CHAPTER 16

2431 Words
"Saan tayo pupunta?"  Pagtatanong ko kay Nj habang nasa byahe kami. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Akala ko kasi kanin nang dumaan kami sa Mcdo ay kakain kami doon, yun pala nagtake-out lang siya. Natatakam na tuloy ako sa inorden namin pagkain kanina at umaalingasaw ang amoy nito sa dito sa loob ng kotse.  "Somewhere." simpleng tugon nito habang nakatuon ang atensyon sa pagmamaneho. Sa halip na magtanong pa ay bumaling nalang ako sa tanawin na nadadaanan namin. Habang pinagmamasdan ang mga ito, nagkaka ideya na ako kung saan kami patungo, tinignan ko siya. "Pupunta ba tayong MacArthur Park?"   Tumango lang ito at ilang sandali pa ay tumigil na ang sasakyan. Nagpatingin-tingin ako sa labas, andito na nga kami. Ang laki na pala talaga pinagbago ng park. Matagal na kasi akong hindi nakakapunta dito, bukod sa walang time, malayo ito sa bahay namin. Biglang bumukas ang pinto ng sasakyan kaya napabaling ako doon, binuksan na pala ni Nj, inilahad niya ang kamay sa'kin. Kaya naman inabot ko nalang ito hanggang sa makababa ako ng kotse. Napatingiti ako ng sumalubong agad sa'kin ang malakas na hangin. Ang gandang pagmasdan ang tanawin, lalo na't hindi masyadong mainit. "Ang sarap tumambay dito." wala sa sariling saad ko habang naka-upo sa gutter at nakatingin sa dagat. Matapos kasi ang malakas na bagyo noon, linagyan na ng pamahalaan ng Tacloban ng gutter ang dalampasigan for safety purposes. Napalingon lang ako kay Nj nang magsalita ito. "You like it here?" nakangiting tanong ni Nj, habang inaabot sa'kin ang pagkain na inorder namin kanina. Kinuha ko na din ang inabot na pagkain nito, at saka tumango. "Thank you. Oo gusto ko dito, sarap siguro mag star gazing dito." bukod kasi sa maganda nag tanawin dito, malawak ito at pag tumingala ka sa kalangitan t'wing gabi tiyak, kitang-kita mo ang mga nagkikislapan na bituin at walang nakaharang dito. "We can go back here tomorrow night."  Na-excite ako bigla. Sana hindi umulan para matuloy kami. "Gusto ko yan, promise yan ha."  Tumawa siya. "Yes, Promise." Hinawi niya ang hibla ng buhok ko sa mukha. Natigilan ako. Parang tanga naman kasi, bakit ang sweet niya. Tangna pag ako talaga sobrang nainlove dito, ewan ko nalang kung papakawalan ko pa ito. "Kain na tayo, babalik pa tayo sa school." sabi niya, kaya tumango-tango ako at sinumulan na din kumain. "Thank you" nakangiting sabi ko sa kaniya nang makababa kami ng kotse. Pagkatapos kasi namin kumain, tumambay muna kami ng ilang oras at saka niyaya ko na siyang bumalik sa school at panay text na si Rose kung nasaan na ako. Parang tanga lang di'ba? pag siya ang umaalis at iniiwan niya ako, hindi ko siya tine-text pero pag siya halos pumutok na ang inbox ko. Mamaya talaga to sa'kin. "I'll chat you later, magpra-practice lang kami para sa mini concert mamaya." deklara niya. Tumango ako. "Sige." tugon ko.  "Tara, hatid na muna kita sa cafeteria." Umiling ako, "Wag na, pumunta kana sa Music Room baka hinihintay ka na nila." pagtutol ko at alam kong madami din silang gagawin ngayon, baka mapagalitan siya kaya naman umayaw na ako, ano ako lumpo para magpahatid pa sa kaniya, at saka boyfriend ko siya hindi ko siya body guard para kailangan ihatid pa ako. Pagkadating ko sa cafeteria, abala ang lahat sa  pag-aayos sa mga performers, kaya naman agad kong inilagay ang aking bag sa gilid at tumulong na din. Nakakahiya, paalis-alis ako, samantala sila hindi na magkaundagaga sa mga gawain. Ilang oras nalang din mag-uumpisa na ang mini-concert. Habang nagkakabit ako ng hairdress sa buhok ng isa sa performer namin nang may tumawag sa'kin mula sa hamba ng pintuan kaya naman nilingon ko ito si Jeffrey pala, kaklase ko. "Ano atin, Jeff?" tanong ko saka nagpatuloy sa pagkakabit ng hairdress. "Pinapasabi ni