Niks Advicula: Take care, Baby!
I giggled myself. Nang Mabasa ko ang message na iyon galing kay Nj. Halos ko pa nga mabitawan ang hawak na milktea sa pagpipigil ko sa sarili. Matapos pala naming mag breakfast kanina ay agad na din kami nagtungo dito sa school. Buti na lang talaga hindi nagtatanong si Rose kung bakit naka lock ang kwarto ni Nj kanina. Pero of course may nanunuring tingin ito sa'kin. Napatingin ako sa cell phone ko ng tumunog ito.
Niks Advincula: Seen again...
Natawa ako sa pangalawang chat niya sa'kin. Ayaw niya talaga ang sine-seen. Kaya naman tumabi muna ako sa dadaanan para replyan siya.
Fp Flandez: Sorry, naglalakad kasi ako. Take care too!
Niks Advincula: Saan ka galing?
Fp Flandez: Bumili ng milktea nauuhaw ako.
Niks Advincula: Nagugutom ka ba? I'll buy you food or I'll cook for you.
Gusto kong tumawa ng malakas pero baka sabihin nilang baliw ako, kaya naman kagat kagat ko ang labi ko para pigilan.
"Hoy Tanga!"
Napalingon ako kay Rose nang tinawag niya ako. Piste, tanga talaga ang tawag niya sa'kin? Mukha ba akong tanga sa itsura ko ngayon? Tumatakbo siya palapit sa'kin mula sa sky walk, galing ito sa kabilang building. Halos araw-araw na ata siya nasa kabilang building, dapat mag shift nalang ito. Nang makalapit ito ay iniligay ko ang cell phone ko sa likod ng pantalon ko.
"Anong kailangan mo-" Naputol na ang sasabihin ko nang bigla niyang kinuha ang milktea ko. "Hoy!" aasta akong babawiin ang milktea pero nasipsip niya na ito.
Pinanliitan ko siya ng mata nang ibinalik niya sa'kin ang milktea.
"Patay gutom!" Galit na sabi ko sa kaniya. By the way expression lang naman ang word na Patay gutom, baka seryosohin niyo.
Tinawanan niya lang ako habang nginunguya-nguya ang pearl na nasipsip niya sa milktea ko. Sabay kaming napatingin sa gate nang marinig naming ang pagbubulungan ng mga schoolmates namin mga babae nang pumasok ang isang magarang itim na sasakyan sa malaking gate. Ilang sandali pa ay huminto ito sa harapan naming kaya naman nagtinginan kaming dalawa ni Rose na parang nagtataka kung bakit huminto ito sa harap namin, eh nasa bandang dulo pa naman ang parking lot. Mayamaya pa ay bumukas ang pinto ng sasakyan mula sa driving seat at passenger seat at dumungaw ang dalawang nagwa-gwapuhan na lalaki. Mas lalo nang nagsibulungan ang mga schoolmates namin na aandun.
Pagkalabas nila ay agad naman ngumiti sa amin ang lalaki na lumabas sa driving seat, naglakad ito papalapit sa'min.
"Pauline" nakangiting bati nito sa'kin.
Nagtataka akong nag-angat ng tingin sa kaniya. And who the hell are you? Hindi kita kilala, at bakit Pauline ang tawag mo sa'kin? Huli kong narinig na tumawag sa'kin na Pauline ay yung nanligaw sa'kin noong highschool. Si Earlnov? So itong kaharap ko si Earlnov?
"Earlnov?" mahinang tanong ko at baka mali ako ng hinala.
Tumango-tango ito. "Oo si Earln-" Napatigil lang ito sa pagsasalita ng bigla itong niyakap ni Rose. Kung sabagay close naman talaga kami dati naging awkward lang nang nagtapat siya ng feelings sa'kin. Chos.
"Earlnov!" nagagalak na sabi ni Rose nang kumalas na ito sa pagkakayakap sa kaniya. "How are you? now ka lang namin nakita?"
Sumulyap muna siya sa'kin at saka tumingin ulit kay Rose. "Kararating ko lang galing Manila." nakangiting tugon nito.
So, sa Manila pala siya pumunta after ng binasted ko siya? Kaya pala hindi na namin siya nakita after graduation. Tanga naman kasi alam niyang magbarkada kami, manliligaw. Sinabi ko na nga sa kanila na pagpang barkada lang, pangbarkada lang. Walang talo talo. Pero itong si tanga ay nanliligaw pa, akala naman niya sasagutin ko siya. Okay lang sana kung hindi ko siya kaibigan at papayag ako. Full package kasi ito kung baga. Magaling sumayaw, magaling mag basketball at matalino bunos na lang ang aking kagwapuhan nito.
