-sige. Thank you." kasabay nun ay bumeso pa ito sa'kin at ilang sandali pa nag mamadaling lumabas ng room.
Napatingin ako sa pinto kung saan lumabas si Kali. "Saan pupunta yun?" wala sa sariling tanong ko.
Napailing nalang ako saka bumalik sa pag-aadjust ng ibang costume na binalik kanina. Napahinto ako sa pananahi ng maramdam ang batok ko dulot sa matagal na pagkakayuko.
"Anong oras na?" sabay tingin sa aking wrist watch. Napaawang ang labi ko na alas tres imedya na pala. Tangna ganun ako katagal nag aadjust ng costume. Hinihilot-hilot ko ang aking leeg ng maisipan kunin ang aking cell phone sa bag, makapag-online nga.
I tapped the wifi icon sa cell phone ko, naalala ko kasi na may wifi every corner ng paaralan na ito, malakas din bukod sa internet sa comp lab. Jusko iritado ako lagi doon sa t'wing may activity na pinapagawa ang Prof.namin at kalahating oras na hindi ka pa rin makatapos gawa ng sobrang hina, ewan ko ba bakit sa comp.lab lang ang ganyan.
Nang mabuksan ko ang wifi, ang daming chat ni Rose at Nj, kaya hindi na ako nagsayang ng oras, binasa ko na agad iyon, syempre una si Nj pagkabukas ko napangiti ako ng sunod-sunod ang chat nito.
Niks Advincula:
Are you busy?
Baby?
You're busy, I guess...
Baby? Where are you?
Fp Flandez: Seen
Napakagat ako sa labi para pigilan ang kilig ko. Baby talaga ha? Para akong tanga na ngumingiti mag-isa habang binuksan ang message ni Rose, mamaya ko na re-replyan si Nj pagkabasa ko sa message ni Rose.
Napakunot-noo ako ng mabasa ang chat ni Rose...
MryRseLyn:
Huy! umuwi ka?
Bakit ka umuwi? May nangyari ba?
Huy, mag online ka hayup ka! nag-aalala ako, wala akong load, loadan mo ako para matext kita!
Tinignan ko kung anong oras iyon nag chat, tangna mga 1pm, kaya naman nagmamadali akong natipa sa cell phone ko.
Fp Flandez: Ha?
Akma na magtatype pa ako ng biglang namatay ang cell phone ko. Lowbat? Kaya kinapa ko ang bag ko baka dala ko ang charger ko. Bagsak ang balikat ko ng maalala na hindi pala ako nagdadala ng charger.
"Ngayon ka pa na na lowbat." naiinis na sabi ko habang nakatingin sa patay kong cell phone.
Iniligay ko na lamang ito sa ibabaw ng sewing machine. Sinulyapan ko ulit ang wrist watch ko, maaga pa naman kaya napagdesisyunan kong magpahinga muna bago umuwi, kaya naman humalukipkip ako sa dalawang braso ko na ginawa kong unan, at naidlip.
"Hmm." ungol ko ng kinagat ako ng lamok sa mukha. Hindi pa sana ako gigising kong hindi ko naramdam ang init sa loob ng room para kasing walang aircon. Kaya naman dahan-dahan akong dumilat at ang bumungad sa'kin ang madilim na silid.
Kaya naman napa-ayos ako ng upo. At napasulyap sa labas, tangna gabi na. Hindi ko alam kung anong oras na kasi hindi ko makita ang oras sa wrist watch ko sa sobrang dilim. Kinapa ko ang bag ko, at saka dahan-dahan tumayo at kinakapa kapa ko ang dingding hanggang sa makatungo ako switch ng ilaw.
"Tang ina!" sigaw ko sa inis ng hindi pag switch ko hindi umilaw.
Kaya naman kinapa-kapa ko na naman ang dingding para malapitan ang pinto. Napapikit ako ng pagpihit ko sa pinto, lock iyon.
"Manong guard!" sigaw ko baka nasaraduhan niya ako, pero walang sumagot.
Nagpapadyak ako, "Bakit naman patulog-tulog ako!" halos mangiyak ngiyak na sabi ko.
Ilang sandali pa, sinubukan kong hilain ang doorknob nagbabakasali na masira iyon, pero ang tibay.
Pinagpapalo ko ang pinto. "Tulong! Manong guard! Meron pa kayong nalock dito!" pinagpapalo ko pa rin ang pinto hanggang sa mapagod ako.
Kaya napadaus-dos ako sa sahig para maupo. Hingal na hingal, masakit ang kamay ko dahil sa kakapalo sa pinto at pawis na pawis na ako.
Inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng silid, wala akong makita na kahit ano, kaya nakaramdam ako bigla ng takot. Kung ano ano ng kababalaghan ang pumapasok sa utak ko. Naiisip ko yung mga kwento namin ni Rose about sa white lady, sa dwende, sa kapre at sa pugot na ulo.
Umiiyak na ako sa takot na dumating na sa punto na nanginginig na talaga ako. Halo halo na ang nararamdaman ko takot, init, gutom, at hilo. Hindi ko alam kung ano na ang itsura ko pero ramdam na ramdam kong namumutla na ako.
"Mama!" umiiyak na sabi ko ng biglang may narinig akong ingay sa kabilang pinto nitong silid. Napahalukipkip ako sa sariling tuhod, hindi ko kayang makakita ng multo.
"Fp?!" bigla may humawak sa'kin sa braso, kaya naman nakapikit akong humahagulhol sa takot.
"Jesus! Please help me!" sobra na talaga ang iyak ko, nagpumiglas ako at nagpapanic na ng hindi talaga nito binibitawan ang braso ko.
"Sheesh... Baby si Nj to." nag-aalalang tinig nito.
Natigilan ako at kahit nanlalabo na ang mata ko dahil sa luha ko pinilit kong magsalita.
"Nj?" nanginginig na bulalas ko at nang mapagtanto na siya nga, umiyak ako lalo. "Nj" sabi ko na tila bang bata ako na nagsusumbong at saka niyakap ko siya at ibinaon ko ang mukha ko sa dibdib niya.
"I'm here, andito na ako, stop crying na." pang-aalo nito sa'kin habang yakap-yakap din ako, at ilang sandali pa na mag-aangat sana ako ng tingin sa kaniya, nang biglang umikot ang paningin ko at kasabay nun nanlabo na ang aking mata at unti-unti na akong nawalan ng malay.
To be continued...