"Saan tayo pupunta?"
Pagtatanong ko kay Nj habang nasa byahe kami. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Akala ko kasi kanin nang dumaan kami sa Mcdo ay kakain kami doon, yun pala nagtake-out lang siya. Natatakam na tuloy ako sa inorden namin pagkain kanina at umaalingasaw ang amoy nito sa dito sa loob ng kotse.
"Somewhere." simpleng tugon nito habang nakatuon ang atensyon sa pagmamaneho.
Sa halip na magtanong pa ay bumaling nalang ako sa tanawin na nadadaanan namin. Habang pinagmamasdan ang mga ito, nagkaka ideya na ako kung saan kami patungo, tinignan ko siya.
"Pupunta ba tayong MacArthur Park?"
Tumango lang ito at ilang sandali pa ay tumigil na ang sasakyan. Nagpatingin-tingin ako sa labas, andito na nga kami. Ang laki na pala talaga pinagbago ng park. Matagal na kasi akong hindi nakakapunta dito, bukod sa walang time, malayo ito sa bahay namin. Biglang bumukas ang pinto ng sasakyan kaya napabaling ako doon, binuksan na pala ni Nj, inilahad niya ang kamay sa'kin. Kaya naman inabot ko nalang ito hanggang sa makababa ako ng kotse.
Napatingiti ako ng sumalubong agad sa'kin ang malakas na hangin. Ang gandang pagmasdan ang tanawin, lalo na't hindi masyadong mainit.
"Ang sarap tumambay dito." wala sa sariling saad ko habang naka-upo sa gutter at nakatingin sa dagat. Matapos kasi ang malakas na bagyo noon, linagyan na ng pamahalaan ng Tacloban ng gutter ang dalampasigan for safety purposes. Napalingon lang ako kay Nj nang magsalita ito.
"You like it here?" nakangiting tanong ni Nj, habang inaabot sa'kin ang pagkain na inorder namin kanina.
Kinuha ko na din ang inabot na pagkain nito, at saka tumango. "Thank you. Oo gusto ko dito, sarap siguro mag star gazing dito." bukod kasi sa maganda nag tanawin dito, malawak ito at pag tumingala ka sa kalangitan t'wing gabi tiyak, kitang-kita mo ang mga nagkikislapan na bituin at walang nakaharang dito.
"We can go back here tomorrow night."
Na-excite ako bigla. Sana hindi umulan para matuloy kami. "Gusto ko yan, promise yan ha."
Tumawa siya. "Yes, Promise." Hinawi niya ang hibla ng buhok ko sa mukha. Natigilan ako. Parang tanga naman kasi, bakit ang sweet niya. Tangna pag ako talaga sobrang nainlove dito, ewan ko nalang kung papakawalan ko pa ito. "Kain na tayo, babalik pa tayo sa school." sabi niya, kaya tumango-tango ako at sinumulan na din kumain.
"Thank you" nakangiting sabi ko sa kaniya nang makababa kami ng kotse. Pagkatapos kasi namin kumain, tumambay muna kami ng ilang oras at saka niyaya ko na siyang bumalik sa school at panay text na si Rose kung nasaan na ako. Parang tanga lang di'ba? pag siya ang umaalis at iniiwan niya ako, hindi ko siya tine-text pero pag siya halos pumutok na ang inbox ko. Mamaya talaga to sa'kin.
"I'll chat you later, magpra-practice lang kami para sa mini concert mamaya." deklara niya.
Tumango ako. "Sige." tugon ko.
"Tara, hatid na muna kita sa cafeteria."
Umiling ako, "Wag na, pumunta kana sa Music Room baka hinihintay ka na nila." pagtutol ko at alam kong madami din silang gagawin ngayon, baka mapagalitan siya kaya naman umayaw na ako, ano ako lumpo para magpahatid pa sa kaniya, at saka boyfriend ko siya hindi ko siya body guard para kailangan ihatid pa ako.
Pagkadating ko sa cafeteria, abala ang lahat sa pag-aayos sa mga performers, kaya naman agad kong inilagay ang aking bag sa gilid at tumulong na din. Nakakahiya, paalis-alis ako, samantala sila hindi na magkaundagaga sa mga gawain. Ilang oras nalang din mag-uumpisa na ang mini-concert.
Habang nagkakabit ako ng hairdress sa buhok ng isa sa performer namin nang may tumawag sa'kin mula sa hamba ng pintuan kaya naman nilingon ko ito si Jeffrey pala, kaklase ko.
"Ano atin, Jeff?" tanong ko saka nagpatuloy sa pagkakabit ng hairdress.
"Pinapasabi ni Kali, puntahan mo daw siya sa Orc, dahil daw sa foods."
Hala oo nga pala, kailangan ng tulong ni Kali doon, madami kasi iyon. Umorder nalang kasi kami sa Mcdo ng pagkain para sa performers at para sa katulong namin sa paghahanda ngayon. Hindi na kami nag-abala pa para magluto at parehas kami ni Kali na hindi marunong magluto, ay ako lang pala at si Kali marunong daw siya ng konti.
"Sige, Jeff. Pupunta nalang. Salamat." sabi ko sa kaniya at saka tinapos ko muna ang pagkakabit ng hairdress, pagkatapos ay nagpaalam muna ako sa kasamahan ko dun bago pumunta sa Orc.
Nang makarating doon ay agad ko na din hinanap si Kali at nang makita ay agad ko na itong linapitan. Abala ito sa pag aayos ng burgers sa ibabaw ng mahabang mesa.
"Kali?" tawag ko kaya lumingon siya, pansin ko sa kaniya na parang galit siyang nakatingin sa akin kaya nagtanong ako. "May problema ba?"
Nagtaka naman ako bigla ng tinanong ko siya nun ay biglang lumambot ang mukha niya at saka nginitian ako. "Anjan ka na pala, Fp."
Bigla naman akong na awkward sa ngiti niya, gayunpaman nginitian ko nalang din ito. "Oo, pasensya na hindi kita napuntahan-" naputol muna ang sasabihin ko ng bigla siyang tumalikod sa'kin at may binulong na siya lang ang nakarinig. "Nagkabit kasi kami ng hairdress." pagpapatuloy ko nalang at saka lumapit na sa kaniya para tulungan siyang mag-ayos ng pagkain.
Sumulyap siya sa'kin habang kinukuha pa ang ibang pagkain sa box. "Okay lang." nakangiting sabi niya.
"Nag lunch kana ba?" tanong ko.
Umiling siya. "Hindi pa."
"Ha? Bakit? maglun-" naputol na naman ang sasabihin ko ng magsalita siya, hindi ko maintindihan si Kali ngayon, parang wala siya sa mood. Baka pagod na kaya ganyan.
"Yung kasabay ko kasing kumain mukhang nakakain na."
"Sino? Gusto mo samahan kita maglunch?"
Umiling ito. "No, thanks. Hindi naman ako nagugutom"
Humarap ako sa kaniya. "Sure ka? Sasamahan kita anong oras na din baka nagugu-" natigilan ako ng bigla niya akong sinigawan.
"I said, I'm not hungry!" nanlilisik pa ang mata nito. Nakulitan ba siya sa'kin? Tangna kasing bibig na ito, dumaldal nang dumaldal.
"I-I'm Sorry." paghingi ko nang paumanhin sa kaniya.
Ilang sandali pa ay nagsalita siya, "Cr lang ako." mahinahon na sabi niya, hindi niya na din ako hinintay maka-angat ng tingin sa kaniya. Nagmamadali na itong lumabas ng room dito sa Orc building.
Pinagmasdan ko lang siya hanggang sa makalayo na ito, pumasok naman si Rose.
"Anong nangyari doon kay Pretty?" maarte na natatawang tanong niya sa'kin nang makalapit.
"I don't know." kibit-balikat na sagot ko sa kaniya. "Ano ang ginagawa mo dito?"
"Bawal bang bisitahin ang kaibigan kong maganda." isinandal nito ang pang-upo sa mahabang mesa habang nakaharap sa'kin. "Maganda sana, kaso nagtatago na ng sekreto sa'kin." nakataas ang kilay nito habang nilalaro laro ang dulo ng buhok ko.
"Sasabihin ko sa'yo, humahanap lang ako ng pagkakataon." pag-amin ko, totoo naman talaga na sasabihin ko naman sa kaniya kanina pa kung hindi lang dumating sila Earlnov.
"So, boyfriend mo na si Nj?"
"Oo."
"Kailan pa?" nakangiting tanong nito. Yung ngiti pa naman nito ay hindi mo mawari kung pang demonyo o nanluluko.
"Noong nag bar tayo."
"Ahh" tumango-tango siya. "Okay"
Napakunot-noo ako. Yun lang? Hindi niya man lang ako pagsasabihan na bakit pumayag ako na maging boyfriend si Nj that instant? Yun lang talaga reaction niya?
"Bakit mo ako tinitignan ng ganyan? Alam kong maganda ako sa'yo, Fp." sabi nito nang mahalata niya na nakakunot-noo ako sa kaniya.
"Nakakapagtaka ka lang, hindi ka manlang nag react diyan." sambit ko habang ilalagay na ang pinaka last na burger sa mesa. Natapos din, sumulyap ako sa pinto, hindi na bumalik si Kali. Asan na kaya yun? Tinignan ko si Rose nang magsalita ulit siya.
"Kasi alam ko naman na hindi ka sasaktan ni, Nj. Pero kung sa iba yun, magagalit na ako at saka hindi mo na din iba si Nj, kabata mo na siya. Kaya kampanti ako."
Ngumiti ako. "Thank you." saad ko, kahit kailan talaga, the best talaga si Rose na kaibigan. Kahit minsan ay hindi pala minsan madalas walang filter ang bunganga. Kaya love na love ko ito at kahit ano ang gawin ko, support lang siya, basta alam niyang hindi ako mapapahamak o masasaktan. Kaya kahit hindi wala akong kapatid hindi ako nalulungkot at anjan si Rose para sa'kin.
"Duh." she rolled her eyes. "Tara na nga sa labas at magsisimula na ang concert."
Napatingin ako sa labas, gabi na pala. Kaya naman ay tumango ako sa kaniya at nagpahila na sa harap ng stage dito sa Orc.
Habang naka-upo kami dito hindi ko maiwasan na hindi magpalinga-linga, hinahanap ko kasi si Kali, kanina pa siya wala. Nag-aalala ako. Akma na tatayo ako ng may napansin sa likod ng stage, si Kali at si Nj? Hindi ko sure kaya gusto kong makita 'yon. Nang biglang magsalita ang emcee, kaya naman sa halip na puntahan ko iyon, umupo nalang ulit ako at naghihimutok na ang mga babae sa likod ko at nakaharang daw ako.
Ilang sandali pa nag-umpisa na ang concert, unang nag perform ay yung mga Social Work Department, Interpretive dance ang ginawa nila. Pagkatapos nila ay ipinakilala ng emcee ang susunod na mag pe-perform. Hanggang sa natapos iyon, mayamaya pa ay nahinto muna ang performance nang umakyat yung School Director namin. Ang kanina na maingay na paligid ay pansamantalang natahimik para makinig sa School Director namin.
Magandang Gabi sa inyong lahat mga minamahal kong Normalista. panimula nito kaya naman umayos akong ng upo para pakinggan siya.
Ako ay natutuwa na magkakasama pa rin tayo sa ika-siyamnapu't siyam na pagdiriwang ng araw kung saan naitayo ang Unibersidad na ito. At sa gabing ito, gusto kong makilala niyo ang Apo ako na isa na ding mag-aaral dito.
Pagkasabi niya niyon ay tumingin siya sa kaniyang kaliwang gawi at nakangiti ito kay Kali. At ilang sandali pa ay naglakad na si Kali papalapit sa School Director. Hindi ko lang ako nag nagulat pati si Rose at lahat ng estudyanteng aandito ngayon.
Apo siya ng Director dito? Kaya pala ganun nalang ang pag-aalaga sa kaniya ng mga Prof. namin. Kaya pala.
Mayamaya pa nagsalita na ulit siya.
Mga Minamahal kong Normalista, ikinagagalak kong makilala niyo ang aking apo.
Kali Arsheya Sy. Villanueva
Yumuko si Kali at saka tumingin sa gawi namin ni Rose, nginitian niya ako. At ilang saglit pa ay nagpalakpakan ang mga tao na aandito. Pagkatapos niyon ay nagpatuloy na ang mini concert namin.
Ang sumunod na nag perform ay yung Department namin. Pero hindi ko na ito pinagtuunan ng pansin at shock pa rin ako sa annuncement ni Director kanina.
Hindi ko alam kung ilang minuto akong tulala, nagpakurap-kurap nalang ako ng sinisiko ako ni Rose.
"Ano tulaley? Kakanta na sila Nj." kinikilig na sabi nito.
Kaya naman nag-angat ako ng tingin sa stage, bigla akong ngumiti ng mapansin na nakitingin sa'kin si Nj habang sinasaklay ang kawit ng guitara sa leeg niya. At after a while ago nag-umpisa ng pukpokin ni Oliver ang drums, hudyat na mag-uumpisa na sila.
Sa ginagawa niya, mas lalong nagsitilian ang mga estudyante doon.
I love you na dito, Oliver
Akin ka nalang, Mark
Joshua, di na ako galit. Uwi na tayo!
Bigla kami natawa sa sumigaw na iyon. Ewan ko kung sino iyon at kahit natatawa ako kay Nj lang ako nakatingin.
Si Carl lang malakas!
May biglang sumigaw nun, kaya nag-angat ng tingin si Rose para hanapin kung sino 'yun. Kaya sinaway ko siya. At baka sugurin niya ito, baliw pa naman ito minsan.
"Rose, hayaan mo-" natigilan ako sa sasabihin na yung mga babaeng nagkukumpulan sa likod namin ay sumigaw.
Nj! Akin ka nalang!
Mahal kita, Nj!
Sabay-sabay na sigaw nila, dahilan para lingunin ko sila. Gago to! Sorry his mine na... gusto kong sabihin iyon, pero syempre sinarili ko na wala pa akong lakass ng loob para sabihin, at saka gusto kong private lang ang maging relasyon namin ni Nj, kasi pag marami ang nakaka-alam marami din mangingialam. Inirapan nila ako ng mapansin na napalingon ako sa kanila pero sa halip na patulan ko iyon nginitian ko nalang at saka bumaling na sa stage nang mag-umpisa ng kumanta si Nj.
"Bakit wala si Marijess?" tanong ko kay Rose nang mapansin na wala ito sa stage.
"Hayaan mo yun. Makinig ka nalang." tugon ng gaga, wala siyang pake sa kanino at abala lang siya kakakuha ng video kay Carl kaya naman tinuon ko nalang atensyon kay Nj.
If ever you wondered if you touched my soul yes you do
Since I met you I'm not the same
You bring life to everything I do
Just the way you say hello
With one touch I can't let go
Never thought I'd fall in love with you
Natulala na naman ako sa ganda ng boses niya, kaya hindi ko na alintana kung maingay ang nasa likuran ko, nakatingin lang talaga ako kay Nj. Ewan ko kung bakit humihinto ang mundo ko sa t'wing tinitignan niya ako ng ganyan, hindi naman siguro ang manhid para hindi makita na puno nang pagmamahal ang tingin niya sa'kin.
Because of you, my life has changed, thank you for the love and joy you bring
Because of you, I feel no shame, I'll tell the world it's because of you.
Nagtama ang aming mga mata at mayamaya pa naglakad ito papalapit sa'kin. Habang siya ay kumakanta. Jusko, ang puso ko nagwawala na naman. Nang makalapit ay hinawakan niya ang kamay ko at saka dinala sa stage. Hindi ko alam kung ano na nag nangyayari sa paligid ko kasi tanging si Nj lang ang nakikita ko sa mga oras na ito.
The magic in your eyes
True love I can't deny
When you hold me I just lose control
I want you to know that I'm never letting go
You mean so much to me I want the world to see,
It's because of you
Ilang sandali pa, nakangiting inabot niya sa'kin ang mikropono kaya naman tinanggap ko iyon ng walang pag dadalawang-isip. At sa hindi mabilang na pagkakataon namalayan ko nalang na nagdu-duet na kami ni Nj.
Because of you, my life has changed, thank you for the love and the joy you bring
Because of you, I feel no shame, I'll tell the world it's because of you
My life has changed thank you for the love and the joy you bring
Because of you, I feel no shame, I'll tell the world it's because of you...
Nang matapos ang kanta doon ko lang napagtanto ang ginawa ko at nagugulat akong napatingin sa audience nang nagsigawan ito at nagsipalakpakan. Napatingin ako kay Nj, nakangiti itong pinagmamasdan ako.
"You did great, Baby." mahinang sabi niya sa'kin, saka humarap sa audience at nagsalita.
"Ladies and Gentlemen, I would like to Introduce to you, My girlfriend, Francis Pauline Flandez from Education Department."
Pagkasabi niya niyon ay humarap siya sa'kin at inaangat ang mukha ko habang hawak-hawak ang mikropono nito.
"I love you, Miss Flandez." kasabay niyon ay lumapat ang kaniyang labi sa akin noo.
Ang maingay na audience kanina ay mas lalong umingay sa ginawa ni Nj, at nakakasiguro ako na kasabay ng paghuruhumintado ng puso ko, ang pamumula ng mukha ko.
Sana all...
Napatawa ako at tinignan ko kung sino iyon, mga kaklase ko pala at saka muli akong bumaling kay Nj, pinagkatitigan ko siya na para bang siya lang talaga ang tao doon.
I know, It may be too early to tell him I love you, but ayaw ko ng lokohin ang sarili ko. I've never felt so perfectly happy and he is the reason why. Kaya kahit man saan kami dalhin ng tadhana, hindi ko pagsisihan ang naging desisyon ko na tanggapin at mahalin siya nang ganito kaaga.
Palihim akong bumuntong-hininga at saka nginitian ko siya.
"Ano pakiramdam ng may boyfriend ha?"
Tanong agasa'kin ni Rose pagkapasok niya sa kwarto ko, dala-dala ang isang tray na puno ng pagkain. After kasi ang nakakalokang gabi na iyon, napagdisesyunan ni Rose mag overnight dito sa bahay. Kaya naman kahit ang usapan namin ni Nj na ihahatid niya ako ay hindi na tuloy at may epal. Nagtagay din kami kagabi bago kami matulog syempre dito lang sa kwarto.
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "What do you mean?" nagmamaangan-maangan na sabi ko saka ipinagpatuloy ang pagssketch ng damit.
"Duh," maarteng sabi nito saka umupo sa kama habang nakaharap sa'kin mula dito sa study table. Plano ko kasing mag sketch maghapon at mamaya pa naman usapan naming gabi ni Nj na babalik sa MacArthur Park. "Arte mo ha, Hindi purket may boypie kana gaganyanin mo ako."
Natawa ako sa sinabi ni Rose kaya nag-angat muli ako ng tingin sa kaniya at saka isinarado ang ang aking sketch pad at tumayo at naglakad papalapit sa kaniya. Para kasing tanga ito.
"Okay lang naman pala pag may boyfriend." nakangiting sabi ko dito habang kinukuha nag ang pancakes sa maliit na mesa na iniligay niya malamit sa kama. Inabutan ko siya.
"So, ready ka na sa possibilities?"
"Anong possibilities?" nagtatakang tanong ko sa kaniya. Ano pinagsasabi nitong babae na ito.
"The bulldozer thing, you know." inosenteng nakangiting sabi nito saka nagbaba ng tingin sa'kin kaya naman tinabunan ko iyon ng unan. Ang bastos talaga nito kahit kailan.
"Whatever, Rose." nag-iwas ako ng tingin, may pagkakaiba pala talaga pag nag-uusap ng something ganyan pag single ka at taken. Kasi nung single ako, hindi ako na aw-awkward, pero ngayon, medyo na aw-awkward ako.
"May condom naman. Hindi ka mabubuntis." nanlulukong tinig nito. Baliw talaga itong babae na ito alam niya talaga paano ako asarin.
"Gago ka talaga, tangna ka." namumula na ata ang mukha ko sa hiya sa pinagsasabi niya.
"Sa una lang naman masakit, eventually yummy na."
Hindi makapaniwala akong nag-angat kay Rose na ngayon nakangisi habang nilalaro ang tinidor sa bibig nito. Kadiri talaga itong hayup na ito.
"Pag ikaw narinig ni Mama, lagot tayo."
Tumawa ito ng malakas. Aba nang-aasar talaga itong hayup na ito sa'kin. Pauwiin ko na kaya ito. Pero joke lang, hindi ko kaya.
"Akala mo hindi ko pansin na may nangyari sa inyo sa kwarto ni Nj kahapon ng pumunta kami ni Hon."
Para nabubulunan ako sa sinabi ni Rose, kaya dali-dali kong kinuha ang juice sa mesa at ininom ito ng walang hinga-hinga. Akala ko nakalimutan niya na.
"Papunta ka pa lang Fp, Pabalik na ako at beterana na." dagdag pa talag niya, hindi niya ba ako tatantanan. "Mag kwento kana." pilit niya akong pinapatingin sa kaniya, nagmamatigas ako pero malakas si Rose kaya sa huli ay tumingin na ako sa kaniya at nagkwento.
Hagalpak ang tawa niya ng matapos ako mag kwento at sapo-sapo ang tiyan na tumingin ulit sa'kin. "Tangna, epic fail pala yun. Sana kung hindi kami kumatok baka naararo ka na."
Iniligay ko ang baso sa mesa at humiga na nakatihaya ginawa kong unan ang aking dalawang kamay. "Buti nga na dumating kayo." Pasalamat naman talaga ako na dumating sila, hindi ko pwedeng hayaang ararohin ako ni Nj ng ganung kaaga, at saka hindi ko pa nga nasasabi kay Mama ang tungkol sa'min, papaaro na ako.
Napapihit ako ng higa sa kaliwa ko ng tumabi din sa Rose sa'kin. Parehas kaming nagkatinginan.
"Binibiro lang kita." panimula niya. "Ang ganyan bagay, hindi naman yan pinagpla-planuhan, nangyayari nalang yun bigla. Kaya wag mong seryosohin ang sinasabi ko. I'm just teasing you."
Ngumisi ako at saka bumangon. "Alam ko naman, hindi ka tatawagin na Rose kung hindi ka ganyan."
Bumangon na din ito. "By the way, si Kali pala apo ng Director natin."
Tumango ako. "Yeah, nakakagulat ano?"
"Oo." napansin kong umayos siya ng upo naka indian sit ito. "Hindi ka ba nagtataka kung bakit magkakilala sila ni Nj?"
Napakunot-noo ako sa tanong niya. "What do you mean?"
"Anong what do you mean, tanga ka ba? Hindi mo ba napapansin na parang sobrang close niya kay Nj, kahit hindi masyadong attach sa kaniya si Nj, parang may pinagsamahan sila."
Bigla naman ako nakaramdam ng kaba sa sinabi ni Rose, pero totoo, napapansin ko din iyon, kaya nga akala ko girlfriend siya ni Nj, at yung kahapon kung makasaklay siya ng braso kay Nj, at saka sa likod ng stage ng Orc, parang sila nga ang nakita ko. Wala naman sigurong masama kung tanungin ko siya mamaya.
"I'll ask him later, magkikita naman kami." yun lang nasabi ko.
Tulala ako simula pa nang maka-alis na si Rose, sinundo na kasi siya ni Carl. Nag-iisip ako paano ko tatanungin si Nj mamaya, paanong approach na parang normal lang. Hindi talaga ako palatanong tao, but he is exceptional, I'll ask him nalang- naputol ang iisipin ko ng tumunog ang cell phone ko kaya dinampot ko iyon at dali-daling binuksan.