Kali, puntahan mo daw siya sa Orc, dahil daw sa foods." Hala oo nga pala, kailangan ng tulong ni Kali doon, madami kasi iyon. Umorder nalang kasi kami sa Mcdo ng pagkain para sa performers at para sa katulong namin sa paghahanda ngayon. Hindi na kami nag-abala pa para magluto at parehas kami ni Kali na hindi marunong magluto, ay ako lang pala at si Kali marunong daw siya ng konti. "Sige, Jeff. Pupunta nalang. Salamat." sabi ko sa kaniya at saka tinapos ko muna ang pagkakabit ng hairdress, pagkatapos ay nagpaalam muna ako sa kasamahan ko dun bago pumunta sa Orc. Nang makarating doon ay agad ko na din hinanap si Kali at nang makita ay agad ko na itong linapitan. Abala ito sa pag aayos ng burgers sa ibabaw ng mahabang mesa. "Kali?" tawag ko kaya lumingon siya, pansin ko sa kaniya na parang galit siyang nakatingin sa akin kaya nagtanong ako. "May problema ba?" Nagtaka naman ako bigla ng tinanong ko siya nun ay biglang lumambot ang mukha niya at saka nginitian ako. "Anjan ka na pala, Fp." Bigla naman akong na awkward sa ngiti niya, gayunpaman nginitian ko nalang din ito. "Oo, pasensya na hindi kita napuntahan-" naputol muna ang sasabihin ko ng bigla siyang tumalikod sa'kin at may binulong na siya lang ang nakarinig. "Nagkabit kasi kami ng hairdress." pagpapatuloy ko nalang at saka lumapit na sa kaniya para tulungan siyang mag-ayos ng pagkain. Sumulyap siya sa'kin habang kinukuha pa ang ibang pagkain sa box. "Okay lang." nakangiting sabi niya. "Nag lunch kana ba?" tanong ko. Umiling siya. "Hindi pa." "Ha? Bakit? maglun-" naputol na naman ang sasabihin ko ng magsalita siya, hindi ko maintindihan si Kali ngayon, parang wala siya sa mood. Baka pagod na kaya ganyan. "Yung kasabay ko kasing kumain mukhang nakakain na."  "Sino? Gusto mo samahan kita maglunch?" Umiling ito. "No, thanks. Hindi naman ako nagugutom"  Humarap ako sa kaniya. "Sure ka? Sasamahan kita anong oras na din baka nagugu-" natigilan ako ng bigla niya akong sinigawan. "I said, I'm not hungry!" nanlilisik pa ang mata nito. Nakulitan ba siya sa'kin? Tangna kasing bibig na ito, dumaldal nang dumaldal. "I-I'm Sorry." paghingi ko nang paumanhin sa kaniya. Ilang sandali pa ay nagsalita siya, "Cr lang ako." mahinahon na sabi niya, hindi niya na din ako hinintay maka-angat ng tingin sa kaniya. Nagmamadali na itong lumabas ng room dito sa Orc building. Pinagmasdan ko lang siya hanggang sa makalayo na ito, pumasok naman si Rose.  "Anong nangyari doon kay Pretty?" maarte na natatawang tanong niya sa'kin nang makalapit. "I don't know." kibit-balikat na sagot ko sa kaniya. "Ano ang ginagawa mo dito?" "Bawal bang bisitahin ang kaibigan kong maganda." isinandal nito ang pang-upo sa mahabang mesa habang nakaharap sa'kin. "Maganda sana, kaso nagtatago na ng sekreto sa'kin." nakataas ang kilay nito habang nilalaro laro ang dulo ng buhok ko. "Sasabihin ko sa'yo, humahanap lang ako ng pagkakataon." pag-amin ko, totoo naman talaga na sasabihin ko naman sa kaniya kanina pa kung hindi lang dumating sila Earlnov. "So, boyfriend mo na si Nj?" "Oo." "Kailan pa?" nakangiting tanong nito. Yung ngiti pa naman nito ay hindi mo mawari kung pang demonyo o nanluluko. "Noong nag bar tayo." "Ahh" tumango-tango siya. "Okay" Napakunot-noo ako. Yun lang? Hindi niya man lang ako pagsasabihan na bakit pumayag ako na maging boyfriend si Nj that instant? Yun lang talaga reaction niya?  "Bakit mo ako tinitignan ng ganyan? Alam kong maganda ako sa'yo, Fp." sabi nito nang mahalata niya na nakakunot-noo ako sa kaniya. "Nakakapagtaka ka lang, hindi ka manlang nag react diyan." sambit ko habang ilalagay na ang pinaka last na burger sa mesa. Natapos din, sumulyap ako sa pinto, hindi na bumalik si Kali. Asan na kaya yun? Tinignan ko si Rose nang magsalita ulit siya. "Kasi alam ko naman na hindi ka sasaktan ni, Nj. Pero kung sa iba yun, magagalit na ako at saka hindi mo na din iba si Nj, kabata mo na siya. Kaya kampanti ako." Ngumiti ako. "Thank you." saad ko, kahit kailan talaga, the best talaga si Rose na kaibigan. Kahit minsan ay hindi pala minsan madalas walang filter ang bunganga. Kaya love na love ko ito at kahit ano ang gawin ko, support lang siya, basta alam niyang hindi ako mapapahamak o masasaktan. Kaya kahit hindi wala akong kapatid hindi ako nalulungkot at anjan si Rose para sa'kin. "Duh." she rolled her eyes. "Tara na nga sa labas at magsisimula na ang concert." Napatingin ako sa labas, gabi na pala. Kaya naman ay tumango ako sa kaniya at nagpahila na sa harap ng stage dito sa Orc. Habang naka-upo kami dito hindi ko maiwasan na hindi magpalinga-linga, hinahanap ko kasi si Kali, kanina pa siya wala. Nag-aalala ako. Akma na tatayo ako ng may napansin sa likod ng stage, si Kali at si Nj? Hindi ko sure kaya gusto kong makita 'yon. Nang biglang magsalita ang emcee, kaya naman sa halip na puntahan ko iyon, umupo nalang ulit ako at naghihimutok na ang mga babae sa likod ko at nakaharang daw ako.  Ilang sandali pa nag-umpisa na ang concert, unang nag perform ay yung mga Social Work Department, Interpretive dance ang ginawa nila. Pagkatapos nila ay ipinakilala ng emcee ang susunod na mag pe-perform. Hanggang sa natapos iyon, mayamaya pa ay nahinto muna ang performance nang umakyat yung School Director namin. Ang kanina na maingay na paligid ay pansamantalang natahimik para makinig sa School Director namin. Magandang Gabi sa inyong lahat mga minamahal kong Normalista. panimula nito kaya naman umayos akong ng upo para pakinggan siya. Ako ay natutuwa na magkakasama pa rin tayo sa ika-siyamnapu't siyam na pagdiriwang ng araw kung saan naitayo ang Unibersidad na ito. At sa gabing ito, gusto kong makilala niyo ang Apo ako na isa na ding mag-aaral dito. Pagkasabi niya niyon ay tumingin siya sa kaniyang kaliwang gawi at nakangiti ito kay Kali. At ilang sandali pa ay naglakad na si Kali papalapit sa School Director. Hindi ko lang ako nag nagulat pati si Rose at lahat ng estudyanteng aandito ngayon. Apo siya ng Director dito? Kaya pala ganun nalang ang pag-aalaga sa kaniya ng mga Prof. namin. Kaya pala. Mayamaya pa nagsalita na ulit siya.  Mga Minamahal kong Normalista, ikinagagalak kong makilala niyo ang aking apo.  Kali Arsheya Sy. Villanueva Yumuko si Kali at saka tumingin sa gawi namin ni Rose, nginitian niya ako. At ilang saglit pa ay nagpalakpakan ang mga tao na aandito. Pagkatapos niyon ay nagpatuloy na ang mini concert namin.  Ang sumunod na nag perform ay yung Department namin. Pero hindi ko na ito pinagtuunan ng pansin at shock pa rin ako sa annuncement ni Director kanina. Hindi ko alam kung ilang minuto akong tulala, nagpakurap-kurap nalang ako ng sinisiko ako ni Rose. "Ano tulaley? Kakanta na sila Nj." kinikilig na sabi nito. Kaya naman nag-angat ako ng tingin sa stage, bigla akong ngumiti ng mapansin na nakitingin sa'kin si Nj habang sinasaklay ang kawit ng guitara sa leeg niya. At after a while ago nag-umpisa ng pukpokin ni Oliver ang drums, hudyat na mag-uumpisa na sila. Sa ginagawa niya, mas lalong nagsitilian ang mga estudyante doon. I love you na dito, Oliver Akin ka nalang, Mark Joshua, di na ako galit. Uwi na tayo! Bigla kami natawa sa sumigaw na iyon. Ewan ko kung sino iyon at kahit natatawa ako kay Nj lang ako nakatingin. Si Carl lang malakas!  