Bumaling si Earlnov sa kasama kaya naman napatingin kami ni Rose sa gawa nito. Infairness pogi siya. "By the way, kaibigan ko pala si Mathew." pagpapakilala nito sa kaibigan.
Nagpakilala na din kami ni Rose at saka nakipagkamay.
"Ikaw, Pauline, How are you?" tanong niya sa'kin kaya umayos ako ng tayo.
Sasagot sana ako nang mapansin ko na mas lalong nagbubulungan ang mga babae na aandun, na para bang may farm ng bubuyog, kung kanina ay bulungan lang ng dumating si Earlnov, ngayon naman ay may pagtili pa.
My god! andito ang mga Thrm boys?" kinikilig na sabi ng isang babae sa kasamahan nito.
Ang gwapo talaga nila, lalo na si Nikolai
Basta ako, walang bias silang lahat pogi.
Nj, pa rin akin.
Pagkasabi nila niyon ay naghawakan pa ito ng kamay habang tumitili-tili. Ako naman ay agad tumingin sa direksyon nila Nj. Habang naglalakad sila papalapit sa'kin ay hindi ko maiwasang pagmasdan si Nj, tangna bakit ang gwapo niya pa rin kahit ang simple ng suot niya. Naka yellow t-shirt siya na may tatak sa harapan nito na Thrm naka-calligraphy style iyon at naka maong na punit-punit na pantalon at pinarisan niya ito ng adidas na sapatos, dagdagan ng sunglasses nito, ang lakas ng dating nito sa'kin? Pero bakit madilim ang mukha nitong tinitignan ako, napatingin pa ako sa paperbag na hawak niya sa kaliwang kamay. Ano yang dala niya? At bakit parang galit siya sa'kin? Galit ba? Siguro naman hindi, okay naman kami kanina.
Nang makalapit ang mga ito nagtataka akong sumulyap sa mga kasama ni Nj ng binati nila si Earlnov at Mathew. Magkakilala sila? How? Paano?
Pagkatapos ng batian nila ay bumaling si Earlnov kay Nj. Pero pansin ko sa'kin lang talaga nakatingin si Nj, parang tanga. Adik na adik sa'kin.
"Bud, It's been too long." ani Earlnov
Napatingin si Nj kay Earlnov pero muli naman itong tumingin sa'kin. "Yeah" yun lang, tipid na sagot ng ugok. Parang ewan talaga ito ngayon. Hindi ko alam kung anong trip nito at hindi manlang matanggal tangal ang tingin niya sa'kin.
Magtatanong sana ako sa kaniya bakit napadpad sila dito sa kabilang building nang biglang umalingaw-ngaw ang boses ni Kali sa pintuan ng cafeteria.
"Pinsan!" aniya habang tumatakbo papalapit sa direksyon ni Earlnov.
Ha? Magpinsan sila? Small world ha. Pagkalapit nito ay agad nitong niyakap si Earlnov, napangiti ako na ang sweet ni Kali. Kaya napagtanto ko din na baka nagkakamali lang ako ng hinala nang niyakap niya si Nj, baka ganun talaga si Kali, clingy. Pero bakit love ang tawag kung ganun? Hindi ako makapag-isip ng maayos at masyadong madaming revelation. Una, magkakilala si Nj at Kali; Pangalawa, magkaibigan pala sila Nj at Earlnov at Pangatlo, magpinsan si Earlnov at Kali. Small world nga!
Nagpailing-iling ako para mawala ang mga iniisip ko at saka bumaling ako kila Kali na ngayon ay naglakad papalapit kay Nj.
"Nj, what are you doing here?" she asked as she wraps her arms around Nj arms.
Napatingin ako sa nakapulupot na braso ni Kali at hindi ko maiwasang magtaas ng kilay habang nag-aangat ako ng tingin kay Nj, tinitigan ko siya, alam ko kahit naka sunglasses siya na sa akin siya nakatingin. Napansin ko din na nagulat siya sa ginawa ni Kali. But who cares, kung hindi niya tatanggalin ang kamay ni Kali. Magbre-break na kami ngayong araw.
Mas lalo ko pang tinaas ang kilay ko para mas mapansin niya ang pinahihiwatig ko. Napangisi ako ng maintindihan niya ang ibig sabihin ko kasi agad niyang kinuha ang braso kay Kali.
Good boy! bulong ko sa akin sarili
"Pauline"
Napaiktad ako sa gulat ng biglang hinawakan ni Earlnov ang kamay ko. Kaya napatingin ako sa kaniya.
"Magkakilala kayo?!" hindi makapaniwala na tanong ni Kali. Kaya naman napasulyap kami ng sabay sa kaniya. Sasagutin ko sana siya ng naunahan na ako ni Rose.
"Schoolmate namin si Earl noong highschool."
"Ex suitor ni Pauline."
Nagugulat akong napalingon kay Earlnov ng dinugtungan nito ang sinabi ni Rose, hayup ka! necessary pa ang sabihin iyon.
"Awit!" natatawang sabay nasabi ng kasamahan ni Nj, tawang-tawa si Carl.
Narinig kong bahagyang natawa si Nj, kaya napatingin na naman ako sa kaniya. But this time, tinanggl na nito ang sunglasses kaya kitang-kita ko na ang matalim na tingin nito sa'kin at nakatiim na bagang nito.
"So, dating manliligaw ka pala niya." sabay turo niya sa'kin at tumingin ito kay Earlnov.
Tumango si Earlnov. "Yes, Bud..." sabi niya saka nakangiting bumaling sa'kin. "Pero ngayon na andito na ulit ako, liligawan ko ulit siya. Kung wala pa siyang boyfriend."
TANG INA! BAKIT NANGYAYARI SA'KIN ITO! PATAYIN NIYO NALANG AKO! laglag ang panga ko na nagpapalipat-lipat ng tingin kay Nj at Earlnov.
Ilang saglit pa ay nagsalita ulit si Nj. "Tanungin natin si Fp, kung may boyfriend na siya. Do you have a boyfriend, Fp?" nagtaas na ito ng kilay sa'kin at his evil smile directed at me and all I could do is to looked away.
Hindi ko alam ang sasabihin. Napansin ko din na sa'kin sila lahat nakatingin na tila bang nag-aantay sa sagot ko. Tangna naman ano ang sasbihin ko, hindi pwedeng sabihin kong boyfriend ko si Nj, nakakahiya, baka sabihin nila easy to get ako, at saka hindi pa alam ni Rose na mag syota kami ni Nj. Pwede bang mag walk-out?
Nabuga ako ng marahas na hininga, bahala na sasabihin ko na, ganun din naman malalaman din nila ang tungkol sa amin ni Nj. Akma na magsasalita na ako ng biglang hnawakan ni Rose ang ang aking braso.
"Walang boyfriend si Fp, Earl, kaya pwedeng-pwede mong ligawan" magiliw pa ang pagkakasabi niya nito.
Napapikit ako sa inis na nararamdaman ko, gusto kong tahiin ang bibig ni Rose sa mga oras na ito, gusto ko siyang sabunutan hanggang sa makalbo siya.
"Let's go" boses iyon ni Nj, kaya napa-angat ako muli ng tingin sa kaniya, at nang magtama ang aming mga mata malamig itong nakatingin sa'kin.
Ilang sandali pa ay napatingin nalang ako sa kamay ko ng kinuha niya iyon at isinaklay ang paperbag na dala.
"Eat well." sabi niya at pagkatapos niyon, walang imik na tinalikuran ako.
Nagbaba ako ng tingin sa paperbag, sinilip ko iyon kung ano ang laman napaawang ang labi ko na mapagtantong pagkain iyon. Mukhang bagong luto ito. So, kaya pumunta siya dito para ihatid itong pagkain?
Nag-angat ako ng tingin para tignan kong nasaan na sila Nj, naka-akyat na ito sa sky walk pababa na sa kabilang building. Kaya naman hindi na ako nagsayang ng oras, tumakbo na ako papunta sa kaniya.
"Wait!" hingal na hingal na pigil ko sa kaniya nang mahawakan ko nag kanyang pulsuhan.
Natigilan sila at sabay-sabay na napalingon sa gawi ko. Pero nakatingin lang ako sa mga mata ni Nj, ilang sandali pa ay nagsalita si Nj sa mga kasama na iwanan na muna kami, na susunod nalang siya sa music room. Tamo, busy pala siya nag-abala pa siyang lutuan at hatiran ako ng pagkain.
"Linutuan mo ako?"
"Di'ba I chat you na I'll cook for you." malamig na sabi nito na para bang may pagtatampo sa tinig niya. Nagtatampo ba siya sa sinabi ni Rose kanina? Takte, kasing babae na 'yun masyadong madaldal. Tinitigan ko si Nj, nagtatampo nga ito, at madilim pa rin ang mukha nito, pero paano ko susuyuin? Hindi ko alam manuyo.
"Hindi mo naman sinabing ngayon? Akala ko patanong ang chat mo na 'yun."
Nakapamulsa itong sumandal sa railings dito sa sky walk habang nakatingin sa'kin. "Bakit mo ko hinabol? Di'ba nagpapaligaw ka kay Earlnov." sabi na eh, tungkol nga doon kaya nag walk-out siya kanina.
"Hindi ko sinabing magpapaligaw ako dun." pagtatama ko sa kaniya, totoo naman na wala din akong balak magpaligaw doon kahit single ako. Kaibigan lang talaga turing ko kay Earlnov. "At saka bakit ako magpapaligaw may boyfriend ako." dagdag ko.
Napansin kong sumilay ang multong ngiti niya sa sinabi ko. "Sino ang boyfriend mo?" inosenteng tanong niya sa'kin.
Ano ba naman, kinikilig ako sa titig niya sa'kin. Nakakainis... ang cute mo.
"Sino pa ba? Di'ba ikaw naman ang boyfriend ko" nakangiting sabi ko.
Siguro naman hindi ako mahuhusgahan kung malaman nilang may relasyon kami ni Nj, naniniwala na ata ako sa nabasa ko nung isang gabi sa feed ko na Relasyon ang Pinapatagal hindi ang Panliligaw. Though, hindi naman ako niligawan ni Nj, boyfriend ko naman agad siya, pero nakastick ako sa sinabi niya na mahalin ko lang siya at liligawan niya ako araw-araw. At nararamdaman ko naman iyon na gagawin niya ang sasabihn niya. Kung hindi man, edi iiyak nalang at iinom. Pero sa ngayon, I'll give it a try.
Ngumiti si Nj, sumilay tuloy ang maliliit na biloy niya. Ang gwapo mo talagang hayup ka.
At ilang sandali pa ay nanlaki ang mga mata ko ng hinila niya ako papalapit sa kaniya at saka niyakap ako. Takte, alam kong pinagtitinginan kami ng mga dumadaan dito, kaya naman binaon ko ang aking mukha sa dibdib niya.
I heard him chuckled.
"Have you eaten?" I asked para lang mahibsan ang hiya na nararamdaman ko sa mga oras na iyon.
"No, I haven't"
Kumalas ako sa pagkakayakap niya at hinarap siya. Ito ang unang beses na tinitigan ko ng sobrang malapitan si Nj, kahit naman ay nag halikan na kami hindi ko naman iyon masyadong natitigan. Gusto ko lang naman sana sabihin na kumain kami pero napansin ko ang mukha niya. Ang galing sobrang kinis, daig pa ata ako kasi kahit isang butlig wala.
"Ano skin care mo? Wala kang kapores-pores. Sana all." hindi ko talagang mapigilan ang magtanong, kinis e.
Napansin kong natigilan siya sa tanong ko, may mali ba sa tanong ko? Wala naman di'ba? nagtatanong lang naman. Wala naman atang masama kung ishare niya ang skin care niya.
Maya-maya pa ay tumawa siya, at ginulo ang buhok ko. Kaya naman ay sinimangutan ko siya. "What?" pabebeng sabi ko. edi waw, landi ko ghorl.
Umiling-iling siya habang tumatawa, "Wala." atsaka tumayo siya at hinawakan ang kamay ko. Napatingin ako sa magkasiklop naming kamay at saka nag-angat muli ng tingin sa kaniya. Magtatanong sana ako kung saan kami pupunta ng hinila niya na ako pababa ng sky walk hanggang sa makarating kami sa parking lot.
"W-where are we going?"
Sinulyapan niya lamang ako at saka walang imik na inalalayan papasok ng sasakyan niya. Nagtataka akong sinundan siya ng tingin pasakay sa driver seat, nginitian niya ako habang pinapaadar ang sasakyan at saka mayamaya pinaharurot niya na ito palabas ng paaralan.
To be continued...