Niks Advincula: Good Morning, Baby! Just woke up :)
Nakangiti akong nagtype agad sa cell phone ko. Tagal ng tulog ha. Maglu-lunch na kasi. Napagod ata kahapon. Exhausting day naman talaga kahapon, ako lang ata ang hindi nakaramdam ng pagod dahil sa nangyari kagabi.
Fp Flandez: Good Morning :) Want to come over for lunch?
Yayain ko siyang mag lunch at sasabihin na ko na kay Mama ang tungkol sa'min at ayaw ko na sa iba pa niya malaman, malamang magtatampo iyon.
Niks Advincula: Of course naman :) I'll take a bath then punta na ako jan. I love you.
Fp Flandez: Okay, Take your time :) I love you too.
Pagkasend ko sa chat ko ay dali-dali na akong lumabas ng kwarto at dumiretso sa kusina. Pagkarating ko doon, nakita ko agad si Mama sa may sink, kaya dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kaniya at niyakap mula sa likuran niya.
"Good Morning, Mama." masayang bati ko sa kaniya. Napansin kong nagulat si Mama sa ginawa ko kaya napatawa ako at mayamaya pa ay humarap ito sa'kin.
"Gusto mo na bang kumain? Mag prepare na ako for lunch."
Umiling ako. "Mamaya na po, Ma." panimula ko. "Ma, ininvite ko po si Nj mag lunch dito. Is it okay for you?" nahihiyang sabi ko kay Mama.
Bahagya tumawa si Mama. "Oo naman, Boyfriend naman yun ng baby ko."
Napaatras ako at nasapo ko ang bibig ko sa gulat. "A-lam mo Ma?" hindi makapaniwala talagang tanong. Sino naman ang hindi magugulat nun di'ba? Alam agad ni Mama.
Hinila ako ni Mama paupo sa high chair sa may Islang counter dito sa kusina. Magkaharap kami.
"Paano mo po nalaman, Ma?"
Tumawa si Mama. "Sinabi sa'kin ni Nj nung nag breakfast siya dito nung isang araw."
So, sinabi na pala ni Nj. Kaya naalala ko na sabi ni Aling Melda noon may kausap daw si Mama at mukhang bisita ko daw, yun pala yun. Unbelievable talaga itong Nj na ito. Naputol lang ang pag-iisip ko ng magsalita si Mama.
"Pero ang masasabi ko lang anak na know your limitations ha, mga bata pa kayo, Don't try to rush things that need time to grow. And remember that love is not a game na kapag natalo eh susuko o ibabago ang laro, na a-ayaw ka pag di mo na gusto. Di ka pwedeng mag time first para ito ay saglit na ihinto. Ano ka hilo? Love is all about commitment"
Napatawa ako sa huling sinabi ni Mama, at ilang saglit pa ay napatitig ako sa kaniya. Gusto ko sanang itanong ang about sa kanila ni Daddy kasi si ni Mama na love is all about commitment pero bakit naghiwalay sila ni Daddy, pero alam kong hindi ito ang tamang time para itanong iyon, some other time nalang.
"Mama," Malambing na sambit ko at saka bumaba ako sa high-chair para lapitan siya at yakapin. Masarap lang kasi sa feeling na ganito ang relasyon namin ni Mama.
"I love you and thank you, I'll totally take your advice seriously."
I heard her chuckled. "Dapat lang."
Pagkatapos namin mag-usap ni Mama, umakat ako pabalik ng aking kwarto para ichat si Nj kung nasaan na siya. Si mama naman ay abala sa pagluluto para sa lunch namin.
Fp Flandez: Where are you?
Pero mukhang offline kaya naman napabuntong-hininga akong inilapag ang cell phone ko, asan na kaya- natigilan ako ng tumunog ang cell phone. Dinampot ko agad iyon.
Unknown number calling...
Sinagot ko agad iyon, kahit hindi ko kilala ang tumawag.
Hello
I'm outside your house
Boses palang kilala ko na kaya naman ibinababa ko na agad ang tawag, at dali-daling humarap sa vanity mirror para tignan kong okay ang ayos ko nang matapos ay nagmamadali akong bumaba at saka nagtungo sa may gate sana, kung hindi ko lang nadatnan na nag-uusap sila Mama at Nj. Kaya nagtago muna ako sa carport para pakinggan ang pinag-uusapan nila. Pero mukhang nabigo ako at napakahina ng boses nila. Kakainis, akma na tatayo na ako nang natigilan ako ng may paang nakatayo sa harap ko, kaya nag-angat ako ng tingin. Si Nj, nakangiti ito. Napasulyap ako sa magkabilang kamay nito nang may dalang bulaklak at tatlong box ng Sansrival. Alam na alam ko iyon at paborito ko iyon kainin. Pero bakit tatlo? Tangna pupurgahin niya ba ako.
"What are you doing there, Baby?"
Nakaramdam naman ako ng hiya, tangna naman kasi bakit naman nagtago pa ako. Napaka chismosa ko kasi hayup.
"A-ah, wala, pinatay ko lang yung ant." nabubulol na sabi ko, takte naman anong pinatay ko ulit? Ant? ang arte mo ghorl. Langgam lang yun.
Tumawa lang ito at saka inabot sa'kin ang isang bungkus na puting rosas. Nahihiya ko itong tinanggap.
"Thank you." pabebe na tinig ko. Muntanga lang ano. Kala mo maganda kung mag-inarte. HAHAHA!
"Welcome, Baby." malambing na sabi nito.
Mayamaya pa ay napalingon kami ng sabay sa may pinto sa sala ng mangibababw ang boses ni Mama. Minsan wrong timing din si Mama sa kakiligan ko.
"Lunch is ready!" masayang anyaya niya sa'min.
Kaya tumango kaming dalawa at saka nakangiting pumasok na nang bahay at nagtungo sa round dining table namin.
"Thank you." nakangiti kong sabi kay Nj, nang pinaghila ako ng upuan, ganun din ang ginawa niya kay Mama. Gentleman ang gago, sweet pa. Para akong lukang napangiti.
"Why you're smiling, Anak?" biglang tanong ni Mama, dahilan para tignan siya, nagtataka ang mukha nito na nakatingin sa'kin, at napansin ko din na ganun din ang mukhang ni Nj. Ang tanga ko, bakit naman pangiti-ngiti, nakalimutan kong nasa bahay pala ako. Kunting tawa, ngiti lang ay big deal na.
"Ah" napahawak ako sa batok sa hiya. "Wala po, may naalala lang po, sige na kain na tayo." naiilang na sabi ko, buti nalang hindi na nagtanong si Mama, nagpatuloy nalang ulit ito sa paglalagay ng pagkain sa plate namin ni Nj.
Habang kumakain kami, napatingin ako kay Mama ng magsalita ito.
"Kamusta na pala sila Mommy mo at Daddy, Nj?"
Uminom mo na si Nj ng tubig bago sinagot si Mama. "They're okay po, Tita. Medyo busy lang po sa work nila at business nila sa states."
"Ah, Good." nagpatango-tango si Mama at saka nagpatuloy ulit kami sa pagkain, Maya maya ng unti nagsalita ulit si Mama. Si Mama daig pa ang interviewer daming tanong.
"By the way, Hijo, bakit dito ka pala nag-aral sa Tacloban, hindi hamak maganda ang Universities sa ibang bansa"
Sa pagkakataon na iyon sumandal ako sa upuan para pakinggan ang sagot ni Nj, yun din ang gusto kong malaman. Alam kong may rason siya bukod doon sa sinabi ni Rose.
Ngumiti ito kay Mama. "May naiwan po kasi ako dito. Kaya binalikan ko." kasabay niyon tumingin siya sa'kin. Yan na naman yang dimples niya at yang tingin niya, takte... Napatikhim ako para kontrolin ang sarili ko, nag-iwas ako ng tingin at saka uminom ng tubig. Parang nag-lockjaw ako sa sinabi niya. Hindi naman ako nag-aassume pero parang ganun na kaya dito siya nag-aral dahil sa'kin. Ako lang namn ang naiwan niya dito na babalikan niya. HAHAHA! Assuming.
"Tignan mo yung nagkukumpulan na star, parang rosary ano?" sabay lingon sa kaniya.
Nandito na kami sa MacArthur Park nakahiga sa isang puting tela at nakatingala sa milyong-milyong bituin, after namin mag lunch kanina, maghapon na nasa bahay si Nj, masaya lang akong pinagmamasdan sila ni Mama nag-uusap tungkol sa mga iba't ibang uri ng pagkain at kung ano ang mga sangkap niyon na gagamitin paglulutuin. At lalo akong humanga sa kaniya at ang dami niyang alam lutuin. Nagsulat pa nga siya ng mga ingredients para sa gagawin ni Mama na bagong templa ng barbecue.
Ngumiti ito, saka inilagay ang ulo ko sa bisig niya. Napangiti ako ng maramdam na matigas iyon. Hahaha hindi dahil sa iba ang naiisip ko, pero halata sa kaniya na nag ggym.
Parehas na ulit kaming nakatingin sa kalangitan.
"Tignan mo yung star malapit sa Moon. Ang laki niya." turo-turo ko sa bituin.
Pero hindi pa rin siya umimik naiisip ko tuloy na ayaw niya akong kausap. , kaya naman nilingon ko na naman siya, nakatingin pala ito sa'kin.
"Hindi ka nagsasalita?" nakasimangot na sabi ko sa kaniya. "Sabi ko tignan mo yung mga stars. Kanina pa ako nagsasalita dito pero hindi ka nagsasalita, alam mo ba yung feeling na para akong tanga na nagsasalita tapos walang sumasagot." pagdadaldal ko. "Bakit ka ba nakatingin sa'kin?" naiinis na sabi ko at panay tingin sa'kin. Muntanga.
"Because you're the star I look for every night, Fp."
Natigilan ako bigla sa sinabi niya sa'kin.
"You're my North star, Fp, whenever I lose my direction, I turned to you."
Na touch naman ako sa sinabi niya, kaya naman hinaplos ko ang kanyang mukha at pinagkatitigan ito ng mabuti.
"If I'm your star, I'll be your sky. Hindi kita iiwanan, if you're in the dark, tulad ng kalangitan na nakikita natin ngayon, I will stay hanggang sa lumiwanag na ito, Nj." senserong sabi ko sa kaniya, at saka napabuntong-hininga ako at dumukwang ng kaunti para maabot ang kaniyang mga labi, binigyan ko siya ng mabilisang halik.
Nang kumalas ako. Nakangiti ako sa kaniya at sinabi ang mga katagang. "I love you." pagkatapos ay humiga ulit ako sa braso niya at tumingila ulit sa kalangitan.
Katahimikan ang namamagitan sa amin ni Nj, hindi ko alam kung bakit kanina pa tahimik si Nj, parang ang lalim ng iniisip. Tanungin ko kaya kaya naman nag-angat ako sa kaniya ng tingin at akma na magsasalita ako ng maunahan niya ako.
"I have something to tell you."
Bumangon ako at naka indian sit ako while staring at him, ganun na din ang ginawa niya.
"What is it?"
Napansin kong nagda-dalawnag isip siya kaya naman hinawakan ko ang kaniyang kamay.
"Don't worry kung ano man iyon, I won't judge you."
Bumuntong-hininga siya bago nagsalita. "A-about Kali" he sail almost a whispered.
Napalunok ako bigla sa sinabi niya, pero ito na siguro ang time para malaman ko kung anong meron sa kanila.
"What about Kali?"
Pagkatanong ko iyon nag umpisa siyang mag-kwento. Na ang lolo at lolo ni Kali which is the school director namin ay matalik na magkaibigan at simula ng highschool sila ni Kali, napagkasunduan na ng mga lolo nila na maging sila ni Kali, kaya nung nalaman niya ito ay tumanggi siya sa gusto ng lolo niya, ganun din daw si Kali. Kaso daw ay mapilit nag mga lolo nila, sinabi pa na pag hindi daw sila pumayag na dalawa itatakwil daw sila, kaya naman nagpagkasunduan nila ni Kali na magpapanggap na mag syota sa t'wing anjan ang mga lolo nila.
Tumingin siya sa'kin na tulala lang nakatitig sa kaniya. "Galit ka ba, Baby?" may pag-aalala sa tinig niya. "Please, don't leave, gumagawa na ako ng paraan para matigil na ang ganitong kahibangan." dagdag niya.
Nakaramdam naman ako ng awa kay Nj sa halip na magselos para hindi ko magawa at may rason siya at kitang-kita ko kung paano siya nahihirapan sa sitwasyon niya, ang saklap namin kasi ang ganun. Akala ko sa movies lang nangyayari nangyayari nag ganito hindi pala, pati pala sa totoong buhay, kung sabagay mayayaman kasi. Pasalamat talaga ako na hindi ganun ang lola at lolo ko.
Napabuntong-hiniga ako. "I understand you, hindi kita iiwanan dahil sa nalaman ko." totoo hindi ako mababaw para hiwalayan siya, thankful pa nga ako at sinabi niya ang totoo.
"Totoo? Hindi ka galit?" parang naiiyak na sabi niya sa'kin. Kaya hinaplos ko ang mukha at hinalikan sa pisngi pagkatapos tinignan ko siya sa kaniyang mga mata.
"Hindi ako galit, Nj." panimula ko. "I understand you, kung kina-kailangan na magpanggap kayo ni Kali sa harap ng family mo, okay lang, kaysa naman itakwil kayo. At pinanghahawakan ko ang sinabi na gagawa ka ng paraan para matigil ito, kaya take your time, may tiwala naman ako sa'yo." seryoso kong wika sa kaniya. Siguro ito na lang ang way para gumaan naman ang dinadala niya sa puso. Iparamdam sa kaniya na naiintindihan ko siya.
Umiiyak itong niyakap ako. "Thank you, Baby, Yes, just trust me. I will do everything, just trust me."
Tinapik-tapik ko ang likod niya. "Shesssh!" pang-aalo ko sa kaniya. "Yes, I trust you."
Pagkasabi ko niyon ay kumalas siya sa pagkakayakap. He stared at my eyes for a couple of seconds before kissing me.
"I love you and Thank you." he whispered.
At masasabi ko na ito ang pinaka maligayang araw na nangyari sa'kin na kasama si Nj.
To be continued...