May biglang sumigaw nun, kaya nag-angat ng tingin si Rose para hanapin kung sino 'yun. Kaya sinaway ko siya. At baka sugurin niya ito, baliw pa naman ito minsan. "Rose, hayaan mo-" natigilan ako sa sasabihin na yung mga babaeng nagkukumpulan sa likod namin ay sumigaw. Nj! Akin ka nalang! Mahal kita, Nj! Sabay-sabay na sigaw nila, dahilan para lingunin ko sila. Gago to! Sorry his mine na... gusto kong sabihin iyon, pero syempre sinarili ko na wala pa akong lakass ng loob para sabihin, at saka gusto kong private lang ang maging relasyon namin ni Nj, kasi pag marami ang nakaka-alam marami din mangingialam. Inirapan nila ako ng mapansin na napalingon ako sa kanila pero sa halip na patulan ko iyon nginitian ko nalang at saka bumaling na sa stage nang mag-umpisa ng kumanta si Nj.  "Bakit wala si Marijess?" tanong ko kay Rose nang mapansin na wala ito sa stage. "Hayaan mo yun. Makinig ka nalang." tugon ng gaga, wala siyang pake sa kanino at abala lang siya kakakuha ng video kay Carl kaya naman tinuon ko nalang atensyon kay Nj. If ever you wondered if you touched my soul yes you do Since I met you I'm not the same You bring life to everything I do Just the way you say hello With one touch I can't let go Never thought I'd fall in love with you Natulala na naman ako sa ganda ng boses niya, kaya hindi ko na alintana kung maingay ang nasa likuran ko, nakatingin lang talaga ako kay Nj. Ewan ko kung bakit humihinto ang mundo ko sa t'wing tinitignan niya ako ng ganyan, hindi naman siguro ang manhid para hindi makita na puno nang pagmamahal ang tingin niya sa'kin. Because of you, my life has changed, thank you for the love and joy you bring Because of you, I feel no shame, I'll tell the world it's because of you. Nagtama ang aming mga mata at mayamaya pa naglakad ito papalapit sa'kin. Habang siya ay kumakanta. Jusko, ang puso ko nagwawala na naman. Nang makalapit ay hinawakan niya ang kamay ko at saka dinala sa stage. Hindi ko alam kung ano na nag nangyayari sa paligid ko kasi tanging si Nj lang ang nakikita ko sa mga oras na ito.  The magic in your eyes True love I can't deny When you hold me I just lose control I want you to know that I'm never letting go You mean so much to me I want the world to see, It's because of you Ilang sandali pa, nakangiting inabot niya sa'kin ang mikropono kaya naman tinanggap ko iyon ng walang pag dadalawang-isip. At sa hindi mabilang na pagkakataon namalayan ko nalang na nagdu-duet na kami ni Nj. Because of you, my life has changed, thank you for the love and the joy you bring Because of you, I feel no shame, I'll tell the world it's because of you My life has changed thank you for the love and the joy you bring Because of you, I feel no shame, I'll tell the world it's because of you... Nang matapos ang kanta doon ko lang napagtanto ang ginawa ko at nagugulat akong napatingin sa audience nang nagsigawan ito at nagsipalakpakan. Napatingin ako kay Nj, nakangiti itong pinagmamasdan ako. "You did great, Baby." mahinang sabi niya sa'kin, saka humarap sa audience at nagsalita. "Ladies and Gentlemen, I would like to Introduce to you, My girlfriend, Francis Pauline Flandez from Education Department." Pagkasabi niya niyon ay humarap siya sa'kin at inaangat ang mukha ko habang hawak-hawak ang mikropono nito. "I love you, Miss Flandez." kasabay niyon ay lumapat ang kaniyang labi sa akin noo. Ang maingay na audience kanina ay mas lalong umingay sa ginawa ni Nj, at nakakasiguro ako na kasabay ng paghuruhumintado ng puso ko, ang pamumula ng mukha ko. Sana all... Napatawa ako at tinignan ko kung sino iyon, mga kaklase ko pala at saka muli akong bumaling  kay Nj, pinagkatitigan ko siya na para bang siya lang talaga ang tao doon. I know, It may be too early to tell him I love you, but ayaw ko ng lokohin ang sarili ko. I've never felt so perfectly happy and he is the reason why. Kaya kahit man saan kami dalhin ng tadhana, hindi ko pagsisihan ang naging desisyon ko na tanggapin at mahalin siya nang ganito kaaga. Palihim akong bumuntong-hininga at saka nginitian ko siya. "I love you too, Mister Advincula, I love you" I whispered. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD